Hindi ko alam.
I feel like there's something going on with me and Corbyn.
Kausap ko ang sarili ko habang naghuhugas ng mga plato. Pumasok si Corbyn habang ako naman ay day off. Ang daming day off sa kompanya namin. Buti na lang kahit walang pasok mayroong sweldo.
Kahapon kasi matapos akong sunduin, nagka-usap kami about sa mga nangyayari sa amin lately. Hindi na nakaalis sa utak ko 'yung pangyayari kagabi.
"Nagka-halikan kayo 'no?" Nakalimutan kong nandito nga pala si Dorothy. Nabigla tuloy ako. "Jusme, nagulat ako sa'yo." Hawak ko ang dibdib ko. May sabon pa kamay ko.
Natawa naman s'ya. Balak pa talaga mang-asar.
Nagulat ako no'ng kinurot n'ya pisngi ko. "Pulang-pula na ang pisngi ng bebe ko!" Kaagad ako napatakip ng mukha. Lumayo ako at tumingin sa salamin.
Namumula nga ako!
Umiling-iling ako. Hindi ito puwede. Hindi ito puwede. Paulit ulit ko na inulit sa utak ko na hindi nga ito puwede!
Napalingon ako kay Dory. "Ano? Nagka-halikan nga ba kayo?" Inalala ko na lahat na nangyari kagabi.
- Flashback -
"Ah! Sa wakas! Nakauwi na rin!" Tinig ko matapos naming umakyat ng ilang floors gamit hagdan dahil naka-under maintenance ang elevators.
Halos mabali-baliw kami sa kaka-akyat. Pero hindi rin naman namin naramdaman dahil ang tamis ng kwentuhan namin. "Talaga? Hindi ko nahalata pagod mo." Pananaray ni Corbyn. Natawa ako.
Sinamaan ko s'ya ng tingin nang maibalik ko sa kanya ang mga mata ko matapos ilagay ang mga gamit ko sa kwarto ko. "So what? Nag-rant lang naman ako." Inis na inis na kasi ako roon sa mga babaeng hilig umaligid sa kanya sa trabaho.
Hindi naman sa ayaw ko may babae s'yang kasama. Hindi. Hindi naman 'yun 'no? Napa-iling ako kaagad. What is wrong with you, Nana?
"Totoo, namang nagugulo ka nila. Parati na lang nagpapatulong at nagpapaturo. Abay, nagapply pa sila." Kumuha ako ng tubig sa ref. Uhaw ako kahit papano.
Narinig ko s'yang napatawa ng mahinhin. "Or are you just jealous?" Nilapitan n'ya ako. Ang isang kamay n'ya ay nakapatong sa pintuan ng ref habang ang isa ay naka patong sa pintuan sa freezer. Para bang tinatanggalan ako ng pwesto para makalakad.
Lumalagok akong masama ang tingin sa kanya. Dahilan para tumulo onti ang tubig mula sa gilid ng mga labi ko. Nagulat ako nang punasan n'ya 'yun gamit ang daliri n'ya.
Nagkatitigan kami saglit nang s'ya ang humiwalay ng tingin. Hinabol s'ya ng mga mata ko habang may kinukuha s'ya sa isa sa mga cabinet.
"Gumamit kasi ng baso." 'Yun ang lumabas sa bunganga n'ya. Hampasin ko nga s'ya. Akala ko kung ano na 'yung ginawa o kinuha n'ya. Akala ko may mangyayari na naman. Umiwas ka kaagad ako ng gawi at napahawak sa labi ko.
Shit! Namumula na ako. Uminom tuloy ulit ako ng tubig. Narinig ko ang singhal n'ya. Nabigla ako nang hilahin n'ya ako sa bewang at hawakan ang mukha ko.
"I told you to drink from the cup." Mapungay ang mga mata na sumalubong sa gulat kong mukha. Ibubuga ko sana ang inumin ko ngunit napalunok na lang ako dahil naramdaman ko ang pag-init ng katawan ko.
Ang lapit n'ya.
Ramdam ko ang pagkahina nang lalo n'ya akong ilapit sa kanya. Habang palapit ng palapit ay naramdaman ko na ang init ng hininga n'ya. Hanggang sa pati init ng tingin n'ya.
Ipinikit ko mga mata ko. Kusa nang gumalaw ang katawan ko. Pati na rin ang mga labi ko nang dumapo rin ang labi n'ya sa ibabaw nito. I felt the softness. Dahan-dahan n'ya itong ipinagsama.
Totoong halik 'to. Hindi desperado. Hindi uhaw. Malambing at malinamnam.
"Masarap sa pakiramdam." Bigla akong nabalik sa realidad nang maibulaslas ko 'yun. Tumili naman ang Dorothy n'yo. "Ah!" Tinig n'ya.
Napatakip kaagad ako sa mga tenga ko. Hindi ko talaga maintindihan bakit kami nagka-halikan ni Corbyn.
"Dala lang siguro ng mabuting hangin?" Parang wala na sa wisyo kong sabi. Lalong ikinatuwa ni Dorothy ang sinabi ko. "Alam mo. Isang bagay lang naman kasi 'yan."
Bagay na parang ayaw ko marinig. Bagay na hindi ako handang marinig. Ayaw ko, hindi pwede, at imposible.
"Gusto mo s'ya."
Napa-upo na lang ako ng maayos. Para bang may nag-ring sa utak ko na hindi ko maintindihan. Hindi ko rin naman kasi maintindihan itong feelings ko.
Pero alam kong tama ang sinasabi ni Dorothy.
"Hindi naman pwede mangyari ito, Dory." Pagdadahilan ko.
"Bakit naman hindi?" Seryoso na ang tingin at tono n'ya. Alam n'yang malalim ang pinanghuhugutan nitong usapan namin. Na hindi lang isang bagay na basta-basta lang sumusulpot sa usapan namin.
"Oo, si Corbyn ang tatay ng baby ko. Baby namin. Pero, hindi ako handa magkagusto. Magmahal. Alam mo naman ang puno't dulo n'yang lahat. Alam mo rin ang sakit na naramdaman ko. Alam mong bakit ikakasira ng puso, buhay, at utak ko kapag nahulog ako." Halos mangiyak-ngiyak ko nang sabi kaya tumigil ako.
"D-dory." Utal kong tawag.
"I can't and don't want to see any future where not only the person I like or may love will also leave my child. I can't let history repeat itself. I can't let something that shattered and traumatized me happen to my child. Gano'n ang takot ko, D-dory." Sa pangalan n'ya na ako nasira.
Ito ang epekto sa'kin nito. Walang kaso sa'kin ang magmahal o magkagusto. Natatakot ako na masaktan ako. Ika nga nila, "No one is afraid to love, but everyone is afraid of a broken heart."
Narinig ko s'yang huminga ng malalim. "But that's love, Nana."
"You choose to fight, not flight. You choose to risk, not just kiss." Hinawakan n'ya ang balikat ko. "To love is not losing yourself, but pain will always come with love. It's a cause and effect that's beautiful. Nasa iyo na kung papakawalan mo ang sarili mo sa loob ng pagmamahal mo."
Hindi ako pumipikit. Dinamdam ko ang mga salita n'ya. Inintindi ko ang mga 'yun. "Masyado atang mabilis." Isa na namang pagdadahilan ko.
"Hindi mo matatakasan ang pag-ibig, Nana kung 'yan talaga ang naka-alay sa'yo. Mabilis man o mabagal. 'Yan ang plano para sa'yo ng Diyos. That is fate, my love." Hinalkan n'ya ang noo ko.
Tuluyan nang bumagsak ang luha ko kasama ang katawan ko.
Someone dying is unacceptable already, but losing someone even though their alive. Being left, unwanted, and the feeling of them killing their identity that you've known all your life and loved. Is a different level of death na hinding-hindi ko kayang tanggapin.
Pero ang plano ng diyos, kakayanin.
Tahimik kami ng ilang minuto. Hinahagod n'ya ang likod ko habang nakasandal ako sa kanya hawak hawak ko ang mga tuhod ko. Nanghihina na parang bata na kailangan ng umaalalay rito tuwing umiiyak.
I feel hopeless, defeated, and scared, but at the same time I feel loved and blessed. A two in one thing ba, dahil may anak na akong minamahal, pati na rin tatay n'ya. Halfway na ako sa pagmamahal kay Corbyn.
"Bakit kasi ang bait n'ya? Ang caring. Ang guwapo. Ang talino. Bakit?" Nasa kanya na ata lahat.
"Marespeto sa pamilya ko at mga desisyon ko. Nakikinig at nakikisama sa mga galit, rant, moof swings, at kwento ko. Marunong magbiro at nakikihalubilo. Gusto n'ya ang mga mahalaga sa'kin, ay mahalaga rin sa kanya." Napatingin ako kay Dory. Tuyo na ang mga luha ko.
Sa mga pinagsasabi. Doon ko lang na-realize ang isang bagay. "Bakit ko ba pinipigilan ang sarili kong mahulog sa kanya eh the fact na kilala ko s'ya bilang Corbyn mismo, malaki nang bagay para mahulog ako sa kanya." Sa ugali pa lang. Sa pagkakakilanlan ko sa kanya. Hindi ko masisisi ang mga nagkakagusto sa kanya.
Kahit sarili ko, na pinangakuan kong hindi pa magmamahal. Hindi ko masisisi bakit ba hindi ko napagilan ang sarili ko mahalin ang isang tao na katulad n'ya.
"Sana tama 'to." Napasabunot ako sa buhok ko. "Sana maganda ang ending nito." The ending is what I am awaiting.
Sa dulo ba ng lakbay naming ito, mananatili ba s'ya sa dulo? O iiwanan n'ya rin kami, ng anak namin.
Handa ba talaga s'ya tulad ng sabi n'ya? O baka ako ang hindi pa handa sa aminan na mangyayari pag hindi ko na ito kayang itago.
"Bahala na." Sagot ko na lang sarili ko.
Hindi ko na ipipilit ang utak kong intindihin pa ang mga bagay na ito. Kung para sa akin, akin na. Kung hindi, edi f**k the world. Bahala na.
Narinig kong tumawa si Dory sa gilid. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Bakit?" Nananaray kong tanong.
Umiling s'ya. "Finally, katapat mo. 'Yung tipong 'di mo matatakasan sa pag-ibig." Napatingin s'ya sa paligid. Sinundan naman ng mga mata ko ang pinupuntahan ng mga sulyap n'ya.
This room, this unit, kay Corbyn 'to lahat. Anak ko, kay Corbyn. Puso ko, sa kanya na rin. Abay, kapal ng mukha!
"Tsk. Umiikot na ata mundo ko sa kanya." Napahawak ako sa ulo ko. Nahihilo ata ako sa mga naiisip kong biglang pumapasok sa utak ko.
Natawa ng malakas ang katabi kong baliw. "Hey, just remember." Biglang seryoso n'ya. Sabi sainyo, baliw 'yan eh.
Bahagyang nagmukhang nagtatanong ang aking mukha nang iharap ko ito sa kanya.
"Mahalin mo parin ang sarili mo. Don't give your all. Don't lose your all and yourself. At higit sa lahat, 'wag mong kakalimutan na susuportahan ka namin. Nandito kami parati sa likod mo. The support system and the people who will save you from your fall. I love you. We, love you." Napatigil ako.
Sinampal ko s'ya sunod. "B-bakit mo ba ako pinaiiyak." Napatakip ako sa mukha ko.
Pagkasilip ko sa mukha n'ya, umiiyak na rin s'ya. Pinalo ko s'ya sa braso. "Ano ba?!" Iyak ko na may kasamang singhot. "Ikaw kasi!" Nanisi pa nga.
Tumango ako. "Alam ko."
"Ang alin?" Binatukan ko s'ya.
"I'll remember everything you said. I know it. I'll do it." Ngiti ko. A night that made me rethink all my feelings about love. My friend that wants me to cherish love.
The feelings that I realized for someone that I am bound to love.