Pagod na pagod ako nitong mga nakaraan. Palapit na nang palapit ang pasko. Malayo pa naman. Pero kailangan ko na maghanda ng pera para sa mga gastusin.
Ang dami ko na naman inaalala. Stressed na naman ang momshie n'yo. Napahawak tuloy ako sa sintido ko. Nandito ako sa table ko. Nai-istress din sa binigay sa'king modules no'ng boss ko. Gusto n'ya na kasing magsimula na ako sa pag-aaral ulit para sa boards ko sa engineering.
Buti na lang at may naalala pa ako. Inuna n'ya ituro sa'kin at bigyan ako ng examples mula sa tinackle namin no'ng first year. Papagawan n'ya rin daw ako ng thesis. Para akong ginagawang baliw, 'no?
Napahinga ako ng malalim. "Ah!" Alala ko sabay solve. Narinig kong may pintuang bumukas pero hindi ko pinansin. Bahala muna sila r'yan. Kakatapos ko lang no'ng pinapagawa nila.
Joke. Employee ako rito. Baka assistant lang ako. 'Wag kang choosy, Nana. Wala ka sa lugar.
Tumayo na ako at binuksan ang pintuan. Syempre, kumatok muna ako. "Ano po 'yun?" Nakita ko silang mga nag-uusap. Mukhang tinatawag nila ako kanina. Binuksan ko na tuluyan 'yung pintuan.
"I told them you were gonna do refreshment modules and take the board." Parang may naipit sa lalamunan ko. Bigla akong na-hotseat! Nagkatinginan silang lahat sabay lingon sa'kin.
Pumasok na ako ng tuluyan. Napalunok ako. Wala akong mailabas mula sa lalamunan ko. "A-ah." Usisal ko. 'Yun lang kinaya ko. Ano ba, Nana?!
Nagulat ako no'ng ngumiti sila. "Actually, that's great. When we first saw and reviewed your résumé. We knew who you were." Napakunot ako kaagad. Lumapit ako sa kanila. Baka nagkamali lang kasi ako nang dinig.
"Ano po?" Hindi ko masyadong gets. "You're that Civil engineering student graduated with flying honors with full scholarship, right?" Dinagdag nito after ang college ko. "Sikat pala ako?" Napatakip kaagad ako sa bunganga ko. Ngayon naman sumosobra ka na, Nana.
Natawa sila. "Yeah. A lot of professors recommended you to various firms and companies." Sabi no'ng isa.
Tumango naman silang lahat. Napatingin ako kay Bossing na nakangit at tinataasan ako ng kilay. Proud na proud si Anteng, naglagay sa'kin dito. Para akong fish tapos sila sharks. 'Di ko man lang naramdaman maging pirana.
"We're quite surprised that you applied here when you could've applied at Cristelas Corp." Sambit no'ng isa. Umiling kaagad ako. "Hehe. Ayaw ko po roon." Tipid kong sagot. Ayaw ko talaga roon. Walang akong mapapalang matino roon.
Ikinagulat nila sagot ko. "It's good that you want to come back in the field of engineering." Napangiti ako. "It has never left my mind." Totoo 'yon. Ang dami ko talagang regrets. Na sana, sana lang. Nag-boards ako rati. But right now, that sana. I know in my heart, mangyayari. Kasi ipupursige ko.
Nagkwentuhan kami bakit nga ba hindi ko naituloy at ngayon lang ako makakatuloy. Tinuruan din nila ako ng mga tips and techniques. Tinulungan nila ako sa modules ko. Lumalabas para akong bumalik college kung saan sila professors ko.
"Bait po pala nila." Uwian na namin. Inabot na kami ng overtime sa gawain. May mga hindi pa kasi kami natapos kanina na pinahabol ng head. Pero okay lang. Humingi rin sila ng tulong mula sa akin sa mga gawain nila.
Natawa si Bossing. "Gan'yan lang mukha ng mga gurang na 'yan, pero mababait sila. Kabado ka kanina 'no?" Nang-asar pa nga. Sinamaan ko tuloy s'ya ng tingin. "Pakaba kaya. Biglaan akong tinawag sabay tungkol sa pagiging engineer." Nguso ko.
Hindi s'ya rumeact. "Be proud of yourself, Nana."
Napapikit ako ng ilang beses. "Because we're proud of you." Tumagos sa puso ko ang mga salitang binitawan n'ya. I have never thought about anything about me, that way.
"You've been through a lot, and is going through a lot right now. Marami ka ng napatunayan, and you keep on continuing to do that. Give yourself credit, okay?" Hinawakan n'ya ang balikat ko at tipid akong ningitian.
Para akong na-estatwa roon sa mga sinabin n'ya. Hindi ko alam anong sasabihin ko. I felt speechless. Pero sabi nga ng iba, hindi lahat ng bagay nabibigyan ng sagot o reaksyon.
Hangin na ang bahala magsabi. Basta ako, I realized a lot with those words. Biglaan man, totoo 'yun. Mabilisan man 'yung pangyayari at pagbitaw ng mga salita. Iba ang epekto at impact sa'kin no'ng mga 'yun.
"Una na ako! Good luck sa modules mo!" Kinayawan n'ya ako. Naka-abot na pala kami sa baba. Kanina pa pala ako nagse-space out. Kumaway ako pabalik. "Thank you sa lahat! Ingat!" Mula kanina no'ng maglakad kami, 'yun lang ang lumabas sa bibig ko.
Everything in this world are just full of surprises.
Bigla akong natawa. May naalala pa akong surprise. Literal s'ya. Iba rin ang epekto n'ya sa buhay ko. "I think you're the most unexpected and important thing that has happened to me." Bulong ko sa sarili nang hapuin ko ang tiyan ko.
Nagulat ako no'ng may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Alam ko kaagad kung sino ito sa porma pa lang at tint no'ng kotse. Sumakay na ako kaagad. Another thing that's unexpected but important.
Pagkasara ko ng pinto ay kaagad akong napatingin kay Corbyn. "You hungry?" Tanong n'ya kaagad sa'kin. Natatawa naman akong umiling.
"Bakit naman 'yan ang naisip mo?" 'Yun kaagad ang bungad n'ya sa'kin. "Ang random mo naman." Dagdag ko.
Napangiti s'ya. Tumingin na s'ya sa daan para makamaneho na s'ya. Sinasabayan n'ya na kasi ako umuwi parati simula no'ng tumira ako sa condo n'ya.
"Hinahawakan mo kasi tiyan mo kanina. Akala ko nagugutom ka na. Ayain sana kita sa lugawan-
"Hep! 'Wag mo akong ma-temp temp d'yan! Bawal din 'yan sa'yo." Napa-cross arms ako dahil doon. Nasabihan na kasi kami no'ng doctor na 'wag na muna kumain ng gano'n. Madalas na kasi akong nahihilo. Dahil daw sa mga bawal. Hindi naman sa mismong lugaw ang bawal.
Tok'wat baboy ang bawal. Pero, mas masarap kasi ang lugaw pag may kasamang gan'on. Napaisip tuloy ako.
"What if nga?" Tanong ko bigla. Natawa s'ya kaagad. "Hindi nga pwede satin." Inirapan n'ya ako! Pinalo ko nga s'ya sa braso.
Loko-loko talaga.
Naka-iwas ang mokong! Ngumuso ako. "Ganda ganda ng araw ko tapos papapangitin mo." Nagulat ako nang igilid n'ya 'yung kotse. "Ano?"
Hala. Nagalit ata.
"Itong mukha ko? Nakakapangit pa ng araw." Sampalin ko nga s'ya ng marahan. "Baliw ka!" Sigaw ko sa kanya. Natawa naman s'ya sa'kin. Tinalikuran ko nga s'ya.
Pilit n'ya akong hinaharap sa kanya. Bahala s'ya r'yan! S'ya kamo gwapo 'di ba, hanap s'ya kausap n'ya. Akala ko nagagalit na s'ya. Kasalanan 'to ni Bingo. Nanghahawa na.
"Hey, Nana. I was just joking." Huling hila n'ya bago ako tigilan at ibalik sa daan 'yung kotse. "Hmp!" Tunog ko. Wala. Nagtatampo na talaga ako.
Ang bilis ko magtampo. Feeling ko sa hormones 'yun. Napasulyap ako sa kanya. Nakanguso rin s'ya. "Kwento mo na day mo." Parang bata. Naku-cutan ako sa kanya! Pinisil ko pisngi n'ya.
Mula sa pagkanguso n'ya kanina, napalitan ito ng tuwa. Dahil doon kwinento ko araw ko sa kanya.
Kwinento n'ya na rin araw n'ya sa'kin. "Nakakainis na talaga sila." Pag-rant n'ya. Natatawa na lang ako. Pero naaawa na rin ako sa kanya kasi napakabusy na talaga n'ya lately.
Sana hindi bumigay 'yung katawan n'ya. Alam ko namang kaya n'ya. Alam kong kaya namin ito. Matagal ko nang kwinento sa kanya na gusto ko bumalik sa pagiging engineer. I mean, matagal ko nang gustong i-pursue ang pagiging engineer.
"I think you should go for it." Ang sagot n'ya no'ng kwinento ko sa kanya na gusto ako isama minsan sa site at sa pag-gawa no'ng mismong mga plates. Para raw mahasa ako. Napangiti ako.
"It's for experience. Hindi naman nila papagawin sa'yo lahat. Baka nga walang ipagawa, pero para rin masagutan mo 'yang module mo at mas may alam ka beforehand pumasa ka ng board." Napangiti ako.
Tinitigan ko s'ya. I love how sincere he is when jt comes to things like these. "Sure na sure?" Natatawa kong banggit. Tumango s'ya proudly and with confidence. "Pinaka-sure na sinabi ko aa buong buhay ko." May pataas kamay pa s'yang nalalaman.
"Have faith in yourself. Like what your boss told you." Dagdag n'ya na ikinatameme ko na nanaman. Busog na busog ako sa mga salita nila sa'kin.
"I will." If I can't say it to myself, I will prove myself to them. For them. And eventually, to myself.