CHAPTER 23

2240 Words
Napatingin ako sa salamin. Hindi naman siguro halata tiyan ko. Eleven weeks na rin akong buntis at grabe na ang hormones ko. Kino-comfort na lang ako ni Corbyn tuwing napapaiyak ako sa mais na hindi kulay orange. 'Yun ang cravings ng mommy n'yo ngayon. Pero hindi naman ako nataba. Siguro 'yun na kasi structure ng katawan ko. Slim. Okay na 'yun, baka mapaghalataan pa kasi akong buntis ngayon. Sama mo pa, pupunta ako sa bahay nina Mama. Birthday n'ya kasi ngayon. Pupunta kami ni Dory. "I'm coming." Napalingon ako sa likuran ko. Si Corbyn na nakaayos ang buhok at naka-polo shirt. Napakagat ako ng marahan sa labi ko. "Akala ko ba may emergency na naman 'yang kompanya mo?" Naiinis na kasi ako sa dalas n'yang wala. Hindi naman sa attachment issues. Pero parang gano'n na nga. Umiling s'ya sa'kin sabay tinignan ako mula paa hanggang mukha. Napatigil ang mga mata n'ya sa labi ko dahilan para i-nguso ko ito onti. "Mataba ba?" Health conscious na ako. Hindi lang pala health. Conscious na ako sa lahat ng bagay. "You look perfect." Tinabihan n'ya ako para makita rin s'ya sa salamin. Hinawakan n'ya magkabila kong braso dahilan para maiharap n'ya ako sa kanya. "Stunning." Ngiti n'ya. Natawa naman ako. "'Yan 'din laging sinasabi sa'kin ng boss ko!" Sumimangot kaagad s'ya. Napabalik ang tingin at katawan ko sa salamin. Naka-maxi dress ako. I want to hide the bump. Uso rin kasi ito ngayon at sabi ni Mama matching daw dapat kami. Perfect timing 'di ba? Pero matching din kami ni Corbyn ng color ah. Tinernohan ata ako nito. "Bakit ba gan'yan boss mo?" Napangisi ako at marahan na itinulak mukha n'ya. "Baka ako ang dress-up doll n'ya! And, favorite employee n'ya ako. Don't worry, 'di ako type no'n." Kinindatan ko s'ya matapos patutsadahan. Ngumisi rin ang mokong. Nag-iba kaagad ang mood. "Ikaw ba? Sino type mo?" Balik n'ya. Napaisip ako kunwari. "Hmm." Usisal ko. Biglang may tumunog na doorbell. Ano ba naman 'to? Nang-aasar pa ako. Nabigla ako nang hawakan ako ni Corbyn sa bewang at ilapit ang mukha n'ya sa mukha ko. Unang dumapo ang mga tingin ko sa labi n'ya. Bakit kasi ganito height difference namin?! "Let's talk about this later." Para akong nawalan ng hininga no'ng sinabi n'ya 'yun. Kaagad nag-init ang katawan no'n. Pero no'ng puntahan n'ya ang pinto, nakahinga naman na ako. Grabe ang hingal ko. Parang halik- Saglit! 'Wag mo aalahanin, Nana. Iba na kasi pagtingin ko kay Corbyn nitong mga nakaraang araw. Napapangiti ako na ewan. Napa-iling iling ako. Sabi nang 'wag isipin. Napasulyap ako sa gawi nila. Parang delivery guy? Ay hindi. Parang familiar. Pero hindi ko rin maisambit kung sino ito. Napa-kurap ako onti. "Nana! Come here- Nevermind." Lumapit nalang ako kahit nag-iba isip nito. "Bakit?" Tanong kong nakanguso. Napahawak ako sa balikat n'ya. Nawala na 'yung kausap n'ya. "Pakilala sana kita sa Boss ko. Pero wala na s'ya? Biglang nawala. Hayaan mo na. Let's get inside." Inakbayan n'ya ako papasok matapos isara ang pinto. Ang weird naman. Maya-maya, matapos kong mag-ayos. Kumuha ako sa ref ng cubed mixed fruits. Nagugutom na naman ako. "Baunan ba kita?" Umiling ako. "Kainan na 'yung pupuntahan natin." Ngumunguya kong sinabi. Kaagad kong naalala na biglaan nga lang pala ito sumama sa amin ni Dory. "Oo nga pala, bakit mo ginusto sumama?" Tanong ko sa kanya. Napalingon naman s'ya mula sa gawi n'ya. Nag-sisintas s'ya ng sapatos n'ya habang nakaupo sa sofa. "Gusto ko ng putchero." Ngiti nitong sagot. Natawa ako. "'Yun lang?" Umarte pa s'yang nagiisip ng malalim. Tumingala s'ya sa'kin no'ng lumapit ako sa kanya. Sinubuan ko s'ya no'ng fruits. "Gusto ko batiin si Tita." Namumualan ito. Napangiti ako. Tumango ako sabay tanong. "Ano pa?" Sinimangutan n'ya na ako. "Nakain ako!" Halos hindi na n'ya maisambit. "I want to spend time with you." Nagulat ako nang tumayo s'ya bigla at ilapit ako sa kanya. Hinila n'ya ang bewang ko papalapit sa katawan n'ya. "C-" Natigilan ako nang may bumukas ng pinto. Saka lang ito kumatok no'ng nakapasok na. Kaagad kong tinulak si Corbyn papalayo sa'kin. Napaiwas naman s'ya ng tingin. "Hoy, Ano 'yan?" Entrada naman ni Dory. Napakamot ako sa batok ko. "Ano ba 'to? Issue naman. Porket nabigyan susi. Halika na nga." Binunot ko na saksakan ng mga appliances sabay kuha sa bag ko. "Una na kayo sa kotse." Iniabot sa'kin ni Corbyn ang susi. Tumango na lang ako at hinila si Dory. Habang papunta sa kotse ay nakatingin sa'kin 'to ng makakahulugan. "Ikaw ah." May patulak-tulak pa s'yang nalalaman. "Ano na naman ba?" Ramdam ko na init sa katawan ko. Mainit ba rito sa labas? "Nasira ko ba moment n'yo? Kambal ba aim n'yo?" Pinalo ko s'ya sa braso. "Gago ka." Panimula kong bulong. "Sikreto nga. Baka may makaalam na media rito. Ingay ingay mo." Naiinis kong dagdag sabay tingin sa paligid. Delikado na kasi. Lalo't nang ngayon pa lang bumabalik kaayusan sa kompanya nila. In a week nagawan agad nila paraan. Magic. Pero okay na 'yun, kaysa sa 'di mapakali pwet ni Byn. Sumakay na kami ng kotse. Ako na nagbukas. Umupo ako sa driver's seat. "Ikaw raw magmamaneho?" Halatang ayaw n'ya na ako ang mag-drive. Tumango ako. Asarin ko nga. "Ingatan mo buhay ko, please. Kay Tita lang punta natin pero mukhang langit magiging final destination ko." Nag-speech pa nga. With teary eyed effect ang lola mo. "Arte mo naman. Nag-aral kaya ako." Hindi talaga. Kung ano lang alam ko dati 'yun na 'yun. Pero sabi naman ni Corbyn, okay naman ako magmaneho. Kung hindi mabilis, mabagal daw. Edi kayo na magaling. Wala naman kasi akong kotse for practice. Unless, bigyan nila ako. "Si Nana magda-drive?" Abay tinanong pa nga ni Dory kay Corbyn nang pumasok s'ya sa likod. Si Dory kasi umupo sa passenger. "Yup!" Natutuwa nitong sagot. "Ha?!" Tinig ko nang lingunan ko s'ya. "Ano?!" Gulatan na hindi ko mapaniwalaan ang sinabi n'ya. Natawa s'yang napaturo sa'kin. "Ikaw na nand'yan. Ikaw na mag-drive. Male-late tayo pag nagpalit pa ng upuan." Sumandal s'ya ng maayos. Feeling prinsipe! "Hoy, hindi ko kaya 'to." Nangingiyak kong sabi. Hindi na nila ako pinansin. Napapikit ako ng mariin. Ano ba naman 'tong kasama ko! Namerwisyo pa! Pinaandar ko na ang sasakyan. Okay naman pagmaneho ko. Para sa'kin smooth na s'ya. "s**t!" Napapreno ako ng biglaan. Nakita kong napahairflip si Dory. "Palit na tayo." Mahinahong sabi ni Corbyn. "Sabi sa'yo, eh." Nguso ko. Kaagad s'yang nakipagpalit ng upuan. Si Dory naman ay mukhang hindi pa nakaka-recover. Nang mag-drive si Corbyn, doon na talaga ang smooth driving. Kumanta na lang kami ni Dory habang nasa biyahe. Ilang oras din, sa wakas nakarating na rin kami. "Mama!" Sigaw ko na parang bata. Kahit no'ng nakaraan, kagagaling lang namin dito. Namiss ko kaagad s'ya. Napangiti ako no'ng s'ya ang bumungad sa'kin matapos kong buksan ang pintuan. Si Dory at Corbyn and may dala no'ng mga regalo at pasalubong na ihinanda namin. Ako, dala ko lang sarili ko. Baka buntis 'to! "Nana!" Niyakap n'ya ako ng mahigpit. Matchy-matchy talaga kami ng suot. Akin peach, sa kanya olive green. "Hi, Ate!" Naka-ayos din ang kapatid ko. Masyadong naka-ayos. Kumunot ang aking noo. "May chicks ka 'no?" Tanong ko sa kanya. Kaagad namang umiling. Nakita ko si Corbyn at Dory na bumati kay Mama. Tatlo silang napatingin samin ng kapatid ko. "Kuya, Byn oh! Si Ate, kung ano ano na naman sinasabi!" Abay nag-sumbong panga. Pinanliitan ko ng mata si Corbyn. "Wala ako d'yan." Tinaas n'ya mga kamay n'ya habang may bitbit na gamit. Tinawanan s'ya ni Dory. "Masyado ka namang under." Pang-asar nito. Napatingin tuloy ako kay Mama na nakangisi na. "Asus! Mga kabataan talaga! Gusto ko ng apo." Halos mamatay ako sa sinok no'ng binanggit 'yun ni Mama. Nakita ko rin na namutla si Dory habang si Corbyn ay malapit nang kunin ng liwanag. "Bakit?" Nakangisi parin nitong tanong. Umiling ako. "Wala naman po. Masyado pa pong maaga, Ma. Pasok na tayo." Change topic ko na lang. Makahulugan kong tinignan si Dory at Corbyn. Si Corbyn, namumula na. Napasulyap ako kay Nabu, iba na rin tingin nito. Si Mama naman kasi! Mahahalata na kami nito. Pagpasok namin nando'n na ibang kamag-anak namin. Pati ang pinsan kong may gusto kay Dory. "Ay! Minsan nga, Dory, Anak. Dalhin mo jowa mo. Binalita sa'kin ni Nana meron ka na raw." Duro sa kanya ni Mama. Na-hotseat s'ya bigla kahit kakaupo n'ya pa lang. Si Corbyn ay tumulong sa paghanda namin ni Nabu sa set up ng kainan. "Hala, Tita! Wala pa po!" Kaagad nitong deny kahit namumula na. Tumabingi ang mukha ko. "Talaga?" Narinig kong tumawa ng mahina si Corbyn. Sinimangutan n'ya ako. "'Wag ka ngang ano! Masyado kang fake news!" Depensa nito. Narinig ko namang um-oo pinsan ko. "Tama! Wala pa s'yang jowa." Tayo nito sabay lapit kay Dory. Kaagad namang lumayo si Dory. "Talaga? Bakit may "pa" sa sentence mo?" Binelatan ko s'ya. Sinoportahan naman ni Corbyn ang pangangasar ko. "Correct!" Thumbs up nito. Nakita kong namula na si Dorothy. Natawa na lang kami lahat. "Ikaw ba, Nana. Kailan mo ba aaminin." Parang kinagat ako ng Dinosaur sa kaba. "Po?" Playing cool ko. "Aamin na kayo na." Tinignan nila si Corbyn matapos akong tignan. Napatingin tuloy ako kay Corbyn. Umiling naman ako kaagad no'ng magka-eye contact kami. "Hindi! Magkaibigan lang po talaga kami. Kayo naman po, talaga." Nguso ko sabay layo. "Hoy! Natakas." Patutsada ni Dory. Nag-make face na lang ako bago dumeretso sa kusina. Matapos nilang ihanda. Dahan-dahan kong nilabas ang cake habang nagke-kwentuhan sila. Money cake binili ko. "Happy birthday to you." Panimula ko sa pagkanta. Tamang-tama naka-video na sila. Sorry ah, scripted kasi 'tong handaan. "Ma, naman! Hindi pa tapos ang pag-blow ng candle umiiyak ka na! Pano ka pa magbo-blow?" Angal ko na may halong padyak. Pinunasan n'ya luha n'ya. Wala pa man din, umiiyak na kasi s'ya. Alam ko naman kung bakit. Another year, another blessing. One of the most important and known quote in our family. "Make a wish." Ngiti ko. Nilapit ko na sa kanya ang cake. Sumisinghot s'yang tumango. "Thank you, Lord. Sa pamilya ko. Sa mga anak ko. Lalo na kay, Nana. Tanging hiling ko." Kumuha s'ya ng hininga. "Gusto ko pa makita ang future ng mga anak ko. Ang future na may apo sila. Na may anak sila. Na successful sila. Gusto ko ma-wittness ang mga 'yun. Pero kung hindi man- "Ma." Pigil ko. Inilingan n'ya ako. Lumuluha na rin ako kaya hinagod ni Dory ang likod ko. "Sa sakit kong ito, matagal na. Matagal na akong namumuhay at thankful ako roon. Kung hindi ko man makikita ang kinabukasan ng mga anak ko. Okay lang din. Ang mahalaga po sa akin, Lord. Ang ngayon. Salamat at kasama ko sila." Bumagsak ang luha ko nang pumikit ako at hipan ni Mama ang kandila. Narinig kong mga huminga ng malalim ang mga mahal ko sa buhay. "Mama, matagal ka pa mamumuhay." Bulong ko habang hinahagod ang balikat n'ya. Hinakawan n'ya ang kamay ko. "Pero hindi ako habang buhay, swerte at mabubuhay, Nak." "Kainan na!" Buti at sinigaw 'yun ng pamangkin ko. Ayaw ko na ng ganitong usapan. Kumain na kaagad kami. Hindi naman sa wala ako sa mood. Nakikihalo-bilo pa ako. Pero may bagay na gumugulo sa isipan ko. Dahilan para lumabas ako matapos kong magligpit ng kinain at maghugas. Pinanood ko silang maglaro at magkantahan habang ginagawa ang mga kailangan kong ligpitin. "Labas lang ako saglit." Paalam ko kay Mama. I feel like I'm being suffocated. Nakangiti itong tumango. Nakiki-saya sa mga kamag-anak namin. Huminga kaagad ako ng malalim at napasandal sa pader nang makalabas ako. Doon na nagsibuhos ang mga luha ko. "Hindi s'ya gumagaling, Corbyn." Iyak ko. Alam kong sinundan n'ya ako. "She will." Kaagad n'ya ako nilapitan at niyakap. Umiling ako. "Her meds aren't working anymore. Kailangan ng bago. Mas mahal 'yun. Iba na namang treatment. Iba na namang doctor." Iling-iling ko habang nakasandal sa dibdib n'ya. Pilit kong hinihila ang mga mangas n'ya. Na para bang gusto kong tanggalin 'yun sa pagiging helpless ko. "Wala akong m-magawa." Sira ko nang boses ang bumulaslas mula sa bibig ko. Nakita kong nag-alala s'ya bigla. "Shush. Marami kang nagawa at ginagawa. For her and for your family. You'll get through this. We'll get through this. Nandito kami." Hinalikan n'ya noo ko. Onting-onti ako nakaramdam ng pag-manhid. Tinitigan ko na lang ang mga mata n'ya. Hinawakan n'ya ang magkabila kong pisngi. "She's strong." Ngiti nitong komplimento matapos silipin si Mama sa bintana. Ginaya ko s'ya. Natawa ako. "Manang-mana ka." Napangiti ako. "I wish her a long and healthy life. May her wishes come true." Kabog ng dibdib dahil aa kinabukasan ang umiibabaw sa tenga ko. Ma, kung alam mo lang. Ikakabaliw ko ang pagkawala mo. Ikaw ang pinanghahawakan ko, Ma. Marami pa akong kailangan ipakita sa'yo. Stay with me please. Maya-maya ay pumasok na kami. Inayos ko ang sarili ko. Hindi rin nagtagal, no'ng kagabihan ay nagsi-uwian na dahil papasok pa kinabukasan. Niyakap ko si Mama bago kami maghiwalay. "I love you, Mama." Natatawa n'yang hinigpitan ang yakap. "Ito naman! I love you, Anak ko." Hinawakan n'ya mukha ko. Tinitigan ko mukha at mata n'ya. Gano'n din ginawa n'ya. Ningitian n'ya ako. "Uwi ka na, gagabihin pa kayo. Malayo pa uuwian n'yo." Tumango ako. "See you." Paalam ko. I don't want goodbyes. Let him be the last. 'Wag na itong mga natira at nadagdag. Please, Lord. Let them stay here with me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD