CHAPTER 22

1824 Words
"You sure you're okay?" Iiwanan kasi ako rito ni Corbyn sa house. Although, na-familiarize ko na. May something wrong. May hindi ako mapinpoint na nakakalimutan kong 'wag hawakan. "Yup! Go to work na! Ako na bahala rito." Lilinisin ko na lang 'yung bahay. Day off kasi namin sa work pero biglang pinatawag si Corbyn. May emergency raw. I think may kinalaman sa biglang onti ng demands nila. Simula no'ng lumabas si Senadora Cristelas sa news about sa ninanakaw nitong funds. Lalo nang nawala ang may tiwala sa Cristelas Corp. Hindi naman sa pagiging biased. Pero, 'Wag naman sana madamay si Corbyn do'n sa pagbagsak ng kompanya nila. Natawa ako sa sarili ko. Napasulyap sa'kin si Corbyn. "What's so funny, Mommy?" Ang hilig na n'ya akong tawaging Mommy simula no'ng dito na ako tumira. Umiling-iling ako. "Nothing. Just remembered something funny." Pagdadahilan ko kahit ang sama ko ro'n sa part na sana si Corbyn lang hindi madamay. Hindi ko gusto ang Cristelas. Pakiramdam ko kasing totoo mga issue nito. Natanong na sa'kin dati ni Corbyn bakit pakiramdam kong totoo ang mga ito. Isa lang binigay ko sa kanyang dahilan. At 'yung ay dahil sa anak ng may-ari. The way she had a company after her name and all her achievements followed. Pero kung makasagot aa korte akala mo hindi updated. "Hey, if it's about our company. They're a good corporation. Stop thinking bad things about them." Narinig n'ya nasa utak ko. I shrugged. "Okay, sabi mo." Pero sa totoo, ayaw ko talaga. Na-offeran ako r'yan dati. Kaya inimbistiga ko ang mga benefits at attributes ng kompanya. There's something fishy. Sakto pa the day after ng statement ni Senadora, may mga alleged business partners sila na mga kinulong. Ang fishy nila! Nangati ilong ko. Pinitik n'ya ako sa noo na ikinagulat ko. "I think lipat ka na kasi samin or gayahin mo si Bingo." Nguso ko. Iniba ko na topic. Choice n'ya naman mag-stay sa Cristelas. Pero ayaw ko s'yang manatili roon. He could've build his own company fo petesake! Umiling s'ya. "I know we aren't perfect. And that we really do have our shortcomings. But look at the postivie sides. I owe them plenty." Ngiti n'ya sa'kin. Marami talaga s'yang utang na loob doon. I understand that. He also speaks on their behalf. Huminga ako ng malalim. I guess I just have to trust and support him. "Okay. Ingat ka." Umalis na s'ya matapos no'n. Habang nasa sofa ay kumain ako ng popcorn. Nanood na lang ako ng kung ano. "Ayon!" Pag-alala ko. Bawal ko hawakan gamit ni Bingo. Napatingin ako sa malaking box na nakatayo sa gilid ng unit. "Paano ko naman nakalimutan 'yan?" Bulaslas ko. Ang laki-laki na nga. Nagtaka ako sa biglang kumatok. Wala naman kami inoorder ah. Hindi rin si Dory o si Bingo. Parehas silang wala. Hindi ko na pinapansin 'yung nakatok. Nagulat na lang ako nang mabuksan ito. Kaagad ako tumakbo papalapit sa kusina. Kung ako nadulas, lagot talaga sa'kin 'to. Ang baby ko! "Hey? Why is no one opening the door? Good thing I have a- f**k?!" Napatingin ako sa kanya matapos magpop-up mula sa counter. "Ano ba, Bingo?! Ikaw pala 'yan?!" Tinig ko. Grabe s'ya. S'ya lang pala. Napakunot ako. Nakaupo na s'ya sa sahig. "Bakit ka nandito? 'Di ba sa ano pa flight mo?" Napakamot pa ako sa ulo ko dahil sa short term memory ko. Madalas na talaga ako makalimot lately. Hindi ko alam kung bakit. Pero baka sa hormones lang. "You almost killed me, Woman!" Tinuro n'ya pa ako habang nakahawak ang isang kamay n'ya sa dibdib n'ya. Natatawa akong mala-villain. Takutin ko nga 'to. "Alam mo? Sakto ka. Parang gusto ko ng dugo at atay." Ngiti ko. Sabay kinuha ang pinalipad kong kutsilyo. "s**t!" Tinig ko. "Okay ka lang ba?" Kutsilyo pala naibato ko. Tinignan ko katawan n'ya. Inangat angat ko 'yung ibang parte ng katawan n'ya. Wala namang sugat. "Ngayon mo lang ako titignan? Kung kailan nasabihan mo na ako na gusto mo atay ko." Mangiyak na nitong sabi. Napakamot ako sa gilid ng ilong ko. "Hehe. Ito naman! Akala ko intruder. At maganda palang nababatuhan ka. Napapatagalog ka bigla. Sakit na ng nose ko sa'yo ih." Sabi ko. Tinulungan ko s'ya makatayo. Hawak-hawak ko sa kabila kong kamay ang kustilyo kaya umiiwas s'ya. "Bakit ka ba naparito?" "You know, you're good in English. I don't get why you keep saying that sumasakit na ilong mo?" Nguso nito. Sinabayan n'ya ako pumunta sa kusina. Sabay namin binuksan ang ref. "Gusto mo nito?" Turo ko sa kanya sa pancit canton. Parang gusto ko ng noodles. Tumango s'ya. "'Yung accent mo kasi." Tsaka ko s'ya sinagot at kinuha ang pancit canton. Iinit ko na lang. Nagluto kasi ako last time kaso mo 'di ko naubos. "Still, I heard you speak at a conference meeting in abroad. I just can't pinpoint when." Napanguso ito. May iba pa s'yang kinuha sa ref. "Wanna hang?" Sunod nitong tanong. "Okie. Pero bakit ka muna narito?" Tanong ko. Hindi ko rin napansin 'yung sinabi n'ya kanina. "Hm! I remembered now! You were that woman who my boss wanted to steal from your lame ass company!" Tinig nito. Ang short naman ng attention span nito. "Ay! Gusto mo coke?" Alok ko. Naalala ko lang kasi. Tumango s'ya. "Pero hindi s'ya lame ass. I worked there for years." Paliwanag ko. Umiling s'ya. "If they really thought of you as a valuable employee, you should've been one of the last to be kicked. Since, you are their foundation and last resort to raise the company." Tinulungan n'ya ako maghiwa ng cheese. "Palaman natin sa tinapay?" Tumango s'ya na parang aso. Kumagat pa nga ng pandesal. Hindi ko pa naiiinit 'yun. "Ewan ko sa kanila. Okay naman na ako sa bago. Ayaw mo no'n? Napapunta ako sa mas maganda." Ngiti ko sabay isinalang na sa microwave ang pancit habang ang pandesal sa toaster. " It already smells good!" Nagtimpla na s'ya ng coke at iniabot sa'kin 'yung isang baso na nasalinan n'ya. Tinaas ko kamay ko matapos tikman ang coke. "Teka teka." Tigil ko. Mawawala na naman tanong ko kasi sunod sunod usapan namin. "Bakit ka ba nandito nga?" Tanong ko ulit. Kanina pa 'to. Nakakagigil na. Mukhang iniiwasan n'ya talaga. "Ano nga?" Tinulak ko ng marahan ang braso n'ya gamit siko ko. Naiinis na ako! "I just." Hindi n'ya maisambit ng maayos. Napahawak s'ya sa counter top. "I don't know? Just wanted to visit my inaanak?" Natawa ako sa reason n'ya. Pero namumula na s'ya. Napaisip ako. "Advice ba?" Nakuha ko na ata ang gusto n'yang iparating. Napatingin s'ya sa'kin. "He told you. He told you, didn't he?" Hindi s'ya makapaniwalang napailing at napahilamos sa mukha n'ya. "That traitor!" Iyak nito na parang bata. "Ako ang nagsabi sa kanya." Paliwanag ko. "Ako ang nagsabi na may feelings ka para kay Dorothy." Ngiti ko sa kanya sabay hawak sa magkabila n'yang balikat. "Obvious ba?" Nguso nito. Tumango ako. "Pero sa kaibigan mong manhid hindi." Umismid ako. Sakto tumunog na ang pagkain. "Let's eat!" Excited kong tinig at nagmadali nang ilabas ito. "Wait! Paano? Pero hindi ako umuwi dahil doon. We just had an early off." Depensa nito. Hindi ko s'ya pinansin. Busy ako sa meryenda ko. "Basta. Ewan. Masasabi mo 'yun kasi masasabi mo." Hindi ko alam paano ieexplain. Bahala na s'ya umintindi. "I don't get what you're saying but I think I get your point." Nagkatinginan kami. "Nood kaya tayo ng shipwreck?" Sabay naming tanong sa isa't isa. Maya-maya ay umiiyak na kami dahil sa pagkamatay ni John. Matapos manood ay naglaro kami. Napatalon ako papalayo sa sofa. "Hindi kasi! Tama ako! Hoy! 'Wag mo'ko patayin?!" Hindi rin ako sure kung tama kasi mechanics na tinuro ko sa kanya sa isang laro. Pero nagmumukha na kasing madaya dahil parati akong nananalo. Ending naglaro kami habulan. Para kaming mga bata. Inabot na kami ng gabi. Hanggang sa mangyari ang hindi namin ginugustong mangyari. "Hala." Parehas naming bulaslas nang maitumba namin ang karton dahil nadulas kami. Dahan dahan kaming tumayo at nagkatinginan sa isa't isa. Sinipa sipa pa ni Bingo para malaman kung ano ang laman no'n. "Babasagin?" Ang lakas nung bagsak hindi ko na napansin 'yung tunog dahil inuna ko 'yung sakit. "s**t! Baby ko?" Napatingin ako sa tiyan ko. Nataranta si Bingo. "Baby mo?!" Tinig n'ya habang nagpapanic. "My baby?" Nagulat ako kay Corbyn. Napatingin ako sa pinto. "Ha?! Corbyn?!" Sabay namin ni Bingo. "One and only?" Natatawa nito pero nagtataka na itong sinabi. Nagkatinginan ulit kami ni Bingo. Hilo na ako sa kakatingin sa kanya. Lumapit na samin si Corbyn kaya umayos kami ng tayo at tinakpan ang nasa likuran namin. "Wait." Kinakabahan na ako. Para akong maha-high blood. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Corbyn no'ng makita n'ya 'yung tinatago namin. Napatingin ako kay Bingo na paiyak na habang nagpapawis. "Sorry!" Hindi na kinaya ni Bingo. Kaagad naman ikinagulat ni Corby. Edi ako na buntis, hormones is real. Nakigaya. "Sorry!" Iyak ko rin. Hinawakan ako kaagad ni Corbyn. "Hey, it's okay. It's just a box filled with shredded paper." Napatahan ako bigla. "Huh? H-hindi ba 'yun 'yung binilin mo sa'kin?" Tanong kong garalgal. "Bakit may tumunog na babasagin?" Sinundan kaagad ni Bingo na sumisinghot na. "Ah. May shaker thing ata d'yan. Sabay 'yung sinasabi kong 'wag mong galawin ay 'yung mini box d'yan sa tabi." Tinuro n'ya ang mini present. Naalala ko na. "Ah! Regalo mo kay Bingo pag-uwi!" Nawala sa sarili kong bulaslas. Natawa na lang si Corbyn. "Actually, it's for your- "Stop! Itigil na natin 'to." Nagtagalog bigla si Bingo. Kinuha ang box. Napangisi ako. "Para kay Dory lang 'yan." Kaagad itong namula. "Uwi na ako! Nice to hang with you, Mommy Nana! Bye, and thank you, Daddy Corbyn!" Takbo nito. Naiwan tuloy kaming magkahawak ni Corbyn. Ayaw n'ya akong bitawan. "Okay na ako." Natatawa kong sabi. Umiling s'ya. "I'm sorry. I shouldn't put something that would harm you there." Napatingin s'ya sa mga pasa ko. "What happened?" Alala nito. Napansin n'ya pala. "Naghahabulan kami. Nadulas kami parehas d'yan." Napanguso ako. Niyakap n'ya ako. "How are you? The baby?" Aligaga nitong napatingin sa'kin at sa bata. Napaiyak na naman ako. "O-okay lang." Ano ba?! Lumalala na 'to. Niyakap n'ya ako ng mas mahigpit at isinandal ang ulo ko sa balikat n'ya. "Aayusin nga natin 'tong house. Everything will be babyproof and clumsy proof." Sinimangutan ko s'ya. "You'll also be banned from running and walking around in small spaces. Here me?" Hinawakan n'ya magkabila kong pisngi. Ramdam ko ang aruga sa mata, boses, at hawak n'ya. My heart felt awe. I was speechless. Someone na kaya akong sawayin, alagaan, at alalahanin na hindi ko naman kaano ano. Tumango na lang ako. "Thank you, love you." Halos bulong na lang 'yun. Niyakap ko s'ya. I felt relief. Someone understanding is right here with me. He felt like a safe place. Sana lagi na lang ganito. Sana lagi s'ya nandito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD