Hindi ko talaga alam pinag-iisip ko. Bakit ba kasi ako pumayag dito?
"Ayan. Biglang umuwi pinsan ko sabay ikaw napa-oo r'yan sa prince charming mo. I think kasama mo na si tadhana at pinapalapit ka r'yan sa bebe mo." Ang daming sinabi sa'kin ni Dorothy. Nababaliw na ako rito nasabihan pang kakampi ko si tadhana.
"Baka ikaw. Pinapanalangin mo ata mangyari 'to." Masama ko s'yang tinignan. Tinutulungan n'ya ako mag-impake ng gamit ko. Nagulat ako marami-rami rin pala gamit ko. Akala ko ka-onti lang na box malalagyan ko. Pero hindi ko naman dadalhin lahat.
'Yung ibang damit ko ipapa-donate ko. Marami naman na akong bagong damit sabay ayaw ko namang kumuha ng maraming space roon. Nakakahiya. "Dadalhin mo 'to?" Tanong sa'kin ni Dorothy. Stuff toy 'yun. Napatitig ako saglit doon. Nakalimutan ko na sino nagbigay no'n. Pero simula no'ng bata ako kasama ko na 'yan. "Never." Ngiti ko nang maalala ang marami kong memories kasama 'yung crocodile na 'yun.
"Pati pagkain?" Natatawang tanong ni Dorothy. "Oo naman. Saan naman mapupunta 'to? Sabay 'yung iba parehas naming pinamili ni Corbyn." Banggit ko kaya nilagay ko na itong mga pagkain sa box. Mala-balikbayan dating ko ah.
'Yung mga babasagin ay binalot namin sa tela. Para hindi mabasag. "Bakit nakahiwalay itong bulak, bigas, asukal, at asin?" Tanong n'ya sa'kin. Nakalagay sa maliliit na garapon ito kaysa pa sa totoong lalagyanan nito. "Wala pampa-swerte. Gano'n daw paglilipat." Paliwanag ko.
"Eh nakatira na si Corbyn do'n?" Napaisip ako. Oo nga 'no. "Hayaan mo na." Natawa ako. Basta basta na kasi kumilos katawan ko sa pag-impake. "May mga ganito ka palang gamit? Bakit nakatago?" Kinuha ko kaagad 'yun. "Mga china 'yan, hoy! Huhu mahal ito kaya 'di ko nilalabas. Tsaka pang okasyon 'tong mga 'to." Mga tig-sampung pares ito. Plato, utensils, bowl, platito, at baso.
"Ang dami mong tinatago na gamit!" Napakagat na lang ako sa bibig ko. "Ang gaganda?! Bakit nagtitiis ka sa plastic na pang kainderya?" Tinaas n'ya pa iba kong tinatagong babasagin. "Sabay may mga ganito ka pang lalagyanan? Maka-tabi ka ng Tupperware." Nag-halungkat na s'ya.
Hindi ko talaga hilig ilabas lahat ng gamit ko. "Ih, Tsaka na pag malaki bahay ko at mayaman na ako." Hawak n'ya pa pyrex ko. "Grabe ka. May mga shot glasses ka pa." Itong mga babasagin kong 'to. Kung hindi napanalunan ko sa online selling, raffle, at sa kompanya. Talagang bumibili ako. Ganda kasi. Siguro ito 'yung hilig ko.
Nakikita ko kasi sarili ko na may mga magagandang gamit. Pero syempre, bakit ko gagamitin kung dalawa lang kami. Edi 'wag na.
Anong oras na kami natapos mag-impake. Buong gabi. Sabado kasi ngayon at balak ko lumipat bukas ng umaga para hindi sagabal kay Corbyn pag may pasok s'ya sa monday. "Kapagod pala ng ganito. Bakit no'ng unang lipat natin sa mga apartment hindi ganito kapagod?" Hinihingal n'yang tanong. Nakahiga na kami parehas sa sahig.
"Malamang wala pa tayong gamit no'n." Natatawa kong sagot. "Payong at mattress lang meron tayo." Dagdag ko. Natawa s'ya. "'Wag mo kalimutan 'yung kalan na andaming gamit! Rice cooker, initan ng tubig, pang luto, lahat lahat na roon natin nilalagay." Dito kasi rin nakatira si Dorothy no'ng naghahanap pa s'ya ng apartment. Sabay naging kapitbahay ko s'ya. Ngayon may condo na s'ya.
Ang laki na ng mga inabot namin. "Gusto mo kainin 'yung cheesy ramen sabay buksan natin 'yung wine?" Aya ko. Deserve naman namin. "Hindi." Napa-upo ako sa sagot n'ya. Dorothy? Tatanggi?
"Hinding hindi ako tatanggi! Ano ba?! Kainan na us!" Hala conyo na rin ang ante mo. "Kamusta ba kayo ng Bingo mo?" Nabilaukan ang sissy mong kumukuha ng tubig. "Wala namang kami no'n. Sabay hindi naman kami naguusap. Hindi rin naman kami nagkikita." Kinakamot na nito ang leeg n'ya.
Tinignan ko na lang s'ya ng makahulugan. Feeling ko talaga may something sa dalawang 'to. Namumula na kasi itong si Dory. Si Bingo naman madaling asarin. Defensive lagi. Nagluto na ako. Maya-maya ay kumain na kami. S'ya ang nagbukas ng wine bottle. Kinukulit pa akong gamitin 'yung mamahaling baso. "Ayaw ko nga." Bumelat ako sa kanya.
Nagkwentuhan kami. Pag kami talaga ang magkasama never walang kwento. Hindi nauubusan. I love it that way. Kahit no'ng bata pa kami. Habang busog kami at nakahiga napapikit ako.
"Ang laki na ng pinagbago natin." Sambit ko kaya napasulyap s'ya sa'kin. "Pero hindi rin tayo gaano nagbago." Natawa s'ya. "Gulo ah. Pero gates." Nakita kong tumaas ang gilid ng labi n'ya. "I guess ganito talaga pag natanda. There will be things that will change completey. Kagaya ngayon, may boobs na tayo." Pinalo ko s'ya sa braso.
"Pero 'yung friendship natin nandito parin. Ay wait. Hindi. Nag-change rin." Napakunot ako. "It grew stronger." Natawa ako dahilan para umangat kaonti ang katawan ko. "Sabay ngayon buntis ka na."
"Uhm. I think foul." Kinuha ko 'yung alak at sinalin sa baso. "Pero kurips ka parin. Gano'n din ako. Magkasama parin tayo. Oo. Malayo pa pero malayo na. We may change in different ways but we stayed with each other." Inabutan ko s'ya ng baso.
"Cheers!" Tinig ko.
"To the things that changed and stayed."
"To us who changed but stayed." Magkasunod naming sinabi. Napahiga kami matapos tumungga. Natawa kami sa isa't isa. Sabay bigla kaming nag-black out.
Namalayan ko na lang nasa bahay na ako ni Corbyn. Sinundo n'ya ako. Half minded ako kumilos sa kalasingan. Luma na kasi 'yung wine. Patagal ng patagal pasarap ng pasarap. Pero gano'n din ang tama n'ya.
May bits of memories naman ako. Kagaya ng pagsuka ni Dorothy, pagbuhat sa'kin ni Corbyn, mga angal ko, paghatid kay Dorothy sa bahay n'ya after n'ya mawala sa hangover n'ya. Natatawa akong binaba ang ibang boxes. "I told you to wait downstairs?" Nagtatakang sabi ni Corbyn.
"Okay na, me. Tulungan na kita." Sabi ko.
"You should've sleep. By the way, inuna kong itong mga nakahiwalay na garapon. Dory said that these should be the first things brought into a new home?" Tumango lang ako. Napatingin ako sa buong condo n'ya.
My eyes roamed until I familiarized it. May mga memories na rin pala ako rito. Napalunok ako sa mga memories namin sa dati kong apartment.
I didn't stay.
Kumuha ako ng hangin. Nahihilo ako onti. Nararamdaman ko na rin ang lungkot. Pero ito na ako. Nasa bagong yugto. Bagong titirhan. I guess this is my new home.
Isa isa namin binuhat ang boxes paakyat. "Wait lang." Napalingon ako sa kanya. "Bawal magbuhat ang buntis." Napapikit ako ng ilang beses. "Hala oo nga!" Napatakip ako sa bibig ko. "Okay lang 'yan. Hindi naman mabigat." Umiling kaagad s'ya. "No. Just sit. Ako na bahala." Kinurot ko braso n'ya.
"No. Ako bahala sa gamit ko." Umaaray s'ya. "Sakit." Ngumuso s'ya at tumingin sa'kin na parang baby. "Sorry." Hinimas ko ulo n'ya. Umupo s'ya. Kaagad ako nag-ayos ng mga gamit ko mula sa boxes. "Hoy!" Tumakbo na ako sa tinuro n'yang kwarto kung saan ako. Binelatan ko s'ya.
Inayos ko 'yung kwarto ko. Ang laki! Grabe! Parang salas plus kwarto ko na 'to. Ano naman ilalagay ko rito? Dalawang box lang damit ko. Apat na box ang dala ko rito. Ung isa sapatos, ung isa mga gamit ko na. Cute ng kulay ah. Apple green and yellow and wallpaper. Wait.
"Hoy." Tawag ko sa kanya matapos sumilip sa onting awang ng pintuan. Kaagad s'ya tumakbo papalapit sa'kin. Nagulat ako ng mabuksan n'ya pinto. "You are such a pain in a head you know that." Nanggigigil na n'yang sabi. Natawa ako.
"Kaya pala sinadya mo 'yung wallpaper. I love it." Ngiti ko. "Anything, m'lady." May pa-courtesy pa s'ya. "Now, let me help you." Pumasok s'ya sa kwarto. Hinayaan ko na s'ya. Nahihirapan na rin ako. Kahingal din. "Ang laki nga pala nitong binigay mong room." Sambit ko.
Napalingon s'ya sa'kin. Sinasabi n'ya mga damit ko by color. Habang ako ay inaayos ko underwears ko. Napatingin s'ya sa gawi ko. Kaagad s'yang napaiwas. Natawa ako. "It's my room." Nanlaki mata ko. "Eh? Akala ko guest room akin?" Tanong ko sa kanya. 'Yun napag-usapan namin.
"You're a woman, Nana. You need space. A lot of it. Okay na ako sa guest room. I saw how cramped your place was." Napatigil s'ya. "Thank you." Wala. Speechless ako. Hindi ko tinignan ang sarili ko ng gano'n. Syempre, kayod lang ako ng kayod. Wala akong pake sa sarili ko. But I'm glad I'm getting this kind of privilege.
Napahiga ako sa kama. Sarap! Ang lawak! "Halika na. Marami ka pang iu-unpack." Napabusangot ako. "Ih." Angal ko. Wala na ata 'tong katapusan. Mas mahirap pa pala ito sa pag impake. Hindi naman ako mahilig sa ganito. Pero mukhang ine-enjoy ni Corbyn. Sumunod na lang ako sa kanya na parang tuta.
Sumisilip silip ako galing sa likuran n'ya. Inaayos n'ya na 'yung ref. Tinanggal n'ya lahat. Pinaabot n'ya na lang sa'kin mga pagkain. S'ya ang nag-sort out. Mahilig s'ya mag-organize. Sakto lang ako. Basta maayos ang bahay, okay na sa'kin 'yun. Pero s'ya, need balanse. "Galing!" Napahawak ako sa likod n'ya.
Kaagad ko tinanggal. Namula ako. Inayos naman namin iba kong gamit. "Buti may ganito ka." Sabi n'ya habang hawak ang placemats ko. "Tinago ko 'yan kay Dory. Gusto gamitin lahat ng mamahalin." Nabuksan na ni Corbyn mga babasagin ko. "What the?" Pinakita n'ya sa'kin. Gulat na gulat.
"Mahal 'to lahat? Saan mo nabili?"
"Mga prize lang iba r'yan. Pero sa carimart ko nabili iba." Nagsa-sparkle mata n'ya. "We used to have this when I was a kid. My lola loved collecting these." Kwento nito. Naalala ko tuloy kabataan n'ya. "Well, I like collecting them too." Ngiti ko at hinawakan s'ya sa kung tinanggal ko kamay ko kanina. I think he needs the warmth.
Inayos na namin. "Ilikod mo. Para pag pumunta si Bingo hindi n'ya magalaw." Sabi ko sa kanya. "Bawal idisplay?" Nagandahan s'ya. Natatawa ako sa mukha n'ya. Nagmamakaawa. Hindi ako makatanggi! "Sige na nga! Just luck it na lang." Niyakap n'ya ako. Nagulat ako. Feel ko nakadisplay rin dati nilang ganito.
I really like to heal his inner child. At least ako, may naranasan parin ako kahit nagtatrabaho ako. I had my other relatives, my mom, and my brother. All he had was Bingo and occasionally lang magulang nito. Napangiti ako habang pinapanood s'yang ayusin.
Nang matapos ay nag house tour ako. Hindi ko na pinasok ang room at office n'ya. I don't want to pry. Sinend ko 'yung video kay Dorothy. "Let's eat." Aya n'ya. Tumango ako agad. Napagod din ako kahit s'ya nagoorganize.
"Adobo!" Tuwang-tuwa kong bulaslas. "Your fave." Ngiti n'ya at hinimas ang ulo ko. Ano ako aso? Buti na lang masarap luto n'ya. "I'll show you my office later and bedroom." Umiling ako. "Hindi na."
"I insist. I want you to be familiar with everything. This is your new home, Nana. I want you to feel it." Ngiti n'ya habang pinapanood ako kumain. Napatigil ako. "Thank you so much, Byn." Maiyak ko ng sabi. Lumipat s'ya ng upuan mula sa tapat ko mapunta sa tabi ko. Hinimas n'ya likod ko. "Welcome, home."