CHAPTER 20

1552 Words
Nana's POV Binabahing ako. Bigla tuloy ako napatigil sa pagtrabaho. Siguro may nagiisip sa'kin. Umiling kaagad ako. Si Corbyn ba naman biglang pumasok sa utak ko. Ayaw ko! Nope! Just a friend. Huminga ako ng malalim. "Okay, carry on sa work." Ngiti ko sa sarili ko. Buong araw ako ginugulo ng kaisipan ko tungkol sa pera. Haha gago rin ng apartment. Hindi ko masabi sabi kay Nabu na kung pwede ba pakiusapan 'yung magulang no'ng kaibigan n'ya na 'wag naman sabayan ang pagtaas ng tuition. Tumaas ulit ang rent namin. Second time this month na. Parang gusto kong bumalik sa bahay. Kaso mo ang haba ng pagko-commute-an ko. Pwede rin namang pansamantala lang. Para habang naghahanap ako ng apartment na mas mura. Sumasakit na ulo ko sa multi-thinking ko. Dagdagan mo pa ng magarbong workload. Love it! Nababaliw na talaga ako. Something's crumpling my chest. Hindi. Kailangan ko matuwid ito. You're not giving up, Nana. Hormones lang itong luha mo. Wait. Lumuluha na ako. Tumayo ako kaagad at dumeretso sa banyo. Salamat at walang tao. I don't want anybody to see my weak side. "Haha." Natatawa kong usisal sa sarili. I don't understand what is this overwhelming feeling. Tama nga sila. Pag bread winner ka ng pamilya. You don't have the freedom to feel done and tired. Kasi umiikot ang pwet mo sa lahat ng bagay na kailangan n'yong bayaran at ibigay sa pamilya. Naghilamos na lang ako. Sana sumama sa tubig ang mga naiisip ko. Sana malunod sila, huwag na ako. Napapikit ako ng mariin at napahawak sa kung nasaan si baby. Ngayon ko lang na-realize. Baby parin ang tawag ko sa kanya. Natatawa akong napatingin dito. "Ano ba kasi gender mo, ha?" Akala mo bang tropa ko lang. Naramdaman kong nangiba ang pakiramdam ko. Ewan ko. Sixth sense? Parang um-okay ako? Or gutom. Oo, nagugutom na ako. Lumabas na ako ng CR. Gusto kong kumain. Stress eating? Hormonal eating? Basta! Gutom ako. Bumaba ako sa mga kainan. Mayroon kasing kainan sa labas. Food stands, ba. Bumili ako ng buko at ng isang buong cheesecake. Hindi ko talaga alam ano ang napasok sa kokote ko minsan. Umakyat ako kaagad at naupo. Binuksan ko ang cheesecake at kumutsara ng malaking parte nito. Napatingin ako sa cellphone ko na biglang tumunog. "Yes?" Tanong ko rito na halos mamualan sa cake. "Ano kinakain mo?" Lakas ng pakiramdam talaga nitong babaeng 'to. "Cake." Hindi ko maibigkas ng maayos. Ramdam ko napasapo s'ya. "Bakit? Hindi ba bawal sa'yo 'yan?" Tanong n'ya sa'kin. Linunok ko ang cake at uminom ng buko. Ay sarap! Ang refreshing! Ramdam ko ang lamig sa mukha ko. Parang malaking yakap ang naramdaman ko. "Hehe comfort food ko lang! Pagbigyan n'yo na ako." Katwiran ko sa kanya. Napabuntong-hininga s'ya. Tuloy ang pagkain ko. Bawat subo ay parang gumagaan ang loob ko. Siguro dinala ako ni baby roon para kumain. Simula talaga no'ng nabuntis ako. Maayos na ang kain at tulog ko. Hindi ko akalain na kaya ko pa pala 'yung gano'n. Syempre, nanibago ang katawan ko no'ng una. Pero mas nakakagaan ng katawan at kaisipan pag nakakakain ako. Napangiti ako matapos tumigil sa pagkain. Ninamnam ko ang nasa bibig ko. Hindi lang ang baby ang nasimulan kong alagaan. Kundi pati ang sarili ko. This baby really changed a lot of my perspectives. Now, sigurado akong para sa akin s'ya. He's only given me the best things I could ever experience. Humikab ako at nag-stretch. Napatingin ako sa oras. Alas-sais na. Napatingin ako sa PC. Okay naman na muna siguro 'to? Marami naman na akong ginawa. Umikot pa ako sa building para mag-spread ng message. Tumayo na ako matapos kong ayusin ang gamit ko. Bumaba na ako. Bago ako lumabas ay nag-ipon na ako ng tubig. "Oh? Nana. Uwi ka na. Gabi na." Sabi ni Boss Madam. Boss Madam na ang tawag ko sa kanya. Madalas na rin late ang uwi n'ya dahil ang daming pumipili sa companya namin for construction. Marami nang umiiwas sa Cristelas. Ang gulo na raw. Nag-aalala tuloy ako kay Corbyn. Sana hindi s'ya madamay rito. "Pauwi na po hehe. Magbabaon lang ng tubig. Uwi na rin po kayo." Natawa s'ya. "Desisyon yarn? Gora ba. Ingat ka!" Kumaway na ito. "Ingat din po!" Ngiti ko at naglakad pa palabas. Nagtaka kaagad ako no'ng may nakita akong pamilyar na sasakyan. "Byn?" Tanong ko sa sarili ko. Bahagya akong napatalon ng may tumawag sa'kin. Feeling ko nakatitig sa'kin 'yung sasakyan. Huhu lead me lord. Sinagot ko ito. Unknown number pala! 'Di ko namalayan. "How can you trust an unknown number?" Biglang tanong nito. Binaba ko kaagad 'yung tawag at pinuntahan 'yung sasakyan. Sinamaan ko s'ya ng tingin mula sa labas. Gulat ako no'ng pagbaba ng bintana iba bumungad sa'kin. "Ay! Sorry po!" Tinig ko. Nakakahiya! Tinago ko kaagad ang mukha ko. "Where are you going, Miss?" Napalingon ako sa gilid ko. May naka-mask at cap. "Hold- "Ako 'to." Natatawa n'yang sambit matapos akong hawakan sa bibig. Pinakita n'ya mukha n'ya sa'kin. "Bakit? Asan kotse mo? Bakit naka ganito ka? Bakit unknown number mo? Ano ba?!" Natawa s'ya lalo. Kung umasta normal lang na pangyayari. "Paano kung napaanak ako bigla o inatake? Huh?" Hinila ko s'ya sa may kwelyo n'ya. Hinawakan n'ya ako sa magkabila kong gilid. Nagtaka naman ako. "Hindi ka mangangak. Malakas kapit n'yan. And, my phone got smashed so I bought a new one. Hindi ko rin dinala kotse ko kasi masyadong traffic. I walked to work." Ano ba 'tong lalaking 'to. "Naayos mo kaagad phone mo? Paano nasira?" Naprapraning na ako rito. "Nabagsak ko s'ya ulit. And, yeah. I got a back up phone to use to transfer datas to my new phone. Napakunot ako. "Bakit hindi na lang backup mo gamitin mo?" Para na kaming mag-ina rito. Para akong nanay na nanenermon. Ang taas ng adrenaline ko ngayon. Dahil sa pang gugulat n'ya at kahiyaan na nagawa ko kanina. "I am. I just bought a new one for a backup." Ngiti nito. Binitawan ko na kwelyo n'ya. Nilapit n'ya ako sakanya no'ng hilahin n'ya kamay ko. "Ano ba pakay mo?" Naiinis kong sabi. "What's the matter? Why so anger?" Pinalo ko s'ya ng marahan sa braso. Line 'yun sa isang movie na pinanood namin. "Just hormones. Stress. Usual." Sagot ko. "Kailangan mo siguro kumain? Let's eat?" Pinisil ko ilong n'ya. Omg. Ang tangos. "Ang smooth mo 'no? Gan'yan ka siguro manguha ng chicks." Nguso ko. Naglakad na kami. Since wala kami parehas sasakyan. Maglalakad na lang ata kami. Unless mag-aya isa samin mag-commute. "Nag-iisa ka lang." Na-cringe ako sa sinabi n'ya. "Corny. Nakakakilabot." Umarte pa akong nanginginig. Tinignan n'ya ako. May pa-puppy eyes effect pang nalalaman ito. "Where do you want to eat?" Tanong n'ya sa'kin. "Kahit saan. Basta mainit." Tumango s'ya. "Okay, alam ko na. Let's commute." Hinila na n'ya ako. Bigla kaming tumigil after n'ya akong hilahin. "Ako na pala magdadala n'yang gamit mo." Nakita ko may bag pa s'yang dala na pahaba. Mga damit n'ya siguro. "Hindi na. May bag ka na d'yan." Hinila ko papalapit sa'kin bag ko. "Sige na. Ayaw mo no'n? Mala-kdrama." Pinitik ko cap n'ya. "Hindi romance ang genre natin kung gano'n." Napaatras ang mukha n'ya. Ngumiwi siguro. Natawa lang ako. Hinila na n'ya ako para sumakay. Baliw na 'to! 'Di sinasabi kung kailan sasakay! Dumating kami sa park. Dito pala n'ya ako dadalhin. Pero, hoy. Ito rin ang kine-crave ko. Lalo ma adobo n'ya. Nag-order na s'ya. S'ya na pinapili ko para sa'kin. Masarap naman lahat kaya s'ya na bahala. Nagulat ako no'ng andami n'yang inorder. "Magkakasakit ata ako neto." Sabi ko sa sarili ko pero malakas para marinig n'ya. "Ano ba kinain mo kanina?" "Cake at buko." Napasapo s'ya. "Okay lang. Minsan minsan lang." Natawa ako ng malakas. "Kinunsinti mo naman!" Tinuro ko s'ya habang nakahawak ako sa tiyan ko. "Ano magagawa ko? Nakain mo na 'yun. Gusto mo kumain ng mainit. Stressed ka. I'm just taking care of you." Ngiti-ngiti nito. Nawi-wirduhan na ako. Nagsimula na kaming kumain. "I heard from the news tumaas tuition ni Nabu." Bukas n'ya ng topic. Tumango ako. "Parang gago lang." Naiinis kong sabi. "Tapos sumabay pa apartment mo." Dagdag n'ya. Nakwento ko nga pala sa kanya. "Tumaas ulit." Pagbago ko. Since dinagdagan nila ulit. "Plano ko nga bumalik kina Mama. Maghahanap ako bagong apartment." Kwento ko. "Why not live with me?" Halos maibuga ko kinain ko. "Ha? Bakit? Hindi na. Maaabala ka pa." Kaagad kong dipensa. Nakakahiya naman 'yun. Umiling s'ya. "I insist. Para makasama ko rin baby ko. Ayaw ko rin na masyado kayong malayo. Mahirap pag may emergency at check up. Sabay lalo ka rin mahihirapan sa pag-commute. Talo ka pag doon ka tumira. Pamasahe, pagkain, oras, baka doble pa intake no'n sa'yo." Napatigil ako. Mukhang inisip n'ya na ito beforehand. Hindi ko rin naisip. Wala ngang bayad na rent per month pero ang pamasahe ay per day. Hindi ko rin naman kakayanin 'yung apartment ko. Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. "Basta kikilos din ako?" Wala naman na ako ibang choices. Gusto ko soon as possible. Ayaw ko rin naman ilayo anak n'ya. Hindi rin pwede makitira kay Dory, nakakahiya na. Nando'n din pinsan n'ya ngayon. "Kahit ano. Just think of me as your roommate and it's your house." Huminga ako ng malalim. "Okay, roomie." Mapapaaga ata adobo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD