CHAPTER 19

1506 Words
"Ha?!" Tinig ko no'ng binasa ko 'yung nag-email sa'kin. Monthly kasi bayad no'ng sa tuition ni Nabu. 'Yun 'yung pinili ko. Hindi ko kasi kaya 'yung every sem. Masyadong mabagat. Nagulat ako sa tinaas ng tuition. New released. Napasapo ako. Binuksan ko ang savings tracker ko. Napahawak ako sa magkabilang sintido ko. Binasa ko ang labi ko. "Wait. Scholarship ni Nabu." Naalala ko. Napapikit ako ng maraan. Hindi nila shoulder itong bago. Kalahati lang kasi ang bawas sa tuition ni Nabu since hindi naman s'ya kasama sa starting. Ang laki no'ng nadagdag. Hindi pa naman second sem pero malapit na finals nila. Sa December na. August nagsimula pasukan nila. End na ng October ngayon. Week 10 na ni Baby. Napahinga ako ng malalim. Ang dami kong dues. Ang dami kong babayaran. Ang laki no'ng backlogs ko dahil sa pagkawalan ko ng trabaho. Saglit man 'yun na panahon. Ang laki paring pera ang hindi ko naipon. "Kaya pa 'to, Nana." Nakita ko naman na malaki-laki parin ang savings ko. Try ko kausapin 'yung kompanyang na nagbigay ng scholarship kay Nabu. Ayaw ko namang ipressure si Nabu na galingan n'ya para sa starting players. Ako nga s'yang mapasama roon. Lalo lang s'ya mabi-busy. Mahihirapan s'yang i-maintain ang pagiging dean's lister. Narinig kong may kumakalembang na susi sa pintuan ko. Napatingin ako rito at inayos ang buhok kong magulo na. Pagkabukas ng pintuan ay pumasok si Dorothy. "Nababaliw na ako, 'te." Kaagad s'ya umupo sa sofa. Ako naman ay nasa kusina. "Same." Sarkastiko kong tawa. Napatingin s'ya sa'kin. "Bakit?" Sinandal n'ya ang mukha n'ya sa ulo ng sofa. Hinagis ko sa kanya cellphone ko na nakabukas ang email. "Gago pala 'tong school na 'to! Tumaas naman bigla? Ang daming dagdag na miscellaneous. Tapos grabe ang laki no'ng patong kada unit. Ano ba 'to? Civil engineering pa ba 'to. Daig pa presyo ng plane ticket sa dagdag." Nakanguso nito. Dinadamayan 'tong pagreklamo ko. Ah, to have a friend like her. Ay, meron na ako oh! Such a flex! "Kaya mo 'to. Kausapin mo na lang 'yang gagong scholar company." Inabot n'ya sa'kin cellphone ko na halos mahulog ako sa kakaabot. "Ayaw naman kasi iabot ng maayos!" Itinatakwil ko na itong higanteng ito. Natawa lang s'ya. Halos mabaliw na ako. Buti sumagot na sa tawag itong kompanya. No'ng matapos ay napatingin ako kay Dorothy. Tumayo ako at humiga sa tabi n'ya. Hinga malalim, Nana. Malayo pa. 'Wag mong ipressure sarili mo. But as a person na gusto ikeep on track lahat. Ang hirap tanggapin nito. Hinimas-himas ni Dory ang noo ko. Nakapag-pahinga ako. "Musta nga pala check up kanina?" Tanong ni Dory sa'kin. "Healthy naman si baby. Alalay lang daw ulit sa kinakain ko at stress. Pero mas healthy ang katawan ko ngayon kaysa no'ng mga nakaraan." Ngiti kong sabi. Napahawak ako sa tiyan ko. Buti at healthy ang baby ko. Bawal na nga pala ako mastress. Natutuwa ako na mas nararamdaman na ang heartbeat n'ya. "Eh si baby daddy? Kamusta?" Napatingala ako habang nilalaro n'ya buhok ko. "'Di ko alam pero parang may nanggugulo sa isip n'ya? Baka may problema. 'Di ko matanong dahil daming natawag sa kanya galing sa trabaho." Napanguso ako. Kamusta na kaya 'yun? Sana hindi rin s'ya mastress. Hindi lang dapat ako ang healthy. Dapat s'ya rin. Hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos. Bigla naman ako nag-alala sa kanya. Corbyn's POV "Hindi ko alam, bro." Sumasakit na ang ulo ko. People keep on calling me. Pinasa ko na ang emails sa kanila regarding sa situation namin sa kompanya. Tungkol sa pagbaba ng stocks and savings ng Cristelas Corp. Hindi ko naman sila minamadali. Ang dami nagrereklamo. Sabay 'yung sa head pa. Sa'kin pa tinututok when in fact I send them weekly updates and reports. Minsan daily pa nga. Lalo na ang transactions namin abroad. f**k this s**t. Huminga ako ng malalim. Kaagad tuloy ako pumunta sa office after no'ng check up. Nagmamdali tuloy ako. Buti na lang at okay si baby. Pumikit ako ng mariin. Kamusta kaya si Nana? Sana hindi s'ya mag-alala. Kitang-kita sa mukha n'ya kanina na gusto n'ya akong tanungin ano problema. Napa-iling ako. "Ano ba nangyayari sa Cristelas ngayon? Bakit parang nagkakagulo na?" Natatawang tanong ni Bingo. Natawa na rin ako. Una pa lang. Alam na naming risky ang kompanyang ito. Pero okay naman 'yung CEO nila. Pero mas maganda mag-handle si Sir. Nathan. Pakiramdam ko s'ya talaga nagdala. 'Yung asawa't anak n'ya ang sarap sun- "Hoy!" Biglang tawag sa'kin ni Bingo dahilan para hindi matuloy 'yung naiisip ko. "Nasa news oh. 'Di ba school 'yan no'ng kapatid ni Nana. Ano ulit pangalan? Nabu? Navu? Havadu?" "Ginaya mo naman sa'yo." Lumapit ako sa kanya. Nakatambay s'ya sa living area habang ako kanina ay nasa office ko. Nakabukas ang pinto kaya rinig namin isa't isa. Nilaksan ko 'yung nasa news. Biglang tumaas presyo ng tuition? Inalala ko 'yung school. Familiar kasi, hindi lang dahil sa pangalan. Napuntahan ko na 'to. "Wait. Ito 'yung binibigyan namin scholarship ah." Nakipag-deal nga pala kami rito. Scholarship kapalit workers. Pero for the past year, mukhang wala namang nag-apply sa amin. Wala rin tinanggap. 'Yun problema namin, lately. Wala kaming tauhan. Nag-aagawan na kami no'ng kompanya ni Nana. "Ha." Bigla akong natawa nang maalala ko. "Anak ng CEO may pakana n'yan." Sabi ko. Napatingin naman sa'kin si Bingo. "Si senadora?" Tumango ako. "Malamang. Isa lang anak no'n." "Oh, sorry my false." Jejemon na talaga. Napasapo ako. "Ang dami n'yang binago sa kompanya. Simula no'ng start ng taon. Hindi ko alam kung s'ya ba susunod na CEO. Pero pagkakaalam ko dapat si Sir Nathan." Nguso ko. Yari ang Cristelas sa babaeng 'to. "Hey. It's meant to be hers. Pangalan palang ng corporation, sa kanya na. But yeah, downfall n'yo na." Bumelat pa talaga. Porket international agency pinagtatrabahuan. "Alam mo, naghahanap 'din kami ng financial head. Baka gusto mo? Habang hindi pa late." Balak pa ako i-tempt nitong gagong 'to. Binatukan ko nga. Kaagad napa-aray. Binalik ko ang mga mata ko sa TV. May mali rito. Naalala kong nagtaas ang apartment fees ni Nana. Lahat talaga nataas ngayon. Pero para sabay-sabay? I think she's gonna be so stressed about this. "What if ayain ko si Nana na rito na lang tumira?" Tanong ko kay Bingo. Nabilaukan s'ya sa kinakain n'yang cake. "Saang galing 'yan?!" Biglaang may nasulpot na cake. "Dala ko. Sabay, ano ka? Gan'yan ka ba ka-down bad? Papatirahin mo rito. Why not?" Ang gulo nitong mokong na 'to. "Pero bakit mo naman biglang naisip?" Tanong nito sa'kin. "Tumaas kasi apartment rent ni Nana. Sabay advice ng doctor istart na 'yung baby na kilalanin boses namin. Para raw mag-respond. Pero healthy naman daw. Ewan ko kay Ninang." Kinamot ko batok ko. Pero syempre, what's best for the baby ang iniisip ko. Walang halong modus. Ngingiwian n'ya ako. "Sus! Magdada-moves ka lang. Pero sige. I-go mo. I-bomba mo!" Binatukan ko nga agad. "Buntis na nga 'yung tao." Natawa s'ya. "Green minded mo! What I meant was 'yung kanta!" Napa-iling iling s'ya. Namula naman ako. "Ano nga?! Is this a right decision to offer?" Nangdududa na ako sa sarili ko tuwing si Nana ang pinagusapan. I think I'm very reckless whenever I'm with her. Kasi isa pa sa mga dahilan ng inis ko sa tumatawag kanina. May tumawag sa'kin na nakikita n'ya ako sa kabilang kompanya. Sinandal ko ulo ko sa sofa. "If it's going to help your relationship with Nana. Sige. 'Wag mo na gamitin anak mo sa modus mo. Pero maganda rin talaga 'yun for your baby. Sige ka. Mas kikilalanin no'n nanay n'ya." Sinamaan ko s'ya ng tingin. "I don't mind. Mas gugustuhin kong sobra sobra ang tingin n'ya sa Mommy n'ya. The pain Nana has gone and is going through. Walang-wala sa'kin. She deserves someone who can love and appreciate her. Just like our baby." Nang sulyapan ko si Bingo ay nagpupunas na ng luha ito. Binatukan ko. "Ano ba?!" Garalgal pa nitong bulaslas. "Ano ba inaarte mo r'yan? Saan ka nakakuha ng box ng tissue?" Ang random ng hawak nitong mokong na 'to. "Grabe lang kasi character development mo! From not caring at all sa kung sino man. To this guy right in front of me. How a woman can change a man." Tumingala pa ito for effects. Kaibigan ko talaga. Sabay dumagdag pa si Dorothy. Hindi ko alam pano namin kakayanin itong dalawa pag sila ang nagkatuluyan. "But for real." Sumeryoso s'ya kaya nakinig ako. "I think you should talk it out with Nana rather than asking me for advice. Knowing, Nana kahit 'di kami super close pero ka-chat ko s'ya lagi." Nagulat ako. "Hehe. Ka-good morning and good night ko s'ya." Daig n'ya pa ako. "She wouldn't take your offer because katwiran n'ya kaya n'ya. But if it's you whose asking, hm. Siguraduhin mo'ng handa ka na." Kumain ulit s'ya ng cake n'ya. Napangisi naman ako habang nakatingala. "I've been ready for a lot of things kahit unexpected. Since the day I claimed myself as our baby's daddy. Handa na ako sa anumang bagay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD