Nana's POV
What happened no'ng weekend felt like a whole dream.
Ang saya ko. Sobra-sobra pa sa kaya ng puso ko. I felt like I really had a family of my own. Naramdaman ko si Baby. Sabay kasama pa namin si Corbyn. Ang bilis lang lumipas. Ihahatid na ako ni Corbyn sa opisina. Malapit na kami.
"Oh. By the way." Mukhang may naalala ito. Napatingin ako sa kanya. Deretso lang ang tingin n'ya sa daan. Napangiti ako habang tinitignan ang side profile n'ya. Tinaas ko bahagya ang mga daliri ko nang naramdaman kong nakatulala na pala ako. Nana, 'wag mo naman ipahalata. Napailing ako.
Sinulyapan n'ya ako no'ng tumigil saglit. "Susunduin ko si Bingo sa Friday. Birthday n'ya kasi." Panimula nito kaya napatango ako kahit hindi n'ya ako tinitignan. "Do you and Dorothy want to come?" Tsaka s'ya tumingin sa'kin. Napalunok ako.
"Ah." Nausisal ko. Inisip ko kung may gagawin ba ako sa araw na 'yon. "What time ba?" Tanong ko rito. "Mga after ng out mo. six o'clock kasi uwi n'ya. Malapit lang naman 'yung airport n'ya." Napa-isip ako. Alam ko may flight 'din sa araw na 'yun si Dory.
Binackread ko convo namin. "Aha! Okay. Pwede ako. Sabay sila uuwi ni Dory if sa UP airport din si Bingo." Napanguso ako. Napatingin ako sa kanya. Saktong red light. Nakatingin s'ya sa'kin. Kaagad ako napatingin sa bintana.
Nakatingin pala s'ya! Shucks!
"Okay. I guess, see you?" Ngiti nito. Nagtaka naman ako. Bakit nagpapaalam na s'ya?
Ngayon ko lang napansin hindi pala stoplight 'yun. Poste na pala. Nandito na pala ako sa building namin. "Ah. Oo. Thank you." Nilapit ko mukha ko ng hindi sadya. Hala! Ano ba, Nana?!
Kunwari nagtanggal na lang ako ng seatbelt. Nakita ko s'yang nagulat din. Nakipag-apir ako sa kanya. Dapat hahawakan ko kamay n'ya.
Ano ba? Naiiyak ko ng tanong sa sarili ko.
Bumaba na ako. Nakita ko s'yang natatawa n'yang kinagat labi n'ya. Kinuha ko na gamit ko sa likod. Bawal nga pala s'ya magpakita. Lalo't ng kalaban na kompanya ito. Nilapitan ko s'ya sa bintana n'ya. Nagulat ako nang ang lapit pala masyado ng mukha namin sa isa't isa.
Napatigil ako. "Ah!" Sigaw ko sabay iwas. Hindi ko na talaga kinaya. Natawa s'ya ng malakas. "Are we drunk?" Tanong n'ya sa'kin. "Huhu ewan." Siguro? Nag-shot kami kanina. Grabe 'tong strong hours ko. Physical touch ang nais. "Thank you." Marahan ko s'yang tinulak sa balikat.
Halos itakbo ko paakyat 'yung daan papunta sa opisna ng boss ko. Nahihiya talaga ako! Bakit gano'n mga nangyari?! Inaya n'ya lang naman ako. Sabay parang naglolokong manika na ang eksena ko.
Napasabunot ako sa buhok ko no'ng maka-upo ako sa desk ko. Nag-stretch ako saglit at pinatunog ang mga buto ko sa kamay at leeg. "Okay, Nana. Trabaho time na. 'Wag mo na s'yang isipin."
"Sino isipin?" Napatalon ako sa boss ko. "Chika mo naman 'yan, Bes." Napangiwi ako. "Hehe. Kapatid ko lang pong pasaway." Ngiti ko. Iniwas ko na lang 'yung topic sa kanya. Ayaw ko muna s'ya isipin please. Gulong-gulo na ako sa sarili ko. 'Wag na s'ya makisama.
Hindi ko namalayan. Friday na. Nagsabi na sa'kin si Dorothy, umaga pa lang na magkasama raw sila ng flight ni Bingo. May pa-surprise kasi si Corbyn dito. Hindi raw kasi nase-celebrate ang birthday n'ya no'ng bata. Kaya hangga't kaya ni Byn, gagawan n'ya ng celebration. Sa Cheesy Chucks n'ya nga pinili kumain. Tradition daw nila.
Ito ako, ginagawa na lahat ng trabaho ko. Malapit na mag five o'clock. Makikita ko na naman si Corbyn. Something in me tells me, ayaw ko s'yang makita. Hindi sa pangit at masama 'yung rason. Komportable ako sa kanya. 'Di ko maitatanggi 'yun.
Pero masyado naman atang komportable? Mabilis din lahat ng pangyayari. Fourth week na ni baby sa Monday. May check up na naman kami. Hindi ko na kaya 'tong madalas naming pagkikita. Pakiramdam ko may magbabago sa'kin. Inuntog ko sarili ko sa lamesa.
"Tell me, ah." Nagulat ako sa Boss ko. Mas nagiging close kami. Binibigyan n'ya nga ako make-up and fashion tips. Minsan nagsho-shopping kami. Nililibre n'ya ako ng damit. Nahihilig na tuloy ako sa mga 'to. Naalala ko usapan namin ni Dory. Nakakasabay na ako sa mga kwento n'ya. Mas magaling na nga raw ako.
Pero lagi na n'ya ako ginugulat. Ay, hindi. Ako pala ang nagugulat. Masyado ng occupied utak ko, hindi ko namamalayan may tao na sa likuran ko.
Bawal ka sa Horror movies, Nana. Una kang mamamatay.
"Ano po?" Tanong ko rito. "If need mo ng psychologist?" Hinihimatonan n'ya ako na baliw na ako. Totoo naman. "Haha, wala 'to. May gumugulo lang." Pagdadahilan ko. Nilapitan n'ya ako. Alam mo 'yung mukha na nang-aasar na may gustong iparating na kagaguhan. Gano'n mukha n'ya.
Napanguso ako. "Love life-
"Hep! Wala ako no'n. Bata pa ako para roon." Sinasabi ko na may masamang balak 'to. "May kakilala ako. Baka s'ya naman pwede mong isipin." Ngiti nito. Napa-kunot ako. "Kilala mo 'yung sikat na CFO. Si Corbyn Lee Delos Diaz?" Inubo ako.
Uminom ako ng tubig. "Hindi po eh." Umiling-iling ako. "Ay gano'n ba? Gusto mo ba ipakilala kita? Inaanak kasi 'yun no'ng tita kong doktora. Wala pa raw s'ya jowa. Ewan ko lang kung meron na ngayon. Napa-iling ako. "Okay lang. Hindi naman ako naghahanap." Sagot ko. "Sure ka ah? Sayang gwapo pa naman. Ito picture oh." Hala pinakita pa nga ang picture. Ayaw ko na po, Lord! Iniiwasan ko na nga todo lapit pa sa'kin. Nagmamaka-awa na ako.
Pinakita n'ya sa'kin napahawak ako sa bibig kong nagkusang umawang. "Pa-send po." Natatawa kong bulong. Nababaliw ako. Ang gwapo n'ya talaga. Marahan akong tinulak ng boss ko. "Rupok ah!" Tinig nito. Natatawa akong tumango. Wala. Wala na akong matataguan. Wala na akong dignidad.
Sinend n'ya ito sa'kin. Sakto may narinig akong nag-ping sa parehas naming cellphone.
"Ay. Nag-chat Tita ko."
"Ay. Nag-chat si Corbyn."
Napatigil kami at napatingin sa isa't isa. Hala! Gagi! 'Di ko sadya maibulalas. Sabay na sabay kami nagsalita. "Ay, grabe 'te sa pagiging delusion ah." Komento n'ya. Natuwa ako kunwari. Muntikan na akong mabuking. "Ay. Taken na pala s'ya be. No'ng nakaraan daw na buwan may kasamang "friend." Talagang nag-quote s'ya. "Nagpa-checkup daw. Eh ob itong tita ko." May halong marahan na pilantik ito.
Napakagat ako sa labi ko. "Oh friend lang pala." Umiling s'ya at pinatunog ang dila n'ya. "Hindi magdadala ang isang lalaki sa obgyn ng kaibigan lang. Siguro 'yung iba, like mga hindi kakilala. Kasi posible naman talaga na platonic lang." Paliwanag nito kaya napatango ako. "Pero never daw kasi bumisita si Corbyn sa kanya at ang pagkakaalam ni Tita, isalang kaibigan nito. Fishy 'di ba?" Mala-imbistigador nitong sabi.
Marahan ko s'yang pinalo sa braso. Sana nilaksan ko. "Oo nga 'no!" Yari sa'kin 'tong si Corbyn. Ngayon ko lang na-realize, halatang-halata pala. "Pero may kaibigan 'yun! Na gwapo. Modelo mga magulang. Wala nga lang ako koneksyon." Napanguso s'ya. "Okay na po ako. Hanggang crush na lang muna ako."
Hala! Ano kamo, Nana? Ano itong naisabi mo?
"Shala! Okay, love it! Diyan ka mabaliw ah? 'Wag sa trabaho! Nakakapangit 'yan. Ito inspirational pa!" Gumawa s'ya ng rainbow gamit kamay n'ya. Natawa ako. No'ng bumalik s'ya sa opisina n'ya. Tumakbo ako papasok sa banyo namin. Tinignan ko ng mabuti kung walang tao,
Sinigaw ko buong puso ko. Ang gulo talaga! Hindi 'to pwede. "Nana." Halos maiyak kong tawag sa sarili ko. Hindi ko s'ya pwedeng magustuhan oh. Alam ko naman mga rason ko. So, bakit pa ganito?
Hindi naman sa never ako nagkagusto sa tao. Pero. Everything I experienced with men, it all brings back the trauma left here. Hindi na ito mawawala. Mahirap pagalingin ang pusong ito. Na iniwan mismo ng kadugo at pinaka-pinagmamalaking tao sa buhay n'ya.
Naramdaman ko ang mga luha ko. Nanatili akong tahimik ng ilang segundo. Kinolekta ko sarili ko matapos no'n. Lumabas ako sa cubicle. Wala namang taong pumasok. Huminga ako ng malalim at tinignan ko sarili ko sa salamin.
"Hindi, Nana. Masyadong mabilis. Kung gano'n ka lang magkagusto. Edi sana nagkagusto ka na sa ibang mga lalaki. Infatuated ka lang. Akala mo lang siguro. Dahil s'ya pa lang ang nakakapagpakita sa'yo ng tamang trato galing sa lalaki matapos ng tatay mong walang hiya." Pinunasan ko luha ko. Tumango ako. "Tama."
Sinundo na ako ni Corbyn no'ng sakto ako mag-out. "Ready?" Natatawa n'yang tanong. Tumango ako. "Super."
Nakikita ko s'yang sumusulyap sulyap sa'kin. "Bakit?" Natatawa kong tanong. "Something changed. May nagiba sa'yo." Ngumuso s'ya. Natatawa akong umiling. "Wala naman." Sagot ko. Napatango s'ya. "Baka imagination ko lang." Halos bulong n'yang binanggit.
Umabot na kami sa airport. "Havadu?" Tanong ko. "Apilyedo ni Bingo." Paliwanag n'ya. "Bingo Havadu, pangalan n'ya?" Kunot-noo kong tanong. "Kulit ng pangalan n'ya 'no? Real name 'yan." Natatawa n'yang sabi. Kaya may pagka-buang si Bingo. Pangalan pa lang.
Nakikita ko silang nagtatalo ni Dorothy habang naglaakad papalapit samin. No'ng mapansin kami ni Bingo ay nanliit ang mga mata nito. Kaagad s'yang tumakbo. "Naalala n'yo?!" Nakayakap ito kay Corbyn. Mangiyak-ngiyak na. "Tanga ka ba? Unang-una kitang kaibigan, mahihirapan pa ako kabisaduhin pangalan mo?" Binatukan nito si Bingo.
Parang hindi birthday eh.
Dumeretso kami sa Cheesy Chucks. Kay Dory ako sumabay kasi nando'n sa parking ang kotse nito. Si Corbyn naman ay si Bingo ang sakay. "D'yan ka?" Tumango ako. "See you." Ngiti kong sabi sa kanya. Hinintay n'ya akong makasakay.
Mini celebration lang. Parang birthday ng bata. Nag-enjoy ako kahit apat lang kami. Nagtatalo pa rin 'yung dalawa. Para kaming magtotropa rito. Napangiti ako. Tropa. I only had one friend back then. Ngayon tatlo na sila. Sana hindi ko gusto si Corbyn. Gusto kong namnamin ang pakiramdam ng maraming kaibigan.
Tama. 'Wag muna love life. Friendship muna.