CHAPTER 17

1413 Words
"Hello po." Bati kaagad ni Corbyn sa Nanay ko nang s'yang bumungad samin no'ng binuksan ang pinto. Nag-mano kaagad ito. Napatingin ako sa gilid. Hindi ko talaga maintindihan nararamdaman ko nitong nakaraang mga araw. S'ya, normal lang. Ako, nababaliw na. "Hi, Mama ko!" Bati ko rito no'ng namewang s'ya sa harap ko. Niyakap ko s'ya at hinalik-halikan sa pisngi. "Nasaan ang baston mo?" Tanong ko rito. "Ano ako matandang matanda? Bata pa ako, hoy!" Kinurot nito pisngi ko. Napa-aray ako. "Mama naman." Bulong ko at napa-sulyap kay Corbyn na mukhang nagulat. Napatingin si Mama kay Corbyn. "Ay, pasensya na. Gan'yan talaga kami hehe. Pasok na, hijo." Hinawakan ni Mama ang balikat nito no'ng papasok sa bahay. Tinataasan n'ya ako ng kilay no'ng hinubad ni Corbyn ang sapatos n'ya at nakapaglakad na papasok. "Halika na, po." In-offer pa nito ang braso n'ya. Naalala ang pag-mention ko sa baston ni Mama. Habang nauuna silang maglakad ay tinuro ni Mama si Corbyn sabay nag-thumbs up. Napailing ako. "Suotin mo 'to, hijo. Kasya naman siguro sa'yo." Tinuro ni Mama ang extrang tsinelas ni Nabu. Nasabi na siguro na magkakaparehas sila halos ng size. Buti na lang at maluwag ang parati naming binibiling tsinelas do'n. At sakto lang kay Corbyn. Hilig kasing hindi ipasok 'yung paa sa tsinelas. Hinubad ko na sapatos ko. Nakita ko ang butterfly kong tsinelas. Ka-miss! "Wow! Sino itong gwapong 'to?!" Narinig ko kaagad si Tito Waning. Tumakbo na ako papasok kahit matapilok ako, okay lang. "Boyfriend ni Nana!" Ni Tito Wakim. Napasabunot ako sa buhok ko. Nakita ko mga Tita ko, pinsan, at pamangkin. Inayos ko sarili ko. "Hindi, ho." Tinulak ko si Corbyn sa tabi at nakipag-beso sa mga kamag-anak ko. Ginulo s'ya ng ibang pamangkin ko. Nakuha naman ng mga kamag-anak ko ang atensyon ko. "Boyfriend ah." Napahinga ako ng malalim. "Hindi po. Kaibigan lang. Nagpa-hatid lang ba." Tawa-tawa kong sabi kahit pilit. Mga tingin nila. Para akong sinasakal. "Anak, naman." Hinila ako ni Tito Wakim papalapit sa kanya. Niyakap n'ya ako. "Okay lang naman." Sabi nito. "Matagal na namin inaabangan 'yan." Napangiwi Tita ko. Ito na sinasabi ko. Napahawak ako sa mukha ko gamit dalawa kong kamay. "Hindi po, talaga." Totoo ko nang tawa. Hinawakan no'ng isa kong Tita ang kamay ko. "Daladingding na ang Nana banana namin!" Tinig nito. Nakita ko mga pinsan ko nakangisi na. "Wala kayong regalo sa pasko, subukan n'yo." Mga handa na mang-asar. Maya-maya ay nakita ko na si Mama. Pasaway talaga. "Amin na po, 'yan. Bawal ka nga mag-buhat." Napanguso ako no'ng kinuha ko ang mukhang uulamin namin para ngayong hapunan. Late na late na. Mukhang ininit n'ya pa. Hinintay talaga kami. "Kain na tayo!" Sumunod si Nabu galing kusina. Nagkanya-kanya na kaming upo. Syempre tinabi ko sa'kin si Corbyn. Pagtitripan ito ng mga bata. Lalo na ng mga matatanda. Pinagitna ko s'ya samin ni Nabu. "Putchero!" Tinig ko. Forda favorite ko ito! Hays, maiinggit si Dory nito. Pinicturan ko nga. "Ito pipicture pa." Napangiwi si Tito Waning. "Kay, Dory lang po. Hehe. Alam mo naman 'yun." Sinend ko kagad kay Dorothy. "Oo nga pala, Ate. Hindi mo s'ya dadalhin dito?" Tanong ng pinsan kong baliw kay Dorothy. "Bata ka pa. Bawal ka muna sa love life." Suway ko at pinagsandukan si Corbyn sunod na ang plato ko. "Masarap 'yan lahat. Mga special 'to ni Mama." Bulong ko. "May love life ka lang eh." Pahabol ng pinsan ko. Napahawak ako sa dibdib ko. "Sinabi ngang wala!" Tinuro ko tinidor ko sa kanya. Tinaas n'ya kaagad kamay n'ya. Narinig ko tawa ni Corbyn. Lahat kami napatingin. Napangiti ako onti. "Nakikitawa ka." Tinaasan ko s'ya ng kilay matapos sigang pagsabihan. "Ito naman!" Napatingin ako sa Tita ko. "Hindi dapat ganyan trato mo sa jowa mo! Hindi lahat ng lalaki masama." "Tama!" Naki-tama ang mga 'to. Pati si Mama at Corbyn. Napangiwi ako. "Hindi ko nga s'ya jowa!" Naiinis ko nang sabi may kasama na tuloy padyak at nginig. "Haha! Ka-miss talaga banana namin!" Napanguso lang ako. Kumain na lang ako. Ayaw nila ako tigilan. Kinain ko inis ko. Ininterview nila si Corbyn. Galing talaga sumagot at mambola. Kaya ako nabuntis dito oh. Ops. Bawal sabihin. Natawa ako sa sarili ko. Muntikan na 'yun, oh. "Nana? Nababaliw ka na?" Natatawang sabi ni Mama sa'kin. "Sarap kasi ng ulam." Natatawa kong sabi para makaiwas lang. Tinapakan ko paa ni Corbyn nang natawa rin s'ya ng mahinhin. Napa-aray s'ya. Napangiti lang ako sa kanya. "So, kailan pa kayo?" Nabilaukan ako. Kaagad ako tinulungan ni Corbyn. Sinenyasan ko s'yang okay lang ako. Uminom ako tubig sabay sinuntok dibdib ko. "Wala nga pong kami." Para ng kambing ang pananalita ko. Natawa silang lahat. "Hindi ka naman basta basta ihahatid sa two hour drive ng isang lalaki, nak. Sabay gwapo oh? Kung hindi pa. Sa ngayon lang hindi." Talagang gusto nilang itulak. Tumayo ako. "No." Umiling ako. "Maldita talaga 'tong banana namin." Narinig kong sabi ng Tito ko. Bahala sila. Kukuha na lang ako ng dessert sa ref. Corbyn's POV Sinundan ko s'ya ng tingin. Ang sarap kasama ng pamilya n'ya. Sa una mukha silang nakakatakot. Ang Tito Waning at Wakim n'ya mga nakasando lang kaya kita ang tattoo. Parehas pa kalbo. Mabait naman pala. Kanina pa nila ako tinatanong. Tungkol sa trabaho, sarili ko, mga nangyari sa buhay ko. Buti at kaya kong sabayan humor nila. Nakakahinga naman ako ng maluwag. Sobra pa nga luwag. I feel comfortable and at home with them. Inabutan ako ng Mama ni Nana ng ulam. "Kain pa, hijo." Ngiti nito sa'kin. Kinuha ko ito para hindi na s'ya mabigatan. "Nililigawan mo ba si Nana?" Mukhang seryoso na sila. Umiling ako. Syempre sasabihin ko totoo. "Talagang magkaibigan lang po kami." Napangiti ako. Ngayon lang n'ya inamin na magkaibigan kami. Puro rin ang pansin n'ya sa'kin. Last week felt like a chasing game. Hide and seek pa nga. Parang iniiwasan n'ya ako sabay pinapahabol kung saan saan. "May balak ka?" Napatulala ako. That question stopped me. Tinigil ko pagkuha ko ng pagkain. Naramdaman kong tumingin sa'kin si Nabu. Si Nana nasa kusina pa ata. "Wala po." Mabagal kong sinagot. "Bakit parang nagdadalawang isip ka?" Nakangisi na ito. Napalunok ako. Ngayon ako na-hotseat. "Ice cream!" Dala-dala na ni Nana ang tatlong tub ng ice cream. Tinulungan ko na lang s'ya para hindi na gumalaw si Tita. "Ako na po." Ngiti kong sabi rito. Buti at nakatakas. "Thank you." Bulong namin sa isa't isa. Nagtaka naman s'ya. Matapos mag-hapunan ay nakipaglaro kami. May mga papremyo. Mga charades, pinoy henyo, patalbugan ng bola, putukan ng lobo, at bring me. Daming mga laro. Anong oras na kami natapos. Hindi pa sila tapos magkwentuhan. Pero sinundan ko si Nana sa labas ng bahay. Sa veranda ng bahay nila. Parehas kaming naka sandal. "You have a great family." I complimented her. Natawa s'ya. "Makulit kamo." Ngiti n'yang sabi. "But yeah, they're the best." Her eyes sparkled napatitig ako. "Pasensya kung puro tanong. Ngayon lang kasi sila nakakita ng may kasama akong lalaki." Natatawa n'yang sabi. "Ever since nangyari 'yung alam mo na. My perception of men." Napatigil s'ya. She let out a sigh. "Nagbago lahat." Napailing-iling s'ya. I can see the pain in her eyes no'ng ialis n'ya ang tingin n'ya sa'kin. Nang ibalik n'ya sa'kin. Nag-iba ito. "Hindi talaga lahat ng lalaki gano'n." Ngumiti s'ya. "Alam ko na ngayon." Lumapit s'ya sa'kin. Napatigil ako sa paghinga. Ang lapit n'ya. My heart won't stop from beating fast. Hindi ko magalaw kamay ko. Napapikit ako. Nang buksan ko mata ko ay nando'n s'ya sa tabi ko. Natawa ako. Nagulat ako nang sumandal s'ya sa'kin. "Thank you so much for coming with me." Napatingala s'ya sa'kin habang nakapatong ang baba n'ya sa balikat ko. "Anything." Wala sa sarili kong sabi. Napangit s'ya. Binalik n'ya ang ulo n'ya sa pagkakasandal. "Nagustahan ka nila." Matapos ng kaonting katahimikan ay nagsalita s'ya. Napangiti ako habang nakatingin sa kawalan kagaya n'ya. I like the silence. Hindi ko ramdam ito. Siguro dahil puso ko nangingibabaw. "Ano?" May binulong s'ya na hindi ko na narinig. Antok na. Hinawakan ko pisngi n'ya. Natutulog ng nakatayo. Maaga pa ito nagising. Napatitig ako sa mukha n'ya. Nilagay ko sa likod ng tenga n'ya ang mga nakaharang na hibla ng buhok sa mukha n'ya. I stared at her face. Ang ganda. Hinalkan ko noo nito. Hinayaan ko manatili kami ng gano'n. No'ng hinanap kami ay nagising ito. "Let's go in?" Aya ko ng nakangiti. Inaantok s'yang tumango. Hinawakan ko kamay n'ya at hinila s'ya papasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD