"Mama ko!" Tinig ko no'ng tumawag si Mama sa'kin. "Kailan ka pupunta rito?" Kaagad nitong tanong. Napatingin ako sa orasan ko. Tanghali pa lang. No'ng isang linggo pa n'ya ako ina-aya. Kaso may nangyari. 'Yung sa amin ni Corbyn. Napa-iling kaagad ako habang pinapaikot ang upuan ko. Nasa trabaho ako ngayon.
"Natalie Narcisa?" Tawag nito dahilan para kaagad ako umangal. "Mama, naman." Full name talaga tawag. "Ayaw mo sumagot." Dahilan n'ya. "Hindi ko po sure." Nguso ko. Gusto ko man pumunta, busy. Pero inisip ko schedule ko for today. Sabado naman. Pwede akong umuwi ngayon doon. Sakto nando'n si Nabu. Tapos sa Monday maaga na lang ako aalis. Sakto papasok.
Inisip ko mabuti. "Masarap ulam ngayon. Bibisita sina, Tito Waning and Tito Wakim mo. May small gathering ngayon. Pupunta daw si Brian. Ikaw na lang." Tinawag pa talaga si Nabu sa second name. Bahagya akong natawa. "Anong oras po ba? Biglaan naman." Natatawa parin ako. Nag-away siguro sila. Baka sapilitan pina-uwi si Nabu.
"Alas-otso pa naman. Inuman daw rito sa bahay. Biglaan lang talaga, babalik 'yung mga 'yun sa probinsya sa Lunes. Ano, G?" Nagtaka ako sa pananalita n'ya. "At saan mo naman nakuha 'yang, G?" Tanong ko. Natatawa n'ya akong sinagot. "Abay, kayo lang ba ang kabataan at may kakayahan gamitin 'yun? Syempre, ako rin!" Humalakhak ito.
Napangiti ako. "I miss you po." Napapatong ako ng ulo sa lamesa ko at tinignan ang family picture namin. "Kaya nga. Umuwi ka." Ginamit naman agad 'yung salita ko sa'kin. "Titignan ko po. Habol na lang po ako kung kaya kong umuwi ngayon." Malayo-layo ang bahay namin. Dulo ng City ang bahay namin. Mga 2 hours drive. Baka kasi mag-overtime ako if ever.
"Sige, tama 'yan. Basta uwi ka ah. Kahit wala ng kahit anong dala. Sarili mo lang. Sabihan mo ako pag nasa biyahe ka na. Ayusin ko gamit mo hehe." Natutuwa n'yang sabi. Lalo ako napangiti. "Opo, mama." Nag-kwentuhan pa kami habang nagawa ako ng document.
"Sige na, anak. Baka ginugulo kita. Ang ulam natin ay..." Biglang humina boses n'ya. "Secret! Ba-bye!" Binabaan ako kaagad. Napasapo ako. Nanay ko talaga. May pagka-kulitan talaga. Ginawa ko na lang trabaho ko. Sana maka-abot. Excited ako sa mga papremyo nila.
Kada taon kasi may maliit na gathering sa amin. Last year hindi ako nakapunta kasi grabe raket ko no'n. Namigay raw ng tig-isang libo. Kaiyak! Wala ako!
Napatingin ako sa nag-email sa'kin. Schedule no'ng check up ni baby. Ginawa na lang kasing every month since healthy raw si baby. Inayos lang nito schedule ko. Naalala ko si Corbyn. Nagkakasalubong kami from time to time.
Naramdaman ko ang pagka-pula ko. Nahihiya parin ako. Naiilang ako tuwing magkikita kami dahilan para maikli ang mga usapan namin. Haha. Hindi ko kinaya ang sarili ko no'ng araw na 'yun. Hindi n'ya siguro naalala. Mukhang okay lang s'ya. Akala n'ya siguro nanghiram ako dahil nabasa kami no'ng ulan.
It's a big no no po.
Kumain ako habang gumagawa ng spreadsheet para naman may matapos ako. Nag-mabilis din ako ng kain. Halos buong hapon ay ginawa ko na trabaho ko for the whole weekend.
"Natalie." Tawag sa'kin ng boss ko. Napatayo ako. "Yes, po?" Tanong ko rito. Nakasilip na s'ya sa pintuan n'ya. "Hindi ka tumatayo r'yan sa upuan mo. Maglakad-lakad ka muna at baka mapano ka pa." Alala nito napangiti ako. "Okay, lang po." Ngiti kong sabi.
Habang natagal nagkaka-close kami. Mabait naman s'ya. Nakasimangot lang dati parati. "Gusto mo tignan 'yung ginagawa kong design?" Tanong nito sa'kin. Kaagad ako tumango. Pinapasok n'ya ako sa opisina n'ya. Dahil fashionista s'ya. Organized ang gamit n'ya.
Ganda talaga ng opisina n'ya.
Napatingin ako sa ginagawa n'ya. Halod himatayin ako sa dami. But a part of me wants to feel it. 'Yung pagguhit. Paglagay mo ng oras at pagod mo sa plates. Alalang-alala ko talaga mga araw no'ng college ako.
"Ang gaganda naman po." Napatingin ako sa laptop n'ya. May designs ng galing sa architect. Galing siguro roon sa kabilang building. Engineering kasi rito lahat. Architects naman sa kabila. 'Di ba? Shala. Magkahiwalay pa talaga.
"Syempre, ako pa." Tinakpan ko ng hindi pahalata ang bibig ko. Pinigilan ko sarili ko tumawa ng malakas. "Alam mo, Natalie." Nagtaka ako no'ng nagsalita s'ya. Nag-iba kasi tono. Tinignan ko s'ya habang pasulyap-sulyap ako sa prints n'ya.
"I saw your old plates." Napalunok ako. "Po?" Gulat kong sambit. "The company did a background check on you. Kasi 'di ba need ng background sa engineering." Panimula nito. Hindi ako umimik. "Your grades were high, your calculations were clear, your drawings were great, beautiful even." Halos maiyak ako sa compliment n'ya.
Napatayo ako ng maayos. "Why not take the boards?" Napapikit ako. Mi-isang beses ay naisip ko 'yun. Siguro dahil natatakot ako matulad sa dati. Na may sasabay na namang problema. Na mas may nakaka-angat dito. "I'll teach you para ma-freshen up ka." Offer n'ya.
Napatigil ako. "Alam kong kaya mo." He encouraged me.
"I'll take your offer." Hindi ko na kinaya. Pangarap ko 'to. I have this second chance. I'm closer to it rather than the last four years gave me. Tatanggihan ko pa ba? Edi syempre. Um-oo na ako.
Nag-usap pa kami about doon sa pangyayari bakit hindi ako naka-boards. Sayang daw talaga. Totoo naman. Pwede naman kasi ako kumuha anytime. Kaso mo, I was too hands on. "You should let yourself breathe more. Hayaan mo sila naman mamahala sa sarili nila." Breadwinner din s'ya kaya alam n'ya pakiramdam. Naranasan n'ya na ito.
"Pero, oo. Mahirap gaya ng iniisip mo. Hindi madali sa una. Pero kailangan masanay sila." Paliwanag nito. "Lalo't ng may baby ka." Inubo ako bigla. "Po?!" Tinig ko. "Ay? Hindi ba?" Napatingin s'ya sa'kin. "Kinakain mo pa lang parang buntis ka. Pasensya na ah, ma-amoy kasi ako sa gan'yan. False alarm ka pala hehe." Napahinga ako.
Buti at naibawi kaagad. "Okay lang po. Weirdo talaga ako haha." Tawa ko. Sige, tanggal dignidad. Sorry, baby. Secret ka lang talaga for now.
Maya-maya after namin magusap ay nag-out na ako. Saktong five o'clock ako nakapag-out. Natapos ko na lahat ng gawain ko. Sinave ko na rin sa schedule ko para sa license exam. Pero next year 'yung kukunin ko. Hindi ko pa kaya 'yung sa ngayong taon. Ang lapit na. Next month na kasi kaya 'wag na lang.
Naghintay ako ng masasakyan. Pagtingin ko sa orasan ay lagpas trentang minuto ang lumipas no'ng lumabas ako. Tagal naman. Naghintay pa ako. Wala talaga. Naglakad ako papuntang terminal nang may bumusina sa'kin.
Nanlaki mata ko. "Pauwi ka na? Hatid na kita." Sabi ni Corbyn na nakadungaw sa labas ng binatana n'ya. "Aalis ako." Gumilid s'ya para 'di naka Harang. "Saan punta?" Tanong nito na nag-mukhang tuta. Umiwas na lang ako ng tingin.
"Uuwi ako sa amin." Sabi ko. "Dalawang oras higit biyahe." Paliwanag ko sa kanya para hindi na n'ya ako kulitin. "Oh? Wala ka masasakyan kung gano'n. Strike ng mga jeep." Hala, oo nga! Tanga ko talaga. Bakit pati taxi? Bahala na nga! "Bus ako." Sabi ko.
"Hatid na kita." Ninguso n'ya tiyan ko. "Masama mapagod." Nakipagtitigan s'ya sa'kin. Hindi kinaya ng mga mata ko. Sumakay na lang ako para hindi na rin s'ya makaharang. "Saan tayo, boss?" Tanong n'ya. Napabuntong-hininga ako. Natawa s'ya.
"Ito sundan mo." Sabi ko at idinikta ang address ko. Tumango s'ya. Kaagad n'ya pinaandar. Parang alam na alam n'ya kung saan.
I take it back.
"Ililigaw mo ba ako?" Natatawa kong tanong pero nase-stress na ako. Sakto tumawag si Mama. "Hello po." Bati ko rito. "Pupunta ka ba?" Tanong nito. Alas-siyete na ng gabi. "Opo. Mga alas-otso ako makakarating." Narinig kong ichinika na n'ya sa kamag-anak namin ito.
"Paano ka nakasakay? Nakita ko sa news may strike." Nakipag-kwentuhan pa sa'kin. Napasulyap ako kay Corbyn. Tinaas n'ya parehas n'yang kilay. Napa-iling ako. "Hahatid po ako ng kaibigan ko." Narinig ko boses ni Nabu sa background. "Si kuya Corbyn ba?" Tanong nitong nakisabat.
Tinanong naman ni Mama kung sino 'yun. "Kaibigan daw n'ya." Sarap batukan! "Kaibigan lang po talaga!" Sigaw ko. Nagulat si Corbyn. Buti na lang at nabalik n'ya kami sa tamang daan. Muntikan ko na s'ya batukan. Chismoso rin kasi.
"Sus, imbitahin mo." Sabi ni Mama. Nakaramdam ako ng kabog sa dibdib ko. Atake ba 'to?
"Hindi na, Ma. Baka gabihin pa ito." Dahilan ko. "Ano ka ba? Hinatid ka. Pakainin ko man lang. Pwede rin matulog dito. May damit si Nabu."
"Kasya damit ko sa kanya, Ma!" Sabi ni epal. "Oh. Imbitahin mo. Sige na, ingat sa biyahe." Hindi ako nakatakas.
Napatingin ako kay Corbyn. "Inimbita ka nina Mama." Sambit ko. Nakita ko s'yang napanguso. "Okay." Nakita kong ngumiti ang gilid ng bibig n'ya. "Doon ka na rin daw matulog. Baka gabihin ka sa biyahe. May damit si Nabu roon." Dagdag ko.
"Okay, boss." Napatingin ako sa binatana. Nanood ako ng dumadaan na kotse. Naramdaman ko ang pag-angat ng gilid ng labi ko. Nana, this isn't you.