Nagugutom ako. Madalas na ako mag-crave ngayon. Pero hindi ako nataba. Hindi rin nalaki gaano 'yung baby bump ko. Pero sabi no'ng doctor no'ng nakaraan visible na dapat ang baby sa ganitong weeks. Parang bloated lang itsura no'ng akin. Siguro maaga pa. "Kain kami ni baby!" Excited kong bulaslas habang naghahanap ng pagkain sa pantry. Kumuha muna ako ng plato at utensils. "Gusto ko ng something malamig." Suminghot ako para maka-amoy ng pagkain. Sense of smell ang ginagamit ko ngayon para sa food huntings. Wala akong paki sa lasa o itsura. Amoy talaga ang trip ko. Binuksan ko ang ref. Walang laman. Ang ibang cabinets namin. Wala ring laman. "Byn!" Tinawag ko si Corbyn na nagtatrabaho sa opisina n'ya. Busing-busy sila ngayon dahil malapit na matapos ang taon. Maya-maya ay lumabas na

