Corbyn's POV Ever since the party, may sunod sunod na kay Nana the day after. Wala namang nasunod sa akin. Natataon lang na magkasama kami kaya parang nakasunod din sa'kin. But it's really Nana na habol nila. Nagpapa-update ako kay Dory whenever may napansin s'ya since madalas n'yang kasama si Nana kaysa sa'kin. Araw pa lang nakalipas pero ramdam na ramdam daw ni Dory na dahil 'yun sa nangyari no'ng birthday ni Senadora. No'ng una akala namin ni Nana no'ng pag-uwi namin galing grocery, baka media. But if it really were the media, sana naipost na lahat no'ng na-capture nila. Pero walang camera. Ibang tao 'yun. Ano kaya gusto n'ya kay Nana? "Sir." Tawag sa'kin ng sekretarya ko after kumatok sa pintuan. Umayos ako ng upo at ningitian ito. "Si Ms. Criziana po, nasa labas." Napatigil ako

