"Okay na kayo ni Adam?" Cassy sat on the chair in front my desk office. Abala na 'ko sa pagtatrabaho nang dumating siya. Panay ang inom ko ng tubig. Parang may kung ano pa kasing humihilab sa ulo ko. "I hate hangover." I puffed a breath. Cassy laughed. "Nagulat nga ko sa 'yo nagpakalasing ka nang sobra. Buti hinatid ka ni Adam, safe and sound, wait." Her eyes widened. "May nangyari sa inyo kagabi?" "Gaga ka ba?! Wala 'no." "Ba't wala?" Binato ko siya ng ballpen. "We're taking it slow." "Slow? May gano'n pang nalalaman. Si Adam, madalas speed ang gusto niyon ah." I shrugged. "He said he would do anything for me. Willing siyang bagalan muna." "So nagtiwala ka na ulit sa kanya?" "Not totally." Kumuha ako ng bagong ballpen sa pen holder ko as I continued signing some papers. Pinip

