"Nililigawan ka na ni Adam?" Kanina pa kulit nang kulit sa 'kin sina Cassy at Karmina tungkol kay Adam. Nagkasalubong kami sa Watsons so we ended up having lunch together at a Japanese restaurant. "Ligaw ba iyon? Humingi lang naman siya ng tawad," sagot ko bago sumubo ng sushi. "Ano ka ba! Ligaw na ang ibig sabihin niyon. He's trying to win you back." Malisyosang sumipsip ng wine si Cassy na kaharap ko sa lamesa habang katabi niya si Karmina na pasubo-subo sa ice cream niya. "Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin talaga siya napapatawad?" Dinaig pa ni Boy Abunda si Karmina sa dami ng tanong niya. "Masyado siyang nasaktan kay Adam, Karms. Pero Kesha naman, baka nagbago na talaga iyong tao." "Pa'no ba masasabing nagbago na talaga ang isang tao?" Sinilip ko ang phone ko nang nag-vibrate,

