Pagdating ko sa harap ng silid ni Kenjei. Huminga muna ako bago ako kumatok. Walang sumagot kaya pumasok na ako. Nakita ko na kalalabas niya lang ng banyo. Nakatapis lang ito ng tuwalya. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Pinatatawag niyo po daw ako Master?" Tanong ko sa kanya habang nakayuko. "Paki pilian mo ako ng isusuot kong damit." Sabi niya. Hindi na ako umimik naglakad na ako papasok sa closet niya pumili ako ng damit niya. Ng babalik na ako para ibigay sa kanya ang damit niya muntik na akong mapatili ng mabungo ko siya. " S...Sorry po Master!" Sabi ko sa kanya. Saka aktong aalis na ako ng hapitin niya ako. Nagulat ako. " Master, bitiwan niyo po ako baka po.." Sabi ko sa kanya na hindi ko naituloy dahil pinutol niya na ito. " What? Because of Fujiko? " Inis na tanong niya. H

