Kinabukasan maaga pa ako gumising para tumulong sa kusina. "Grabe ka Rayne, alam mo ba na ikaw lang ang nagkalakas ng loob na sagutin si ma'am Fujiko." Sabi ni Manang kusinera sa akin nabutan ko siya na naghahanda ng lulutuin niya. "Hindi lang yun sa harap pa ni Boss Lazio." Sabi naman ni Ada sabay tawa. "Akala ko nga parusahan siya ni Boss. Yung prinsesa kaya ng Yakuza ang sinagot niya." Sabi naman ni Nena na tumatawa din. "Hindi ko naman alam na nandiyan sila saka napikon lang naman talaga ako sa babaeng yun." Bulong ko sa isip ko. "Pero tama ka iha sa mga sinabi mo sa kanya." Sabi naman ni manang uli. " Nakakatawa ang itsura ni ma'am Fujiko ng mainom ang tinimplang kape ni Rayne hindi malaman kung masusuka O mabibilaokan." Sabi ni Ada na tawa ng tawa nagtawanan sila. " Ikaw ba

