***RAYNE POV#*** Dalawang lingo ng laging wala si Kenjei. Halos hindi na kami nagkikita. Madalas din masama ang pakiramdam ko. "Besty, malapit na ang kasal ko sana makarating kayo ni Kenjei." Sabi ni Vanessa. "Hindi ako nangangako besty. Lagi kasi siyang busy ngayon. Halos hindi na nga kami nagkikita." Sabi ko sa kanya.Nalungkot siya. " Pero pangako pag nagkita kami susubukan kong bigkasin sa kanya." Sabi ko dito natuwa siya. " Kumusta nga pala sila Papa besty? " Tanong ko sa kanila. " Maayos naman sila. Sa wakas nagaaral na ng maayos ang mga kapatid mo." Sabi ni Fatima sa akin. Napangiti ako. "Business management ang kinuha ni Luther. Balak niya yatang hawakan ang negosyo niyo." Sabi ni Claire. "E di maganda para makapagpahinga na si Papa." Sabi ko sa kanila. " Sa susunod na l

