Nalibang ako sa kakatingin sa mga nagsasayaw sa gitna. Nasa taas sila Kenjei. Saktong natatapos ko ang iniinom ko ng mapatingin ako sa taas. "Sabi ni Kenjei sandali lang sila?" Bulong ko saka ako tumingin sa kanya. Nagulat ako ng makita ko na katabi niya si Fujiko. Napakunot ang noo ko ng makita na nakayapos ito sa kanya. "Ahhm, hindi po alam ni Master na darating siya. Siguradong sinadya ng Papa niya ito." Sabi ni Raiko. Ng makita ko na lilingon sa akin si Kenjei umiwas ako ng tingin. Gusto kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi mapigilan na hindi mainis. Kaya ng bigyan ng alak si Raiko ng Bar temder kinuha ko ito. Bago pa makaimik si Raiko natungga ko na ito. Uminit ang tenga ko pati ang pisngi ko. "Ang pangit pala ng lasa." Sabi ko sabay tawa. Napatanga si Raiko sa akin. Napating

