Hanggang ngayon nakatulala pa rin ako't dali-daling ni-refresh ang f*******: ko at napatakip ng bibig at pinakawalan ang impit na sigaw at muling binasa ang comment niya't hindi pa rin makapaniwala. Medyo nanlalamig at nanginginig na rin ang kamay ko. Clark Garcia: Yes, of course I will stay! Naghahabol na ako ng hininga at nakitang may reply siya sa kinomento niya't unti-unting nawala ang aking mga ngiti. Clark Garcia: Because your my lovely bestfriend. Yeah right! Napabuntong hininga na lang ako't pabagsak na inilapag ang aking cellpone sa tabi ko. Bwiset! Okay na, eh! Kaso dinagdagan pa! Bad trip. Medyo manhid pa. Sakit ha! Umasa pa naman ako. Hayst! "O, anong nangyari sa'yo kapatid? Parang kanina kilig na kilig ka tapos biglang bwiset ka na ngayon." Napabuntong hininga na lamang

