Nagising ako ng maramdaman kong may humawak sa pisngi ko. Agad namang napalayo si Jace sa gulat na bigla akong dumilat. Napakunot-noo naman ako dahil sa pagtataka. Anong ginagawa nito sakin? "Hoy! Anong balak mo, ha! Walang talo-talo dito, uy!" Sigaw ko't napatakip ng katawan. Pinakiramdaman ko pa ang sarili ko kung may kakaiba ba o normal pa rin ito. May narinig naman akong humagikhik at napalingon sa gilid kung saan nadatnan kong nakatayo ang nurse. Sinamaan ko siya ng tingin at agad niya namang itinikom ang kaniyang bibig at nagkunwaring may inaayos. Anong ginagawa ng nurse na 'to? Siguro nagpapacute siya sa bestfriend ko habang tulog ako. Aba! Agad naman akong tumayo at biglang napangiwi ng maramdaman ang medyo masakit kong paa. Inalalayan naman ako ni Jace, nagpaalam at nagpasa

