Kanina pa ako umiiyak dito sa kuwarto at mabuti na lang wala dito sila mommy dahil may business meeting sila ni daddy sa Makati. Si kuya naman hindi ko alam kung nasaang lupalop nagpunta. Basta ang importante sa ngayon ay ako lang ang nandito, para wala ring magtatanong sa'kin kung ang nangyari't umiiyak ako. Sobrang maga na nga ang mga mata ko kakaiyak. Mula sa school hanggang dito sa bahay ay walang tigil ang aking pag-iyak and realizing that I'm actually stupid to let myself fell in love with him and so dumb to break a rule of friendship. This is all my fault, and now, I'm facing the consequences. Napahinto ako sa kakangawa ng marinig kong mag-ring ang cellphone ko. Agad naman akong nagpunas ng luha habang nagpipigil ng mga hikbi. "H-hello?" Nauutal kong sambit habang pinipigilan an

