Kinabukasan ay pumasok ako sa eskwelahan bitbit ang desisyong dapat ko munang iwasan si Jace hanggat 'di pa rin nawawala ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kailangang mawala muna ang maling nararamdaman ko bago bumalik sa dati ang lahat. Iyong walang kahit anong sakit ang nararamdaman. Buti na nga lang at medyo lumiit na ang pamamaga ng mga mata ko. Mahirap na at baka ma-hot seat ako kapag nagkataon. Naglalakad ako sa hallway papuntang classroom ng makita ko si Caila na nakatayo sa tapat ng music room. Napa-irap na lamang ako ng mapagtantong nagnanakaw sulyap nanaman siya kay Lance. Talagang baliw na baliw, eh? Nang mapalingon siya sa gawi ko'y agad niya akong nilapitan at nginitian. "O, kamusta na ang pusong sugatan?" Mapaglaro niyang sabi at sinundot ang aking tagiliran. Agad ko namam

