Chapter 34 Anong oras palang ngunut kasalukuyan nang mahimbing na natutulog ang binata sa kaniyang kwarto. Maaga pa ngunit nagpahinga na agad ang binata para maihanda ang kaniyang sarili. Napag-usapan nila ang tungkol sa kompetisyon. Tatlong araw bago dumating ang binata sa Mira ay may isang magarang karwahe ang bumisita dito. Flash back Isang karwahe ang bumisita sa lungsod ng Mira. Sa disenyo palang ng karwaheng gawa sa ginto ay madaling mapapansin na galing ito sa makapangyarihang pamilya o organisasyon. Wala rin itong mga guwardiya na nagbabantay sa paligid, patunay na ang nasa loob ng karwahe ay isang malakas na pigura na hindi nangangailangan ng proteksyon. Mabilis kumalat ang balita sa malalaking faction at nang mapansin nila ang disenyo ng karwahe ay agad nilang sinalubong ang

