Chapter 35 Arena of Mira Ang arena ng Mira ay malaki at malawak. Pabilog ito kaya ang upuan ng mga nanonood ay nakapalibot din at makikita nila ng maigi ang mga kaganapan sa baba. Kas'ya ang kahit na isang libong tao sa arenang ito, at kasalukuyan itong punong-puno ngayon. Ang arena sa baba ay halos isang-daang metro ang lawak. Walang magiging problema dito kahit na sampong adventurer ang maglalaban gamit ang buong lakas nila. Sa baba ng arena ay may isang matanda na nakatayo sa gitna. Sa tabi niya ay may daan-daang mga binata at dalagang adventurer na nakapalibot sa kaniya na nakasuot ng puting roba, ang roba na mga suot nila ay galing sa butler, bawat isa sa kanila ay hindi hihigit ang edad sa dalawampu. "Tutal ay nandito na ang lawat, ipapaliwanag ko ang panuntunan ng unang stage.

