Chapter 30: Sa taas ng malaking bahay na kaninang tinuluyan ng adventurer ay may dalawang pigura ang nagmamatyag sa mga nangyayari. Kahit na hindi pumapatay ng matatanda ang bandidong si Shi ay hindi rin naman siya isang mabuting tao na magliligtas ng kahit na sino laban sa iba, lalo na at inutusan pa siya ni Zac na huwag makikialam. Ang kaninang matanda na tinulungan niya ay dahil sa bigla niya lang itong naisipang tumulong. Pero ang inis na naramdaman niya sa gumawa n'on ay totoo. Nang lumabas ang itlog sa katawan ng Demonic Wolf ay biglang nanginig sa pagkasabik ang katawan ni Zac. Para bang matagal nang hinahanap ng katawan niya ang itlog na ito. Nang mawasak ang itlog ay lumabas ang kulay pulang ibon na maliit. Ang panginginig ni Zac ay lalo pang lumakas. "Phoenix. Kukunin natin

