Chapter 31: Ipan Village Sa bukid ay may tatlong pigura ang makikita. Si Zac ay nakaupo sa pinagbagsakan ng matandang babae bago siya mawalan ng malay. Hinawakan niya ang sahig at ginamitan ito ng mana. Ang mana ay pwedeng gamitin pangtago ng presensiya, pero pwede rin itong gamitin sa paghahanap ng presensiya, ngunit ang konsumo ng mana ay hindi ganoon kaliit kaya karamihan ay hindi ito ginagamit sa laban. Ang may malalaking mana lang ang mga pwedeng gumawa nito at gagawin lang nila ito kung desidido talaga sila na hanapin ang isang presensiya na mahirap hanapin, gaya ng presensiya ng mga assassin. Nang matapos sa paggamit ng mana ang binata ay napunta ang tingin niya sa isang kubo ilang daang metro ang layo sa kanila, kung titignan sa paligid ay mga limang lupain ang madadaanan nia

