Chapter 20

2054 Words
Chapter 20: Nanginig sa takot ang buong katawan ni Zac sa naramdamang aura na inilalabas ni Rodger. Kita rin sa mga mata nito na desidido na siyang tapusin ang binata kahit na anong mangyari. Naglakad palapit sa kaniya si Rodger. Sa sobrang tindi ng pressure ay hindi maigalaw ni Zac ang mga paa niya. Pakiramdam niya ay isa siyang mahinang kuneho sa harap ng papalapit na mabangis na leon para lapain siya. Maliit nalang ang distansiya nila nang biglang napahinto sa paglakad si Rodger na wari'y nauntog siya. Napatingin siya sa isang direksiyon at lalo pang lumaki ang galit na kinikimkim nito. "Tanda! Kapag hindi ka tumigil sa pakikialam mo ay sisiguruhin ko na magbabayad ng malaki ang faction mo!" Pagbabanta niya habang nakatingin sa isang direksiyon. Nagulat si Zac sa narinig at itinuon niya rin ang tingin sa tinitignan ni Rodger. Ang nakita niya lang ay hangin pero makalipas ang ilang sandali ay nakarinig siya ng tawa doon at may itim na roba ang biglang namuo. "Haha. Ganiyan mo ba dapat itrato ang mayor mo? Isa pa, masiyado na akong matanda huwag mo na pahirapan ang nalalabing buhay ko." Pagbibiro nito na lalong ikinainit ng ulo ni Rodger. Nakabalot ng roba ang buong katawan nito kaya hindi kita ang mukha niya pero sa tono palang ng boses niya ay madaling makukumpirma na totoong matanda na ito gaya ng pagtawag ni Rodger sa kaniya. Kilala ni Rodger ang matanda at malaki ang posibilidad na may kinalaman ito sa mga nangyayari ngayon. Alam din nito na si Red ang balak niyang gawing pinuno ng Flame Faction kapag nagretiro na siya, pero kahit alam niya iyon ay hinayaan niya pa ring mamatay si Red sa harap niya. Sa harap ni Rodger ay may invisible na barrier na hindi nakikita ni Zac. Ang mga rank 5 lang ang may kakayahang mapansin ito. Sa likod ng matandang nakasuot ng roba ay ang katawan ni Kaito. Kahit si Rodger ay hindi ito nararamdaman dahil sa kapal ng manang ginagamit niya para takpan ang presensiya nito. "Umakyat ka sa taas at kung may kapangyarihan ka para pigilang makaakyat si Rodger sa ika-apat na palapag ng dungeon ay gawin mo na. Hindi tatagal ang barrier ko laban sa kaniya." Gumamit ng mana ang matandang mayor para matanggap ni Zac ang mensahe niya. "Paanong?" Ni-hindi niya nga binanggit kahit na isang beses ang pagkakaroon ng abilidad na paguhuin ang una hanggang ikatlong palapag ng dungeon. Kaya bakit alam ng matanda na kaya niya itong gawin? Bilang master ng una hanggang ikatlong palapag ng dungeon ay may abilidad si Zac na i-self-destruct ang tatlong palapag, pero kapag ginawa niya iyon ay mamamatay siya kasama ng pagguho nito kung hindi siya aakyat sa ika-apat na palapag. At kapag nawasak ang tatlong palapag na kinokontrol niya ay hindi na siya makakababa pa o makakalis ng dungeon dahil winasak niya na ang nag-iisang daanan pababa. Sa madaling salita, mata-trap siya sa dungeon hangga't hindi niya naaakyat ang ika-sampong palapag ng dungeon para makahanap ng paraan sa paglabas. Kahit ang mga ibang tao na nasa ika-apat hanggang siyam na palapag ay hindi na makakaalis sa dungeon at mai-stuck sila dito habang buhay. Maliban nalang kung may daan palabas kapag narating nila at tinapos ang mga dapat gawin sa ika-sampong palapag. "Gawin mo na! Kapag nawasak ni Rodger ang barrier ay siguradong papatayin ka niya agad. Kahit ako ay walang magagawa para protektahan ka 'pag nagkataon." Pagpilit niya sa binata. Mahahalata rin sa boses niya ang kaba. "Bakit mo ako tinutulungan?" Kahit na delikado ang sitwasyon at mamamatay agad siya sa oras na mawasak ang nasabing barrier ay hindi niya pa rin mapigilan ang magsuspetya sa matanda. "May isang utang na loob ako sa Guild Master. Bago siya umalis ay hinabilin ka niya sa'kin." Nerbyosong paliwanag niya. 'Utang na loob? Kung ganun nga ay bakit alam mo ang tungkol sa kakayahan ko sa dungeon?' Pagtataka ni Zac at lalong nagduda sa sinabing paliwanag ng matanda. Pero ngumiti pa rin si Zac sa matanda at sumagot ng, "Sige." Tumakbo siya papunta sa isang lokasyon. Gamit ang buong lakas niya ay madali niyang narating ang destinasyon. Bago tuluyang mapunta sa ika-apat na palapag ay nginitian niya muna ang dalawa. Saktong pagkawala ng pigura niya ay biglang lumindol ng malakas ang ikatlong palapag na wari'y guguho na ito. "Tsk! Tanda! Pagbabayaran mo 'to!" Galit na banta ni Rodger at biglang naglaho sa kinatatayuan niya. Ang matandang nakasuot ng roba naman ay ganun din ang ginawa. Bigla ring naglaho at napunta sa ikalawang palapag. Ngunit ng mapansin niya ang nangyayaring pagyanig sa ikalawang palapag ay napangiti siya ng mapait. "Ang batang 'yon. Kapag nakaligtas ako ay sisiguruhin ko na mapaparusahan ko muna siya." Sambit ng matanda ng mapansin na sobrang ikling oras nalang at tuluyan ng guguho ang ikalawang palapag, senyales na mas nauna pa itong gumuho sa ikatlong palapag. Kapag hindi sila nakatakas sa pagguho kahit na rank 5 pa sila ay hindi sila makakaligtas. "Kasalanan mo to tanda! Siguradong may sinabi ka sa Zac na 'yon!" Hindi mapigilan ni Rodger na sisihin ang matanda. Nakita niya kanina na nagpadala ito ng mensahe sa binata bago umukit ang gulat sa mukha ni Zac. "Hehe. Gusto mo naba akong atakihin? Halika, sasamahan kita sa mga huling sandali mo." Pang-aasar ng matanda. .... Kasalukuyang nasa napakalawak na disyerto si Zac. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinanap ang presensiya ni Kaito. Sampong minuto matapos niyang simulan ang paghanap ay biglang namutla ang mukha niya. Alipin niya si Kaito at kahit na nasa dulo pa siya ng disyertong ito ay mararamdaman niya ang presensiya nito, kahit na itago pa ng mga bandido dito ang kaniyang presensiya. Kung napatay naman ng halimaw ang binatilyo ay mararamdaman niya pa rin ito sa kanilang contract slave. Kaya imposibleng hindi niya maramdaman si Kaito, maliban nalang kung ang nagtatago ng presensiya niya ay mas mataas ang ranggo sa kaniya. "Kung rank 5 ang kumuha sa kaniya ay wala na akong magagawa. Masiyado pa akong mahina at nasa pinakalimit na ng mga low ranked evil ang antas ng lakas ko, hindi na epektibo ang pagkain ng mana core." Nanghihinayang ang binata sa resulta. Kung alam ko lang na mapupunta sa wala ang mana core ng bandidong 'yon ay hinayaan ko na sana muna siyang mabuhay hanggang sa mag-evolve ulit ako. "Oo nga pala. Ang quest, napatay ko na si Red." Kahit nanghihinayang ay hinayaan na ito ni Zac. Wala namang mangyayari kahit na buong araw siyang manghinayang. "Status." --------------------- Name: Zac Morgan Age: 18 Race: Low Ranked Evil Level: 35 (Reach level 100 to evolve) Passive: Undying body Active: Frigid Qi, Ruler. Special Quest: kill Red! Special Reward: Information! ------------------------- "Labing dalawa lang ang iniangat ng level ko pagkatapos patayin ang dalawang rank 4?" Hindi mapigilang madismaya ng binata. Ilang beses niyang itinaya ang buhay niya para lang mapatay ang dalawa. Lalo pang lumaki ang pagkadismaya ni Zac ng makita ang reward para sa pagpaslang niya kay Red. "Sa tagal kong nagplano at naghanda para mapatay si Red ay impormasyon lang ang matatanggap ko?" Hindi makapaniwala si Zac sa nabasa. Pinatay niya si Red at handa pang galitin ang isa sa tatlong pinakamalakas na Faction ng Edo para sa reward na ito. Inakala niya na hindi magiging normal ang reward, kahit rank 4 o rank 5 na armas ang matanggap ay hindi siya magugulat. Buhay niya ang itinaya niya at siguradong pagbalik niya sa Edo ay tatapusin siya mismo ni Rodger. Lahat ng ginawa niya ngayon at mga kakaharapin sa hinaharap ay para lang pala sa impormasyon? Kaya normal lang na madismaya ang binata sa nalaman. Sa harapan niya ay pinindot ang impormasyon. ---------- Information: Si Kaito ay isang mahalagang tauhan para sa'yo. Tapusin mo ang tatlong misyon at iligtas si Kaito sa Mayor ng Edo para maalala niya ang kaniyang mga tunay na memorya. -------------------- "Si Kaito ay isang mahalagang tauhan para sa'kin? Hindi ba at binili ko lang siya sa Slave Shop? Paano siya naging importante sa'kin?" Naguguluhang sabi ng binata. Sandali. Hindi ba't sinabi ng nagbabantay sa slave shop na may nagdala lang kay Kaito sa harap nila? Hindi kaya tadhana talaga na maging tauhan ko si Kaito o may tao sa likod ng mga nangyayaring ito? .... Sa kalagitnaan ng disyerto ay may isang maliit na lugar ang pinamumuhayan ng mga bandido. Ang nagtataasang pader na gawa sa bato ay puno ng biyak at mga ilang atake nalang ang itatagal nito. Sa loob ng nagtataasang pader ay ang maliliit na bahay. Kapansin-pansin din ang sahig na purong semento, ganito ang kanilang sahig dahil sa ang mga higanteng uod ay sa ilalim ng disyerto naninirahan. Ang buhay sa ika-apat na palapag ay hindi kagaya ng sa ikatlong palapag. Kailangan nilang magdoble ingat sa disyerto sapagkat pwedeng sumulpot kahit saan ang mga halimaw. Mamaya nakatayo kalang sa isang tabi at hindi mo namamalayan na sa ilalim mo pala ay ang malaking bunganga ng halimaw na papalapit para lamunin ka. Ganito kadelikado ang ika-apat na palapag. Sa tarangkahan ng maliit na lugar na ito ay may naglalakad na isang lalaki. Nakasuot siya mula ulo hanggang paa ng puro gasgas na armor na gawa sa pilak. Natatakpan ng helmet ang kaniyang ulo kaya ang makikita lang sa kaniya ay ang bibig at mga mata. Bawat bandido na nakakasurvive sa ika-apat na palapag ay maraming karanasan. Paglabas niya ay mapayapa lang siyang naglalakad kung titignan. Pero kung nababasa mo ang kaniyang isip at pakiramdam ay malalaman mong guwardiyado siya at mataimtim na pinagmamasdan ang paligid. Walang problema sa naging paglalakad niya. Ilang daang metro na ang layo niya sa kanilang base ng bigla siyang makaramdam ng takot. "May sumusunod sa'kin?" Mabilis na binunot ng bandido ang espada niya at inihanda ang sarili. Tahimik siyang nagmamasid sa paligid at hindi sa ilalim ng lupa. Iba ang nararamdamang babala ng katawan niya sa delikadong pakiramdam ngayon. Kung ang mga halimaw lang sa ilalim ng lupa ay hindi manginginig sa kaba ang katawan niya dahil sa instinct. Kaya naman isa lang ang pumasok sa isip niya. "Wala naman akong nakakaalitan. Sino ang magtatangka sa buhay ko?" Pilit niyang inisip kung sino ang posibleng may galit sa kaniya pero kahit anong gawin niyang pag-isip ay walang pumasok sa kaniyang isipan. Ang mga bandidong pumapatay ng kapwa nila bandido ay normal na pangyayari sa palapag na ito. Kaya hindi ka tatagal kung  hindi ka marunong makisama o hindi alam kung kailan iyuyuko ang ulo sa iba para magpakumhaba. Lalong hindi ka naman tatagal kung may mga nakakaalitan ka o kung wala kang sapat na lakas para protektahan ang sarili mo. "Maaari ko bang malaman kung may nagawa akong hindi ninyo ikinatuwa?" Kahit kinakabahan sa loob ay bigla pa rin niyang tinanong ng parang walang takot ang nagmamatyag sa kaniya kahit na hindi niya nakikita ang mga ito. Ninyo rin ang sinabi niya sapagkat ang delikadong sensasyon na nararamdaman niya ay hindi normal, kapag isang rank 3 na bandido lang at kahit mas malakas sa kaniya ng kaunti ay hindi kakabahan ng ganito ang katawan niya, kaya naman inakala niyang marami ang nagmamatyag. "Alam mo ba ang daan paakyat hanggang sa ikapitong palapag?" Sa likod niya ay narinig ang malamig na boses. Pero bakit parang galing sa binata ang tono ng boses? Dahan-dahan siyang lumingon at bumulaga sa kaniya ang matangkad na katawan ni Zac. Napatingala ang bandido at ng magkasalubong ang mga mata nila ay bigla siyang napatalon paatras. Umatras pa ng umatras ang bandido at ng pakiramdam niyang ligtas na siya ay tiyaka naman siya nagtanong "Sino ka?" "Alam mo ba ang daan paakyat hanggang sa ikapitong palapag?" Paguulit ng binata sa tanong niya kanina. Ngunit hindi kagaya kanina ay bigla niyang ipinaramdam sa bandido ang kaniyang aura para ma-presyur ito. Nanlamig ang katawan ng bandido. Nawalan siya ng kontrol sa katawan dahil sa sobrang takot. Pakiramdam niya ay may halimaw sa harapan niya at kapag gumalaw siya ng kahit na kaunti ay tatanggapin nito ang galit ng halimaw na ikamamatay niya. "Alam mo ba ang daan paakyat hanggang sa ikapitong palapag?" Pangatlong tanong niya at binawasan ang aura na nagpre-presyur sa bandido para makasagot ito. "H-hanggang anim na palapag lang ang alam ko. Pakiusap 'wag mo akong papatayin." Kinakabahan niyang sagot. "Dalhin mo ako sa ika-anim na palapag at papakawalan kita." (Finished)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD