Chapter 13

2744 Words
Chapter 13 Kung gaano kagulo at kadugo ang gabi sa ikatlong palapag ng dungeon ay ganoon namang ikinatahimik ng mga distrito sa Edo. Kinabukasan ay umaga na at nasa silid pa rin ng dungeon control si Zac at Kaito. "Status." --------------------- Name: Zac Morgan Age: 18 Race: Low Ranked Evil Level: 23 (Reach level 100 to evolve) Passive: Undying body Active: Frigid Qi, Ruler. ------------------------- "Kaito atakihin mo ako gamit ang buong lakas mo." Nagulat si Kaito sa tabi ng marinig niya ang sinabi ni Zac. Tumayo lang siya at iniharang ang kanang braso niya sa harapan para salagin ang papakawalang atake ni Kaito. "Sigurado kaba Zac? Sasalagin mo ang atake ko ng hindi gumagamit ng mana para protektahan ang sarili mo?" Paalala niya sa kasama. Kahit ang rank 3 ay posibleng mamamatay sa pinakamalakas na atake ng isang rank 2 adventurer na malapit nang maging rank 3 kung hindi sila gagamit ng mana para protektahan ang sarili. Tumango si Zac at nagsalita. "Gamitin mo ang espada." "Sigurado kaba talaga Zac? Paano kung may mangyaring masama sa'yo?" Nag-a-alalang sabi ni Kaito. Kahit na medyo malupit at laging malamig ang trato ni Zac sa kaniya ay malaki pa rin ang mga tinulong nito sa kaniya, kaya malaki ang utang na loob niya sa binata at hindi niya kakayanin ang gumawa ng bagay na ikasasama nito. "Huwag kang mag-alala, mas malakas ako sa inaakala mo." Ito ang kagustuhan ni Zac at utos niya. Isa siyang alipit ni Zac at tapat rin siya sa binata kaya sa huli ay wala rin siyang nagawa at hiniling nalang na walang mangyaring masama sa kasama. Binunot niya ang espada at bumwelo ito. Itinuon niya ang lahat ng mana sa kanang kamay niya na may hawak sa espada. Lumipas ang ilang sandali ay halos nasa kanang kamay niya na at espada ang mga mana at kahit sa paligid lang ng mga ito ay may namumuo ng pressure dahil sa laki ng mana. Inihawi niya pababa ang espada gamit ang buong lakas niya. Nang tumama ito sa braso ni Zac na nakaharang ay lumikha ito ng malakas na pwersa na tumama sa paligid. Nanlaki ang mga mata ni Kaito ng biglang manginig ang hawak niyang espada. Para bang tumama 'to sa isang matibay na bakal at hindi man lang nagalusan ang braso. "H-ha? Paanong posible 'to? At hindi ka gumamit ng mana?" Hinihingal si Kaito at hindi siya makapaniwala sa naging resulta. Kung tutuusin ay hindi na dapat siya magulat dahil sa alam niyang rank 3 si Zac at kahit anong lakas ng rank 2 ay hinding-hindi nito magagawang saktan ang rank 3. Pero ang bagay na 'yon ay mangyayari lang kapag gumamit ng mana ang rank 3 para depensahan ang kaniyang sarili. Si Zac ay hindi gumamit ng mana. Gamit lang ang undying body niya na lalo pang lumalakas kada level ay kaya niyang protektahan ang sarili sa mga atake ng rank 2 ng walang kahirap-hirap. Kaya ang reaksyon ni Kaito ay normal lang at hindi masisisi kung bigyan niya ng tingin si Zac na para bang isa siyang halimaw. 'Kada level-up ko ay lalong tumitibay ang bawat parte ng katawan ko. Kahit ang pinakamalakas na atake ng isang rank 2 na malapit na maging rank 3 ay wala ng magagawa sa'kin.' 'Kapag naging level 100 ba ako at nag-evolve ay magiging rank 4 na ako at ang mga atake ng rank 3 ay wala na ring epekto sa katawan ko?' Kaso bumabagal na ang pag-angat ng level ko. Kahapon ay halos limampong rank 2 na bandido ang tinapos namin. Pero naging level 23 palang ako. At bawat pagtaas ng level ko ay lalo 'tong humihirap paangatin. Pero maaaring maging rank 4 din agad ako kahit na hindi pa ako nag-e-evolve. Ang pag-absorba ng mana core ng iba ay mabilis na nagdadagdag ng mana sa mana core ko, sana lang ay walang limitasyon ang pagkain ko ng mana core kagaya ng kay Kaito. .... Adventurer's Guild Tanghaling tapat na at wala ng masyadong adventurer sa guild. Karamihan sa kanila ay kumakain na ng tanghalian sa kani-kanilang bahay o may mga misyon na tinatapos. Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang pigura. Nauna ang isang matangkad at sa likod niya ay nakasunod ang binatilyo na may brown na buhok. Tanghali na at malapit na ang break time ni Fae. Paakyat na sana siya sa ikalawang palapag ng building para kumain at magpahinga, pero nang makita niya ang dalawa ay hindi na muna siya umakyat. "Magandang tanghali Zac at Kaito." Nakangiting bati niya sa dalawa. "Natapos mo na ba ang misyon?" Dagdag pa ni Fae habang nakatingin kay Zac. "Tapos ko na nga Fae. Pero malalaki ang katawan ng mga Orc, may lugar ba na pwedeng paglagyan ko nito?" Malawak ang unang palapag pero marami ang mga lamesa sa gilid. At madumi naman ang naglalakihang bangkay ng mga Orc, kaya madudumihan ang paligid kapag inilabas niya ang lahat ng mga ito. "O-oo nga pala. Pasensiya na." Lumabas ng desk niya si Fae at tumabi kay Zac. Si Kaito naman ay nasa likod lang ng binata na parang nagtatago sa babae. Ayaw niyang makita siya ni Fae dahil baka matakot siya sa mga mata niyang tuluyan nang nagbago. Gumamit ng mahika si Fae. Nabalot ang unang palapag ng liwanag. Isang malaking bilog na may mga kakaibang marka ang bumalot sa kanila. "Ilapag mo nalang sa bilog na'to ang mga katawan." Pagkatapos niyang gamitin ang kakaibang mahika. Isa-isang inilapag ni Zac ang mga bangkay. Nang matapos siya ay bumungad sa kanila ang dalawampong katawan ng mga Orc. "Dalawampo?" Hindi na masiyadong nagulat pa si Fae. Kung kayang pumatay ni Zac ng limang bandidong rank 2 ay mas magiging madali ang pagpatay ng mga halimaw na hindi masyadong nag-iisip sa pakikipaglaban. Unti-unting naglaho ang mga bangkay ng mga Orc. "Fae, may mga tinapos rin kaming mga bandido sa ikatlong palapag. Magkakaroon ba kami ng rewards kapag binigay namin sa'yo ang mga ulo nila?" "Meron? Kung meron ay pwede kang kumuha ng rank 2 mission na kailangan mong tumapos ng mga bandido." Sagot ni Fae. Marami ang bandido sa ikatlong palapag ng dungeon kaya halos araw-araw ay may idinadagdag silang misyon sa board na kailangang pumatay ng mga bandido. Isa sa mga problema nila ang mga bandido sa ikatlong palapag. Pero dahil sa sinasabing mga dignidad ng mga rank 3 ay wala sa kanila ang kumukuha nito para tuluyan ng tapusin ang mga bandido. Kaya karamihan sa mga kumukuha ng misyon ay mga rank 2 din, maganda rin naman ito dahil sa makakalaban ng mga adventurer ay kasing lakas nila at lalo silang mahahasa sa pakikipaglaban kapag nanaig sila. Kinuha ni Zac ang rank 2 na misyon. Bawat ulo ng rank 2 na bandido ay dalawang gintong barya ang kapalit. Hindi pa naglalaho ang pabilog na liwanag. Inilapag ni Zac isa-isa ang mga ulo hanggang sa maging gabundok ang mga ito. Limampong ulo at bawat isa sa kanila ay mga rank 2. "G-galing talaga silang lahat sa ikatlong palapag?" Hindi mapigilang magduda ni Fae. Limampong bandido ang pinatay niya? Imposible. Isa lang din siyang rank 2, kahit sabihin nating napakatalino niya at isang henyo sa pakikipaglaban ay hindi pa rin posible ang mapatay niya ang limampong bandido. Maliban nalang kung may mga kasama siya na mas madami pa ang bilang sa mga bandido. O kaya ay may rank 3 na tumulong sa kaniya. Pero imposibleng pumatay ng maraming bandido ang mga rank 3, hindi kakayanin ng matataas nilang dignidad. Napatakip ng bibig si Fae ng maisip niya ang isa pang posibleng dahilan kung bakit niya napatay ang mga 'to, ang pagiging rank 3 ni Zac. Rank 3 si Red at noong naglaban sila ay nagawa niyang makaligtas. Ang mga normal na rank 2 ay hindi makakaligtas sa mga atake ni Red. Kaya ang posibleng nangyari ay nasa pinakalimit na ng rank 2 si Zac noong naglaban sila ni Red at naging ganap na rank 3 na siya kailan lang. "S-sandali lang at ive-verify ko muna ang mga bandido." At umupo siya sa tabi ng gabundok na mga ulo. Isa-isa niyang sinuri ang mga ito at habang patagal ng patagal ay mas lumalaki ang posibilidad na puro rank 2 nga silang lahat. Makalipas ang isang oras ay natapos na sa pagverify ang babae. Naglaho na ang liwanag kasama ng mga ulo ng mga bandido. "S-sandali lang. Aakyat muna ako at kakausapin si Master." Umakyat sa ikalawang palapag si Fae. .... Tatlumpong minuto na ang nakalipas at tahimik pa rin na naghihintay ang dalawa. Napatingin si Zac sa hagdan ng marinig niya ang yabag ng mga paa doon. Nakaukit sa mukha ni Fae ang saya habang bumababa ng hagdan. Nakatingin din siya sa binata at lalong lumaki ang mga ngiti niya sa labi. "Z-zac may magandang balita ako sa'yo." At inihaya ni Fae ang kamay niya sa harap ng binata. Pagbukas niya ng palad niya ay isang gintong singsing ang nakita niya, may maliit itong nakaukit na GM sa harapan. Napakunot ng noo si Zac sa aksyon ni Fae. "Hindi mo pa nga pala alam. Ang singsing na 'to ay isang storage space, maikukumpara sa dalawang palapag na building ang lawak nito. At gustong ibigay sa'yo ng Master ang singsing na'to bilang regalo." "Hindi ba't mahal ang isang storage space na singsing? Bakit ako reregaluhan ng Guild Master? Kahit isang libong bandido pa ang tapusin ko ay hindi sasapat para makabili ng ganito." Naguguluhan siya. "Hindi ko rin alam pero may nagustuhan siguro sayo ang Master. Hindi pa 'yan ang pinakamagandang magagawa ng singsing." "Ang singsing na 'yan ay limitado lang sa Edo at ang Master lang ang meron ng mga ganiyang uri. Ang ibig sabihin ng pagbigay sayo ng Master ng singsing ay isa kang mahalagang miyembro ng Guild at kahit ang tatlong pinakamalakas na Faction sa Edo ay magdadalawang isip na galawin ka." "Sa madaling salita, hindi kana pwedeng galawin ni Red." Dagdag pa niya at ang konsensiyang bumabagabag sa kaniya nitong mga nakaraang araw ay tuluyan na ngang naglaho. "Talaga? Maraming salamat!" Umukit sa mukha ni Zac ang saya habang nakangiti kay Fae. May hitsura si Zac at nang ngumiti siya ay lalong lumakas ang karisma niya. Namula ng kaunti ang pisngi ni Fae at napayuko ito ng kaunti. Mas bata sa kaniya si Zac ng ilang taon, kung tutuusin ay pwede na siya nitong maging ate. Kaya lalong namula sa hiya ang mga pisngi niya ng ma-realise na namumula siya dahil sa isang mas bata pa sa kaniya. "Oo nga pala. Mauuna na kami. Maraming salamat ulit sa magandang balita." Paalam ni Zac. Paglabas nila ay bumalik sa dati ang ekspresyon ng binata. 'Kailangan kong gumawa ng bagong plano para tapusin si Red.' .... Kinabukasan ay malaking balita ang kumalat sa Edo. Ang Guild Master ay aalis na ulit sa Edo para sa isang misyon, pero bago ito umalis ay may in-anunsiyo siya. "Si Zac ay isa sa mga mahahalagang miyembro ng Guild. Lahat ng mga nagbabalak ng masama sa kaniya ay kakaharapin ang galit ng buong Guild." Mabilis na kumalat ang nangyaring alitan kay Red at Zac kaya alam ng lahat na para sa Flame Faction ang anunsiyo ng Master. .... North District of Edo Ang buong distrito ng North ay teritoryo ng Flame Faction. Bawat faction ay may mga teritoryo, bilang isa sa tatlong pinakamalakas na Faction ay isang distrito ang sakop nila. Ang Edo ay may limang distrito. Ang North, West, South, East at ang Mid. Sa Mid District nakatayo ang Adventurer's Guild at iba pang shop. Dito rin nakatira ang mga commoner at mga adventurer na hindi miyembro ng faction. Ang distritong ito palang din ang napupuntahan ni Zac, hindi pa siya nakakabisita sa ibang distrito. Nahahati sa tatlong tier ang mga Faction. Ang Low Tier, Mid Tier at ang High Tier. Ang tatlong pinakamalakas na Faction ay nabibilang sa High Tier. Maraming building at mga bahay ang nakatayo sa North District, pero sa kalagitnaan ng distrito ay nakatayo ang tatlong palapag na building, napakaganda ng design nito at may pulang phoenix pa ang nakaukit sa harap. Ito ang Main Building ng Flame Faction. Ang kanilang pride na ilang taon nilang binuo gamit ang sariling dugo at pawis. Kagaya ng ibang faction ay nagsimula ring maliit ang Flame Faction, pero dahil sa talento ng kanilang leader ay mabilis silang nakaangat at hinamon ang dating High Tier na Faction. Sa loob ng malaking building sa pangatlong palapag ng building ay may isang malawak na silid. May magarbong mahabang lamesa na gawa sa marble at meron ding apat na upuan. Ang isa ay nasa pinakadulo at ang tatlo naman ay magkakatabi. "Red, tumigil ka! Alam mo na malakas ang Guild Master. Kung makikipaglaban tayo sa Adventurer's Guild para lang sa dignidad mo ay mas makabubuti siguro kung tanggalin na kita sa Faction kahit maganda ang talento mo." Bakas sa tono ng nagsalita ang inis nito. Ang lalaking ito ay ang leader ng Flame Faction, si Rodger. Pula ang buhok ni Rodger at ang istilo nito ay kagaya ng sa mga militar. Patulis ang kaniyang kilay at ang mga mata niyang kulay pula ay medyo malaki. Mapapansin sa aura ni Rodger ang pagiging lagi nitong seryoso, para bang kapag sinubukan mong magbiro sa harap niya ay malalagot ka dito. Ang apat na nasa silid ay nakasuot ng pulang roba na may nakaukit na phoenix. Ito ang roba na sinusuot ng mga miyembro ng flame faction. "Pero." "Walang pero! Mamili ka, tatanggalin kita sa Faction o papatayin mo ang Zac na 'yon?" Galit na pagbabanta nito kay Red kaya hindi natapos sa pagsasalita ang binata. 'Kasalanan mo 'to Zac! Kung mas maaga ka sanang nagpapatay sa'kin ay hindi na sana ako nagkaproblema pa.' Sa huli ay wala pa ring nagawa si Red. Kahit ayaw niya ay sumang-ayon din siya sa sinabi ng Leader. "Masusunod Leader. Hindi ko gagalawin si Zac." Sagot ni Red pero halata sa mukha niya na napipilitan lang siya. "Maaari ka nang lumabas." Tumayo si Red at lumabas na ng silid. Paglabas niya ay napakuyom siya ng mga kamay at namula ito. Sa loob ng silid ay nag-uusap pa rin ang tatlo. Ang leader ng faction na si Rodger, ang vice leader at ang Elder. Tumingin ang leader sa isang kasama nila at nagsalita. "Vice Leader ano sa tingin mo ang dapat nating gawin? Pakiramdam ko ay may binabalak nanamang gawin ang matanda." Napakamot ng kilay ang tinawag na Vice Leader at mataimtim itong nag-isip. Kagaya ng leader ay pula rin ang buhok at mata ng leader pero ang aura na mapapansin sa paligid niya ay ang pagiging matalino nito. "Matagal na tumahimik ang matanda pero tuwing gumagalaw siya ay may malaking nangyayaring delubyo sa buong Edo. Ilang taon na noong huling beses siyang gumalaw. Bakit naisipan niyang gumalaw ngayon? Hindi kaya ay may pinaplano siyang malaki?" Saad ng vice leader. Halata sa ekspresyon niya ang pagkastress. Matalino ang vice leader pero kahit siya ay hindi mabasa ang sinasabi nilang matanda. "Paano kung mas palakihin pa natin ang mga sakop nating maliliit na faction? Hindi tayo sigurado kung ano ang susunod na mangyayari kaya dapat ay mas palakasin nalang natin ang ating pwersa." "Sa tingin ko ay magandang ideya ang sinabi ng Vice Leader." Pagsang-ayon ng Elder sa suhestiyon nito. Ang elder ay mukhang nasa edad animnapu na. Pero kahit matanda ay hindi ito dapat maliitin. "Sakto na ang mga kontrolado nating Mid Tier na faction. Kapag sumobra tayo at nalaman ng iba ay siguradong magkakampihan sila para mas pahinain tayo, sa low tier nalang tayo kumuha ng bagong kokontrolin." "Kung low tier ang pag-uusapan ay may suhestiyon ako. Bakit hindi natin kunin ang faction ni Mister Ru? Inimbistigahan ko si Mister Ru at nalaman na 'pag tungkol ito sa pera ay handa siyang gumawa ng maduduming bagay, kahit ang makipagtulungan sa mga bandido ay nagawa niya na dati para sa benepisyo." Sambit ng Elder na ikinatuwa ng dalawang Leader. Kung totoo nga ang sinabi niya ay kailangan lang nilang bigyan ng malaking halaga ng ginto ang faction ni Mister Ru at sasanib na ito sa kanila. "Magaling! Ikaw ang magiging responsable sa paghatak sa kanila, Elder." Galak na sabi ni Rodger at tumango pa ito ng tatlong beses. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, Leader." Sinserong sagot ng Elder. Habang masaya ang dalawang leader ay hindi nila napansin ang kakaibang bagay sa mata ng Elder, para bang wala siya sa kaniyang sarili at may ibang kumokontrol sa kaniya. (Finished)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD