Chapter 14

2672 Words
Chapter 14 South District Ang South ang pangalawa sa pinakamalaking district sa Edo, sumunod sa Mid District. Ang South District ay nahahati rin sa dalawang pangkat. Ang pangkat kung saan nakatayo ang mga teritoryo ng mga Mid Tier Faction at ang sa Low tier faction. Hindi kagaya ng sa North District na tahimik at mapayapa ay medyo magulo sa South. Madami ang mga low tier na faction ang laging naglalaban para manatili sa distrito at matuloy ang kanilang mga negosyo. Kaya naman posible lang ang manirahan sa South District kapag kasali ka sa isang faction, kung hindi ka kasali sa isa ay hindi ka magtatagal dito. Bawat faction ay pwedeng hamunin ng iba para makuha ang kanilang mga teritoryo. Kapag may teritoryo ka sa South District at tumagal ka rito ay madaling lalago ang negosyo mo. Kapag lumago ang negosyo ay maaakit ang iba na sumali sa faction na lalo pang magpapalakas dito. At kapag tumagal na sila at lumaki ay pwede na nilang hamunin ng laban ang mas malaking faction para mas lumaki pa ang teritoryo nila. Ang Wolf ay faction na binuo lamang noong huling taon. Hindi sila ganoon kalakas at hindi rin sila kasing gahaman ng iba kaya naman walang masiyadong faction ang gumagawa ng problema laban sa kanila. Pero ngayong taon ay ginulat ng Wolf Faction ang buong pangkat ng low tier ng bigla nilang hamunin ang pinakamalakas na low tier Faction. Matagal na silang naghahari sa low tier faction at malaki na rin ang naitabi nilang mga kayamanan kaya habang patagal ng patagal ay lalo silang palakas ng palakas. Suspetya pa nga ng marami na ilang taon nalang ang hihintayin bago ito umangat sa ranggo at maging ganap na mid tier Faction. Pagnagkataon ay maraming low tier faction ang maglalaban-laban para sa trono nila, pero bago mangyari ang mga 'yon ay ginulat sila ng Wolf Faction. Brutal nilang tinalo ang pinakamalakas na low tier faction. Pinatay nila ang halos lahat ng miyembro nila at ginawa pang mga alipin ang kakaunting natira. Ang taon ng pananahimik nila at pag-yuko ng ulo ay para pala lahat sa pag-atakeng ito. Madami ang namangha sa kanila pero mas madami pa rin ang natakot sa haba ng kanilang pasensiya para makamit ang tagumpay. Ang karamihan sa mga faction ay direktang aatake kapag sigurado na silang mas malakas ang pwersa nila sa kalaban. Pero para hindi malaki ang mga damage sa pwersa nila ay naghintay sila ng matagal at nakamit ang pinakamagandang resulta. Ang apat na malalaking negosyong pinapatakbo ngayon ng Wolf Faction ay ang Armor Shop na puno ng rank 1 armor, Prostitute Bar, Casino at ang huli ay ang All-around Shop. Bawat isa sa mga negosyong ito ay kumikita ng napakalaking halaga ng ginto. Kaya naman guwardiyado nila ito mula loob hanggang labas. Gabi na at medyo madilim na sa mga building na nakapaligid sa Armor Shop. Ang Armor shop ay isang palapag na building, kahit isang palapag lang ay mas nanaig pa rin naman ito sa mga katabing building kung pagkukumparahin ang mga kita nila. Ang building ay gawa sa kahoy. Malawak ito at isa lang ang pinto papasok. Bawat sulok sa labas ng building ay may mga guwardiya na naglalabas ng rank 1 aura. "Sa wakas gabi na. Malapit na ang oras ko para magpahinga." Humihikab na saad nito. Hindi kinakabahan ang guwardiya na may biglang aatake sapagkat sikat ang Wolf Faction sa pagiging brutal at matalino ng leader nila, kaya kahit ang naglalakihang mga faction ay hindi nangangahas na atakihin sila. Tahimik lang ang paligid at sa tabi ng guwardiya ay may upuan. Dalawa ang nagbabantay sa pinto pero ang isa ay nakaupo at humihilik pa minsan, kahit nakikita ng mga dumadaang staff sa loob ng building ang tulog na guwardiya ay deadma lang sila dito. Ano kung tulog ang isang guwardiya na nagbabantay sa harap? Sa dami ng guwardiya sa paligid ng building at kahit dito sa loob ay may ilan din. Sino naman ang mangangahas na atakihin kami? Habang humihilik ang guwardiya ay may dalawang pigura ang pumasok. Ang isa ay nakasuot ng itim na tuxedo, pantalon at itim din na sapatos. Ang kasama niyang mas maliit sa kaniya ay ganoon din ang suot. "Wawasakin lang ba natin ang building Zac?" Bulong ni Kaito sa kasama. Tumango si Zac at itinapat niya ang palad niya sa hilera ng mga armor na naka-display sa paligid. May namuong pabilog na yelo sa palad niya at bigla itong umabante sa mga armor na parang bala ng baril. "Ikaw na ang bahala sa mga guwardiya. Itabi mo nalang sa pouch mo ang mga mana core nila." Habang nagsasalita ay mabilis na kumalat ang yelo sa mga armor. Kahit ang ibang mga mamimili na tumitingin sa mga armor ay nadamay. Naglabas ng pagkahayok sa dugo si Kaito at mabilis na naglaho sa kinatatayuan niya. "Ang lakas ng loob mong atakihin kami. Hindi mo ba alam na Wolf Faction ang nasa likod namin?" Galit na sabi ng isang matandang naka pang butler na suot. Sa tabi ng matanda ay may limang guwardiya na naglalabas ng rank 1 na aura. "Dalhin niyo sa'kin ang ulo ng hangal na 'yan." Utos niya sa mga kasama. Sinunod agad ng limang guwardiya ang utos ng kanilang butler. Ang butler na 'to ang namamahala sa armor shop kaya malaki ang awtoridad niya dito. Ilang hakbang nalang ang layo ng mga guwardiya kay Zac ng bigla silang huminto. "Bakit kayo huminto? Patayin niyo ang hangal na 'yan!" Galit na sigaw niya sa limang guwardiya. Ang isa sa limang guwardiya ay dahan-dahang lumingon at nanginginig pa ang ulo niya, pagkalingon niya ay bakas sa mukha niya ang sobrang takot at may tumutulo ring mga luha sa mata niya. Bumukas ang bibig ng guwardiya at nagsalita ito. "T-tulong." Ipinaramdam ni Zac sa limang guwardiya ang tunay na lakas niya. Rank 1 lang sila at ng maramdaman nila ang aura niya ay biglang naubos ang lahat ng enerhiya nila, ni hindi na kayang gumalaw ng mga paa nila sa sobrang pressure. Pakiramdam nila ay isang malaking bundok ang kaharap nilang binata. Isa lamang silang mga mortal at kahit anong gawin nila ay hinding-hindi sila mananalo sa bundok na'to. Itinaas ni Zac ang dalawa niyang kamay. Sa taas ng mga kamay niya ay may mga namuong yelong crystal na hugis kutsilyo. Bawat andar ng oras ay dumadagdag din ang mga yelo sa taas niya hanggang sa naging halos isang daan na ang bilang nito. Inihawi ni Zac ng pa cross ang mga kamay niya at gumalaw ang mga kutsilyong yelo sa ulo niya. Umiba ang posisyon ng ibang kutsilyo at nang bumaba ang mga kamay niya ay dumiretso na parang mga bala ng baril ito sa lahat ng direksiyon. Ang unang tinamaan ng mga yelo ay ang limang guwardiyang nasa harapan niya. Nabasag ang mga bintana at ang mga nasa loob ng building ay natamaan din. Lahat ng tinamaan ng mga kutsilyong yelo ay nagsimatay, kahit ang mga armor na kayang tumanggap ng atake mula sa mga rank 1 ay nasira na para bang peke lang ito. Tumakbo ng mabilis ang butler at umilag-ilag sa mga kutsilyong yelo, pero kahit anong gawin niyang ilag ay tinamaan pa rin siya sa balikat. Nakaligtas siya sa kamatayan at napahinto saglit kaya kumilos agad siya para gumalaw pero bago siya tuluyang makagalaw ay may tumama nanaman sa dibdib niya. Pagkatama sa dibdib ay meron ding dumiretso sa ulo niya na tumapos na ng buhay niya. Ilang sandali ang lumipas ay halos wasak na ang buong loob ng Armor Shop. May mga ilan ring bangkay sa sahig na tinamaan. Kahit ilang sandali palang nang simulan nila ang pag-atake sa armor shop ay may mga dumadaan na ang nakapansin dito at huminto para pagmasdan ang mga kaganapan. Normal lang ang isang negosyo na maatake ng ibang faction kaya parang wala lang ito sa kanila. Sa labas ay tapos na rin si Kaito sa mga guwardiya. Maraming guwardiya ang nakahandusay sa sahig. "Sino kaya ang naglakas loob na sumabotahe sa negosyo ng Wolf Faction? Siguradong hindi tatagal ng isang araw ang faction nila sa Wolf Faction." Sambit ng isang dumaan at nakinood sa mga nangyayari. "Oo nga. Pero sa tingin mo ba ay aatakihin nila ang Wolf Faction kung hindi sila kampante sa kanilang lakas?" Lumabas si Zac sa building at sinenyasan na si Kaito na umalis. Ang mga nanonood kaninang napahinto ay umalis na at dumiretso na papunta sa kanilang mga destinasyon. Ang pag-atakeng naganap sa Armor Shop ng Wolf Faction ay mabilis na kumalat sa buong paligid. Ang iba ay masaya sa nangyari at ang iba naman ay excited dahil sa may kapana-panabik na mangyayari sa paligid. **** Ilang minuto palang ang nakalipas ng atakihin nila ang Armor Shop ay dumating na agad sa harap ng Clothe Shop ng Wolf Faction si Zac at Kaito. Kagaya ng kanina ay tinapos ni Kaito ang mga guwardiya at maingat na kinolekta ang mga mana core nila. Winasak naman ni Zac ang loob pero bago niya tuluyang wasakin ang buong paligid ay kumuha muna siya ng ilang damit para hindi na siya magsasayang pa ng oras na bumili. Ganoon din ang ginawala nila sa dalawa pang negosyo ng Wolf Faction. Brutal nila itong inatake. .... Isa sa pinakamataas na building ang dalawang palapag na base ng Wolf Faction sa teritoryo ng mga low tier faction. Kasalukuyang nag-uusap ang mga nakatataas ng faction kung ano ang dapat gawin sa mga umaatake sa kanila. Sa dalawang palapag na building ay isang mahabang lamesa ang nasa gitna na kasiya para sa sampong tao. Sa mahabang lamesa na 'yon ay tatlo lang ang nakaupong mga didiskusyon. Isang matandang lalaki na may maikling puting buhok ang nasa pinakadulo, siya rin ang may pinakamataas na posisyon sa Wolf Faction, ang kanilang leader. Sa gilid ng leader ay isa pang matandang lalaki ang may itim na buhok ang nasa singkwenta ang edad. Sa pinakadulo naman nakaupo ang Elder, si Mister Ru. "Ano ang gagawin natin? Inatake na nila ang apat na pinakamalaking negosyo natin, at may mga nagsabi pa na dalawang binata lang ang mga umatake." Kinakabahang sabi ng kanilang leader. Ang mukha niya ay mas lalo pang nagmukhang matanda dahil sa stress na nabuo ng mga biglaang pag-atake sa mga negosyo nila. "Pabalikin niyo dito lahat ng pinakamalakas nating mga tauhan. Siguradong aatake rin dito ang dalawa, mukhang may nagawa tayong ikinagalit nila ng sobra." Saad ng vice leader at pilit na inisip kung sino ang pwede nilang nagalit na may mataas na posisyon sa mga faction. Naging sobrang maingat sila ng matagal na panahon at iniyuko pa nila ang kanilang mga ulo para hindi magkaroon ng alitan sa iba. Kaya bakit ganito ang mga nangyayari? Ang Elder na si Mister Ru naman ay kanina pa tahimik. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay siya ang punot dulo ng mga pag-atakeng nagaganap. Natanggap niya na rin ang balita na buhay si Kaito at kasama ito ng adventurer na nagngangalang Zac na nakaalitan ni Red. Ang nagawa niya palang na makaligtas laban sa halimaw na si Red ay patunay na hindi ordinaryo si Zac. At dalawa lang ang umatake sa mga negosyo nila, kaya malaki ang posibilidad na si Kaito ang may gusto ng pag-atake sa Wolf Faction para maghiganti sa kaniya. Habang nag-uusap ang dalawang leader at ang Elder na malalim ang iniisip ay nakatulala, biglang bumukas ang pintuan ng ikatlong palapag. "Hindi ba at sinabi kong walang papasok hangga't hindi ko sinasabi!?" Galit na sigaw ng leader ng biglang bumukas ang pinto. Tinignan niya ang pinto at napatayo siya ng makita ang mga matang parang itim na perlas ng matangkad na binata, at sa tabi nito ay si Kaito na naglabas ng matinding pagkahayok sa dugo habang nakatingin sa tulalang si Mister Ru. "S-sino ka?" Nagulat ang leader at bigla itong tumalon paatras. Ganoon din naman ang ginawa ng vice leader, ang Elder na si Mister Ru lang ang medyo nahuli ang kilos. "Dalawang rank 3?" Napatingin si Zac sa dalawang leader. Naglalabas ang mga ito ng rank 3 na aura pero hindi pa rin sila malaking banta sa kaniya. Kahit kaparehas niya ng rank ang dalawa ay halata sa kanilang aura na kailan lang sila naging rank 3 at malayo pa sila para makamit ang pinakalimit ng rank 3, hindi kagaya ni Zac na naabot na ang pinakalimit nito at malapit na maging rank 4. Itinapat niya ang palad niya sa dalawang matanda at nabalot ng yelo ang paligid nila. Ikinulong niya ang dalawa. Kikilos na sana ang dalawang matanda pero ng makita nilang biglang napunta kay Mister Ru ang tingin niya at hindi na sila pinansin ay napahinto sila. "Paghihiganti nga talaga ang pakay nila." Sambit ng leader at ang intensyon nitong lumaban ay nawala. Sa aksyon ni Zac ay iminumungkahi nito na hindi sila ang pakay nila. At kahit mamatay ang Elder nila ay pwede pa rin nila itong mapalitan. Pero kung silang dalawang leader ang mamamatay ay marami ang magtatangkang umatake sa kanila na ikababagsak agad ng faction. Mabilis ang bawat pangyayari at bago pa makakilos si Mister Ru ay nasa tabi niya na si Kaito at nakataas na ang itim na espada nito. Inihawi niya ito pababa at tinamaan ang kanang braso ni Mister Ru. "AAAAAHH!" Iyak niya at tinakpan ng kamay ang nahiwang braso para hindi magtuloy-tuloy ang pagtulo ng dugo. "K-kaito! Kapag pinatay mo ako ay hindi mo malalaman kung saan ko itinago ang bangkay ng kapatid mo!" Pagbabanta niya sa binatilyo. Imbis na malamon ng takot ay pinilit niyang palakasin ang loob at takutin ang binata. "Nagsisinungaling siya. Ibig sabihin ay hindi niya rin alam kung nasaan ang bangkay ng kapatid mo." Mahinang sabi ni Zac kay Kaito. Nabasa niya agad ang mukha ni Mister Ru, ang mukha ng nagsisinungaling. Nang marinig ni Kaito ang sinabi ni Zac ay biglang nandilim ang mga mata niya. "Hayop ka! Pinatay niyo na ang kapatid ko at balak mo pa siyang gamitin laban sa'kin?" Galit na sigaw ni Kaito at mabilis na sinaksak sa dibdib si Mister Ru. Nasaksak siya sa dibdib at ang buong katawan niya ay nanghina. "Tsk! Puslit hinding-hindi mo na makikita ang kapatid mo! At hindi mo pa makakamit ang paghihiganti mo hahaha!" Tumatawa si Mister Ru na parang wala sa sarili. Pagkatapos niyang tumawa ay bigla siyang sumabog ng malakas, pinasabog niya ang kaniyang mana core. Tanggap niya na ang pagbagsak niya, kaya naman pinili niyang mas lalong palakihin ang galit at hinanakit ng binata bago siya maglaho. Gusto niyang ipamukha sa binata na mas magdudusa muna siya bago siya mamatay. Bago tumama ang malakas na pwersa kay Kaito ay biglang nabalot ng yelo ang paligid niya na sumalag sa pagsabog. Kumalat ang pagsabog sa buong silid. Dahil sa pagsabog ay nabalot ng itim na usok ang paligid at nang maglaho ito ay makikita ang kaninang silid na maraming dekorasyon at may mahabanglamesa ay biglang naging parang basurahan na silid sa sobrang gulo. Ang dalawang leader naman ay hindi tinamaan ng malakas na pwersa dahil sa yelo ni Zac. Nilapitan ni Zac ang dalawa at nagsalita ito. "Bukas ay magiging teritoryo ito ng undying faction, wasakin niyo na rin ang Wolf faction niyo. Kapag nalaman ko bukas na buo pa ang wolf Faction ay ako mismo ang tatapos sa inyo." Pagbabanta ni Zac at inilabas niya ang kaniyang napakalakas na aura. Nakaramdam ng matinding pressure at tensiyon ang dalawang leader at napalitan nalang na tumango bilang tugon sa binata. Sa isang gilid ay nakaluhod ang binatilyong si Kaito. Ang mga mata niyang kaninang galit na galit ay biglang nawalan ng buhay. Nakatulala siya at paulit-ulit niyang naririnig ang huling sinabi ni Mister Ru. "Sa huli ay hindi ko rin siya napatay gamit ang mga kamay ko. Pasensiya na Inay, pasensiya na Kaila. Walang silbi ang 'yong kuya." Hindi na napigilan ng binata ang mga luha niya sa pagtulo. Kahit na alam niyang namatay si Mister Ru dahil sa kaniya ay hindi siya nakaramdam ng kahit katiting na kaligayahan, bagkus ay nalungkot pa siya. (Finished)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD