Chapter 8
Sa Edo village ay may binata ang mag-isang naninirahan sa kaniyang maliit na inuupahang bahay, tahimik ang paligid at sa isang tingin palang ay mapapansin agad ang napakalungkot na kapaligiran.
Ang binata ay may brown na buhok, kahit ang kaniyang mga mata ay brown din, medyo matangos ang ilong niya at ang labi niya ay sakto ang laki. Ang height niya ay limang talampakan, pitong pulgada nakaupo siya sa kama at nakatulala ito na tila ba ay malalim ang kaniyang iniisip.
Ilang taon lang ang nakalipas ay napakasaya ng kapaligiran sa bahay nila na halos hindi papasok sa isip mo ang napakalungkot na kapaligiran ngayon.
Ang lahat ng ito ay nagbago dahil sa isang pangyayari ilang taon na ang nakalilipas. Labing pitong taon pa lamang si Kaito at noong nakaraang tatlong taon ay masaya pa siyang namumuhay kasama ang nakababata niyang kapatid na babae at inay.
Ang kanilang tatay ay maagang namatay dahil sa pagiging adventurer nito, kaya ang kanilang nanay lang ang bumubuhay sa kanila, ngunit dahil sa isang insidente ay namatay ang kaniyang ina sa sobrang hinagpis.
"Kasalanan ko ito! Kung hindi sana kita pinayagang pumunta sa kagubatan ay walang mangyayaring masama sa'yo!" Napakuyom siya ng kamao at pinagsusuntok ang kamang gawa sa kahoy na halos mawasak na.
Noong inaya siya sa kagubatan ng kaniyang nakababatang kapatid na babae para maglaro ay nakidnap ito ng mga bandido.
Nakita niya kung paano kinuha ng mga bandido ang kapatid niya pero sa sobrang takot ay hindi niya ito nagawang mailigtas, pinagmasdan niya lang ang kapatid niya kung paano ito kidnapin. Kaya naman sinisisi niya hanggang ngayon ang kaniyang sarili kung bakit nakidnap ang kaniyang kapatid.
Sinubukan nila na pumunta sa mga adventurer at noble para humingi ng tulong pero dahil sa medyo malaki ang grupo ng mga bandido ay wala sa kanila ang handang lumaban sa mga delikadong bandido para iligtas lang ang kapatid niya.
May sakit ang kaniyang ina at hindi ito pwedeng magalit o malungkot ng lubusan. Ilang linggo lang ang nakalipas ay hindi kinaya ng kaniyang ina ang lungkot ng pagkawala ng anak niya at tuluyan na itong bumigay.
Parang pinaglaruan ng tadhana ay isang araw pagkamatay ng kaniyang Ina ay bigla siyang binisita ng kaniyang kaibigan at nagbigay ito ng balita na nakita daw niya ang kaniyang nakidnap na kapatid, ngunit isa na ito sa mga alipin ng isang adventurer.
Nang malaman niyang isa na itong alipin ng isang adventurer at pwede niya nang makasama ay hindi mapigilang mapangiti ni Kaito sa tuwa, ngunit tuwing naaalala niya naman ang sinapit ng kaniyang ina ay bigla rin itong napapawi ng lungkot.
Pakiramdaman niya ay sinasaksak ang puso niya, tuwing nakikita niya ang kapatid niyang kasama ng adventurer ay naaalala niya ang pigura ng kaniyang Ina na kinakain ng matinding lumbay.
'Sana ako nalang ang kinidnap nila.. Baka sakaling nabuhay pa si Ina.'
Maraming beses nang pumasok sa isipan ng binata ang magpakamatay dahil sa matinding konsensiya na nararamdaman niya. Pero tuwing naaalala niya ang kapatid niya ay bigla itong nawawala at unti-unti siyang nagkakaroon ng pag-asang magpatuloy sa buhay.
Kinausap niya at pinagmakaawaan ang adventurer na naging amo ng kaniyang kapatid na ibalik na ito sa kaniya pero kahit anong pagmamakaawa niya ay hindi pumayag ang adventurer, bagkus ay nagsabi ito na kailangang bayaran niya ang kalayaan ng kapatid.
Kahit masakit ang katotohanan na kailangan niyang bilhin ang kalayaan ng mismong kapatid ay nagtiis siya.
Humihingi ng tatlumpong piraso ng gintong barya ang adventurer para sa kalayaan ng kapatid niya, at sa loob ng tatlong taon na iyon ay walang ibang ginawa si Kaito kung hindi ang mag-ipon ng mag-ipon para sa kalayaan ng kapatid niya, kung normal na pamilya ay hindi kakayanin ang tatlumpong piraso ng ginto sa loob lang ng tatlong taon.
Ngunit nagtriple ng effort si Kaito at halos hindi na rin siya nakakakain ng maayos para lamang makapagtabi pa ng kaunti sa ipon niya. Sa loob ng tatlong taon ay tuluyan na nga siyang nakapag-ipon ng sapat na ginto para sa kalayaan ng kapatid niya, pero sa hindi niya malamang dahilan ay biglang nawala ang adventurer na may hawak sa kapatid niya.
Ang huling balita dito ay noong nakaraang dalawang linggo pa, kumuha ito ng misyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakabalik. Dahilan ng pagkabahala ni Kaito na baka may nangyari na sa kanila at nadawit dito ang kaniyang kapatid.
Halos isang buwan na ang nakalipas simula ng magkaroon ng sapat na pera si kaito at dumiretso siya sa adventurer's guild para magbakasakali sa adventurer na nagmamay-ari sa kapatid niya.
Ang adventurer's guild ay dalawang palapag na building. Gawa ito sa kahoy at marami ang lamesa sa unang palapag kung saan nag-iinuman ang mga adventurer kahit na napakaaga pa.
Isang magandang babae ang receptionist, may itim itong buhok na aabot hanggang balikat at ang mga mata niya ay parang dagat sa ganda, kulay asul. Maputi rin ang kaniyang kutis kaya marami ang mga adventurer na gustong manligaw dito. (note: double check the appearance)
Habang nag-aayos ng mga gamit ang receptionist ay biglang bumukas ang pinto at nakita niya ang binata na kanina niya pa hinihintay, si Kaito. Bagsak ang balikat ni Kaito na para bang pasan-pasan niya ang mundo, at halatang napakalungkot pa rin nito dahil sa pagkawala ng adventurer.
"Kaito! May balita ako sa kapatid mo. May nakakita kay Mister Ru sa unang palapag ng dungeon at nasabi rin na may kasama siyang batang babae. Pumunta kana doon agad at baka maabutan mo pa sila." Nakangiting sabi ng receptionist. Alam ng babae ang lahat ng pinagdaanan ni Kaito kaya naman maganda ang trato niya dito, napakabata pa niya pero maraming masasakit na bagay na agad ang naranasan niya sa mundong 'to.
"Nasa dungeon po ba talaga sila?" Tanong niya na parang kumikinang pa ang mga mata. Halos mapatalon ang binata sa saya at ang ngiti niya ay abot tenga, hindi mo maiisip na kanina lamang ay napakalungkot nito.
Tumango-tango ang receptionist at bigla na lamang tumakbo si kaito pabalik sa tinutuluyan niya para kunin ang mga ginto na naipon niya. Pagkakuha niya ay lumabas agad siya ng Edo para pumunta sa dungeon.
Ang dungeon ay malapit lamang sa Edo. Mga tatlong kilometro lang ang layo nito at bawat adventurer ay kaya itong puntahan ng halos tatlumpong minuto lang kung gugustuhin nilang pumunta ng mabilis.
Masayang-masaya si Kaito at hindi ito makapaniwala na makikita niya na ulit ang kaniyang kapatid. Makalipas ang dalawampung minuto ay nakikita niya na agad ang harapan ng dungeon, patunay na sobrang excited na talaga si Kaito.
Ang dungeon ay nasa loob ng kagubatan mga tatlong daang metro. Kaya ang kapaligiran ng dungeon ay puro puno at dadaan ka muna dito bago makapasok.
Ilang daang metro nalang ay makikita niya na at makakasama niya na ulit ang kaniyang pinakamamahal na kapatid. Habang papalapit ng papalapit ay napahinto siya nang makitang medyo maraming tao, nasa sampo siguro sila.
At nakita niya nga ang kaniyang kapatid, nakayuko ito sa tabi ng isang adventurer, ang kaniyang master. Lalapit na si kaito pero bigla siyang napahinto ng makita niya ang mga kausap ng adventurer.
"Oy Ru! Balita ko nakaipon na ng pera ang asungot na kuya nitong alipin mo ah hahaha!" Sambit ng isang malaking lalaki na may marka ng kalmot sa kaniyang ilong.
"Kaya babalik na rin ako sa Edo para kuhanin na ang mga ginto ko." Saad naman ni Ru at parang nai-imagine niya na ang mga paggagamitan ng mga ginto.
Nagtago sa isang puno si Kaito halos limampong metro ang layo sa kanila, at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita.
Ang isa sa mga kumidnap sa kapatid niya ay ang kausap ngayon ni Ru, at mukhang maganda pa ang relasyon ng dalawa. Napangitngit ng ngipin sa galit si Kaito sa mga nakikita niya at parang gusto niya silang sugurin pero mag-isa lamang siya at siguradong mamamatay siya kapag nagpakontrol siya sa galit.
"Oy bata! Anong tinitignan mo diyan." Biglang sambit ng isang lalaki at may humawak sa balikat ni Kaito kaya napatalon ito sa gulat.
Dahil sa biglang pagtalon ni Kaito ay hindi niya napansin na nasa labas na pala siya ng pinagtataguang mga puno at kitang-kita na siya ng mga taong nasa paligid. Kahit si Mister Ru ay seryosong nakatingin sa kaniya.
"May nakikinig sa mga pinag-uusapan niyo oh. 'Di niyo man lang napansin haha." Sambit ng lalaki na sumulpot sa likod ni Kaito. Ang tono rin ng pananalita niya sa mga kasama ay mapang-asar.
Tumalon ang bandido pasugod sa binata at sinipa ito ng malakas sa likod. Tumilapon ang katawan niya sa harapan ng mga bandidong nag-uusap.
"K-kuya Kaito!" Sigaw ng kapatid niyang babae at tumakbo ito papalapit sa kuya niya ngunit may hinilang kadena si Ru na nakatali sa leeg ng kapatid ni Kaito kaya bigla rin itong napahinto.
"Kaila! Huwag kang magkikilos, may kadena ka sa leeg!" Sigaw ni Kaito sa kapatid niya at sinunod naman ito ng babae.
"Oy! Hindi ba't sabi ko sayo ay wag mong hahayaan na may makalapit dito?" Sigaw ng bandido na kausap ni Ru sa bandidong nakahuli kay Kaito.
"Tsk! Natutulog ka nanaman?!"
Dagdag pa niya kaya lalong hindi nakapagsalita ang bandido at tumahimik nalang ito.
"Kaito, kung hinintay mo nalang sana ako sa Edo." Saad ni Ru habang nakatingin kay Kaito at iniiling-iling niya ang ulo niya. Ang mga bandidong kasama niya ay mga sikat na kidnaper.
Sa mga iling palang ni Ru ay nalaman niya na agad ang dahilan kung bakit siya gumanon.
Hindi na nagdalawang isip pa ang binata at bigla itong lumuhod para magmakaawa.
"Mister Ru, wala akong narinig o nakita! Wala rin akong sasabihin na kahit ano kahit kanino! Gusto ko lang makasama ang kapatid ko! Pakiusap!" Mangiyak-ngiyak na pagmamaka-awa niya kay Ru.
Iniyuko niya pa lalo ang ulo niya para ipakita na talagang sinsero siya at ang gusto niya lamang ay makasama ang kapatid. Kahit na napakamiserable ng mga kilos niya ay hindi niya na ito inisip.
Ang buhay namin ng kapatid ko ang mas mahalaga. Eh ano kung lumuhod ako? Kung magmukha akong miserable sa harap ng iba? Kahit halikan ko pa ang mga paa ni Mister Ru ay gagawin ko para kay Kaila.
Kahit mas matinding kahihiyan pa ang ipagawa sa'kin ay gagawin ko ng walang pag-a-alinlangan. Basta, mapakawalan ko lang ang kapatid ko sa pagiging alipin, masaya na ako.
Alam ni Kaito na hindi tatapusin ni Ru ang kapatid niya. Walang pakialam ang binatilyo kung patayin man siya, ang iniisip niya ay kapagnamatay siya, hindi makakamit ng kapatid niya ang kalayaang hinahangad nito. Magiging alipin siya ni Ru habang buhay.
"Ru, Hindi ba't plano mo rin naman patayin ang batang to? Bakit hindi mo pa gawin dito."
Saad ng bandidong kasama.
"Oy oy! Hindi ko plano 'yon. Napilitan lang talaga ako dahil sa bigla siyang sumulpot dito." Saad ni Ru at umakto na parang nasasaktan siya dahil sa gagawin niyang kagimbal-gimbal na bagay kay Kaito.
Nanlumo si Kaito sa narinig. Pakiramdaman niya ay biglang nagdilim ang buong paligid. Ang t***k ng kaniyang puso ay palakas ng palakas hanggang sa halos ito nalang ang naririnig niya.
'Hindi niya ako papatayin pagkatapos ng ilang taon kong paghihirap, 'diba?'
Ang dating takot na naramdaman niya noong kinidnap ang kapatid niya ay naramdaman niya ulit. Ang pakiramdam na wala ulit siyang magawa ay bumalik.
Hindi pwede! Kapag nilamon ako ng takot ay katapusan na ng lahat! Lahat ng paghihirap ko para sa kapatid ko ay mauuwi sa wala!
Kahit takot na takot ay pinilit ni Kaito ang magsalita. "M-mister Ru! Pakiusap!" Pagmamakaawa ulit niya at biglang namula ang mga mata niya. May mga tumutulo na ring mga luha dito. Kanina lamang ay napakasaya na niya dahil sa akala niya ay makakasama niya na si Kaila.
Kaya bakit ganito? Gusto ko lang naman ay mabuhay ng normal kasama ang kapatid ko. Hindi naman ako naghahangad ng bagay na ikasasama ng iba. Kaya bakit?
Halos isang buwan akong nawalan ng pag-asa dahil sa pagkawala ni Mister Ru. Tapos ng malaman kong nasa dungeon si Mister Ru ay bumalik ang liwanag sa buhay ko, pero bakit ganito bigla ang nangyari? Kung kailan makakasama ko na ang kapatid ko, nakagawa nanaman ako ng isang malaking pagkakamali.
"Kaito." Nakangiting tawag ni Ru at naglakad ito papalapit sa kaniya, mabilis niyang binunot ang kaniyang espada at isinaksak ito sa dibdib ni Kaito.
"H-ha?" Biglang namanhid at nanghina ang katawan ni Kaito. Kahit ang mga paa niya ay hindi niya na maramdaman kaya nawalan siya ng balanse at ng bumagsak siya ay wala siyang naramdamang sakit.
Pagbagsak niya ay nakita niya si Mister Ru at Kaila. Nakikita niya pa rin ang mga nangyayari sa harap niya kahit na padilim ng padilim ang paningin niya. Ang kapatid niya ay nagwawala habang umiiyak para malapitan si Kaito.
Tuloy-tuloy ang pagtulo ng dugo sa dibdib niya habang nakahiga sa sahig.
'k-kaila.'
'Hindi pa ako pwedeng mamatay!'
"K-kaila." Hinang-hinang tawag ni Kaito at ng marinig ito ng kapatid niya ay lalo itong napaiyak.
"K-kuya! T-tulungan niyo ang kuya ko pakiusap." Umiiyak na pagmamakaawa ni Kaila kay Ru.
"Pakiusap gagawin ko ang lahat. Tulungan niyo lang ang kuya ko!"
"Pfft! Inisip mo talaga na ibabalik kita sa kuya mo? Habang buhay mo akong paglilingkuran hahahaha!"
Sambit ni Ru at hinila na palayo si Kaila.
'Ha? Habang buhay? Edi wala ka talagang plano na ibalik saakin ang kapatid ko kahit bayaran kita?' Lalo nang dumidilim ang kanyang paningin, unti-unti na siyang nawawalan ng malay.
Pero bago siya mawalan ng malay ay may nasaksihan siyang pangyayari na tuluyang umubos ng pag-asang pinanghahawakan niya.
Nakita niya ang kaniyang kapatid na galit na galit. Tumahimik ito saglit at maamong sumunod kay Mister Ru. Pero nang madaanan nila ang isang bandido ay inagaw niya ang espada sa bandidong nadaanan nila at isinaksak ito kay Mister Ru.
Pero bago ito dumikit sa likod ni Mister Ru ay napahinto ang babae. Ang buong katawan niya ay namanhid at nakita niya ang katawan niyang nakatayo habang pababa ng pababa ang paningin niya. Pinugutan ng bandidong kausap ni Mister Ru si Kaila.
"Hindi mo naman kailangang patayin si Kaila! Hindi ako mamamatay sa isang ata-." Medyo galit na sabi ni Mister Ru pero napahinto rin siya ng makita ang bandidong kausap na halos maglaway pa sa sobrang saya.
Nakatingin ito sa nakahigang si Zac na lalo pang nanlumo pagkatapos makita ang pagkamatay ng kapatid niya.
"Ang sarap talaga sa pakiramdam ang makita ang ekspresyon nilang puno ng panlulumo hahaha. Babayaran nalang kita ng doble para sa alipin mo." Lumakad na ito paalis kasama ng mga tauhan niya at sumunod na rin si Mister Ru.
Habang pinagmamasdan ang likod ng mga paalis na bandido at si Mister Ru ay sumumpa si Kaito.
'Kung mabuhay man ako ay sisiguraduhin ko na papatayin ko kayong lahat! IKAW RU! AT ANG LAHAT NG MGA BANDIDO NA KUMIDNAP SA KAPATID KO! PAGBABAYARIN KO KAYO!'
'PAGBABAYARIN KO KAYO NG MAS MATINDI! HINDING-HINDI AKO MATATAHIMIK HANGGA'T HINDI KO KAYO NAPAPATAY! ISINUSUMPA KO!'
At tuluyan na ngang nawalan ng malay si Kaito. Bago siya mawalan ng malay ay may isang lalaki ang nagmamatyag sa mga nangyari. Kahit ang mga bandido ay hindi naramdaman ang presensiya nito.
Nakabalot siya ng itim na roba kaya hindi makikita ang hitsura nito.
Nilapitan niya ang duguang katawan ni Kaito. Halos isang minuto nalang ang itatagal ng buhay ni Kaito.
"Kailangan mo pang mabuhay, ikaw ang magiging gabay ko para makuha sa kaniya ang mga nasabi." Saad niya. Mapapansin din sa boses nito na isa siyang matandang lalaki.
Inihaya niya ang palad sa dibdib ni Kaito. May namuong pabilog na berdeng liwanag sa palad niya at pumasok ito sa katawan ng binata.
Ang kaninang t***k ng puso ni Kaito na pahina ng pahina ay unti-unting bumalik sa dati. Pero ang mga sugat sa katawan niya ay hindi pa nawawala, ngunit ang kaniyang sitwasyon ay mas maayos na at siguradong kakayanin niyang tumagal pa ng mga ilang araw kaya kapag may nagmagandang loob pa sa kaniyan na gamutin siya ay makakatakas pa siya sa kamatayan.
-----