Chapter 7

2200 Words
Chapter 07 Sa tabi ng punong halos tatlong metro ang taas ay nakatayo ang binatang si Zac. Hindi pa tuluyang naglaho ang itim na usok sa paligid niya nang mag-evolve siya. Ang kutis ni Zac ay lalong pumuti at kuminis. Kahit ang ibang mga babaeng may magagandang kutis ay mahihiya 'pag ikinumpara sila sa binata. Ang hulma ng panga niya ay mas gumanda rin kagaya ng ibang parte ng mukha niya. Ang dating hitsura niyang makokonsidera lang na average ay nagbago, ang kaniyang hitsura at pigura ay pwede nang ikumpara sa mga prinsipe na may mga taglay na kakaibang kagandahang panglabas na anyo. Nakatingin siya sa palad niya at ang mga mata niyang walang emosyon ay lalo pang nawalan ng emosyon. Sa tabi ng puno na kinatatayuan niya ay nakasandal ang katawan ng walang malay na si Belya. Dahil sa mukhang delikadong itim na usok na bumabalot, mga matang walang emosyon at ang walang malay niyang kapatid ay napagkamalan niyang may masamang balak ang binata sa kaniyang kapatid. Kagaya ng ilan na naglakas loob dating kumidnap sa kapatid niya. "Belya!"  Galit na saad niya at sinugod si Zac. Naka-focus sa mga mana core niya ang binata. Ang dating mana core niyang apat ay naging tatlo nalang. Dalawa ay nababalot ng kadena, at sa laki ng kaniyang mana core ay madaling mapapansin na tatlong mana core na ang nai-merge niya. Senyales na isa na siyang ganap na rank 3 adventurer. 'Rank 3 na ako, magagawa ko nang protektahan ng mas maayos ang aking sarili.' Nang maramdaman ni Zac ang aura na mabilis na papalapit sa kaniya ay agad niyang binuhat ang walang malay na si Belya at tumalon paatras palayo. Ang bilis na kilos na hindi niya magagawa no'ng siya ay isa pa lang rank 2. Pagkatalon niya paatras ay biglang malakas na shockwave ang tumama sa paligid na nagmula sa kanina niyang kinatatayuan. Mayroon ring pigura ng isang binata dito. Nakasuntok ito sa sahig at mapapansin ang galit niyang ekspresyon. Pero kahit galit ay mapapansin ang kaunting gulat sa ekspresyon niya ng makita ang taglay na bilis ni Zac. Ang buhok ng binatang ito ay kulay asul kagaya ng mga mata niya. Halos kasing tangkad lang ni Red ang binatang ito kaya mas maliit siya kay Zac. Ang isa pang kapansin-pansin sa binatang ito ay kamukha niya ang buhat-buhat ni Zac na si Belya. "Pakawalan mo ang kapatid ko!" Pagbabanta nito at naglabas pa ng mas nakakasindak na aura. Kung iba ang nasa kalagayan ni Zac ay siguradong mangingig na sila sa takot at susunod agad sa mga sinasabi nito. "Kapatid mo si Belya?" Tanong na ikinagulat ng binata. 'Kinidnap mo nga ang kapatid ko dahil sa'kin, 'diba? Tapos ngayon itatanong mo kung kapatid ko siya? Sinong nilokoko mo? Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang nasa likod ng mga pangyayari ngayon ay tatapusin ko siya, kahit sino kapa!' Kahit galit ay sinubukan pa ring ikalma ng binata ang kaniyang sarili dahil hawak ni Zac ang kapatid niya. "Oo ako si blue. Ang kuya ni Belya, ano ang kailangan mo? Kung papakawalan mo ang kapatid ko ay hahayaan kitang makaalis, pero sa oras na may ginawa kang masama sa kaniya kanina ay tatapusin kita. Kahit makatakas ka ngayon at saan ka man magpunta ay hindi kita tatantanan." Sunod-sunod nitong sabi na may pagbabanta at bawat salita niya ay ginamitan niya ng mana kaya lalong nakakasindak ito. May malalalim na kaalaman lamang sa mana ang may kakayahang gawin ito. 'Magkapatid nga sila. Parehas maingay at puno ng enerhiya.' Si Blue ay isang henyo sa Cold Faction. Mataas ang potential niya at marami ang kaniyang mga katunggali kaya maraming nagtatangka ang kidnapin ang kaniyang kapatid para mawala siya sa focus sa kaniyang pagpapalakas. Alam ng lahat na si Belya ang nag-iisang kahinaan ni Blue. Ang Cold faction ang pinaka-rival ng Flame Faction. Maraming beses ng naglaban at nakipagtunggali sa isa't-isa ang dalawang faction pero hanggang ngayon ay wala pa rin sa dalawang grupo ang mas umangat. Pantay lamang ang lakas ng dalawa kaya naman nakafocus ang dalawang faction sa pagpapahina ng isa't-isa. Hindi na nagpaliwanag si Zac. Hindi niya ibinababa ang walang malay na si Belya para may proteksyon siya laban kay Blue. Ramdam niya rin kasi na halos kasing lakas rin ni Blue si Red, maaaring mas malakas pa nga ito kay Red kung hindi pa niya ginagamit ang buong lakas niya. Hindi naman sobrang delikado ng sitwasyon. Kung mapapalaban ako ay malaki ang tiyansang makakatakas ako pero magreresulta ito ng injury, kaya kung maaari ay magandang hindi ako pumasok sa laban na hindi naman mahalaga at walang benepisyo. Gumalaw si Zac at parang may kinukuha ito sa kaniyang pouch. Hindi naman mukhang may balak gawing masama ang binata. Kahit na galit si Blue ay hinayaan niya naman ang binatang kunin ang bagay na kinukuha ni Zac sa kaniyang pouch. Pagkalabas ng binata sa mga bagay na kinuha niya ay nanlaki ang mga mata ni Blue. Limang ulo ng bandido ang inilapag niya sa sahig. Isang henyo at nakafocus ang Cold Faction kay Blue kaya marami siyang impormasyong alam sa mga bagay-bagay. Kahit ang impormasyon sa mga bandido ay alam niya. Namukhaan niya ang limang ulo ng mga bandido at napagtanto niyang ang mga ito ay mga sikat na pigura ng mga nang ki-kidnap ng mga tao para ibenta bilang mga alipin. Matalino si blue at isang bagay lang ang pumasok sa isipan niya ng makita ang limang ulo ng bandido. 'Niligtas niya ang kapatid ko?' Kanina ay nasa Edo lamang si Blue at alam niya na nasa dungeon ang kaniyang kapatid. Malakas si Belya, isa itong rank 1 adventurer at may mga gamit rin siya para protektahan ang sarili laban sa mga halimaw. Kaya hindi mapapahamak si Belya at mawawalan ng malay laban sa mga goblins. Kaya nang mawalan si Belya ng malay kanina habang naglalaban si Zac at ang mga bandido ay mabilis na dumiretso sa dungeon si Blue. Inakala niya rin na may sumubok nanaman na kidnapin ang kapatid niya kahit na alam nila ang magiging presyo ng paggawa nito. Mabait at kalmado si Blue, pero kung tungkol na ito sa kapatid niya ay mabilis itong nagiging demonyo kaya walang masyadong gumagamit sa kapatid ni Blue laban sa kaniya. Pero kahit ganoon ay may ilan pa rin ang naglalakas loob na gamitin si Belya laban kay Blue, kaya hindi mapigilang isipin ng binata na nadawit nanaman ang kapatid niya dahil sa kaniya. Magkapatid ang dalawa at may espesyal silang pagsasama, kaya kahit malayo sa kaniya ang kapatid na babae ay alam niya kung ligtas ba ito o hindi. Nararamdaman niya ang mana ng babae at kapag bigla niya itong hindi naramdaman ay isa lamang ang ibig sabihin nito. May masamang nangyari sa kaniya o kaya ay nawalan siya ng malay. At nang makita niya kaninang walang malay si Belya at nasa tabi nito si Zac ay inakala niyang ang binata ang dahilan ng pagkawala ng malay nito. Nang maisip ni Blue ang posibleng nangyari ay bigla siyang nakonsensiya at nagtanong. "Niligtas mo ang kapatid ko?" Tumango si Zac at ibinalik sa pouch niya ang limang ulo ng mga bandido. Nang kumalma na ang binata ay inihiga niya sa sahig si Belya at umatras siya ng ilang hakbang palayo para malapitan ito ni Blue. Nakuha naman niya ang nais ipahiwatig ni Zac kaya nilapitan niya ang walang malay na kapatid. Sinuri niya ang katawan ni Belya at kahit may ilang sugat ito sa katawan ay hindi naman ganoon kalala. Napahinga ng malalim si Blue at binuhat ang kapatid. Lumapit siya kay Zac at nagsalita ito. "Maraming salamat sa pagligtas sa kapatid ko. Pasensiya na pala sa pagtrato ko sa'yo kanina. Niligtas mo ang kapatid ko pero ganoon pa ang ginawa ko." Makikita sa mga mata niya na sinsero talaga siya sa mga sinabi. At ang mala-demonyo sa galit niyang ekspresyon kanina ay biglang napalitan ng napaka-amo at mabait na mukha. "Sandali pala." Biglang sambit nito na parang nagulat. "Ikaw ba si Zac? Ang baguhan na nagkaroon ng alitan kay Red? Bakit parang iba ang mukha mo sa poster na nakita ko?" Naguguluhan nitong sabi. Ang faction nilang Cold ay isa sa mga pinakamalaki at malakas kaya naman malaki ang sakop nito at mabilis nilang natatanggap ang mga bali-balita sa Edo. "Nag-iba ba ako? Baka mali lang ang nakita mo sa poster." Tinignan niya ang kaniyang mga braso at napansin nga niya na mas pumuti at kuminis ang kutis niya. Dahil ba'to sa evolution ko? Pero kung sa pagiging low evil ko 'to ay hindi ba dapat na maging halimaw ang katawan ko o maging medyo kahawig ng sa mga demon? "Siya nga pala, sa taglay mong lakas ay siguradong galing ka sa malakas na angkan o malaking faction? Bakit mo piniling mamalagi sa Edo?" Nagulat si Zac sa tanong niya at hindi agad siya nakasagot. Ang Edo ay masasabing maliit na siyudad at kahit ang mga katabing lungsod ay mas malakas dito, kaya naguguluhan siya sa binata. Hindi niya rin inisip na galing sa maliit na village ang binata dahil sa imposibleng magkaroon ng malakas na mamamayan ang mga village. "Kalimutan mo nalang pala ang tanong ko hehe." Medyo awkward na sabi ni Blue. Na-realize niya na baka may mga sikreto ang binata at hindi niya 'to gustong sabihin. Lahat naman ng tao ay may kaniya-kaniyang tinatagong sikreto kaya normal na ito. Sumeryoso ang ekspresyon ni Blue habang pinagmamasdan ang walang malay na kapatid. Nagbigay ito ng babala. "Mag-iingat ka pala kay Red. Siguradong babalikan ka n'on." Paalala niya kay Zac. Si Blue ay ang rival ni Red kaya kilalang-kilala niya ito. Tumango si Zac at nagsalita. "Tutal ay ligtas na si Belya, mauuna na ako. May mga aasikasuhin pa ako." Paalam niya at naglakad na ito palayo sa magkapatid. Hindi na siya pinigilan ni Blue at lumakad na rin siya palabas ng dungeon. **** ~Adventurer's Guild Sa loob ng guild ay balik sa normal na ulit ang mga adventurer . Maingay at magulo pero masaya. Bumukas ang pinto ng guild at dumiretso si Zac sa receptionist. "Fae, tapos ko na pala ang misyon." Direkta ng binata at inilabas ang limang ulo ng mga rank 2 na bandido. 'B-bakit parang nag-iba ang mukha ni Zac?' "H-HA!?" Hindi makapaniwala si Fae ng ilabas ni Zac ang limang bandido. Ang inaasahan niya ay maglilikap lamang ng mga impormasyon si Zac o kaya ay makakapatay siya ng isang bandido, hindi niya inakalang magagawa ni Zac na tumapos ng limang bandido. Bawat isa pa sa mga bandido ay sikat dahil sa mga taglay nilang lakas. Matinik rin ang mga ito at maraming alam na pasikot-sikot sa loob ng dungeon kaya tuwing sinusubukan silang hulihin ng mga rank 2 adventurer ay nakakatakas rin sila sa huli. Talagang hindi lang nila inaasahan na may abilidad na regeneration si Zac kaya nagawa ng binata na tapusin sila. "Oo nga pala Fae. May libro kabang may mga impormasyon ng Edo? Kagaya ng saan nakatayo ang mga teritoryo ng mga faction, mga tindahan na pwedeng bilhan ng mga armor at armas?" "Mapa lang ng edo ang meron ako. Pero makikita naman na dito ang mga mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman sa Edo, gaya ng library, bilihan ng mga pills, blacksmith shop at iba pa." Paliwanag niya at may kinuha ang babae sa desk niya na isang mapa. "Kung gusto mo ay mamarkahan ko nalang ang mga teritoryo ng mga faction dito." Ang mga teritoryo ng bawat faction ay hindi sikreto kaya kahit ang mga normal na tao ng Edo ay alam ito. "Kung okay lang sana." Mabilis na sagot ni Zac. Importante ang malaman niya ang mga teritoryo ng mga faction para alam niya kung saan siya lulugar. Hindi pa sapat ang lakas niya at kapag may nakaalitan nanaman siyang may malalaking tao sa likod ay baka hindi na siya swertehin kagaya no'ng una. Si Red ay sobrang arogante kaya hinding-hindi ito papayag na tulungan siya ng mga kasamahan niya para tapusin ang isang tulad ni Zac, pero ang iba ay siguradong hindi kagaya ni Red at baka humingi sila ng tulong para makaganti kay Zac kapag nagkaroon sila ng mga alitan. Makalipas ang tatlumpong minuto ay natapos na sa pagmarka ang babae. Kahit ang teritoryo ng maliliit na faction ay nakalagay dito. "Maraming salamat." Nakangiting sabi ni Zac. "W-walang anuman! Oo nga pala yung tungkol sa reward mo." Kinuha ni Fae ang limang ulo at sinuri niya ulit ito. May ginamit na mahika si Fae na nagpaliwanag sa limang ulo. Nang mawala ang mahinang liwanag ay naglaho rin ang limang ulo. "Sandali lang. Kukunin ko ang mga gold coins." Paalam niya at pumasok sa silid na nasa likod niya. Pagbalik ni Fae ay maydala siyang normal na pouch na may lamang sampong gold coins.  Binilang ni Zac ang laman at nang makumpirmang sampo nga ito ay tumango siya sa babae at lumakad na palayo. 'Parang mas nagmatured ang mukha niya.' isip ni Fae habang pinagmamasdan ang likod ni Zac na palayo ng palayo.' Bumalik si Zac sa Inn na tinutuluyan niya at dumiretso siya sa kaniyang room. Binasa ni Zac ang mapa. Makalipas ang ilang oras ay nakabisado niya na agad ang buong detalye. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD