Chapter 02
'Nakuha ko naman na ang mga impormasyon na kailangan ko, sigurado rin ako na pagkatapos kong iligtas ang buhay niya ay walang kasinungalingan sa mga sinabi niya.'
Habang ng patagal ang lakad kasama si Zac ay mas lalong lumakas ang pagiging hindi komportable ni Tori.
'Pero mukhang hindi maganda ang planong ito. Siguradong malalaman ng mga villagers at baka maging wanted pa ako sa mga siyudad, lalo na sa Edo.'
Kaya naman binura rin ni Zac sa isip niya ang planong pagpaslang kay Tori ng ma-realise niya na hindi ito magandang plano.
Biglang bumalik sa dati ang atmosphere at unti-unti ng nawala ang pagiging hindi komportable ni Tori, pero hindi na rin siya nagsalita hanggang sa makarating na sila sa kalsada.
Mas binilisan na niya ang kaniyang lakad para makabalik na agad siya sa village at makapagpahinga dahil sa kahit na wala siyang ginawa ay nakaramdam pa rin siya ng pagod sa biglaang pressure na nagmula sa masamang plano ng binata, binilisan rin naman ni Zac ang kaniyang lakad kaya mas mabilis nilang narating ang destinasyon nila.
Sa kanan ng kalsada ay ang gubat kung saan nanggaling ang mga goblins. Ang kalsada naman ay diretso lang at kapag nilakad ito ay ilang kilometro lamang ang kailangan at ilang liko lang para tuluyan na siyang makarating sa siyudad ng Edo.
"Maraming salamat Mister Tori."
Nakangiting sambit ni Zac gamit ang inosente niyang mukha.
"Walang anuman! Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay Zac."
Nakangiti ring tugon ni Tori habang makikita ang mga pawis sa kaniyang noo bago naglakad pabalik sa Tona.
"Base sa impormasyon ni Tori ay hindi maganda ang dumiretso agad ako sa Edo, siguradong may ilan doong adventurer na pagdidiskitahan ako."
"Kailangan ay magpalevel-up muna ako." Sambit ng binata at ipinasok niya sa pouch ang mga gamit na ibinigay sa kanya.
Pumasok sa kagubatan si Zac at naghunt siya ng naghunt ng mga goblins, sa loob ng halos apat na oras ay naka patay siya ng tatlumpong goblins at umangat rin ang level niya ng dalawa, kahit na wala siyang nakukuhang bagong skill tuwing nag lelevel-up siya ay nararamdaman niya pa rin na ang katawan niya ay mas lalong lumalakas ng lumalakas.
Kasalukuyang nagpapahinga si Zac sa taas ng halos dalawang metrong taas na puno at pinagmamatyagan ang mga goblins na papalapit sa kanya.
Galit na galit ang mga ito dahil sa amoy na amoy nila ang mga dugo ng mga namatay nilang kauri sa harap ng puno na pinagpapahingaan ni Zac.
"Mas lalong lumakas ang katawan ko, pakiramdaman ko ay hindi na basta-basta magagawang masugatan pa ng normal na patalim ang katawan ko." Nakangiting sabi niya habang pinagmamasdan ang labing dalawang goblin na papalapit sa kanya.
Tumalon ang binata pababa sa puno at pumulot ito ng isang bato sa sahig. Ibwinelo niya ang kanang kamay niya at malakas na inihagis ang bato sa papalapit na mga goblin ilang metro ang layo.
Tumama ang bato sa ulo ng isang goblin at tumagos ito dito, pero kahit tumama na ito sa isang goblin ay parang kaunting pwersa lang ang nabawas at dire-diretso pa rin ang bato hanggang sa mapatay nito ang ika-limang goblin.
Pito na lang agad ang natira sa mga goblin at mabilis na ring tumakbo ang binata pasugod sa mga ito.
Nang nasa harap niya na ang mga goblin ay tumalon si Zac sa isa at tinuhod niya ang ulo nito. Wasak ang ulo ng halimaw at hindi na ito nakagalaw pa pagbagsak ng katawan niya.
Ang pangalawang goblin naman ay siniko niya sa ulo, tumusok ang siko ni Zac sa ulo ng goblin na para bang isa itong patalim na isinaksak.
Mabilis na pinagpapatay ni Zac ang mga halimaw hanggang sa isang goblin nalang ang natira, nang mapansin ng goblin kung paano pinaslang ng binata ang mga kasama niya ng walang kahirap-hirap ay bigla itong nakaramdam ng takot.
Umatras ng umatras ang halimaw habang nakatingin ito kay Zac at takot na takot ang kaniyang ekspresyon..
"GROUUU!"
"Oh. Kahit ang isang walang isip na halimaw ay nakakaramdam din pala ng takot." Kalmadong sambit ni Zac at dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa goblin.
Dahil sa matinding takot na nararamdaman ng goblin ay hindi niya napansin na may puno pala sa likod niya kaya hindi na siya makakaatras pa at pinagmasdan na lamang ang binata na papalapit ng papalapit sa kaniya.
Nang nasa harap na si Zac ng goblin ay sinakal niya ito paitaas.
Pinilit kumawala ng goblin, pinagkakalmot at suntok niya ang mga braso ni Zac pero kahit anong subok niya ay ni hindi man lamang nagbago ng kahit kaunti ang ekspresyon ng binata.
"BLAAGH!"
Bumagsak sa sahig ang katawan ng goblin ng bitawan ito ni Zac.
'You've leveled up'
"Status"
---------------------
Name: Zac Morgan
Age: 18
Race: Human
Level: 5 (Reach level 50 to evolve)
Ability: Undying body
-------------------------
"45 level nalang agad. Mas bibilis pa kaya kapag mas malakas na sa goblin ang mga halimaw?"
Habang nakafocus sa status niya ang binata ay bigla niyang naramdaman ang presensiya ng dalawang nilalang mga sampong metro ang layo sa kaniya.
'Hmm? Goblin lang ang kinalaban ko pero nawalan agad ako ng focus at hindi ko agad napansin na may mga nagmamatyag na pala saakin.'
'Mukhang mas kailangan ko pa talaga ng maraming experience.'
Sampong metro ang layo kay Zac ay may dalawang tao ang parehas nagtatago sa magkaibang puno. Marami ang puno sa paligid at kung hindi mo pagmamasdan ng maigi ang iyong paligid ay madali kang maa-ambush dito.
"Kuya pakiramdaman ko ay alam na niya na nandito tayo." Pabulong na sambit ng isang lalaki na halos nasa edad trenta na, wala na siyang mga buhok at may tattoo itong halos kasing laki ng kamao na isang itim na langgam sa kanyang batok. Kaya madali itong mapapansin ng mga nakakakita sa kaniya, ang damit niyang kulay itim ay halatang luma na kagaya ng suot niyang pantalon.
Napakunot noo naman ang isa pang nagtatago na halos kamukha ng bumulong na lalaki. Kagaya niya ay may tattoo rin ito ng itim na langgam sa batok.
"Ano ang kailangan niyo?" Tanong ng binata na kanina pa nila pinagmamasdan.
'Kayo? Kahit ang presensiya ng kapatid ko ay naramdaman niya?' Nagulat ito dahil sa hindi niya inakala na kahit ang presensiya ng kapatid niya ay mararamdaman ni Zac, espesyal ang kapatid niya, kahit siya ay mahihirapan sa paghanap ng presensiya nito kung gugustuhin niyang magtago.
"Nais lamang sana naming magtanong." Sagot ng tinatawag na kuya at lumabas ito.
Nakangiti ito at nakataas pa ang dalawang kamay niya para ipakitang hindi siya makakasakit at wala talaga siyang masamang hangarin at gusto lang niyang magtanong.
Ganoon rin naman ang ginawa ng kapatid niya at sumunod ito.
Dahan-dahan naglakad palapit ang magkapatid at ibinaba naman ni Zac ang kaniyang guwardiya sa magkapatid, para ipakita rin na hindi siya makakasakit at pwedeng lapitan para makausap.
Nang makaharap na niya ang dalawa ay nginitian naman sila ni Zac at sumenyas ito na hindi na kailangan pang itaas ang kanilang mga kamay.
"Ako nga pala si Zac." Biglang sabi ni Zac at inihaya niya sa harap niya ang kaniyang kanang kamay para makipag-kamayan sa mga ito, patunay na maayos ang hangarin niya sa kanila.
Tinanggap naman ito ng panganay sa magkapatid at nakipagkamayan ito kay Zac.
Habang magkahawak ang kanilang mga kamay ay nagsalita ito.
"Fire Ball." Saad ng panganay at biglang nag-init ang mga kamay niya, nagkaroon ng pabilog na apoy na halos kasing laki ng ulo ng tao.
"AAAAAAAAHHH!" Sigaw ni Zac ng maramdaman niya ang napaka-init na apoy sa kanang kamay niya. Unti-unti itong kumalat sa buong braso niya.
Pinilit kumawala ni Zac sa pagkakahawak ng panganay ngunit kahit anong gawin niyang paglaban ay hindi siya makawala.
May dinukot naman sa pouch niya ang mas nakababatang kapatid at may inilabas itong bote. Ibinuhos niya ang laman nito sa ulo ni Zac at ng madikitan ito ng apoy ay biglang nasunog ang buong katawan niya.
Umatras ang mas nakababatang kapatid para hindi madamay sa apoy, ang kuya niya naman na gumamit ng fire ball ay hindi naa-apektuhan nito na para bang wala man lamang apoy sa harap niya.
Patuloy lang sa pagsigaw sa sakit si Zac at makalipas lamang ang halos isang minuto ay itim na ang buong katawan nito sa sunog, bigla na ring bumagsak ang katawan niya.
Hinang-hina na ang binata at pinilit nitong gumapang palayo pero tinapakan lamang ng panganay ang kaniyang likod at hindi na ito naka-galaw pa.
"Kuya jackpot tayo! Medyo bata pa ang nakuha natin ngayon."Masayang sabi ng bandido sa kaniyang kuya.
"Oo nga at medyo mas maganda rin ang kutis niya kumpara sa mga nahuhuli natin. Kapag nagamitan na siya ng Healing Potion ay siguradong malaki ang ibabayad ng mga noble hahaha."
Tuwang-tuwang sabi niya at may dinukot itong kadena sa pouch niya.
Umupo ito na parang nakaluhod sa hari para iikot ang katawan ni Zac at makadenahan na ito, pero nang maikot niya ang katawan ng binata ay bigla siyang nagulat ng makita niya ang mga mata nito na parang kasing lalim ng abyss.
Walang emosyon ang mga titig na binibigay niya sa bandido at parang wala siyang pakialam kahit na sunog na ang buong katawan niya at ikakadena na siya ng magkapatid na bandido.
Para bang kahit na nasa ganitong sitwasyon na ang binata ay wala pa rin siyang pakialam.
Biglang nakaramdam ng kakaiba at hindi kapani-paniwalang bagay ang panganay, para bang naging baliktad ang sitwasyon nila at siya ang itatali ni Zac sa kadena para ibenta sa mga noble.
Bumagal ang oras sa paligid ng panganay at bigla niyang naalala ang mga bagay na na experience niya sa kaniyang buhay. Ang pagkidnap nila sa mga mahihirap o mahihinang adventurer para maibenta sa mga noble, ang mga oras na kasama niya ang kaniyang kapatid at ang iba pang experience niya sa grupo nilang mga bandido.
Biglang bumigat ang dibdib niya at lumalim ang bawat paghinga niya, tuloy-tuloy rin ang pagtulo ng mga pawis niya sa noo.
Ang mahabang experience niya at malakas na instinct ay parang sinasabihan siya na may hindi magandang mangyayari kaya naman tumalon siya palayo sa binata kahit na nakahiga pa rin si Zac at parang wala itong gagawing kakaiba.
Ngunit dahil sa kaba at medyo nataranta siya ay hindi siya nakatalon paatras gamit ang buong lakas niya. Naging mas mabagal ito ng kaunti, at ang pagbagal ng kaunti na iyon ay ang pagkakataon na hinihintay ni Zac.
Nadakma ni Zac ang isang binti ng panganay gamit ang kamay niya at hinila ito paatras kaya nawalan ng balanse sa ere ang bandido na nagpadagdag ng lakas ng pwersa ni Zac.
Hinila niya pataas ang bandido at malakas na ibinalibag ang harap ng katawan nito sa sahig.
'H-huh? Parang hindi naman siya ganito kalakas kanina. Hindi kaya't nagkunwari lang siya na mahina kanina?' isip ng bandido dahil sa kanina ay ni hindi makawala si Zac sa kamay niya.
Pagbagsak ng katawan nito sa sahig ay nabalot ng alikabok ang kanilang paligid sa lakas ng impact. Habang napapalibutan ng alikabok ang paligid ay binigyan ni Zac ng malakas na suntok sa leeg ang bandido, unang suntok palang ay nadurog na ang mga buto nito na nagresulta ng pagkamatay niya ilang segundo lamang ang makalipas.
Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na nakaabot ang bandido sa kuya niya para iligtas ito. Nakatayo lang siya at napahinto sa harap nila Zac na nababalot ng mga alikabok ng maramdaman niyang naglaho ang presensiya ng kaniyang kuya, senyales na namatay na ito.
'You've leveled up!'
'You've leveled up!'
'You've leveled up!'
'You've leveled up!'
'You've leveled up!'
'You've leveled up!'
'You've leveled up!'
'You've leveled up!'
Sunod-sunod ang level up na narinig ni Zac sa kaniyang isipan, hindi siya makapaniwala na sa isang bandido lamang ay aangat ang kaniyang level ng walong beses.
Dahil sa pag-angat ng level niya ay nakalimutan niya na kasalukuyan siyang nasa laban. Naglaho na ang mga alikabok sa paligid at nakatulala lang na nakatayo doon si Zac habang nakahandusay sa sahig ang bangkay ng bandido.
"MAGBABAYAD KA SA GINAWA MO!" Galit na sigaw ng bandido at binunot niya ang kaniyang espada. Kahit na sumigaw ito ay nakatulala pa rin si Zac habang pinagmamasdan ang kamao niyang duguan.
Inihawi ng bandido ang espada niya sa leeg ni Zac gamit ang buong lakas niya.
Nang tumama ang espada sa balat ng binata ay biglang napahinto ang espada at parang tumama ito sa isang napakatigas na bagay na kahit ang espada niya ay hindi na ito kayang sugatan.
"Huh?" Gulat na wika ng bandido habang nakatingin sa kaniyang espada at hindi ito makapaniwala sa nangyari.
'Hindi naman siya ganito kalakas kanina! Kahit ang fire ball ni kuya ay halos mapatay na siya! Kaya bakit bigla siyang naging ganto kalakas?'
Nabalot ng matinding dismaya ang bandido dahil sa natuklasan niya na hindi na niya maipaghihiganti ang kaniyang kapatid at kawalan ng pag-asa dahil sa napakalayo pala ng agwat ng antas ng lakas nila.
"Ikaw! Isa kang rank 2 adventurer? Pero kahit na mas malakas ka sa amin ay madumi pa rin ang pakikipaglaban mo! Nasaan ang dignidad mo bilang isang adventurer?!" Galit na panglalait nito kay Zac ng maisip niya na isang Rank 2 adventurer ang binata.
"Rank 2?" Naguguluhang tanong ni Zac dito.
"Huwag ka nang magkunwari pa! Kung isa kang rank 1 adventurer ay siguradong hindi mo mapapatay si kuya ng walang kahirap-hirap dahil sa kami ay dating rank 1 adventurer rin!" Galit na wika nito!
'Rank 1 sila pero ilang level na agad ang nakuha ko ng mapatay ko ang isa sa kanila? Ganoon ba talaga kabilis ang level? Kung makakapatay lang ako ng ilan pang rank 1 ay mabilis akong magiging level 50.' Napahawak sa baba niya ang binata habang nag-iisip kung bakit napakalaki ng level na binigay sa kaniya.
'Weird! Pero kung tutuusin, base sa lakas nila ay worth nga sila ng maraming high level na goblin kagaya ng isang sumugod sa Tona. Higit nga naman silang mas malakas kay Tori na nahinto sa rank 0 at nag retired.'
Nagalit ang bandido sa nakita niyang pag-asta ni Zac.
"Tsk! Kahit rank 2 ka ay masiyado mo akong minamaliit!" Galit na sigaw ng bandido kay Zac na nakatayo pa rin sa harap niya habang nag-iisip ng malalim.
Sinugod niya ang binata at itinapat dito ang kaniyang kanang kamay. Unti-unting may pabilog na apoy ang namumuo sa tapat ng palad niya at mukhang mas malakas pa ito kumpara sa fire ball na ginamit ng kuya niya.
"Fire ball!" Galit na sigaw ng bandido at mas lalo pa ring lumalaki ng lumalaki ang fire ball hanggang sa maging triple ang laki nito kumpara sa fire ball ng kapatid niya.
"Oh?" Nagulat ang binata ng maramdaman niya ang kapangyarihan na nanggagaling sa fire ball.
Iniharang ni Zac ang mga braso niya sa kanyang harapan at sinalag ang fire ball. Unti-unting nasunog ang balat ng mga braso niya at bigla nalang pumutok ang fire ball sa harapan niya.
Sa sobrang lakas ng pagsabog ay tumilapon palayo ang katawan ni Zac at tumama ito sa puno. Habang nakaupong nakasandal sa puno ay pinagmasdan niya ang mga braso niyang naging kulay itim sa sunog na unti-unti rin namang bumabalik sa normal nitong kulay.
Halos sampong metro ang layo kay Zac ay ang halos hindi na makatayong bandido.
"Imposible! Ginamit ko na ang lahat ng mana ko sa fire ball na 'yon pero parang wala pa ring nangyari sa kaniya!"
Bumangon si Zac at pinagpagan niya ang kaniyang katawan, nasunog rin ang malaking parte ng kaniyang damit kaya hinubad niya na ito at kumuha ng bagong susuuting damit sa pouch niya.
"Paano mo nagawang palakasin ang fire ball mo?" Kalmadong tanong ng binata habang naglalakad ito papalapit.
"Isa kang rank 2 pero ni hindi mo alam ang paggamit ng mana sa mga element? Hahaha!" Galit na saad nito at may bigla siyang naisip na nagpagalit lalo sa kaniya. Hindi siya makapaniwala kaya para siyang nawala sa sarili at tumawa, pero bumalik rin agad siya sa katinuan.
"Kapag pinatay mo rin ako ay siguradong hindi ka tatantanan ng grupo naming Ant hangga't nabubuhay ka!" Pagbabanta nito sa papalapit na binata.
"Oh? Ant? Pansin ko rin na parehas kayong may tattoo na langgam. Iyan ba ang pangalan ng grupo niyong mga bandido?" Tanong ni Zac sa bandido at bigla itong napangiti ng huminto si Zac sa mga hakbang niya.
"Tama! Kaya hangga't may pag-asa kapa ay tumakas kana! Kung papatayin mo ako ay kakailanganin mo ng kaunting oras, siguradong makakarating na sila dito bago ka makaalis. Kalimutan na natin ang mga nangyari ngayon at lumisan kana, hindi mo kailangang magpakamatay para lang mapatay ako! Sigurado akong paparating na ang mga kasamahan namin ng malaman nilang pinatay mo si kuya!" Pananakot pa nito. Ito nalang rin naman ang kaya niyang gawin dahil sa halos hindi niya na maigalaw ang kaniyang katawan.
Biglang tumakbo pasugod si Zac sa bandido at itinusok niya ang mga kuko ng kanang kamay niya sa dibdib ng bandido para dukutin ang isang bagay dito.
Paghila niya ng kamay niya palabas sa katawan ng bandido ay makikita ang isang puso na tumitibok-t***k pa sa palad niyang duguan , biglang nawalan ng buhay ang mga mata ng bandido ng madukot ni Zac sa katawan niya ang kaniyang puso.
Bumagsak sa sahig ang katawan ng bandido at narinig nanaman ni Zac ng pitong beses ang salitang level up.
'You've leveled up!'
'You've unlocked your first Active skill! Frigid Qi!'
'You've awakened your Ice Element!'
'You've gained an even deeper understanding of mana!'
Sunod-sunod ang mga mensahe na narinig ni Zac sa kaniyang isipan at laking gulat niya ng ma-unlock niya ang kaniyang unang active skill, ang Frigid Qi!
Base sa mga nabasa niyang manga ay, ang Frigid Qi ang isa sa mga pinakamataas na uri ng yelo, kahit ang mga normal na yelo ay walang laban dito at ni hindi nito magagawang pigilan ang Frigid Qi kahit na saglit lang!
Ngunit ng marinig niya ang huling mensahe na nagsasabing mas lumalim ang kaalaman niya sa mana ay mas natuwa ang binata.
Sunod-sunod na impormasyon ang pumasok sa kaniyang isipan, para bang isa itong memory card na puno ng mga kaalaman tungkol sa mana, kung ikukumpara ito sa iba ay kakailanganin pa ng iba na pag-aralan ito ng ilang taon.
Nalaman niya na pwede palang gamitin ang mana para itago ang presensiya niya o ng kahit na anong atake na meron siya, mapa elemento man o physical na atake. Ngunit mas mahirap ito ng kaunti kumpara sa paggamit ng mana para mas mapalakas ang atake.
Marami pa siyang natuklasan na pwedeng paggamitan ng mana, kahit ang pagkuha ng mana sa paligid ay kaniyang natutunan.
"Sandali! Kung pwede kong gamitin ang mana sa ganoong bagay ay pwede pala akong mag-iwan ng patibong para sa mga kasamahan nila, kung sakali mang totoo ang sinabi niyang paparating na ang mga kasamahan nilang bandido."
Kahit na hindi isang daang porsyentong sigurado si Zac kung totoo ba talaga na paparating at nalaman ng mga kasamahan ng magkapatid ang pagkamatay nila ay hindi pa rin niya ito pwedeng baliwalain dahil sa buhay niya ang pwedeng mawala kung magkatotoo man ang sinabi ng bandido.
Naghukay si Zac ng paglilibingan niya sa magkapatid na bandido. Makalipas ang tatlumpong minuto ay natapos niya na ito pero hindi niya muna nilibing ang bangkay ng dalawa.
"Frigid Qi!" Ani ng binata at itinaas niya ng kaunti ang kaniyang palad hanggang sa dibdib niya.
May unti-unting yelo na namuo sa kamay niya, Una ay kasing laki lang ng kamao hanggang sa naging kasing laki ito ng bola.
Nang maging kasing laki na ng bola ang Frigid Qi ay mabilis na ginawa ni Zac ang mga nalaman niya sa natanggap niyang kaalaman tungkol sa mana.
Kung makikita ng iba ang kasalukuyang ginagawa ni Zac ay siguradong mangingig sila sa takot. Kahit ang binata ay hindi alam na mga may matataas na rank lang ang may abilidad na gawin ang mga balak niyang gawin ngayon.
Binalot niya pa ng mana ang Frigid Qi. Sinubukan niyang ilagay ang halos dalawampung porsiyento ng kaniyang mana sa Frigid Qi at sa kabuting palad ay sumapat naman ito para itago ang presensiya ng skill.
Gumawa pa siya ng apat na frigid Qi na nababalot ng mana. Ang dalawa ay itinago niya sa tabi ng magkahiwalay na puno na nakatayo sa kanan at kaliwa ng paglilibingan niya. Ang pangatlo naman ay inilagay niya sa harap mga sampong metro ang layo at ang huli ay inilagay niya sa likod mga sampong metro rin ang layo.
Nagtago siya ng dalawa pang ekstra na Frigid Qi para kapag magawa mang mapansin ng mga bandidong hahabol sa kaniya ang patibong ay wala na silang tatakbuhan pa.
Makalipas ang ilang minuto pang paghahanda ng patibong ay natapos na rin siya.
"Sapat na ito pero tatagal lang ang mana ko ng halos dalawang oras. Kung wala pa ang mga kasamahan niyang bandido sa loob ng dalawang oras ay masasayang ang lahat ng paghahanda ko, pero sapat na rin naman na ang dalawang oras para makalayo ako dito."
Nang matapos si Zac sa paghahanda ay nakaramdam siya ng pagod.
"Hindi talaga magandang kalaban ang may mga grupo sa likod nila. Pero sapat na kaya talaga 'to para hindi nila matuklasan na ako ang pumaslang sa kasamahan nila at mapigilan ang paghabol nila saakin?" Saad ng binata habang pinagmamasdan ang ginawa niyang patibong.
Sa kalangitan ay may isang nilalang ang nakasuot ng itim na roba, ang ulo niya naman ay hindi makikita ng kahit na sino dahil sa mahika niyang ginamit, kapag tumingin ka sa kaniya ay makikita mo lang sa kaniyang ulo ay malabo.
"Fufufu. Hihintayin kita sa taas, Zac." Sambit nito at kahit na sino ang makakarinig sa kaniya ay siguradong mangingig sa takot at kaba dahil sa sobrang lalim ng boses nito. Isa pa ay mahahalata rin sa kaniyang tono na hindi maganda ang hangarin nito.
-----