Chapter 3

2766 Words
Chapter 03 Lumisan na ang binata sa pinanggalingan ng laban, kahit na gustuhin pa ng binata na burahin pa ang ibang ebidensiya na nanggaling sa kaniya ay hindi niya na 'to pwedeng gawin, hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng kaba. Para bang may mangyayaring masama sa kaniya kapag hindi pa siya umalis. Bumalik na sa kalsada si Zac at inilabas ang kaniyang mapa sa pouch niya, kahit na hindi gaano kalaki ang kayang ipasok sa pouch ay sapat naman na ito, para magtabi ng isang linggong pagkain, mga damit at iba pang kailangan niya sa paglalakbay. (NOTE: Pouch ay parang Inventory sa laro, pero low grade lang ang gamit ni Zac kaya hindi masyadong marami ang pwede niyang ilagay dito.) 'Status.' --------------------- Name: Zac Morgan Age: 18 Race: Human Level: 20 (Reach level 50 to evolve) Ability: Passive: Undying Body. Active: Frigid Qi. ------------------------- Tatlumpong level nalang at makakapag evolve na ako, magiging anong uri kaya ako 'pagka evolve ko. "Nabanggit rin ng bandido na rank 2 ako, kaya ayos na rin naman na kung dumiretso ako sa Edo." Binasa niya saglit ang mapa at tinignan kung nasaan na siya. Pagkatapos ay itinuloy niya na ang paglalakbay patungong Edo. Makalipas ang halos dalawampong minuto ay may nakasalubong na dalawang carriage ang binata. Papunta rin ang mga ito sa Edo kaya sumabay na ang binata at nagbayad ng isang silver coin. Wala na sa dibdib ni Zac ang nararamdaman niya kanina na may mangyayaring masama sa kaniya kapag huminto siya, kaya naman umidlip siya saglit para magpahinga. **** Ang siyudad ng Edo ay kagaya lamang ng mga normal na siyudad. Hindi ito ganoon kayaman pero hindi rin naman ganoon kahirap ang buhay dito. Ang Edo ay nababalutan ng limang metrong pader na gawa sa matibay na bato, ito ang pumoprotekta sa mga mamamayan sa posibleng pagsalakay ng malalaking grupo ng mga halimaw. Mayroon rin itong isang tower sa tabi ng tarangkahan na nagsisilbing taga matyag sa paligid, halos buong araw ay may nakabantay na mga guwardiya dito. Hindi gan'on kasagana ang Edo kagaya ng mayayamang siyudad kaya naman hindi rin gan'on karami ang mga noble na naninirahan dito, karamihan sa mga noble na nandito ay matatanda pero may iilan rin naman na mga medyo bata-bata pa para hasain ang kanilang skill sa pagma-manage ng mga kayamanan na mamanahin nila. Ang adventurer's guild ay nakatayo sa bandang gitna ng siyudad, ito ay dalawang palapag at gawa ito sa kahoy, pero kahit gawa ito sa kahoy ay hindi ito basta-basta guguho o masisira dahil sa ginamitan ito ng mahika na lalong nagpapatibay dito. Mabilis rin namang matatagpuan ng mga baguhan sa siyudad ang adventurer's guild dahil sa may sign ito sa harap na nakaukit ang isang espada at shield, ito rin ang halos senyales ng lahat ng Adventurer's Guild sa mga siyudad. Ang mga katabing building ng Adventurer's Guild ay nagtataasan rin at ang iba ay gawa pa sa mga mamahaling materyal at mas magarbo pa itong tignan kumpara sa Adventurer's Guild. Kaya naman talagang maganda ang tanawin sa paligid. Palubog na ang araw ng ibinaba si Zac sa tarangkahan ng Edo dahil nga sa bago pa siya. May dalawang guwardiya ang nagbabantay dito. Pagkagising ni Zac ay pakiramdam niya na parang mas lumakas siya, ngunit hindi rin naman ganoon kagrabe ang dumagdag na lakas kaya hindi niya na ito pinag-tuunan pa ng pansin. Lumakad ang binata papasok sa Edo ngunit ng malapit na siyang makapasok ay hinarang siya ng mga guwardiya na nakasuot ng mga lumang armor na gawa sa iron at may tig-isang espada. "Nasaan ang identification's card mo?" Mahina at inaantok na tanong ng medyo matabang guwardiya. "Identification card?" Tanong ng binata sa guwardiya. "Oo identification card. Kaya ilabas mo na kung meron ka." May pagka-inis na sabi nito at para bang malaking istorbo sa kaniya ang paghingi nito sa binata. "Pasensiya na pero wala akong identification card. May ibang paraan ba para makapasok ako?" Medyo magalang na tanong ng binata ng mapansin niyang medyo naiinis ang guwardiya. "Isang silver coin para sa isang linggo." Sagot ng guwardiya at inihaya niya ang palad niya sa harap ng binata na para bang humihingi ito ng bayad. Hindi na sumagot si Zac at kumuha nalang siya ng isang silver coin sa kanyang pouch at tiyaka ito iniabot sa matabang guwardiya. "Kumuha ka ng identification card at dalin mo dito." Utos ng matabang guwardiya sa kasama niyang medyo mapayat na guwardiya. Agad namang sinunod ng mapayat na guwardiya ang utos ng kasama niya at pumasok ito sa loob ng tower na pinagtatabihan ng mga gamit na kailangan nila para sa pagiging guwardiya, kasama na nga sa mga ito ang identification card. Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na ang guwardiya at iniabot ito sa mataba. "Ito ang identification card mo, ang nakalagay na pito diyan ay ang araw na pwede kang manatili dito. Kapag naging zero na ang araw at hindi kapa umaalis o nagbayad ng silver coin para magkaroon ka ulit ng pitong araw ay huhulihin ka namin at ikukulong, naiintindihan mo?" Mahina pero madaling mapapansin ang pananakot ng matabang guwardiya para hindi na magtangka pa ang binata na magpalipas ng oras sa siyudad kapag expired na ang identification card niya. Ang isang silver coin ay medyo malaki na rin para sa mahihirap na pamilya, dahil sa isang silver coin ay maaari na silang makakain ng isang linggo kung titipirin nila ito. Tumango si Zac bilang tugon at lumakad na papasok ng Edo. "Pitong silver coins nalang ang meron ako, kakasiya pa kaya ito para makapag renta ng Inn?" Habang naglalakad ay nagtanong-tanong siya sa mga nakakasalubong niya kung nasaan ang adventurer's guild. Mabait naman ang mga nakakasalubong niya at ibinigay nila ang tamang direksyon kaya wala pang tatlumpong minuto ay nakarating na siya sa harap nito. Ang adventurer's guild ay gawa sa kahoy ngunit ramdam niya na hindi magiging madali ang wasakin ito. Binuksan na ni Zac ang pinto at pumasok sa Adventurer's Guild, pagkapasok niya ay ang mga nag-iinumang mga adventurer agad ang nakita niya. May parte ang adventurer's guild sa unang palapag na maraming lamesa na gawa sa kahoy kung saan pwedeng umorder ng mga alak at pagkain ang mga adventurer, sa bandang kaliwa ng unang palapag ay ang counter kung saan may isang magandang babae ang nakatayo at nakangiti. Sa tabi naman ng counter ay may dalawang metrong board na gawa sa kahoy, at doon nakalagay ang mga misyon na pwede nilang kuhanin. Nang mapansin ng magandang babae sa counter ang binata na kahit kailan hindi niya nakita ay sinenyasan niya ito. Inilibot ng binata ang tingin niya sa paligid at nang makita niya ang magandang babae na nakatingin sa kaniya at parang sumesenyas ay nilapitan niya ito. Magandang babae ang receptionist, may itim itong buhok na aabot hanggang balikat at ang mga mata niya ay parang dagat sa ganda, dahil sa kulay nitong asul. Maputi rin ang kaniyang kutis kaya marami ang mga adventurer na gustong manligaw dito. Unang tingin mo palang ay mapapansin mo agad sa kaniyang aura sa paligid na mabait siya. Limang talampakan, pitong pulgada ang height ng receptionist, mas matangkad sa kaniya si Zac kaya nakatingala ito ng kaunti babang nakatingin. "Bago kalang ba dito?" Nakangiting tanong ng receptionist habang tumitingin-tingin ng kaunti sa mga adventurer na halos nagsisigawan na sa pagki-kwentuhan. "Bago nga ako dito." Nakangiti rin namang tugon niya. "Ano pala ang nais mo sa Adventurer's Guild? Magpaparegister kaba bilang adventurer?" Tanong ng receptionist at parang nahihiya siya sa binata habang pasilip-silip pa rin sa mga nag-iinom na adventurer. Hindi rin naman kasi sila nagkakaroon ng mga bisita o bagong adventurer kaya naman madalas ay hinahayaan nalang ng receptionist na magpakasaya ang mga adventurer na nag-iinom ng alak. "Nais ko nga sanang magparegister." Sambit ni Zac at napatingin na rin siya sa mga adventurer dahil sa napansin niyang tingin ng tingin sa kanila ang receptionist. Nakita ng receptionist na nakatingin na rin si Zac sa mga adventurer kaya lalo siyang nahiya. "P-pagpasensiyahan mo na sila ha. Ganyan talaga sila magulo minsan pero sila rin naman ang dahilan kung bakit ligtas at walang mga halimaw ang masyadong umaatake sa Edo kaya hinahayaan ko nalang sila." Pagpapaliwanag ng receptionist. "Sandali pala. Kukunin ko lang sa taas ang Crystal para mairegister na kita." Dagdag ng receptionist. Tumango ang binata bilang tugon kaya naman umakyat na sa ikalawang palapag ang babae. Wala pang ilang minuto ang lumipas ay nakabalik na agad ang receptionist at may dala-dala itong itim na bolang crystal. Inilapag niya sa harap ni Zac ang crystal. "Hawakan mo nalang ang crystal na ito gamit ang dalawang kamay mo para maka-register kana bilang adventurer." Ginawa ni Zac ang sinabi ng receptionist. Hinawakan niya ang itim na bolang crystal at bigla itong nagliwanag. Hindi malakas ang liwanag ng bolang crystal at saglitan lamang rin ito pero nang makita ito ng receptionist ay napanganga siya sa gulat. 'Sobrang hina? Ibig bang sabihin ay hindi maganda ang kinabukasan niya sa pagiging adventurer.' At parang nakaramdam ng awa ang receptionist ng malaman niya na hindi ganoon katalentado ang binata sa pagiging adventurer. Ngunit ang hindi niya napansin ay nagkaroon ng maliit na biyak sa ilalim ang itim na bolang crystal na hindi mapapansin kung hindi ito pagmamasdan ng maigi. "Kailangan mo nalang magbayad ng dalawang silver coin para matapos na ang proseso." Nakangiting sabi ng receptionist pero mapapansin rin sa tono niya na medyo nalungkot ito ng kaunti. Binayaran ni Zac ang dalawang silver coin at may ginamit na mahika saglit ang receptionist. Nagliwanag ang palad nito at nang mawala ang liwanag ay may unti-unting maliit at pa-square na halos kasing nipis ng coins ang namuo. Kulay silver ito at nakalagay ang pangalan ni Zac dito, mayroon ring nakasulat na rank 0. Ito ang identification card niya bilang isang adventurer. "Maraming salamat!" Saad ng binata at lumabas na ito ng adventurer's guild. Nagtataasang mga building ang nakapalibot sa adventurer's guild. Siguradong mahal ang presyo ng mga Inn na nakapalibot dito. Naglibot-libot pa si Zac sa siyudad hanggang sa makarating siya sa isang parte kung saan mararamdaman mo palang sa kapaligiran na magulo dito. Para bang ang lugar na ito ay hindi ligtas. Madilim na paligid at halos puro luma na rin ang mga bahay dito. May ibang building rin naman sa paligid ngunit karamihan sa mga ito ay dalawang palapag lamang at parang magigiba na rin kapag hinangin lang ng kaunti. Sa isang kalye ay may grupo ng mga nakatambay ang nagmamasid kay Zac habang mapayapa siyang naglalakad. Kahit na magulo at parang hindi ligtas ang lugar ay pakiramdam pa rin niya na mas ligtas ang lugar na ito, kumpara sa ibang mukhang mapayapang parte ng siyudad. Naglibot ang binata at marami siyang nakitang Inn na pwede niyang tuluyan sa ma-a-ayos na parte ng siyudad, kung tutuusin ay maganda rin ang kapaligiran at napakapayapang tignan pero sa hindi niya malamang dahilan ay hindi siya komportable sa mga lugar na 'yon. Ang parte ng siyudad na pinuntahan ngayon ng binata ay madalas tawagin na lungga ng mga mahihirap. Kahit mga adventurer ay hindi nag-aaksaya ng oras na bumisita sa lugar na 'to. Naghanap ang binata ng matutuluyang Inn. Sa kalagitnaan ng lugar na ito ay may isang Inn. Gawa sa bato ang dalawang palapag na building ngunit hindi ito ganoon kaganda, pero kahit hindi kagandahan ay mas matibay naman ito at pwede na rin itong tawaging maayos ng mga nakakakita dito na residente ng lugar na ito. Pumasok ang binata sa loob ng Inn. Ang Inn ay mayroong parte kung saan ilang lamesa ang makikita, ito ang kinakainan ng mga nagrerenta. May isang lalaki ang nakatayo sa gilid. Nakita niya si Zac na pumasok at pinagmamasdan ang paligid kaya naman agad niya itong nilapitan ng may ngiti sa mga labi. "Magandang gabi Ginoo. Naghahanap kaba ng matutuluyan?" Tanong ng lalaki na halos dalawang metro ang taas, napakalaki rin ng katawan nito. Tumingala si Zac para makita ang nagsalita at nagulat saglit ang binata pero agad rin itong nawala sa mga mata niya. Ang kaniyang mga mata ay itim, ang kaniyang buhok ay faded at mukha siyang isang sundalo na nasa edad apatnapu. Kahit na mukhang nakakatakot siya dahil sa malahigante niyang katawan ay mararamdaman mo na sinsero ang ngiti niya kaya talagang gagaan ang loob mo sa kaniya. "Naghahanap nga ako Mister." Nakangiting sagot ng binata habang nakatingin sa may-ari ng Inn. "Dalawang silver coin para sa isang linggo. Libre ang pagkain para sa umagahan hanggang gabihan." Sambit ng may-ari at may kinuha itong susi sa kaniyang bulsa. Kinuha ni Zac sa kaniyang pouch ang natitira niyang dalawang silver coin. Binayaran niya ang may-ari at ini-abot naman sa kaniya ang susi ng tutuluyan niya sa ikalawang palapag. "Umakyat ka nalang at hanapin ang room 42. Bumaba ka nalang dito kung gusto mo pang kumain para sa hapunan." Sambit ng may-ari at bumalik na siya sa kaninang pwesto niya malapit sa pinto. ***** Kinabukasan ay paangat palang ang araw at nagising na si Zac. Bumangon siya at nagpalit ng kasuotan. Sinuot niya ang puting sando at itim na short na hanggang tuhod niya. Pagkatapos niyang magpalit ay bumaba si Zac para kumain. Pagkakain niya ay agad siyang umalis sa Inn at dumiretso sa Adventurer's Guild. ~Adventurer's Guild Sa loob ng adventurer's guild ay may ilang adventurer na ang nasa loob ngunit para silang mga estatwa sa gilid at mahahalata sa mga ekspresyon nila ang kaba at takot, para bang nakakita sila ng multo. Sa harapan ng counter kung saan naka-assign ang receptionist ay may isang binata ang nakasuot ng asul na roba na mayroong asul na phoenix, nakatayo at nakikipag-usap sa receptionist. Pula ang kulay ng kaniyang buhok, ang kaniyang mga mata ay kulay pula rin na parang nagbanagang apoy na punong-puno ng pride na lalong nagpaganda ng hitsura niya. Matangos na ilong, magandang hulma ng panga at kutis na napakaputi. Kahit na sino ay siguradong mapapanganga sa gandang lalaki ng binatang ito, mararamdaman mo rin sa kaniyang ekspresyon na lagi itong seryoso at madaling mag-init ang ulo, kaya siguradong masisindak ka at hindi magsusubok na galitin ito. Ang ekspresyon ng receptionist ay maayos at nakangiti pero kung pagmamatyagan mong mabuti ay mapapansin mo na hindi ito komportable. "Pakiusap Red kung tapos kana sa pagkuha ng misyon ay pwede kanang umalis, hindi komportable ang ibang adventurer sa presensiya mo." Paglalakas loob na sabi ng receptionist habang may kaunting pawis na tumutulo sa noo niya. "Fae bakit hindi mo nalang tanggapin ang alok ko? Kung tatanggapin mo ito ay hindi mo na kakailanganin pa ang magtrabaho." Sambit ng lalaking naka-pulang roba na nagngangalang Red. Habang nag-uusap ang dalawa ay nasa harap na ng pinto ng guild si Zac. Pumasok ang binata at parang napansin niya na napakatahimik kahit na may i-ilang adventurer na ang nasa loob, pero hindi niya ito binigyan masyado ng pansin at dumiretso sa counter. "Oy? Sino ang batang 'yan?" Gulat na sabi ng isa sa mga adventurer na nasa loob at halata sa tono ng pananalita niya ang kaba. Napahinto sa pag-uusap si fae at Red ng mapansin nila ang papalapit na si Zac. Huminto si Zac ilang metro ang layo kay Red. Matangkad si Zac at halos nasa limang talampakan at pitong pulgada lang ang sukat ni Red kaya naman kita niya ang ekspresyon ni Fae ng magkatitigan sila. Nanlaki ang mga mata ni Fae sa takot ng makipagtitigan siya kay Zac. Ngunit bago pa makakilos ang binata ay may biglang malakas na pwersa ang tumama sa katawan ni Zac na nagpatalsik ng katawan niya palabas ng guild. Ang pwersa na tumama sa katawan ni Zac ay isang apoy na halos kasing laki ng bola, wala itong nagawang pinsala sa loob ng guild ngunit ang buong katawan ni Zac ay halos nangitim na sa sunog, kahit na sa tiyan niya lamang naka-dikit ang apoy. Patunay na hindi normal na apoy ang pinakawalan ni Red at sobrang init nito na naapektuhan pa ang katawan ni Zac. "AAAAAAAAHHH!" Pagsigaw ni Zac habang ang ekspresyon niya ay punong-puno ng sakit ng biglang kumalat ang apoy sa katawan niya. Makalipas ang ilang sandali ay parang nawalan ng lakas ang binata, buong katawan niya ay nawalan ng lakas at pwedeng mawalan siya ng malay kahit na anong oras. "Sino ka? Ang lakas ng loob mong lumapit kay Fae." Kalmadong tanong nito pero kahit sinong makakarinig nito ay siguradong mararamdaman ang pagkahayok nito sa dugo na lalong nagpasindak ng ekspresyon niya. Sinakal niya paitaas ang hinang-hina na si Zac. -------- Thanks for reading! Please Vote & Comment if you enjoy this chapter!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD