Chapter 04
Flashback
(Ito yung nangyari habang natutulog kanina si Zac sa carriage.)
Sa kagubatan ay may halos sampong tao ang mabilis na tumatakbo patungo sa pinanggalingan ng laban ni Zac at ng dalawang bandido.
Bawat isa sa kanila ay malaki ang katawan at naglalabas ng matinding pagkahayok sa dugo, dahil sa nalaman nilang pinatay ang dalawa sa miyembro ng grupo nila..
Kung mga halimaw lang sa gubat ay siguradong kaya ng magkapatid ito, ilang buwan na sila sa gubat na ito at halos kabisado na nila ang mga pasikot-sikot sa paligid. Kaya imposible ang mapatay sila ng mga halimaw, kaya ang isang posibilidad lang ay pinatay sila ng mga adventurer.
Bawat isa sa mga ito ay may tattoo ng langgam sa kanilang batok, sa harap nila ay ang pinakamalakas sa grupo nila, ang leader ng kanilang division.
Kahit na mabilis silang tumatakbo ay nakafocus pa rin sa paligid ang kanilang leader para handa sila kung sakali man na may mang ambush.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na sila sa pinaglibingan ni Zac ng katawan, nakatingin sa lupa ang kanilang leader at nasa likod naman ang siyam.
"Isang bata?" Saad ng kanilang pinuno. Naisip niya agad na isang bata ang pumatay sa kanilang kasamahan dahil sa inilibing nito ang bangkay ng dalawa, bata lamang o mga adventurer na wala pang masiyadong experience ang susubuking itago ang bangkay ng kanilang pinatay sa ilalim ng lupa, para hindi mahanap ang katawan nila.
Pero kahit na parang walang mali sa pagkakalibing ng bangkay ay may naramdaman pa rin ang pinuno, dahil sa dami na ng kaniyang mga karanasan sa laban ay malakas na ang pakiramdam niya sa mga panganib.
"Umatras muna kayo." Utos niya sa mga kasama at agad naman nila itong sinunod ng walang pagdadalawang isip.
Umupo ang bandidong leader na halos wala na ring buhok, marami itong marka ng sugat sa mukha at mas matangkad rin ito kay Zac.
Hinawakan niya ang lupa na para bang may pinapakiramdaman siya dito, iginalaw-galaw pa niya ang palad niya at ng mapalakas ng kaunti ang dikit ng palad niya ay may kaunting lupa ang bumagsak sa Frigid Qi na binalutan ni Zac ng maraming mana.
Nanlaki ang mga mata ng bandido at binalutan niya ng mana ang katawan niya.
"ATRAS!" Malakas na sigaw niya at walang pag-a-alinlangan naman na umatras ang mga kasamahan niya.
Ngunit mas mabilis pa rin ang pagsabog ng Frigid Qi, limang pagsabog ang naganap sa magkakaibang lokasyon at napakabilis na nabalot ng crystal na yelo ang buong paligid ng limampong metro at hindi nakatakas ang siyam na bandido.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng limampong metro, para bang kahit ang oras ay huminto dahil sa sobrang katahimikan.
Ang buong paligid ay nabalot ng crystal na yelo, ang mga puno, ang sahig at ang mga bandido. At lahat ng 'yon ay hindi nakaligtas sa kamatayan.
Iisa lamang ang natira at nakaligtas sa biglaang pagsabog dahil sa bilis ng responde niya ng maramdaman niya ang pagsabog ng Frigid Qi.
Kung gaano kabilis nabalot ng yelo ang katawan ng mga bandido ay ganoon rin kabilis nawala ang kanilang buhay.
Pinagmasdan ng pinuno ang mga kasama niya na halos pare-parehas na gulat na gulat ang ekspresyon bago sila maging yelo.
Nakaramdam ng kirot sa dibdib ang bandido. Kahit na bandido sila ay matagal na silang magkakasama at marami na rin silang hinarap na mga delikadong sitwasyon.
"PAGBABAYARAN MO 'TO! HINDI KITA TATANTANAN HANGGA'T HINDI KITA NAPAPATAY!" Galit na sigaw ng pinuno at biglang nabasag ang lahat ng bagay na nagyelo sa buong paligid niya gamit lamang ang kaniyang boses, patunay na mas malakas siya ng ilang beses sa binatang gumamit ng yelo.
'Humanda ka! Alam ko na ang aura ng mana mo.'
Naglakad na ang bandido ngunit ang direksyon niya ay hindi patungo sa dinaanan ni Zac palabas ng kagubatan, bagkus ay papalayo pa sa binata ang tinahak niyang daan.
Ang daan na ito ay pabalik sa kanilang base, isa lamang silang maliit na division ng kanilang malaking grupo ng bandido.
Babalik siya sa kanilang base para ihanda ang mga gamit na kailangan niya para mapatay si Zac.
Ang gamit na panghanap ng lokasyon niya, ang mga gamit na makakapagpabilis sa kaniya, at ang mga armas na kailangan niya para mas masiguro pa niyang mapapatay ang binata at hindi ito makakatakas pa.
Ang mga kilos niya ay proweba kung gaano siya kadeterminadong patayin si Zac na pumatay sa mga kasamahan niya.
Kahit ang ibang adventurer ay siguradong matatakot at hindi maglalakas loob na galawin ang mga kasamahan niya. Pero si Zac ay naglakas loob na pinatay ang dalawa, at hindi pa natatapos 'yon don, nag-iwan pa siya ng patibong para subuking patayin pa ang ibang magtatangka na imbistigahan ang nangyari o humabol sa kaniya para mag-higanti.
~Kasalukuyan
May ilang tao ang nakakita sa nangyari, ngunit ng mapansin nila na involve ang isa sa miyembro ng Flame Faction ay hindi sila nagdalawang isip na lumayo.
Isa ang Flame Faction sa tatlong Faction na pinakamalakas sa buong Edo. Ang faction na ito ay puno ng miyembro na may maiinit na tempero. Madali silang magalit at bayolente sila kaya naman takot sa kanila ang karamihan ng mga adventurer.
Marami ang faction ng mga adventurer sa Edo kaya naman marami rin sa kanila ang magka-ka-tunggali. Pero dahil sa tatlong pinaka malakas na faction ay hindi ganoon kagulo sa Edo at hindi masyadong nagkakaroon ng mga giyera ang mga faction.
Halos wala ng lakas ang katawan ni Zac. Kahit ang simpleng pagtayo niya lang ay nagresulta na ng matinding pagkirot ng katawan niya.
Hinihingal ang binata ngunit ramdam niya rin ang mabilis na paggaling ng katawan niya at ang unti-unting pagbalik ng lakas niya. Kaya bumabalik rin sa normal ang bawat paghinga niya. Patunay na talagang hindi normal ang kaniyang undying body.
Nagulat si Red ng makita niyang nakabangon pa si Zac. Sigurado siya na kahit Rank 2 adventurer ay mamamatay sa atakeng pinakawalan niya.
"Sandali. Pumunta lang ako dito para magparehistiro bilang adventurer at hindi ko pa alam ang mga patakaran dito." Saad ng binata habang nakatingin sa papalapit na si Red.
"Oh? Bago ka? Anong gusto mong palabasin? Kasalanan ko pa?" Hindi resonableng sabi nito at mararamdaman pa rin sa kaniya ang pagkahayok sa dugo.
Nang magkaharap sila ay itinapat ni Red ang kaniyang palad sa dibdib ni Zac.
"H'wag mo akong pwersahin masyado." Mahinahon na sabi ni Zac.
"Ohh? Ano ang gagawin mo 'pag pwinersa kita? Lalaban ka? Hahaha" Pang-aasar na sambit ni Red habang tumatawa-tawa pa ng marinig ang sinabi ni Zac.
Ang nakatapat niyang palad sa dibdib ni Zac ay biglang nag-init at may maliit na bilog ang unti-unting namumuo dito hanggang sa maging kasing laki ito ng kamao.
Mas maliit ito sa kaninang apoy na pinakawalan niya ngunit madaling mapapansin na mas malakas ito ng ilang beses, at sigurado 'pag pinakawalan niya ang atakeng ito ay magiging abo si Zac.
Biglang nagkaroon ng yelo ang dibdib ni Zac at mabilis itong kumalat ito sa buong katawan niya na pumoproteksa laban sa apoy.
"Oh? Anong klaseng yelo 'to?" Tanong ni Red at medyo naging seryoso rin ng kaunti ang ekspresyon niya ng mapansin niya na humina ng kaunti ang apoy sa palad niya.
Ginaya ni Zac si Red at itinapat niya rin ang palad niya sa ulo nito. May yelong pabilog ang unti-unting namuo dito.
Mapride si Red kaya naman hinintay niyang malipon ni Zac ang pang-atakeng yelo sa palad niya. Gusto niyang ipamukha sa binata na kaya niyang durugin ng walang kahirap-hirap ang yelo nito ng harap-harapan.
Halos walumpong porsiyento palang ang lakas ng kapangyarihan na namumuong yelo sa palad ni Zac kaya naghihintay pa rin si Red. Ngunit ng halos nasa siyamnapong porsiyento na ang namuo ay bigla itong sumabog sa harap nilang dalawa at hindi handa si Red sa pangyayaring ito.
Nabalot ng yelo ang buong paligid mga sampong metro ang lawak sa kanila kahit ang apoy sa palad ni Red ay naglaho na parang bula. Pinili ni Zac na i-focus sa kanilang dalawa ang atake kaya naman mas maliit ang lawak na nadamay nito.
Nabalot ng yelo ang dalawang binata at hindi makapaniwala ang mga adventurer na nakakita sa kanila.
Kahit na sariling atake ni Zac ang yelo at hindi siya masiyadong makakatanggap ng damage ay nagulat pa rin sila dahil sa ang ginawa niya ay kakaiba at hindi normal na atake. Pinasabog niya bigla ang kanyang atake at hindi ito nakafocus kaya naman hindi niya ma-po-protektahan ng mana ang katawan niya at halos parehas na damage ang matatanggap niya kagaya kay Red.
Ang ginawa niya ay para bang may hawak siyang bomba at mas pinili niyang pasabugin ito kasama si Red imbis na ibato ito sa kalaban at tumakbo palayo para hindi makatanggap ng damage. Kaya hindi makapaniwala ang mga nakakita.
Karamihan lang sa mga gumagawa ng ganitong atake ay ang mga adventurer na wala ng pag-asang manalo sa kanilang kalaban at desididong patumbahin kasama niya ang kaniyang kalaban bago siya tuluyang mamatay.
Makalipas ang halos isang minuto ay biglang natunaw ang yelo na nakabalot sa katawan ni Zac. Mabilis siyang tumalon palayo mga sampong metro ang layo at naghanda ulit siya ng isa pang-atake gamit ang kaniyang Frigid Qi ng maramdaman niya na buhay pa si Red.
Itinapat niya ang kaniyang palad sa nakabalot sa yelong si Red. Unti-unting namuo ang isang pabilog na yelo hanggang sa maging kasing laki ito ng ulo ng tao, mararamdaman rin na mas delikado ito kumpara sa kanina dahil sa ginamit niya ang halos walumpong porsiyento ng kasalukuyan niyang mana.
(Note: Baka malito kayo ha. Yung kaninang 80% ay yung lakas ng skill niyang Frigid Qi. Kailangan niya kasing gamitin ito ng maingat at mabagal ng kaunti dahil sa hindi pa siya masiyadong sanay sa paggamit nito para magamit niya ang buong 100% na lakas ng skill. Kapag ginamit niya ito at minadali ay hindi niya magagamit ang buong 100% ng lakas ng skill. Kapag ginamitan niya naman ng mana ang skill na Frigid Qi ay mas lalo pa itong lumalakas.)
(Note ulet: kailangan ng mana kapag gumagamit ng skill, mas mabilis lang mauubos ang mana kapag ginagamitan pa ng extra mana ang skill para mas lumakas pa ito.)
"Seryoso ba ang baguhan na 'to? Hindi ba't delikado ang atake na papakawalan niya?" Saad ng isang adventurer na nasa loob ng adventurer's guild at nanonood sa labas gamit ang nakabukas na pintuan.
"Kahit delikado ang atake niya ay matatalo pa rin siya. Dahil si Red ang katapat niya. Isang halimaw ang binatang 'yan." Saad naman ng isa pang adventurer na nakatingin habang ini-iling-iling niya ang kaniyang ulo.
Isa si Red sa mga sikat na miyembro ng Flame Faction dahil sa taglay nitong lakas, kaya naman kahit sila ay sobrang takot dito at hindi naglalakas loob na ma-offend ito kahit na masiyado itong arogante.
Papakawalan na ni Zac ang kaniyang atake ng biglang mabalot ng apoy ang yelo na nakabalot sa katawan ni Red.
Nang mawala ang apoy ay makikita ang ekspresyon nito na galit na galit. Ang mga ugat sa noo niya ay nagsilabasan at parang hindi siya matatahimik hangga't hindi niya napapatay ang binata na namahiya sa kaniya.
Isa siyang henyo sa Flame Faction. Napakabata pa niya pero marami na siyang nalagpasang matatanda kung ikukumpara ang kanilang antas ng lakas sa kaniya sa kanilang faction. Kaya naman sobra-sobrang respeto ang natatanggap nito kahit na napaka arogante niya.
Hindi siya makapaniwala na isang baguhan ay magagawa siyang biglang atakihin kahit na binigyan niya ito ng pagkakataon na mabuo ang atake niya, para madurog niya ito at talunin ng patas.
Pakiramdam niya ay isa siyang napakalakas na lion at isa namang napakahinang pusa si Zac pero bigla siya nitong kinalmot sa mukha na lumikha ng sugat sa mukha niya na magiging kahihiyan sa buhay niya. Isang napakahina kumpara sa kaniya pero naglakas loob pa rin ito na atakihin siya.
Ano nalang ang iisipin ng iba sa kaniya? Hinahayaan lang ng isang henyo ng Flame Faction na atakihin lang siya ng mahihina. Isang kahihiyan.
Kagaya ng kanina ay itinapat ni Red ang kaniyang palad kay Zac. Ngunit dahil sa galit niya ngayon ay mas malakas na atake ang papakawalan niya.
Namuo ang pabilog na apoy sa palad niya hanggang sa maging kasing laki rin ito ng ulo. Ang mga adventurer na nasa loob ng building ay biglang nag-si-atras ng maramdaman nila ang kapangyarihan nito.
Nanlaki ang mga mata ni Zac ng maramdaman niya ang mana at matinding lakas ng apoy sa palad ni Red.
'M-mamamatay na talaga 'ko.' Kahit ang atake na binuo ni Zac ay inihinto na niya at ginamit nalang ito para bumuo ng pader na gawa sa yelo para protektahan ang kaniyang sarili. Pero kahit siya mismo ay alam na hindi magiging sapat ang pader na ginawa niya, kahit na gamitin niya ang lahat ng mana niya o kahit doble pa ang mana na meron siya ngayon ay hindi ito magiging sapat para salagin ang atake.
Ganoon kalakas ang papakawalang atake ni Red.