Chapter 5

3113 Words
Chapter 05: Parehas na naglalabas ng nakakasindak na aura ang dalawang binata. Kapag nagpakawala sila ng atake ay siguradong magkakaroon ng sakuna sa kapaligiran, ngunit kahit alam nilang mangyayari ito ay wala pa rin sa kanila ang naglakas loob na pumigil dahil sa pagkatao ni Red. "Kung hindi mo ako pinuno ay ma-e-enjoy mo pa sana ang 'yong mga sandali sa mundong 'to." Aroganteng sabi ni Red. I-a-atake na ni Red ang kaniyang apoy ng bigla siyang makarinig ng mga hakbang. Napatingin siya sa pinto ng adventurer's guild at nakita ang babaeng gustong-gusto niya. Pawis na pawis ito pero kahit gan'on ay hindi nabawasan ng kahit kaunti ang taglay niyang ganda. "Red! Kapag hindi kapa daw tumigil ay magagalit na si Master! Alam mo ang pasensiya ni Master!" Pasigaw na sabi niya kay Red habang hinahabol ang kaniyang hininga. Nang marinig ni Red ang sinabi ni Fae ay bigla siyang napahinto sa planong pag-atake. Namuo rin ang mga pawis sa noo niya at nagsitulo ang mga ito. Ang napaka arogante niyang ekspresyon ay biglang naglaho na parang bula at napalitan ng matinding takot. "N-nandito ang Guild Master?" Kahit ang katawan niya ay nanginig sa takot ng marinig na nandito ang Guild Master. Kahit ang kanilang pinuno ay hindi handang makipaglaban sa Guild Master para lang sa kaniya. Kapag nagkaroon ng laban sa pagitan ng leader ng Flame Faction at ng Adventurer's Guild Master ay siguradong mawawasak ang balanse ng kapangyarihan sa siyudad at marami ang ma-a-apektuhan dito. Kahit si Red ay hindi alam kung sino ang mananalo kapag naglaban ang pinuno ng faction nila laban sa Guild Master. Ang alam niya lang ay magkakaroon ng matinding sakuna. Inihinto ni Red ang kaniyang atake at lumakad palayo para lumisan. Ang aroganteng si Red ay tumakbo na parang isang duwag palayo dahil lamang sa pagbanggit ni Fae ng salitang Guild Master. Kahit siya ay hindi na komportable at pakiramdam niya ay may masamang mangyayari kapag nagmatigas siya at hindi pa umalis. Kung alam niya lang rin na nandito ang Guild Master ay siguradong hindi siya bibisita sa Guild. "Haaa." Nakahinga ng maluwag ang binata ng makita ang pag-alis ni Red. 'Pero mag-i-ingat ka. Sa oras na lumakas na ako ay itutuloy rin natin 'to.' 'Ha? Napagod agad ako ng sobra sa maikling oras na 'yon?' Nanlaki ng kaunti ang mga mata ni Zac ng bigla niyang maramdaman ang pagod. Kung tutuusin ay imposible na dapat kahit ang pagtayo para sa kaniya dahil sa pressure na natanggap niya kay Red. Nagagawa niya lang tumayo dahil sa napaka espesyal ng kaniyang katawan. "Ayos kalang Zac?" Nag-a-alalang tanong ni Fae sa binata. "Ayos lang naman ako. Napagod lang ng kaunti." Nakangiting tugon ng binata. "Sige na pala. Babalik na muna ako sa Inn para magpahinga. Babalik nalang ako bukas para kumuha ng misyon." Dagdag pa niya at lumakad na ito palayo ng tumango si Fae bilang tugon. Habang naglalakad ang binata ay bigla siyang napahinto ng makarinig siya ng tunog sa kaniyang isipan. 'You've recieved an Special Quest!' [Special Quest: Kill the genius Red of Flame Faction. Rewards: Unknown.] Huh? May mga quest rin pala? Napahinto saglit ang binata sa gulat pero agad rin siyang bumalik sa kaniyang sarili at tumuloy sa paglalakad. Kung may stats kagaya ng sa laro ay siguradong may mga mission o quest rin. Kaya naman medyo inaasahan na ito ng binata. "Status." --------------------- Name: Zac Morgan Age: 18 Race: Human Level: 30 (Reach level 50 to evolve) Passive: Undying body. Active: Frigid Qi. ------------------------- Ha? Kailan ako naging level 30? Napahinto ulit sa paglalakad ang binata ng makita ang kaniyang level. Simula ng mapatay niya ang mga bandido ay tumaas ulit ang kaniyang level pero hindi gaanong lumakas ang katawan niya kaya naman hindi niya na ito pinag-tuunan ng pansin noon. Napaisip si Zac ng mapagtanto niya kung ano ang dahilan ng pag-angat ng level niya. 'Oh. Epektibo pala ang patibong na iniwan ko para sa kanila.' 'Sana nalang at malaki ang pinsalang tinanggap nila at hindi sila nakahanap ng ebidensiya na ako ang tumapos sa kasamahan nila.' **** Isang araw ang nakalipas ng maganap ang nangyari kay Zac at Red. Mabilis kumalat ang balita sa mga faction at karamihan sa kanila ay kinokonsidera nang patay si Zac dahil sa ginawa niya. Siguradong hindi palalagpasin ni Red ang ginawa ng binata dahil sa alam nila ang ugali nitong gagantihan ka kahit sa pinakamaliit na bagay. Pero kahit gustong-gusto ng tapusin ni Red ang binata ay nag-stay pa rin siya sa kanilang base dahil sa hindi nagustuhan ng Guild Master ang ginawa niya. Kailangan niya munang palamigin ang ulo ng Guild Master o hintayin itong makaalis sa Edo para mas maayos at ligtas ang gagawin niyang pagtapos sa binata. Kasalukuyang nasa tapat ng Adventurer's Guild si Zac. Binuksan niya ang pinto at kahit nasa labas pa siya ay rinig na rinig na niya ang maingay na sigawan at buhay na buhay na kapaligiran. Pagpasok niya ay biglang natahimik ang iba habang nakatingin sa direksiyon ni Zac. Napansin ng ibang adventurer ang pagtahimik ng mga kasama nila habang nakatingin sa isang direksiyon kaya naman ginaya nila ang mga ito at tumingin rin sa tinitignan nila. "Oy? Nandito pa ang binatang 'yan? Hindi mo ba pinapahalagahan ang buhay mo?" Medyo malakas na sabi ng isang adventurer na rinig na rinig ng halos lahat. Kung umalis ako sa siyudad na 'to ay mas lalong mapapadali para sa kaniya ang paslangin ako. 'Kaya ang kailangan ko ay magpalakas sa loob ng maikling panahon.' Dumiretso sa Board ang binata at tumingin sa mga quest. Ang Quest ay may mga ranggo din na Rank 1 hanggang 4. Pero hindi lalagpas sa bilang ng daliri sa isang kamay ang mga rank 4 na quest habang ang rank 0, 1 at 2 naman ay napakarami. Ang rank 3 ay halos nasa sampo lang ang bilang. Humanap siya ng mission sa rank 1 pero halos karamihan sa mga ito ay mababa ang rewards at hindi makakatulong ng malaki sa pag-pa-pa-levelup niya. Habang naghahanap ng Mission si Zac ay lumabas si Fae sa kaniyang desk at lumapit sa binata. "Mister Zac, nagawa mong makaligtas sa mga atake ni Red kahapon kaya siguradong nasa rank 2 ang antas ng lakas mo. Kung gusto mo ay pwede kang kumuha ng mga rank 2 na mission at ako nalang ang a-asikaso ng mga kailangang gawin para pwede mo itong kunin kahit rank 0 ka palang." Pagmamagandang loob ni Fae. Ang totoo ay nakokonsensiya siya para sa binata. Kung hindi dahil sa kaniya ay siguradong hindi pag-i-initan ni Red ang baguhang ito at hindi malalagay sa alanganin ang buhay niya. Ang tulong na inaalok ni Fae ay hindi madali. Ang mga rank 0 ay pwede lamang kumuha ng rank 0 at rank 1 na mga mission. Kaya magiging posible lang na kumuha siya ng rank 2 mission ay kapag naging rank 1 na siya o mas mataas pa. Maaari ring matanggal sa trabaho si Fae kapag may nangyaring masama sa binata dahil sa ginawa niyang pagbigay dito ng rank 2 mission. "Kung gan'on ay hindi ako tatanggi Fae." Tumingin ang binata sa mga rank 2 mission at mabilis na naakit ng isang mission ang kaniyang atensiyon. ------------------------ Rank 2 Mission May bali-balita na may ilang bandido ang naninirahan sa ikatlong palapag ng Edo Dungeon. Patayin ang mga bandido o imbistigahan ang mga ito. Rewards: 2 Gold Coins per head/ 1 Gold Coin for information. ------------------------ Kinuha ni Zac ang mission na ito. Ang Edo Dungeon ay ilang kilometro lang ang layo sa labas ng Edo, wala pang tatlumpong minutong lakad ay mararating ito. Binigay ni Zac ang mission kay Fae at may mahika ito na ginamit sa papel. Nagkaroon ng mga sulat sa papel na nagsasabing si Zac ang kasalukuyang tumanggap ng mission na ito. Lumabas ng guild si Zac at paglabas na paglabas niya ay agad umakyat si Fae sa ikalawang palapag para ayusin ang mga kailangan niyang ayusin. Dumiretso palabas ang binata ng Edo. **** Ang Edo Dungeon ay may sampong palapag. Bawat isang palapag ay napakalawak at puno ng mga halimaw kaya kung hindi mo pinagmamasdan ng maigi ang paligid ay maaari kang maligaw at mapunta sa tumpok-tumpok na mga halimaw. Sa Edo ay isang adventurer pa lamang ang nakapasok sa ika-sampong palapag ng dungeon limang taon na ang nakalipas. Ang adventurer na ito ang tinaguriang pinakamalakas na adventurer sa lungsod ng Edo kahit ang Guild Master ay napakagalang dito. Pero noong pumasok at hinamon ng adventurer na ito ang ika-sampong palapag ng Edo Dungeon ay bigla siyang naglaho na parang bula. Hindi alam ng lahat kung namatay ba siya o nakulong sa Dungeon, ang nalaman lang nila ay talagang napakadelikado ng ika sampong palapag ng Edo Dungeon at hindi ito basta-basta nalang dapat hinahamon. Sa unang palapag ng Edo Dungeon ay may ilang mga baguhang adventurer ang pumapaslang ng mga halimaw at gumagamit ng kani-kanilang technique para absorbahin ang mga nalipong mana ng mga halimaw. May dalawang paraan sa pagkuha ng mana. Ang pagkuha ng mana sa mga halimaw pero nakadepende pa rin sa dekalidad ng technique at talento ng isang adventurer ang dami ng mana na makukuha niya sa halimaw. Ang una ay ang pag-absorba ng mana sa kalikasan o kapaligiran, mas ligtas ito pero mas mabagal nga lang kumpara sa pag-absorba ng mana sa mga halimaw kaya iilan lamang ang gumagamit nito. Ang pangalawa ay ang pag-absorba ng mana ng mga halimaw. Kapag ang technique na ginagamit sa pag-absorba ay mas maganda at mataas ang dekalidad ay maaaring makuha mo ang buong mana ng mga halimaw, pero dahil sa maliit lamang na lungsod ang Edo at walang masiyadong malalaking Tao o mayamang angkan dito ay walang mga techniques sa pag-absorba ng mana ng halimaw ang mataas ang dekalidad. Karamihan sa mga technique na nasa Edo ay kakayanin lang absorbahin ang lima hanggang sampong pursiyento ng mana ng halimaw. Ang talento naman ay sa katawan, kapag ang talento ng adventurer ay mataas, mabilis ma-a-absorba ng mana core nito ang mana na kinuha niya sa mga halimaw. Dahil mana ng ibang nilalang ang ina-absorba ay normal lang na kailangan pa itong i-convert ng mana core para maging sariling mana nito. Ang lahat ng adventurer ay may limang Mana Core sa katawan, ngunit ang apat sa mga ito ay naka-kadena at hindi magagamit, kailangang mag-absorba ka ng maraming mana para wasakin isa-isa ang mga kadena sa 'yong mga mana core. Kapag nawasak mo na ang unang kadena ay magsasama ang dalawang mana core at magiging isa ito pero mas lalaki ang Mana Core at mas lalaki rin naman ang mana na pwedeng ilagay dito. Ang mana sa loob ng Mana Core ay hindi basta-bastang pwedeng gamitin sa pakikipaglaban dahil sa pwede nitong ma-damage-an ang iyong Mana Core. Kapag ang mana core ay nawasak ay hindi na makakapag-absorba ng mana ang iyong katawan. Ang mana na ginagamit ng mga adventurer ay ang mana na awtomatikong na-a-absorba ng kanilang katawan tuwing nagpapahinga o kumakain, pwede ring mapabilis ang pag-absorba ng katawan kapag ang adventurer ay nag-meditate. Kaya 'pag nawasak na ng bawat adventurer ang apat pang kadena at na-merge niya na ang mga ito para maging isa ay magiging isa na siyang ganap na rank 5 adventurer. Kapag mas malaki ang mana core mo ay mas malaki rin ang pwedeng ma-absorbang mana ng katawan mo na pwedeng gamitin sa pakikipaglaban. Marami na rin ang dating sumubok na gamitin ang mana sa kanilang mana core para makaligtas sa mga laban pero sa huli ay ito pa ang pumatay sa kanila. (Note: Ang mana sa Mana Core at ang mana sa katawan ng adventurer ay magka-iba. Ang mana sa Mana Core ay para lamang mapaangat ang ranggo bilang adventurer. Ang mana sa katawan ay ang ginagamit sa pakikipaglaban. Kapag mas mataas ang ranggo ay mas mataas din ang mana na pwedeng ma-absorba sa katawan ng adventurer Parang nakakalito kasi paliwanag ko hehe.) Ang una hanggang pangatlong palapag ng Edo Dungeon ay parang isang gubat lamang. Maraming mga puno ang nakatayo at may mga iilang sapa rin na makikita. Mayroon rin ditong mga kweba na kadalasan ay ginagawang tirahan ng mga halimaw kaya ang magtago sa isang kweba kapag hinahabol ka ng mga halimaw ay isang napakalaking maling desisyon, dadalhin mo lang ang 'yong sarili kay kamatayan. Sa unang palapag at ikalawa ay puro goblin lamang ang mga halimaw, mayroon rin namang mga hayop kagaya ng lobo kaya kailangan ay mag-doble ingat pa rin. Ilang grupo lamang ng mga binatang adventurer ang nasa unang palapag. Ang iba sa kanila ay may matatanda pa na gumagabay para masiguro ang kanilang kaligtasan. May tatlong binatang adventurer ang nagpapahinga sa tabi ng isang puno na halos dalawang metro ang taas. Habang nagpapahinga ang mga ito ay nakarinig sila ng yapak ng paa kaya napatayo sila bigla at ini-handa ang mga hawak na armas. Palapit ng palapit ang tunog sa kanila hanggang sa nakatayo na sa harap nila ang pinaggagalingan ng tunog. Ang binatang ito ay matangkad at mapapansin agad ang mga mata niyang walang emosyon o parang walang kabuhay-buhay. Ang binatang ito ay si Zac. "Ano ang kailangan mo Ginoo?" Tanong ng isa sa mga binata kay Zac. "Nais ko sanang malaman kung paano makaka-akyat sa ikalawang palapag?" Tanong ni Zac na ikinagulat ng tatlo. Halata sa pigura niya na ka-edad niya lamang ang tatlong binatang adventurer kaya nagulat sila sa sinabi ni Zac. "Sigurado kaba na gusto mong umakyat sa ikalawang palapag? Kahit mga goblins lang din ang mga halimaw doon ay mas malakas sila kumpara sa mga goblins dito." Paliwanag ng binatang adventurer. "Sigurado ako." Mabilis na tugon ni Zac. 'Hindi ko naman siya kilala at siya naman ang nagtanong kung paano umakyat.' "May dalawang paraan para maka-akyat ka sa ikalawang palapag. Kailangan mong pumasok sa kweba kung saan naninirahan ang nag-i-isang High Goblins. Ang unang paraan ay patago kang pumasok sa kweba at pumasok sa portal ng hindi nakikita ng mga goblins. Ang pangalawa naman ay ang patayin mo ang High Goblin at awtomatiko ka nang mapupunta sa ikalawang palapag." "Paano ako makakabalik pababa kung nasa ikalawang palapag na ako?" Tanong ni Zac sa adventurer. "May teleportation ang bawat dungeon paakyat at pababa." Mabilis na tugon nito. Tumango-tango siya at nagsalita. "Maraming salamat sa impormasyon!" Pasasalamat ni Zac sa kanila at lumakad na ito paakyat. Makalipas ang tatlumpong minutong paglilibot ay marami ng kweba ang nadaanan ni Zac pero karamihan sa mga ito ay puro normal na goblins lang. Kanina lang ay maliwanag pa ang paligid pero ngayon ay bigla nalang dumilim. Kahit madilim ay parang kagaya pa rin ng kanina ang nakikita ni Zac, para bang hindi rin nagdilim ang paligid. Kasalukuyang nasa gitna ng nagtataasang mga puno si Zac. Habang naglalakad siya ay may naramdaman siyang dalawang presensiya. Nagtago siya sa isang puno at itinago ang presensiya niya gamit ang pagmamanipula ng kaniyang mana sa katawan. "Humanda ka 'pag nalaman ng kapatid ko ang ginawa mo sa'kin! Siguradong tatapusin ka niya!" Galit na sigaw ng isang babae habang buhat-buhat ito ng isang lalaki. Kapansin-pansin rin ang ilang sira ng damit ng babae at ang kaniyang ekspresyon na medyo pagod. Senyales na nakipaglaban ito. Kulay asul ang buhok ng babae at ang mga mata niya ay asul rin. Bagay na bagay sa kaniyang magagandang mata ang buhok niya na lalong nagpaganda sa kaniya. Pero kahit na maganda siya ay siguradong hindi siya lalapitan ng iba dahil sa nakakatakot nitong ekspresyon, mapapansin rin ang pagiging arogante nito sa kaniyang presensiya. "Huwag kang mag-alala Belya hindi malalaman ng kapatid mo na kinuha ka namin. Mapupunta ka sa ibang lungsod para pagsilbihan ang magiging amo mo haha." Pang-a-asar nito sa babae na lalong nagpainis dito kaya mas lalong lumakas ang paglaban ng babae. Dahil sa lalong lumakas ang paglaban ni Belya ay nabitawan siya ng lalaki. Pagbagsak niya sa sahig ay nakatabingi ang ulo niya habang nakadikit sa mga lupa. Sisigaw na sana sa sakit sa pagbagsak ang babae pero napahinto siya ng sumakto ang tingin niya sa pinagtataguan ni Zac. Hindi niya nararamdaman ang presensiya ng binata pero kitang-kita niya ang pigura nito. Para bang isa siyang multo. Saktong nakatingin rin sa kaniya ang binata at agad itong sumenyas gamit ang daliri niya na 'wag siyang maingay. "Tsk! Napakalikot mo talga! Gusto mo bang sa matatandang noble kita ibenta ha?!" Galit na sigaw ng lalaki at sinipa niya sa tiyan si Belya. Napasuka ng dugo ang babae at namalipit siya sa sakit ng tiyan niyang sinipa. Hindi makahinga ang babae kaya napahinto ito saglit bago tinitigan ng masama ang lalaki. 'Base sa galit niyang ekspresyon at base na rin sa lakas ng sipa niya ay medyo gumamit siya ng lakas sa sipa niya. Kung ganyan lang kalakas ang sipa niya kahit nasa dalawampong porsyento lang ng lakas ang ginamit niya ay siguradong katumbas lang ng antas ng lakas niya ang isang rank 1 adventurer.' 'At kinidnap niya pa ang nagngangalang Belya. Hindi kaya isa siya sa mga bandido sa ikatlong palapag?' Napanatag si Zac ng hindi magsalita ang babae tungkol sa nakita niya kaya naman sinundan niya lang ng sinundan ang dalawa. Ilang minuto ang makalipas ay may pinasukang kweba ang lalaki. Si Belya naman ay kanina pa pinipilit na kumawala kaya lalong hindi napansin ng lalaki si Zac. Pagpasok niya sa kweba ay naghintay muna sandali ang binata bago pumasok. Papasok palang ang binata ng mapahinto siya, naramdaman niya ang delikadong hangin sa paligid. Pero kahit delikado ay tumuloy pa rin siya. Pagpasok ng binata ay naglakad-lakad siya ng kaunti pero bigla siyang napahinto ng mapansin na mayroong limang adventurer na nakatayo at nag-u-usap habang nasa harapan nila ang babae. Nakatalikod sila sa kinatatayuan ni Zac kaya hindi nila ito napansin. 'Hindi ko naramdaman ang presensiya nila!' Na-alerto ang binata at mabilis siyang tumakbo palabas ng kweba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napansin ng mga bandido ang presensiya ni Zac kaya naka-focus pa rin sila sa babae. Malapit na sa labas ng kweba ang binata at ng isang hakbang nalang papalabas ay bigla siyang nauntog sa isang invisible na bagay at tumumba siya pabagsak dahil sa lakas at bilis ng kaniyang takbo. 'Wala namang ganito kanina ng pumasok ako kasunod ng bandido? Anong nangyari?' Nang maramdaman ng limang lalaki na gumalaw ng kaunti ang barrier na itinayo nila para pigilan ang mga halimaw na makapasok ay napalingon sila. Napansin nila si Zac na napaupo sa sahig mula sa pagbagsak. Nang nakita nila ang binata ay mabilis nilang inihanda ang kanilang mga armas. Ilang segundo palang ang nakalipas ay nagawa agad nilang maghanda ng walang pag-a-alinlangan. Patunay na hindi sila normal at marami ng mga karanasan. -------------- Thanks for reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD