Chapter 4: Training

4785 Words
04 Luna's POV. Mula kaninang madaling araw hindi ako nakatulog. Kakaisip sa sinabi ni Zayn siga. Bukas daw haharapin niya ako, siya daw ang gigising ng kapangyarihan 'ko. Gusto 'kong matawa. Bakit? May kapangyarihan ba siyang gumising ng kapangyarihan? Kung ganun lang din dapat may kapangyarihan din siyang gumising ng patay para masaya. Pero hindi 'ko talaga alam ang gagawin niya bukas. O baka ngayon. Kasi siyempre magkikita kami niyan, nakakainis. Kung puwede lang na may kapangyarihan na ako kaagad, pero hindi eh. Sobrang pangit naman ng tadhana 'ko. Kailangan 'ko makita ang kapangyarihan 'ko. Gusto 'ko makita ang kapangyarihan 'ko. Unti unting gumalaw si Ali sa hinihigaan niya at umunat. Gising na siya. Kinusot kusot niya ang mata niya at nagulat nang makita akong gising. "Aga mo magising ah" Bumangon siya at nagtali ng buhok. "O baka naman, hindi ka natulog?" Tinignan niya kang ako at nag-oobserba. "Iniisip mo 'yung kay Zayn noh? Sinayang mo lang oras mo!" sabi niya tsaka tuluyan ng tumayo. "Hindi 'ko maiwasan eh" sabi 'ko. "Luna, Sinasabi 'ko sayo. Hindi 'yun itutuloy ni Zayn, Don't worry" sabi nito.Sana nga, kasi kung itutuloy niya nga. Then katapusan 'ko na 'to. Alam 'kong malakas siya. "Handa lang ako umagahan" sabi ni Ali tsaka tinapik ang braso 'ko. Sa totoo lang hindi 'ko maintindihan bakit ganito si Ali. Sabi niya delikadong tao si Zayn para kalabanin ng ganun ganun. "Hindi 'ko alam kung anong naisip mo at ginanun mo si Zayn. Siya si Zaynario Luhano Whoulker! Who knows about his other powers?" Galit na galit niyang sinabi 'yan saakin. Naalala 'ko kung paano niya sabihing kaya akong ipahiya ni Zayn sa harap ng maraming tao nang walang alinlangang. Obviously na takot siya sa Zayn na 'yun, As far as I know may kapangyarihan si Ali kumpara saakin. Kung i-describe niya saakin noon si Zayn akala mo halimaw. Then now kampanteng kampate siya? Nakalimutan niya na ba ang sinabi ni Zayn? "Prove us we're wrong that you don't have powers. Bukas sa training mag pakita ka saakin" sabi nito at tumalikod saakin. "Ako mismo ang gigising sa kapangyarihan mo" Nanlilisik ang mga mata ni Zayn noon nung humarap siya sakin. Pero ngayon chill chill lang si Ali. He know Zayn more better than I am. Ni-hindi 'ko nga alam pangalan ni Zayn, mahaba pala. Lumabas ako at naabutang naghahanda na si Ali sa lamesa "Buti lumabas kana, Tara" Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang mga mata niya. She doesn't seems so scared about me. Parang masaya pa nga siya. "Ali." tawag 'ko. "Yes?" Ngumingiti-ngiti pa siya pero nang makita niyang seryoso ako ay nagseryoso narin siya. "Bakit Lunari, Anong problema?" "Bakit Ali?" tanong 'ko na ipinagtaka niya. "Bakit parang ang saya saya mo pa? Bukas hinahamon ako ni Zayn at sabi mo delikado siyang tao. How can you smile after that?" Ngumiti siya ng bahagya at lumapit saakin. Hinawakan niya ang braso 'ko. "I know Zayn. Marami siyang hinamon pero hindi siya nag reresponse. Pinapaasa niya lang, Alam 'kong ganun din siya sayo" sabi nito. "I'm Powerless, Ali." sabi 'ko "Kaya nga hindi siya magtatangka lumaban sayo, wala siyang laban sa katulad mo. Hindi siya kakalaban ng taong alam niyang hindi siya kaya" sabi nito at hinawi ang buhok 'ko. "If ever na sisipot siya sayo bukas, Then you're lucky at the same time malas. Poprotektahan kita laban kay Zayn, Luna" sabi nito. Napangiti ako dahil doon. "Ali, Sa totoo lang natakot ako bigla" "Hindi mo kailangan, dahil malalagot si Zayn kung lalabanan ka niya." sabi nito. "Hah? Bakit?" "'Cuz you don't have powers now. Labag sa batas na kumalaban ng taong wala pang kapangyarihan o hindi pa nahahanap ang kapangyarihan." sabi ni Ali at ngumiti. "Unless he's your trainer". "Puwede 'yun?" gulat 'kong sabi. "Isasama kita mamaya, para kung sakaling labanan ka ni Zayn, May kaunting alam ka" sabi nito. Kumain nalang kami at nag kuwentuhan. Nalaman 'kong dalawang pangalan pala ang gamit dito. Mahahaba kasi ang pangalan nila kaya gumagawa sila ng Shortcut. Katulad kay Zayn, Zaynario Luhano Whoulker ang real name niya, Zayn Whoulker lang ang pagkakakilala. Si Ali naman ay Alira Doll lang, pero Alira Katherina Doll talaga. Same sa mga kasamahan nila. Sabi pa ni Ali, yung Mitch ka nakilala 'ko kaninang madaling araw ang haba talaga ng pangalan. Mhitzie Marlyza Rhian Laurel. Pero ang ginagamit niya lang na name ay Mhitzie Laurel. Galit na galit naman ang magulang nila sa kanila, pahirapan sa pangalan. Paano kung may examination tapos sa test paper kailangan full name? Myghad. Buti nalang mabait si Mama at Papa saakin. Polaris Lunari Greensmith. Sobrang ganda ng name 'ko noh? Ang kuwento saakin ni Mama at Papa, Nung buntis si mama nag travel sila sa Finland ata o Iceland. Pumunta sila noon sa Aurora Borealis tapos sobrang ganda daw. Ang daming stars din daw nung time na 'yun. Ang ganda ganda daw talaga. Pero nung time na 'yun, sumakit ang tiyan ni mama at hindi na napigilan pa. Nanganak daw siya doon. Maraming nag asikaso kay mama noon. Dahil sa ilalim ng Aurora Borealis ako pinanganak, may ugnayan sa stars ang gusto ipangalan ni mama saakin. Nag away pa daw noon si Mama at Papa sabi ni lola ang ipapangalan saakin. Gusto ni papa Luna Borealis. Ang gusto ni mama Aurora Polaris, Isang star daw ang Polaris. Away daw sila ng away noon nang sitahin sila ni Lola. Sabi ni lola Aurora Luna nalang daw pero hindi nila nagustuhan. Kaya ang ipinangalan nila saakin Polaris Lunari. Pantay. Naalala 'ko ang mga araw kung saan buo kami at nagtatawanan. Dahil nasa balcony ako, para akong yinayakap ng hangin. "Talaga po lola?" "Oo apo! Ay nako! Muntik kana pangalanang Aurora Borealis nalang. Mabuti at pinigilan 'ko sila! HAHA!" "Pero ayos naman ang ipinangalan namin sayo, Anak diba? Isang star, at isang moon" sabi ni Mama. "Oo nga po! Sobrang ganda! Parang ako!HAHA!" biro 'ko pa. Napangiti si papa at yinakap ako. "Anak, gusto 'kong mag ningning ka gaya ng mga buwan at tala sa langit." sabi ni papa. "Oo naman po papa! I will become shinning shinning!" sabi 'ko. Nagtawanan kaming lahat. Kita 'ko ang saya sa mukha namin. Ang tawanan. Ang sarap balikan ang mga panahong maayos pa ang lahat, Buo pa kami. Simula nang mamatay si Lola, Papa at Mama. Naging miserable ang buhay 'ko, minaliit ako at tinapaktapakan. Binully ako oo, kaya mahirap na mangyayari ulit ito sa akin dito sa Magic Island. Pero iba, dahil may kakilala ako, may kaibigan ako, si Ali. Alam 'kong totoo saakin si Ali, mahal 'ko siya kahit kakakilala palang namin. Bigla nalang may yumakap saakin mula sa likod. "Grabe ka mag emote bff! HAHA! Naiyak tuloy ako" sabi nito. Si Ali.. HAHAHAHA! Nakita niya pala akong umiiyak. Humarap ako sa kaniya at ngumiti. "Sorry sa pag dadrama, Haha!" "Okay lang, Alam 'ko naman na hindi madali." sabi nito. Ngumiti kami sa isa't isa. "Ikaw Ali? Saan ang pamilya mo?" tanong 'ko. "Inabando nila ako" sabi nito. "Iniwan ako sa basurahan baby palang ako, inampon ako ng mga pulibi sa mundo ng mga tao. Pero namatay din sila noong five years old ako. Pinatay sila ng mga police, sa sobrang galit 'ko nun halos mapatay 'ko gamit kapangyarihan 'ko ang mga police. Buti napigilan ako ni Ms.Esme" sabi nito. "Siya ang nagdala saakin dito." "Dito na ako lumaki, dito na ako namuhay, dito na ako humarap sa challenges" kuwento niya habang pinagmamasdan ang buong Magic Island. "Hindi mo ba minsang hinanap ang mga magulang mo?" sabi 'ko. "Hinanap, sa tulong ng iba 'kong kaibigang may kapangyarihan, hinanap. Oo nakita namin" sabi nito. "Talaga?! Saan?" "Sa hukay" Napatigil ako sa sinabi niya, patay na? Paano nasabi? "Hindi na ako umasa nun" "Simula nang malaman 'kong patay na magulang 'ko, si Tay Isidro at at Matilda na ang nagpalaki sakin" sabi nito. Minsan niya ngang nakuwento ang tatay Isidro at Ate Matilda niya. "Pero namatay nalang din sila" sabi nito. "HAH?! IMMORTAL KAYO DIBA?! SABI MO??" gulat 'kong sabi. "Oo" "Pero laban sa mga tao. Pinatay sila ng mga maskos" sabi nito. Yinakap 'ko agad siya. "Sorry, Sorry dapat hindi 'ko na tinanong" sabi 'ko. "Okay lang, naka move on na ako" sabi nito. Halos buong buhay 'ko nakuwento 'ko na kay Ali. Now I know her story. So painful. "Alam mo, tara na, 'Wag na tayo mag drama dito. Kaiyak! HAHAHA! Tara na sa training!" Hindi pa ako nakakapag salita, ibang lugar na itong nasa paningin 'ko. Wow lang talaga ang nakakaya 'kong sabihin pag nag teteleport kami. "Martial arts?" tanong 'ko. "Oo" sagot ni Ali. "You need to train yourself to fight back without using powers. Kailangan mong matuto" sabi nito Parang nanghihina ako. "PAPA! ANG HIRAP HIRAP NAMAN NITO!" "Anak, ikaw din makikinabang nito paglaki, okay?" sabi ni papa. "Halikana, tumayo kana at labanan mo ang papa" sabi nito. Tumayo ako at kinuha ang arnis. "Be ready, Luna. Susugurin na kita!" sabi ni papa. Naglaban kami ni papa pero lalamya lamya ako. Noon, hindi 'ko maintindihan bakit tinuturaan ako ni Mama at Papa sa mga ganung bagay, kaya may alam ako pagdating doon. Tama sila, ngayon 'ko ito pakikinabangan. "Bakit?" tanong ni Ali. "Tingnan mo ba hindi mo kaya?" "No, Kaya 'ko. Tinuruan ako ng mga magulang 'ko dito noong bata ako, pero dahil matagal na 'yun nakalimutan 'ko na." sabi 'ko. Ngumiti siya. "Ang dami mo palang memories sa pamilya mo noon" sabi nito. Pagkatapos ay hinila niya ako papunta sa isang matandang lalaki. "Goodmorning po! Prof!" bati ni Ali. "G-goodmorning po" "Oh! So Hi there, Hi Alira, Hi..." "Luna po" sabi 'ko. "Oh, Luna! Are you the Luna that they're talking about?" tinuro niya ang mga estudyanteng nagbubulungan habang nakatingin sa'kin. Napayuko naman ako, nahihiya ako at the same time nalulungkot. Ewan 'ko ba madamdamin ako. Bumabalik ang pagiging madamdamin 'ko. "Don't worry, Luna. Kasama 'yan. And you need to encounter that kind of creatures para masubok ang tatag mo" sabi nito. Ngumiti ako sa matandang lalaki at nagpasalamat. "I'm Zaleo Vegel Sonson, You can call me Prof Son. 'Yun ang tawag saakin dito" sabi ni prof son. "Sige po" "Ang I heard na naturuan ka ng parents mo back then? Right? Would it be easy to you?" tanong nito. "Hindi po ako sure, pero susubukan 'ko." "You should be serious about this training Luna, this is not a joke" sabi nito. Pumuwesto niya ako sa gitna ng mga naglalaban o nag eensayong estudyante. "Trainers! May bagong miyembro ng ating pamilya!" sabi ni prof. "Dito, Pamilya ang turingan" bulong ni Ali. Ang saya naman. "What's your full name?" bulong ni Prof. "Polaris Luna Greensmith" sabi 'ko. Medyo na shock siya pero tumango naman. "Polaris Luna Greensmith! I want you all to interact with her, help her to reach where are you now" sabi ni Prof. Nagsimula na kaming magpalit at mag simula ng training. "Magsisimula ka sa simpleng suntok, sipa at pagiwas, Luna. Lalong lalo na ang pag-iwas" sabi ng isang babae na estudyante rin. "Nica" sabi nito. Ngumiti ako sa kaniya at humarap saakin. "Suntukin mo ako ng sunod sunod" sabi niya. Gaya ng ginawa niya, sinuntok 'ko siya ng sunod sunod at naiwasan niya lahat 'yun. Sunod ay umatake siya at sa simpleng atake napatumba ako. "Mission for you, Luna. To be better in just one day" sabi ni Prof. Can I? sure I can! I'm strong! My family raised me to be strong. Tumayo ako at linabanan siya ulit. Inalala 'ko ang mga turo saakin ni Papa at Mama. *** "Is she getting better now?" "Oo, Esmeralda. Narinig 'ko nga na nag t-training na siya ngayon" sabi ng babae. "How about her powers?" "Wala parin, baguhan siya Esmeralda, normal na wala pa" sabi ng babaeng kausap ni Ms.Esmeralda. "Kailangan niya na mahanap ang kapangyarihan niya" sabi ni Esmeralda." "Ang mga ganyang bagay nakakapag hintay, Esmeralda." sabi ng babae. "You don't understand, Si Zaynario. Gusto siyang kalabanin" sabi ni Esmeralda. "Hintayin niya lumabas ang kapangyarihan ni Luna, mag hintay siya" sabi ng Babae. "Naiinip si Zayn" "Aba ayos talaga ang bata na 'yun! Be patient sabihin mo! Nakakaloka" sabi ng babae. "Hindi niya kaya hintayin ang kabuuan ng kapangyarihan ni Luna" sabi ni Esmeralda. "Edi siya sa posisyon ni Luna—— Ano?! Kabuuan? Anong ibig mong sabihin Ms.Esme? Hati hati ang kapangyarihan ni Luna?" tanong ng babae. "O marami siyang kapangyarihan?" Tahimik lang na nag-iisip si Esmeralda. "OH MY GOSH!! TOTOO?!" "Nung makita 'ko si Luna sa unang pagkakataon, napansin 'kong kakaiba siya. Iisiping walang special sa kaniya, pero may iba talaga" sabi ni Esmeralda. "Anong ibig mong sabihin?" "Kagabi, napanaginipan 'ko si Luna kaya napilitan akong bumalik sa Magic Island" sabi ni Esmeralda. "Anong panaginip?" "Si Luna ang bituwin" sabi ni Esmeralda. "Ano? Ano po Ms.Esme? Bituwin? Explain niyo nga" "Si Luna sa isang palasyo, kalaban ang makapangyarihang babaeng hindi 'ko alam kung sino. Nang magapi ni Luna ang babae, lumiwanag ang langit, ang mga bituwing naglaho ng ilang dekada, bumalik" sabi ni Esmeralda at tumingin sa babae. "Are you telling me that, Luna will be our savior?" sabi ng babae. "Gusto 'kong maniwala, buo ang paniniwala 'ko nang makilala 'ko si Zayn, akala 'ko siya na ang itinakda. Pero nagbago nang mabasa 'ko ang aklat ng sinauna. Babae ito, Babae ang haharap sa babae" sabi ni Esmeralda. "So kailangan lumabas kaagad ang kapangyarihan ni Luna?" "Oo, para maturuan natin kaagad siya. Sana nga si Luna, sana nga siya" sabi ni Esmeralda. "Ilang beses 'ko na napapanaginipan si Luna, Umaasa ako na sana, sana nga siya na ang magliligtas saatin" sabi ni Ms.Esme "Sana talaga, Mathiya" *** "Ano? Suko kana?" Tanong ni Prof Son. "Ako? Hindi! Mahirap pero kaya!" sabi 'ko. Hindi nga biro ang training na ito. May pasa na ako sa paa at braso sa sobrang sakit at hirap. Nag-umpisa ako kaninang 11Am at ngayon 2Pm na. "Ipinapaalala 'ko lang na ang mission para kay Luna, to bw better before 12AM" sabi ni prof. "Kada araw, you need to be better" sabi ni prof. Kumuha kaagad ako ng lakas dahil mamaya tuturuan ulit kami. Sobrang pagod na ako sa ginawa namin kanina. Una pinag susu-suntok kami sa sikmura, pinaglaban, pinalublob sa tubig ng 2minuto, pinahabol sa mga lobo, binugbog. Nakakapagod. Halos mangiyak ngiyak ako, sana dati palang nag aral na ako ng Taekwondo. Pinapaaral din nila saakin ang split para mas lalong tumaas ang pagsipa 'ko. Pina bend over nila ako at pina tumbling. Patalikod at paharap. Sobrang hirap lalo na at baguhan ako pero pinilit nila ako. Linabas nila lahat ng lakas 'ko. Grabe, ganito pala ang training dito. Pagkatapos namin uminom ng tubig tumayo si Prof. "Next, Use arnis" sabi ni prof. Alam 'ko 'to! Naturo ito saakin ni Papa! Arnis. "Don't think it would be easy" sabi ni Prof. Pumunta sa gitna si Prof at kinuha ang dalawang arnis. Akala 'ko magpapakita lamang siya nang may sumulpot sa harap niya. Nag bow siya dito at ngumiti. May dala ring arnis ang babaeng ito. Tinignan ako ng babae tsaka narealize na si Ms Esmeralda pala 'yun! Nag handa sila tsaka naglaban. Halatang bihasang bihasa sila sa paggamit nito, Sa mga galaw nila hindi manlabg tumatalsik ang mga Arnis. Sobrang bilis nila maglaban, ang galing nila. Sa huli, si Ms.Esme ang nanalo. Ang galing! Clap clap clap! "Ms. Esmeralda Imperial ay kilala bilang isa sa pinaka matandang punong gabay na minsan ay tinatawag na Godmother. Si Ms.Esme ay 69years old na still can beat me" sabi ni Prof. What?! 69 na si Ms.Esme?! Weh?? NO LIES?!?!?!?!?!! Mukha nga lang siyang 25 eh! Nakakapigil hininga! "Let's start the lesson" sabi ni Prof. "Iba iba ang halaga ng Arnis, iba iba kung pano ito i describe. But still useful" sabi ni Ms.Esme. "Not always, kailangan mo sila specially may mga kapangyarihan tayo" Tinignan ako ni Ms.Esme "But still need to learn how to use it. Lalo na sa hindi pa nahahanap ang kapangyarihan" Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Nagsisimula na akong masaktan kapag binabanggit nila ang wala o hindi pa nahahanap ang kapangyarihan, dahil ako ang natatamaan. Sana may kapangyarihan na ako, gusto 'ko na magkaroon ng kapangyarihan para lumakas. "Pero dahil sa hindi pa nahahanap ang kapangyarihan, 'Wag tayong humiling na malakas ang ating kapangyarihan, dahil magsisimula tayong magutom sa kapangyarihan at gumawa ng masama" sabi ni Ms.Esme. Nababasa niya ba ang nasa isip 'ko? Nakakaloka. "You need to know the value of Arnis, Stand up!" sabi ni Prof kaya nagsimula kami. Kumuha kami ng isa isa naming arnis. "Akin si Luna" sabi ni Ms.Esme. Hinarap niya ako. "Pumalo ka, Luna" sabi nito. Ginamit 'ko lahat ng alam 'ko mula sa turo noon ni Papa. Nagulat naman siya dahil inaasahan niyang basic muna. "Tumigil ka" sabi niya. Tumigil ako at tinignan siya. "'Wag mong gagamitin ang lakas mo sa mali. Basta basta ka lang pumapalo" sabi nito. Tumabi si Ms.Esmeralda saakin "Gayahin mo ako" "Isa.." Sa kaliwa. "Dalawa.." Sa kanan. "Tatlo.." sa taas. "Apat.." Sa ilalim. "Lima!" ang pag saksak. "Kailangan mong matutong umatake at dumepensa." sabi nito at humarap ulit saakin. "Kaya mong gamitin ang iyong bilis, utak at lakas" sabi nito. "Sa tamang paraan" sabi nito. Tumango ako sa kaniya. Nagharap ulit kami at nag bow sa isat isa, mahalaga daw 'yun. Muli niya akong pinaatake sa kaniya. Pero pinatigil niya ulit ako. "Luna, Ano ba? I can sense you're arrogant, porket naturo saiyo dati akala mo alam mo na kaya basta kalang palo ng palo" sabi ni Ms.Esme. "Hindi po sa ganun——" "Pero 'yun ang nararamdaman 'ko sayo. Ayusin mo, isipin mo kalaban ako. Aatakihin mo ako, alamin mo kung saang parte ka papalo" sabi nito. "Sorry" "Don't say sorry, make your mistakes be your strength!" Ganun parin, pumapalo parin ako sa kung ano alam 'ko. Pero perfectionist talaga ata si Ms.Esmeralda! Pinapatigil niya ako lagi. Hanggang sa dalawa na sila ni Prof ang nag turo saakin, sobrang tagal at hirap. Pero mabilis akong natututo, Sabi ni Ms.Esme kahit may alam na ako kahit papaano, 'Wag 'kong isiping malakas at makakalaban na ako. Si Ali, Nakita 'ko siya lumaban kasama si Prof, ang galing pala ng kaibigan 'ko! PROUD FRIEND HEREEE! I hate my self, I'm being arrogant because someone teach me this once. I shouldn't be like that. I hate it, I hate me! *** "Mabilis siyang matuto" bulong ni Prof Son kay Esmeralda habang pinapanood ang mga naglalabang estudyante. "Maraming siya, Sonson" sabi ni Esmeralda. "Si Luna" sabi ni Prof. "May problema lang siya" sabi ni Esmeralda. "She has that arrogant attitude, Mabuti at natanggal 'ko kagaagad." sabi ni Esmeralda "Manganganib tayo.." "Manganganib what?" "Wala wala, Wala 'yun. 'Wag mo intindihin" sabi ni Esmeralda. Patuloy lang sila sa pagnood. "Naalala 'ko kung paano 'ko turuan si Alira. Halos limang buwan bago siya natuto ng maayos" sabi ni Prof Son. "May problema nun si Ali, but you still trained her" "I just want her to be strong" sabi ni Prof Son. "Mabilis natututo si Luna, Siguro may lahi siyang matalino" sabi ni Prof at uminom ng wine. "Be better in one day? Kaya ba ni Luna 'yun? Baguhan lang siya" sabi ni Ms.Esme "She's better now, paano pa kaya hanggang mamaya? You need to trust every student here" sabi ni Prof. Muli nilang pinagmasdan si Luna na kausap ang ibang estudyante na nagpapakita ng mga kapangyarihan nila. "Hindi 'ko maiwasang isipin kung ano ang magiging kapangyarihan ni Luna" sabi ni Esmeralda. "Maybe basics?" "Noong una 'ko siyang makita, Magaan ang pakiramdam 'ko sa kaniya. Pero may mabigat siyang enerhiya.." Tumingin si Esmeralda kay Prof Son "..May mga oras din noon na nailalabas niya ang kapangyarihan niya" "Ano ang kapangyarihan na nailabas niya?" Inalala ni Esmeralda ang araw na nakita niya si Luna. Pagkatapos ng klase ni Luna ay agad siyang lumabas sa kaniyang paaralan para umuwi kaagad. Bitbit niya ang mabibigat na libro habang naglalakad sa daan. Dahil sa pakikinig sa tugtog mula sa cellphone, hindi narinig ni Luna ang busina ng mga sasakyan at muntik siyang mabangga ng isang truck at isang sasakyan. Halos mag collapse na n'on si Luna sa gulat at tinakpan ang tenga para sa mga mangyayari. Ngunit bago pa man magamit ni Esmeralda ang mahika niya ay kusang tumigil ang dere-deretsong sasakyan at nagulat nang may yupi ito sa harap. Hindi kalayuan si Luna sa mga sasakyan, nagulat din siya sa mga nangyari. "Yun ang unang beses na nakita 'ko ang kapangyarihan niya" sabi ni Ms.Esme. "Baka naman prumeno lang?" "No. Dere-deretso eh, walang preno. At walang sira ito nung una. Nang makalapit na sila kay Luna, tsaka lang nayupi ang unahan" sagot ni Esmeralda. "She's special" sabi ni Prof. "Ako mismo ang mag tuturo sa kaniya" sabi ni Esmeralda at ibinaba ang kaniyang iniinom. " Vergel, Kailangan 'kong makausap ang Pinuno para sa pasiya 'ko" "Hindi mo ba ito pagsisisihan Esmeralda?" Ngumiti si Esmeralda kay Prof Son. "Nakakapagod na lumabas pasok sa Magic Island, Vergel. Ngayon 'ko lang ito gagawin para kay Luna" sabi nito. "And if Luna is not really special as you think?Masasayang ka Esmeralda" sabi ni Prof Son at hinawakan si Esme. "Espesyal o Hindi, Hindi ako magiging sayang" sabi ni Esmeralda tsaka tuluyang naglaho. "Sana nga hindi sayang, Miss Esmeralda Imperial" bulong ni Prof. Tuloy Tuloy na naglalakad papunta sa kampo ng Pinuno si Esmeralda at sinalubong siya ng paggalang ng mga nakaksalubong niya. "Esmeralda, hanap mo ba ang pinuno?" bungad ng asawa ng Pinuno. Tumango lang si Esme at linagpasan ang asawa ng Pinuno. "Hindi ka parin nagbabago, Esmeralda" bulong ng Asawa nitong si Helda. Naabutan ni Esmeralda ang Pinuno nilang si Luthanus na kausap ang mga bantay. Agad na pinalisan muna ng Pinuno ang kausap. "Esmeralda? Nandito ka pa pala sa Magic Island, bakit?" "May ipapakausap lang po ako sainyo Pinuno" sabi ni Esmeralda at lumapit. "Lilisanin 'ko na ang mundo ng mga tao" sabi nito. "Bakit? Saan ka pupunta?" Huminga ng malalim si Esme. "Dito, May tuturuan akong estudyante na kailangan 'kong tutukan" sabi nito. Nagulat naman ang Pinunong Luthanus. "Sigurado ka ba? paano na ang Kabilang mundo?" "Isa lang naman ang pinapahanap niyo saakin sa kabilang mundo" sabi ni Esmeralda na sobrang ikinagulat ng Pinuno. "Sinasabi mo bang..." "I'm not sure about that, kaya nga mag fofocus ako sa kaniya" sabi nito "Kaya hayaan niyo ako." "Papayagan kita, kung ipapakilala mo siya saakin" Tumango si Esmeralda at sabay silang naglaho. *** Huminto muna kami at saktong sakto palubog na ang araw, Napagalitan ako kanina ni Prof kasi ang lamya lamya 'ko daw, pabebe daw ako. Kaya dahil sa inis 'ko sa mga pinagsasabi niya ginalingan 'ko pa, sakit sakit kaya ng mga sinasabi ni Prof. Ang sabi niya kung hindi 'ko kaya galingan at lalampa lampa ako ay mas mabuting bumalik nalang ako sa kabilang mundo. Baka ipadala niya ako sa kabilang buhay -__- Tinignan 'ko ang napaka gandang sunset. Hindi pa siya totally palubog kaya pink pa ang kalangitan. Araw araw akong maghihintay sa labas para lang makita ang napaka gandang sunset. Paborito 'ko 'to... Paborito namin. "Luna.." May kumalabit saakin at liningon 'ko ito. Si Ms.Esme. "MS.ESMERALDA!!" para akong nabuhayan ng makita si Ms.Esme! Ang sungit kasi ni Prof saakin!! Si Ms.Esme kalma lang with fierce eyes na nakakasunog ng pagkatao. Pero okay lang kaysa kay Prof Son. Kung kay Ms.Esme nakakasunog kay Prof naging abo na ako. Napangiti siya ng bahagya "Bakit parang naexite ka makita ako ulit?" tanong nito. "Wala po, Hehe" "Nako kasi Ms.Esme napagalitan kasi ng purong puro 'yan si Luna, akala niya ipagtatanggol niyo siya" sabi ni Ali. Hindi 'ko naman sinabing ipagtatanggol ako ni Ms.Esme! Echoss talaga 'to si Ali. Napa iling nalang si MS.Esme "Deserve mong mapagalitan" sabi nito. Bakit ka naman ganito Ms.Esme! Napatingin ako sa katabi niyang lalaki. Makisig ang katawan at parang magkasing edad lang sila ni Ms.Esme. Titig na titig ang lalaking ito saakin at parang inoobserbahan ako. Medyo parang gulat siya saakin. "Husband niyo po?" Nagulat sila saakin at nagtawanan. Bakit? No way! Baka magkapatid sila? Magtatay? Mag-Ina? Magpinsan? "Ano ka ba, Luna. Hindi" sabi ni Ms.Esme. Tumingin ako sa lalaki na tumatawa rin "Sorry po" "Pinuno siya dito, Pinunong Luthanus Javier. Isa siya sa Heneral, Siya ang ating Leader, Siya ang tagapangalaga ng buong Magic Island, At isa rin siya sa mga makapangyarihan dito" Sabi ni Ms.Esmeralda. So napaka taas ng kaharap 'ko ngayon? Ang Pinuno ng mga Engkanto-- JOKEEEE!! "Ah, Hello po" Nag bow ako sa kaniya bilang pag galang. He remain staring at me. "Siya si Luna, Pinuno." sabi ni Ms.Esme. Hindi 'ko alam bakit ganiyan ang titig ni Pinuno saakin. "Ikaw ang bago?" "Opo" "Ano ang Buong pangalan mo?" tanong nito. "Polaris Lunari Greensmith po" sagot 'ko. Nagtinginan saakin ang mga iba pang estudyante. "Ang ganda pala ng full name mo Luna" Sabi ng kapwa 'ko trainee. "G-Greensmith?" nagtinginan sila ni Ms.Esmeralda "Ahh, Oo 'yun ang apelyido niya" sabi ni Ms.Esme. Tumango lang si Pinuno. "Nice to meet you, Luna. I just give my permission to Miss Esmeralda to be your trainer" sabi ni Pinuno. WOW! "Totoo po?" Tumango silang dalawa "OH MY GAD!! UWU!" natutuwa 'kong sabi. Better to be Ms.Esme estudent than Prof Son. Ayoko mamatay. "At tutulungan din kita palabasin ang kapangyarihan mo" sabi ni Ms.Esme. "Wait.." Napatingin saakin si Pinuno tsaka tumingin ng nagtataka kay Ms.Esmeralda. "Oo, Hindi pa lumalabas ang kapangyarihan ni Luna." Ayoko talagang pinaguusapan ang kapangyarihan 'ko, Wala akong maisagot kapag tinatanong ako ano kapangyarihan 'ko eh. Masakit kaya. Lalo na sa pag papahiya ni Zayn kanina—— "OWEMJI!!! MISS ESMERALDA!! TURUAN NIYO NA PO AKO!!" *** "Sinong pinaghahandaan mo?" tanong ni Ms.Esme habang pinapanood akong sinusuntok ang punching bag. "Wala po, gusto 'ko lang matuto" sabi 'ko. Actually Miss Esmeralda si Zayn pangit talaga. 9:46pm Bukas kailangan 'ko mas matuto. Bukas ako lalabanan DAW ni Zayn. I need to be the best. "Ms.Esmeralda, Ano po ang tips niyo sa pakikipaglaban laban?" tanong 'ko. Umupo ako sa tabi niya. Nakaupo kami sa putol na puno ngayon, nasa harap namin ang apoy at pinagmamasdan ang dagat. "Kailangan mo maging matapang sa pakikipaglaban, Bawat kilos ng kalaban mo dapat panoorin mo. Makiramdam ka" sabi ni Ms.Esme. Humarap siya saakin. "Pero Luna, Balewala ang galing mo sa pakikipaglaban kung wala kang puso" sabi nito. Hinawi niya ang buhok 'ko. "Dahil ang tunay na laban... Ay narito" Hinawakan niya ang dibdib 'ko kung saan nandun ang puso 'ko. "Sabihin nating mahalaga ang kapangyarihan at galing sa pakikipaglaban." Tinignan niya ako sa mata 'ko, Para siyang may sinasabi. "Kung sarado ang puso mo." "Alam 'ko naman po 'yun, Wala po akong magiging problema doon" sabi 'ko. . Umiling siya. "Luna.. Madaling sabihin pero mahirap gawin, Tatanungin kita. Halimbawa si Ali, Naging kalaban siya at kinakalaban ka. Kailangan mo na siyang patayin kung hindi marami siyang papataying mga tao kasama ka. Kaya mo ba? Magagawa mo ba?" tanong nito. Napatigil ako. 'Yun ba? 'Yun ba ang sinasabing laban sa puso? "Hindi po." sagot 'ko. "Dahil alam 'kong hindi magiging masama si Ali" "Alam mo na ba ang kuwento ng maskos?" Tumingin ulit siya sa karagatan. "Opo." "Kapag sumusugod sila dito, Minsan may kinukuha silang tao na karamihan ay mahahalaga saatin. Sa susunod nilang pag sugod, Kasa-kasama na nila ang mga taong iyon na puwedeng nanay mo, Boyfriend mo, Kaibigan mo.. Sila lang ang puwede mong kalabanin. At isang malaking pasiya ang kailangan naming gawin sa mga oras na 'yun" Tumingin siya saakin na parang malungkot. "Ang pagpatay sa mahal namin sa buhay na ginawa nilang demonyo para saamin. Isa 'Yun ang laban ng puso" sabi nito. Napa tango ako. "Hindi naman po mangyayari sainyo 'yun, Hindi ba? Ms.Esme?" Hinawakan 'ko ang kamay niya. "Mas pipiliin 'kong mamatay sa kamay ng maskos, Keysa mamatay sa kamay ng mahahalaga saakin. Ayoko maging masama at kalabanin sila. Kaso hindi natin ito masasabi" sabi niya. "Ipagdarasal 'ko po na sana 'wag mangyari 'yun." Hinding hindi mangyayari 'yun, Hindi ako papayag. "Teka po, Diba sabi kapag linabanan sila gamit ang kapangyarihan niyo mababawasan ito hanggang sa mamatay na kayo?" Tumango siya sa tanong 'ko. "Wala po akong kapangyarihan! Kayang kaya 'ko silang labanan gamit ang pakikipag suntukan! Hehe" mukhang hindi siya natuwa sa sinabi 'ko. "Walang kayang lumaban sa kanila, Luna. Sa tingin mo sa susunod na pagsugod nila wala ka paring kapangyarihan?" Sabi nito... Pero posible! Posible na malabanan 'ko sila dahil wala akong kapangyarihan!! Sana 'wag muna lumabas ang kapangyarihan 'ko sa araw ng pag sugod ng mga Maskos. Lalaban ako. "Wala kang takot noh? Karapatdapat ka nga" sabi ni Ms.Esme. "Karapatdapat saan po?" "Wala wala" Karapatdapat? Saan? Ano? Karapatdapat lumaban? Maging estudyante ni Ms.Esmeralda? Aaaaaaaaa! Guessing game?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD