05
Luna's POV.
"ANG BAGAL MO!" sigaw ni Ms.Esmeralda.
IBALIK NIYO AKO KAY PROF SON!!
Pinapatakbo niya ako ng sobrang bilis, Mabilis na nga ang takbo 'ko pero mabagal parin!
"Stop!" sigaw niya. "You need to be more faster, Luna!"
Nakakahingal na nga ang ginagawa 'ko eh, Bakit? Makikipag habulan ba ako kay Zayn mamayang gabi?
"Hindi lahat ng makakalaban mo mababagal katulad mo" sabi nito.
Okay, Nag t-train talaga ako para sa makakalaban 'ko, Good naman.
Napayuko ako at humilata sa buhangin. Sa baybay niya kasi ako tinuturuan. Wala ng iba.
"Tayo."
"Ms.Esme naman! Gusto niyo ba akong sumakabilang buhay? Hingal na hingal na ako!" sabi 'ko. "Bakit? Iisipin ba ng kalaban mo 'yan?"
Kalaban kalaban, sino bang kalaban namin dito? Mga maskos na bawal kalabanin? Tsk.
"Kung iniisip mong wala ka namang kalaban, nagkakamali ka. May mga taong kakalabanin ka, Tandaan mo 'yan" sabi nito.
Bigla nalang siyang may nilikhang tatlong mga lalaking parang ninjang white. Hindi makita ang mga mukha at mukhang demonyo.
"Kapag natalo ka nila, kakagatin ka nila. Kapag nakagat ka, lalasunin nila ang katawan mo" Tumaas ang balahibo 'ko sa sinabi niya at tumayo agad.
Kukuha sana ako ng arnis pero nagliyab ito at naging abo.
Napatingin kaagad ako kay Ms.Esme sa nangyayari na alam 'kong gawa niya. "You don't always need that" sabi nito at umupo.
Naghanda ang tatlong ninja kung tawagin 'ko.
MADAYA! MAY MGA ESPADA SILA!
Una akong sinugod ng ninjang medyo maliit.
Agad akong umiwas at muli niya akong sinugod gamit ang espada niya.
Kinuha 'ko ang pulsuhan niya at inikot ito sa katawan niya.
Sinugod din ako ng isa pang ninja na matangkad.
Dahil hawak 'ko ang isa pang ninja sinipa 'ko nalang siya at pinaguntog ng kapwa niyang ninjang puti.
Na suntok ako ng isa pang ninja na medyo matangkad kumapara sa una 'kong nakalaban.
Sinipa niya rin ako kaya napaupo ako.
Tutuhugin niya sana ako gamit ang espada niya pero gumulong ako palayo at inapakan ang likod niya tsaka siya sinikmuraan.
Tumalon ako nang kukuhain sana ng matangkad na ninja ang paa 'ko at tinapakan ko siya para sipain ang maliit na ninja.
Pero pagkasipa 'ko nakuha niya ang paa 'ko at binalibag ako papunta sa kasama niyang ninja na medyo matangkad na sinuntok ako.
Sa pangalawang suntok ay umiwas ako at kinuha ang leeg niya. Inikot 'ko siya at tinulak sa isang upuan at bumalik sa dalawa pang ninja.
Sabay nila akong sinugod pero iniwasan 'ko lang sila.
Sinuntok ako ng isang Ninjang matangkad at sinikmuraan kaya napa higa ako.
Sa sunod niyang atake ay sinipa 'ko siya at sinubukang suntukin pero yumuko siya at pinatid ako dahilan para muntik akong matumba nang hawakan niya ang likod 'ko.
Aba aba, Type ata ako ng ninjang dilim na 'to ah.
Lumayo ako at muli siyang sinuntok kahit umiiwas siya, muli ay sinikmuraan 'ko siya gamit ang tuhod 'ko at tumam-bling patalikod dahilan para matamaan 'ko ang baba niya at matumba.
Para namang nagulat doon si Ms.Esmeralda at napa tayo.
"Ano Ms.Esme? Galing 'ko na noh? Tsk libre mo ako ah——"
Napatigil ako sa pagsasalita nang may sumakal saakin mula sa likod. Bayarn.
Umikot ako at sinipa siya mula sa likod at binaon sa buhangin.
Woi wag ka masarap ang buhangin.
"HAAAA!"
Sa lakas ng sikmura saakin ng isang ninja ay parang maylalabas saaking bibig.
Aw shuta bida bida ka? Panalo na sana ako eh.
Napaluhod ako sa sakit at gustong patayin ang ninja na 'yun.
Unti unti 'ko kinukuha ang buhangin at binato ito sa ninja dahilan ng pagka puwing niya tsaka 'ko siya sinipa at sinuntok ng maraming beses.
"Tama na." salita ni Ms.Esmeralda.
Lumapit siya at naglaho nalang ang mga ninja.
Wow.
Panginoon ba 'tong si Ms.Esme? Bakit kaya niyang lumikha? Gusto 'ko rin tanungin kung sino ang diyos nila dito pero wag nalang.
"Okay na ba Ms.Esme? Magaling na ba ako?" tanong 'ko habang tinatanggal ang buhok sa mukha 'ko dahil sa hangin.
"'Wag kang pakampanteng marunong kana. Wala ka pa sa kalingkingan ni Zayn" sabi nito.
"Wait! Hah? Paano niyo nalamang pinaghahandaan 'ko si Zayn Siga?" tanong 'ko.
Natawa naman siya ng bahagya "Zayn siga.." tumawa siya "Kung alam lang ni Zayn ang ibig sabihin niyan, Ginawa kana niyang abo" Teka diba kuryente ang kapangyarihan ni Zayn? Bakit magiging abo? Eh sa apoy lang 'yun?
"Alam 'ko ang bawat kaganapan sa buong Fancy, Luna. Lalo na sa mga galaw mo dahil baguhan ka. And alam 'kong paghahandaan mo siya. Action speaks louder than voice" sabi nito.
"Principal ka po ba ng School?"
"No, But I'm one of the council" sabi nito. Ahh.
"Pero yung ginawa mong pag tumbling kanina, You're improving than your moves yesterday. Hindi ako mahihirapan sayo" sabi nito.
Ngumiti naman ako. "Tingin niyo po, Paano 'ko matatalo si Zayn Siga?" tanong 'ko.
"Sa ngayon, Hindi mo siya matatalo. Pero kung matutuklasan mo na ang kapangyarihan mo, Baka sakali" sabi nito.
Agh! Gusto 'ko na malaman ang kapangyarihan 'ko!! Gusto 'ko nang ipamukha sa Zayn Siga na 'yun na I'm not powerless!
"Sa tingin niyo po ba, Malakas ang kapangyarihan 'ko?" tanong 'ko ulit.
Ngumiti lang siya at tumalikod. "Powerful" sabi niya tsaka kinuha ang arnis.
Sa kaniya ang isa at hinagis saakin ang isa.
"Fight me." Nako lagot, Malakas 'to panigurado.
Una 'ko siyang inatake pero naka iwas siya kaagad at pinatalsik ang arnis 'ko.
Paano niya nagawa 'yun ng napaka dali? Wow!
"Sabihin mo saakin paano mo tatalunin ang kaaway kaaway mong si Zayn kung sakin palang talo kana" sabi nito.
Obviously? Alam 'ko namang mas malakas siya kay Zayn.
"Labanan mo ako ng wala ang mga 'yan" sabi nito tsaka tinapon ang mga arnis.
Naghanda akong labanan siya. At as usual ako ang nag first move.
Sinubukan 'ko siyang sipain ng dalawang beses pero naiiwasan niya. Kinuha 'ko ang kamay niya at inikot ito sa likod niya pero nabalibag niya kaagad ako sa buhangin.
Ang sakit ng likod 'ko dun.
"Bumangon ka at lumaban ulit" utos nito.
Kaya naman bumangon ulit ako at hinarap siya kahit masakit ang likod 'ko.
Sinuntok 'ko siya at pinatid pero lahat 'yun naiwasan niya. Sinubukan niya rin akong sikmuraan pero nakuha 'ko ang kamay niya. Pinuwesto 'ko ang paa 'ko sa tiyan niya habang hinihila ang kamay niya at umikot ako tsaka siya tinapon.
Pero nakatayo parin siya.
Tumalon siya papunta saakin at sinipa ang dibdib 'ko dahilan ng pagkatumba 'ko.
Lumipas ang ilang minuto naming paglalaban pero siya parin lagi ang nananalo.
Hindi 'ko alam kung gaano siya kalakas. Ang galing galing ni Ms.Esmeralda. Kung sumapi siya saakin pansamantala tapos siya ang kakalaban kay Zayn? Sigurado matatalo niya 'yung pangit na 'yun.
Nagpahinga muna kami at kumain. Dinalhan ako ni Ali ng pagkain at sumali na rin siya saamin.
"Kamusta po ang aking utol? Magaling na ba?" tanong ni Ali habang kumakain ng tanghalian.
"Hindi pa" sagot ni Ms.Esme.
Ano?! Ang galing galing 'ko na kaya! Pakiramdam 'ko ang galing 'ko na! Tapos hindi pa pala? Why naman ganun!
"Ay nako Luna may ilang oras ka pa para matuto ng iba pa bago ka patayin ni Zayn mamaya——" napatigil si Ali nang marealize na kasama namin si Ms.Esme.
"Alam 'ko" sabi ni Ms.Esme kay Ali.
"Turuan niyo po ng maigi si Luna ah?" sabi ni Ali. "Magaling na kaya ako Ali"
"Not enough" sabi ni Ms.Esmeralda "Pero magaling na?" ngumiti ako ng nakakaloko kay Ms.Esme habang naka turo sa kaniya "Yieeee! Magaling na daw ako sabi ni Ms.Esme!"
"Wala akong sinabi, Ikaw lang nag sabi niyan" sabi nito. "Awww di ka love ni Ms.Esme" sabi ni Ali.
"Tigilan niyo nga ako, Kumain nalang kayo" sabi ni Miss Esmeralda.
Minsan talaga good vibes 'to si Ms.Esmeralda.
Sabi ni Ali saakin half half na ng buhay ni Ms.Esme tumira sa mundo ng mga tao para humanap ng gifted humans at tulungan malaman ang kapangyarihan nila at dalhin sa Magic Island.
Kaya siguro medyo may alam siya sa mga uso sa mundong kinagisnan 'ko.
Gusto 'ko talaga maka close si Ms.Esme to be honest kaya masaya akong trainer ko na daw siya. Mataray siya sa ibang side pero alam 'kong mabait siya.
Gusto 'ko nga ibahin tawag 'ko sa kaniya eh, Medyo nawe-weirduhan ako sa Miss eh. Dapat cool.
"Mam Esmeralda.." tawag 'ko sa kaniya at napatingin silang dalawa ni Ali.
"Misis Esmeralda, Mother Esmeralda, Mama Esmeralda, cool Esmeralda, powerful Esmeralda, Coach Esmeralda, teacher Esmeralda... Prof Esmeralda?" tawag 'ko pa sa kaniya.
Kumunot naman ang noo niya sa mga pinagsasabi 'ko. Nginitian 'ko siya ng nakakaloko. "Mommy Esmeralda?"
"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong nito. "Hehe, Iniisip 'ko lang po kung ano itatawag 'ko sayo" sabi 'ko.
"Bakit? Ayaw mo ba ng Ms.Esme lang? Ano gusto mo?" sabi ni Ali.
"Hindi naman, Gusto 'ko lang maiba." sabi 'ko. "Ano gusto niyong bago 'kong itawag sainyo, Ms.Esme?" tanong 'ko. "'Wag mo na baguhin ang tawag mo sakin"
"Parang na we-weirduhan po ako sa Miss eh." sabi 'ko.
"Tawagin mo ako sa kung ano gusto mo, 'Wag lang misis" iritable nitong sabi. "Hindi pa ako kasal"
"Ayun naman pala eh! Kaya ba bitter ka Ms.Esme? Wala ka lang love life? Kaya wala ka ring anak? Why naman ang sad ng love live niyo! Pretty pretty niyo pa naman"sabi'ko.
"So back sa call ko sainyo Ms.Esme.."
"Dapat cool eh, Kasi alam mo Ms.Esme gusto 'ko talaga kayong maging close alam niyo 'yun? Kasi 'yung mga classmates 'ko noon close na close nila teacher namin. Para na nga silang mag nanay eh! HAHAHA!"
"Diba trainer mo na si Ms.Esme?" sabi ni Ali. "Tapos wala kanang mama? Bakit hindi Mama nalang itawag mo kay Ms.Esme? Tutal guide mo naman na siya bukod sa trainer diba? So you just once in your life time again na mafeel na may matawag na mama?" sabi ni Ali.
Napatigil ako sa sinabi ni Ali. Tama naman siya, wala na akong natawag na Mama habang lumalaki ako.
At si Ms.Esmeralda ang magiging bagong mama ko? Ayoss ah!
Tumabi ako kay Ms.Esme at ngumiti sa kaniya. "Mama!" tawag 'ko sa kaniya na may halong asar. Mwhehehe.
"Tigil tigilan mo ako" sabi nito. Napatawa ako bahagya tsaka kumapit sa braso niya. "Mama Esme!!"
"Ano ba para kang bata!" sabi nito. "Bata naman po talaga ako! Motheeer!" sabi 'ko.
Natawa si Ali sa mga ginagawa 'ko. "Tigil tigilan mo ako sa Mama mama mo na 'yan"
"Mommy nagugutom ako I want to eat huhu" nag pa cute pa ako parang five years old na bata.
"Ano ba mukha kang siraulo" sabi nito tsaka tinanggal ang pagkakakapit 'ko sa braso niya.
"Ayaw niyo ba Ms.Esme? Ikaw na ang Mama 'ko! Diba?" sabi 'ko habang tumataas ang kilay. "Ano kita anak?"
"At dahil wala ka namang anak, Ako nalang ang anak mo! Diba sabi mo dati mo pa ako binabantayan? Kaya ikaw nalang ang mama 'ko" sabi 'ko at ngumiti.
Kumain ako ng natutuwa, Medyo way 'ko rin to ng pag aasar kay Ms.Esme alam 'ko namang hindi siya strikta o kill joy eh.
"Hindi porket trainer mo ako, Mama na itatawag mo saakin" sabi ni Ms.Esme.
Humarap ako sa kaniya ng naka ngiti. "Eh ano po magagawa niyo? Tuturingin 'ko na kayong Mama? Kahit hindi niyo ako ituring anak, Nanay 'ko parin kayo." sabi 'ko at kumain ulit.
"Oo na bahala ka, 'Wag mong isiping babait ako sa ganiyan ganiyan mo" sabi nito.
Nag-apir kami ni Ali. "Nice one" sabi ni Ali.
Nagpahinga muna kami tsaka muling nagsanay ni Ms.Esme—— ni Mama, Happy much Luna?
***
"Motheeeer!! Hindi pa sapat ang pahinga 'ko! Sobrang pagod pa ako" sabi 'ko kay Ms.Esme—— Mama nga!
"Iisipin ba 'yan ng mga kalaban mo bago ka atakihin?" Kusa nalang akong bumangon kahit ayaw 'ko.
Lakas talaga ng kapangyarihan ni Mama Esmeralda noh? Nauutusan niya ang katawan 'ko.
"Now, Kailangan mo kontrolin ang katawan mo. Kailangan mong hindi matumba" sabi ni Mama.
Nagharap kami.
May berde na usok ang lumalabas sa katawan niya at bigla nalang niyang itinapat saakin.
Para akong tinulak ng dambuhalang nilalang dahil doon at halos malayo na ako sa kaniya dahil sa tulak na iyon.
Kailangan mo kontrolin ang katawan mo. Kailangan mong hindi matumba
Humugot ako ng lakas sa hangin para pigilan ang pag talsik 'ko.
Habang lumalayo ako hinahawakan 'ko ang mga buhangin at napahinto ako dun habang nakaluhod.
Ang sunod naman na ginawa ni Mama Esmeralda ay hinila niya ako papalapit sa kaniya.
Pagkalapit 'ko ay inapakan 'ko ang katawan niya para mag tumbling palikod at humarap sa kaniya ng naka tayo.
Mukha naman siyang satisfied dito.
I'm so galing talaga.
Bigla nalang ako lumutang sa ere ng medyo mataas.
"AAAAAA!" sigaw 'ko habang nag kikisi-kisi sa ere. "MAMA ANONG GINAGAWA MO???!!!" sigaw 'ko.
Patuloy niya lang ako pinapaikot ikot sa ere at hindi 'ko alam ang gagawin 'ko kasi hindi niya naman sinabi!
"Patigilin mo ang kapangyarihan 'ko, Luna."
Pigilan? Nakalimutan ba ni Ms.Esme na wala akong kapangyarihan para pigilan ang kapangyarihan niya?
Paano 'ko gagawin 'yun?
"HINDI 'KO KAYA!" sigaw 'ko.
"GAWIN MO!" sigaw niya rin.
Hindi 'ko alam ang gagawin 'ko para pigilan ang kapangyarihan ni Mama.
Naglilikot nalang ako sa ere baka sakaling mapigilan 'ko ang kapangyarihan niya.
Naramdaman 'ko nalang ang parang pumulupot saakin. Hindi 'ko alam kung sa katawan 'ko o sa leeg 'ko pero nararamdaman 'kong humihigpit ito habang tumatagal at nagpapanic ako.
Hindi ako nakakagalaw ng maayos at parang mawawalan ako ng hininga. Para akong hinihika.
"AAAAAHH!! MAMA! ANONG GINAGAWA MO????!!!!" sigaw 'ko.
"PIGILAN MO ANG KAPANGYARIHAN 'KO KUNG HINDI MAMAMATAY KA!!"
Sigaw lang ako ng sigaw habang sinusubukang makawala sa kapangyarihan ni Ms.Esme pero lalo lamg humihigpit ang nararamdaman 'ko.
"AAAAAAAAAAAAAAGGGHHHHHHH!!!"
Sinubukan 'kong damahin ang hangin at kumapit dito hanggang sa nararamdaman 'kong parang lumuluwag ang pagkakapulupot saakin.
"AAAAAAGHHHHH!!"
Pagsigaw 'ko ng malakas at pag palaya ng katawan 'ko ay ang pagka bagsak 'ko sa buhangin.
Anong nangyari? Ang sakit ng katawan 'ko.
"Hindi mo kailangan ng kapangyarihan para pigilan ang kapangyarihan ng iba" sabi ni Ms.Esme.
Napigilan 'ko ang kapangyarihan niya? Nagawa 'ko? Totoo? Paano?
Unti unti akong umuupo kahit masakit ang katawan 'ko.
Naghahabol muna ako ng hininga 'ko. "P-po? Na-napigilan 'ko ang kapangyarihan niyo?"
"Oo." sagot niya.
"P-paano?"
"Pinakiramdaman mo ang kapangyarihan 'ko at tinulak ito palayo sayo. Kaya ka nahulog dahil wala na ang kapangyarihan 'ko sayo" Sabi ni Ms.Esme.
Akala 'ko hangin 'yun? 'Yun yung kapangyarihan niya? Wow.
"Bumubuti kana. Marami kanang nalalaman pero hindi 'yun sapat. magpahinga kana sa kuwarto niyo ni Ali dahil mamaya papatayin kana ni Zayn" sabi nito.
"Papatayin kaagad Mother?" tanong 'ko. "Aba malamang, ano bang laban mo kay Zayn?" sabi nito tsaka linapitan ako at pinatayo. "Tara na"
At 'yun na nga. Naglaho na kami at napunta kami sa kuwarto namin ni Ali.
Nandoon siya naghahanda. Para saan?
"Oh Luna! Buti nandito kana, Papasok na tayo maya maya" sabi nito.
Papasok? What the?! Parang sinapak ang katawan 'ko tapos papasok ako?
"Puwede bang umabsent ako? Pagod ako eh" sabi 'ko at umupo sa kama.
"Sabagay, Buong araw ka nga pala nag training. Pero mahalaga ang gabing ito eh" sabi ni Ali. "Bakit? Ano meron ngayon? Katapusan 'ko?"
"Hindi naman, bubugbugin ka lang, JOKE! HAHAHA!" tumawa siya.
Baliw!
"Kaso pagod talaga ako eh" sabi 'ko.
"Magpahinga ka muna at pumasok mamaya" sabi ni Ms.Esme.
"Ayokoooo! Nanghihina ako sige kayo kapag ako nagka sakit dadalhin niyo ako sa hospital" sabi 'ko.
Umiling sila pareho.
Hinawakan ako ni Ms.Esme at dahil sa hawak niya parang nagiging hyper ako at lumakakas.
What?!
"Ayan, Para pumasok ka" sabi nito. "Pinalakas niyo ako?"
"Tinanggal 'ko ang pagod mo" sabi nito. "Oh ayan! Pumasok kana hah!" sabi ni Ali.
Ngumiti ako, Iba pala talaga ang nagagawa ng kapangyarihan noh? Nakaka amaze.
Hindi 'ko halos maramdaman na buong araw akong nag training at sobrang pagod ako.
"Sige na aalis na ako" sabi ni Ms.Esme at tumalikod.
"SANDALI!!" sigaw 'ko at napatingin saakin si Ms.Esme.
Lumapit ako sa kaniya at ngumiti. "Ano?"
Kiniss 'ko siya sa pisngi at yinakap. "Thank you Mama" sabi 'ko.
"Hah?"
"Ganito po kasi ako sa Mama 'ko noong bata ako, Kapag aalis sila ni papa nag ki-kiss ako at nagyayakap. Ganun naman din po ang ibang anak sa magulang nila diba? At dahil Mama 'ko na kayo ngayon. Gagawin 'ko na rin sainyo 'yun." Sabi 'ko habang nakayakap kay Mama.
Medyo matagal akong nayakap sa kaniya at tahimik lang siya.
Naramdaman 'ko nalang ang kamay niya sa braso 'ko na parang yinayakap din ako.
Agh! Lalo akong lumalakas! Parang iiyak ako sa tuwa!
"Sige na, Maghanda kana" sabi niya at humiwalay saakin.
Ngumiti ako sa kaniya bago siya nag laho.
"Ikaw hah, Cinacareer mo ang pagiging daughter ni Ms.Esmeralda" sabi ni Ali.
"Tsk, Inggit ka lang eh! Maganda kasi ako" sabi 'ko tsaka kumuha ng tuwalya.
May naramdaman naman akong unan na tumama sa ulo 'ko. "Ganda daw! Lul! 'San banda" sabi nito at nagtawanan kami.
Pagkatapos 'ko maligo at magbihis ay hinanda 'ko na ang bag 'ko.
"Kapag namatay ako ngayong gabi, sinasabi 'ko sayo Ali... Mahal kita ha? see you sa susunod 'kong buhay" biro 'ko.
Hinampas niya ako.
"Yayks! Tara na nga"
Sabay kami nagteleport papunta sa Fancy at pumunta sa room namin.
Habang naglalakad ay napatanong ako kay Ali.
"Ali bakit sa gabi hanggang madaling araw kayo nag ka-klase?" tanong 'ko.
"Sa umaga kasi mas nag fofocus kami sa mga trainings at missions kaya sa gabi lang kami may time sa ganitong bagay" sagot nito.
Napa ahhh nalang ako sa sinabi niya. Pero sana hindi nalang sila nag aral, hirap kaya mag aral sa madaling araw. Pagod.
Char, mas importante ang pag aaral.
Pumasok kami sa room at hinintay ang Teacher namin.
"Ano Luna? Ready kana ba mamaya?" tanong ng isa 'kong kaklase.
Wow, may kumausap sa'kin for the first time.
Halos lahat sila nakangiting nakatingin saakin.
Aba parang pinaghandaan nila ang gabing 'to ah? Mga lintik.
"Nag pustahan pa kami kung sino mananalo, sayang walang bumoto sayo" Eh deputa pala sila nag pustahan pa sila.
Walang sense ang pustahan nila, demonyo silang lahat.
"Sure ba kayong lalabanan ako ni Zayn?" sabi 'ko.
"Oo naman! Ini-imagine niya na nga daw ang pagkatalo mo eh! HAHAHA!" sabi nito.
Wow. Ang sabi ni Zayn gigisingin niya ang kapangyarihan 'ko bakit tatalunin niya ako? Wow lang hah.
"Makakaya mo ba siya? Miss powerless?" sabi ng isang babae.
Bigla namang nag react si Ali. "Miss Powerless? Saan niyo 'yan nakuha hah?!" tanong ni Ali nang naiinis.
"Kay Zayn malamang, duh" sagot ng babae habang nag tataray.
Sinamaan ni Ali ng tingin ang babae at sinampal gamit ang kapangyarihan niya. "ANO BA?!"
"Tama na nga, Iwan na natin sila" sabi ng lalaki at iniwan na nga kami.
Dumating na ang teacher namin at nag simula mag discuss. Nag focus lang ako sa klase namin mula first hanggang third class. Nakaka taka lang na wala si Zayn siga, hindi siya pumasok.
Pero okay na din 'yun para walang engot.
"Mukhang ini-echoss kalang kanina ng mga kaklase natin, Wala naman si Zayn" bulong ni Ali habang nag aayos kami ng gamit namin. "Yeah yeah yeah"
Lumabas na kami ng room at naglakad papunta sa Cafeteria nang mahilo bigla si Ali. "Okay ka lang?"
Pagka hawak 'ko sa kaniya ay nag teleport kaagad kami at napunta sa isang....
Rooftop?!
Napaka laki ng rooftop, parang soccer field. Maraming tao din nag nandito.
Anong meron?
Nagulat ako ng wala si Ali sa tabi 'ko... AT NASA GITNA PA TALAGA AKO!!
May naramdaman nalang akong tao sa likod 'ko. "Hi Miss Powerless"
Si ZAYN siga. Punyeta tinuloy niya nga! Ampotek!
Bigla nalang siyang nasa harap 'ko at dahil sa gulat napa atras ako.
"Anong gusto mo?" tanong 'ko.
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi 'ko noong isang madaling araw? Lalabanan mo ako at ipapakita mo ang kapangyarihan mo" sabi nito.
"Ayoko" sabi 'ko. "And why?"
"Pagod ako" sagot 'ko tsaka tinalikuran siya pero naramdaman 'ko ang kapangyarihan niya na hinihila ako palapit sa kaniya.
Gaya ng ginawa 'ko kanina kay Miss Esmeralda pinakiramdaman 'ko ang kapangyarihan ni Zayn at tinulak ito pero napalakas ata ang ginawa 'ko.
Nagsilabasan ang mga alikabok sa lupa eh.
Para namang nagulat ang mga tao. Napatingin tuloy ako kay Zayn at blanko ang itsura niya.
"Oooooow!"
"Inferness sa kaniya hah"
"May powers na ba siya?"
"Kailan pa? Hahaha!"
"HINDI mo kailangan ng kapangyarihan para pigilan ang kapangyarihan ng iba"
Sabi 'yan ni Ms.Esme saakin, Hindi ba nila alam 'yan?
Lahat ba naka asa sa kapangyarihan? Sure ba silang wala ng ibang malakas kung hindi ang kapangyarihan?
Naglakad ulit ako palayo pero nagulat ako nang nasa harap 'ko na si Zayn at gamit ang kapangyarihan niya ay tinulak ako palayo.
Halos ang layo na namin sa isa't isa nang bumagsak ako.
Ito na ba? Lalabanan niya na ako? Piste bakit kasi?!
Tumayo ako. "Ano ba?!"
"Show us your power!" sabi nito at tinutukan ako ng mahika niya mabuti nalang at naka takbo agad ako at pumunta sa kaniya.
Kinuha 'ko ang kamay niya at binali ito pero na puruhan niya ako sa tiyan 'ko kaya lumipad nanaman ako.
Kailangan mo kontrolin ang katawan mo. Kailangan mong hindi matumba
Naalala 'ko ang sinabi na 'yan ni Mama kaya tinapak 'ko ang isang paa 'ko sa lupa at sinubukang huminto. Unti unti akong humihinto at tumigil ako ng naka luhod ang isang paa.
Tinignan 'ko ng masama si Zayn. Matatalo mo ako sa kapangyarihan, pero hindi sa lakas. Si Mother Esmeralda kaya ang trainer 'ko!
Char, para lang akong sisiw na nakikipag laban sa Lion.
Tumakbo ako at tumalon papunta sa kaniya, kay Zayn.
Habang pabagsak na ako kinuha 'ko ang kuwelyo niya at sinuntok siya.
Bahagya siyang napa atras at muntik na akong kuryentehin buti nalang naka yuko ako kagaad at pinatid ang paa niya dahilan para mapa upo siya.
Tumayo ako at umalis na.
Pero may sumakal saakin mula sa likod kaya sinikmuraan 'ko siya pag ikot 'ko pero naiwasan niya 'yun at sinuntok ako.
Yawa!
Mabilis ang mga naging galaw niya at puro ako iwas pero napuruhan niya ako sa braso kaya napa luhod ako.
Sisipa-in niya sana ako pero nakuha 'ko ang paa niya at tinulak ito palayo.
Sinipa 'ko siya ng dalawang beses sa mukha habang umiikot at tumambling patalikod para matamaan ang baba niya at mapa atras.
"GO LUNARI!!!" Sigaw ni Ali.
Nandun pala siya. HAHAHA!
Inatake ako ni Zayan at nasikmuraan niya ako dahilan para may lumabas na dugo sa labi 'ko. "Ilabas mo na ang kapangyarihan mo, Baka mapatay kita" sabi ni Zayn.
Sa mga pag atake niya ay nahihirapan na akong makahinga sa sobrang lakas niya, Hindi 'ko na siya kaya.
"Imbis na sanayin mo ang kapangyarihan mo, bakit kapangyarihan 'ko ang inaatupag mo? Bakit? Ganiyan ka ba kasuwapang sa kapangyarihan?"
Sinugod ulit ako ni Zayn at halos hindi 'ko na nasubaybayan ang galaw niya sa sobrang bilis.
Ang dami niyang natamaan saakin kaya napahiga ako. Lintek!
"Ano ba?! Paalisin mo na mga ako!" sigaw 'ko.
Bigla niyang hinatak ang leeg 'ko gamit ang kapangyarihan niya.
"Unless you show us your powers" sabi nito. "NAKAKA GAGO KA NAMAN ZAYN EH! BAKIT BA KAILANGAN MO MAKITA ANG KAPANGYARIHAN 'KO?! ANONG MAPAPALA MO HAH?!" inis 'kong sabi.
"Kase ayoko ng may taong wala namang kapangyarihan ang makakapasok sa Magic Island" sabi nito habang hawak parin ang leeg 'ko pero hindi mahigpit.
"Kung sasabihin 'kong wala akong kapangyarihan?! Titigil kana ba?!" sigaw 'ko.
"Kung wala kang kapangyarihan edi umalis kana dito! We don't need someone like you!"
"Napaka mapagmataas mong nilalang, na parang hindi mo naranasan hanapin ang kapangyarihan mo. Tama nga sila, kapag nagkaroon ka ng kapangyarihan... tatapak kana ng ibang walang kakayahan" sabi 'ko.
"You don't belong to us" sabi nito.
"Si Ms.Esmeralda nga na nag pasok saakin dito walang problema saakin, Ikaw pa?! Bakit ba? Ano bang ginawa 'ko sayo?!" Tinulak niya ako at napa higa ako sa sahig sa lakas niya.
"I don't want you to be here! I don't want powerless! Kaya ipakita mo na ang kapangyarihan mo saamin at hahayaan na kita!" sabi nito.
Tumayo ako at hinarap siya. "Hindi ka belong saamin kung wala kang kapangyarihan, Kung sa elepante at langgam, langgam ka. Hindi ka kayang ikumpara saamin, mahina ka kung ganun!!" sigaw niya.
"Hindi porket wala akong kapangyarihan mahina na ako!" sigaw 'ko rin. "Then tell us, Anong kapangyarihan mo?"
"Gusto niyo ng totoong sagot? WALA! WALA AKONG KAPANGYARIHAN! PILIT SINASABI NILA MS.ESME AT ALI NA MAHAHANP 'KO RIN ANG KAPANGYARIHAN 'KO PERO WALA TALAGA! MASAYA KANA? MASAYA NA KAYO?!"
Nagtawanan ang lahat ng tao. Nakita 'ko ang pag alala ni Ali.
"Kung ganun, Umalis kana dito" sabi ni Zayan.
May mga estudyante na lumapit saakin at sinuntok ako.
Lahat sila inaatake ako kaya lumalaban naman ako. Kinuha ng isa ang kamay 'ko at sinikmuraan ako.
Sinipa 'ko ang paparating umatake saakin at ang isa naman ay sinuntok 'ko.
"Isa lang ang masasabi 'ko sainyo.." huminga ako ng malalim "Para kayong maskos, hindi sila titigil na pahirapan kayo dahil alam nilang wala kayong laban sa kanila. Ang ginagawa nila sainyo, ginagawa niyo saakin. Wala kayong pinagkaiba sa kanila—" may sumipa sa mukha 'ko na nagpahiga sakin sa sahig.
May isa pang gumamit ng kapangyarihan para sikmuraan ako ng napaka lakas dahilan para mapa dura ako ng dugo at napa luhod.
May isang babae na kinuha ang buhok 'ko at kinaladkad ako. "AAAAGHH! TAMA NA!!"
Pinigilan 'ko siya at sinipa. Linakasan 'ko ito para tumalsik siya.
Hawak ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay 'ko kaya tumambling ako patalikod at pinag bangga sila sa isa't isa.
May dalang kutsilyo ang isang babae at sinubukan 'kong labanan siya pero mas magaling siya sa akin at nasugatan ako.
Napaluhod ako sa sobrang sakit ng katawan 'ko at bugbog sarado na ako.
Nakita 'ko ang mga tao na nagsisilabasan ang kapangyarihan at binato saakin.
Nakaramdam ako ng sakit sa ginagawa nila. Hayop sila!
"TAMA NA!!"
"Kaya umalis kana dito!" sabi ng isang babae.
Napaiyak nalang ako sa ginagawa at sinasabi nila.
Binubugbog ako ng mga kapangyarihan nila.
"Hindi ka belong saamin!"
"Umalis kana!"
"Bumalik kana sa kabilang mundo! Basura!"
"Umalis kana dito! Bawal dito ang walang kapangyarihan!"
"Alis!"
"Ew, Powerless!"
"Mahina ka! Hindi ka kayang ikumpara saamin!"
"TIGILAN NIYO SI LUNA!!" siga ni Ali.
Iyak na ako ng iyak habang naka upo.
"TUMIGIL NA KAYO! MAAWA KAYO SAAKIN!" sigaw 'ko.
"WALA KAMING AWA!"
"MAGDUSA KA!"
"PARA SAYO 'YAN!"
"DESERVE MO 'YAN!"
"PLEASE! NAKIKIUSAP KAYO TUMIGIL KAYO!"
Unti unting tumigil ang ingay nang parang lumindol.
Napatingin ako sa mga tao at gulat sila.
Nakita 'ko ang isang babae na lumulutang sa ere na may nanlilisik na mata. Nasa dalawang palad niya ang apoy na nagliliyab.
Ibinato niya ito sa lahat ng tao sa rooftop maliban saakin at kay Ali.
Nanlaban pa si Zayn sa kapangyarihan ng babae pero agad siyang nawalan ng balanse sa sobrang lakas ng kapangyarihan nito.
Mama Esme 'ko
Parang galit na galit si Ms.Esme at walang makakapigil sa kaniya.
Sandali lang ay tumigil si Ms.Esme at nasa harapan 'ko na siya at itinayo ako. "Mama.."
"Mama?" takang bulong ni Zayn.
Lahat ay parang kinilabutan sa ipinamalas ni Ms.Esme.
"Hindi niyo ba naiintindihan ang sinasabi naming hindi pa natutuklasan ni Luna ang kapangyarihan niya? Sino kayo para gawin ito sa kaniya? Sino kayo para utusan na umalis siya? Sino kayo para tamaan siya ng mga kapangyarihan niyo?" Galit na sabi ni Ms.Esme "Sino kayo para gawin ito sa Anak 'ko?!"
Nagulat ako sa sinabi niyang Anak 'ko
Halos mapaiyak ako sa sinabi niya na 'yun.
"Kayang kaya 'ko kayong ipatapon sa kabilang mundo sa kailan 'ko naisin. Nakakalimutan niyo atang nakababatang kapatid ako ng ating Pinuno at ang Anak 'kong si Luna ay hindi niyo dapat ginaganito. Kaya 'ko kayong parusahan sa ginawa niyo kay Luna" sabi nito.
Nakababatang kapatid ni Pinunong Luthanus si Ms.Esmeralda? Pa-paanong... Wah!
"NO ONE CAN TOUCH MY DAUGHTER OR I WILL SEND YOU TO AFTERLIFE!" galit niyang sabi.
"Lahat kayo, pumunta sa faculty room." sabi ni Ms.Esme.
Tumingin si Mama kay Zayn at nagliyab ang mga mata ni Mama.
"Saakin ka dadaan, Zayn Whoulker" sabi ni Ms.Esme at naglaho na kami.
Ang nakita 'ko nalang ay isang kuwarto na hindi sa'min.
Doon na nagdilim ang paningin 'ko at huling natatandaan ay natumba ako.
***
Tahimik lang na pinagmamasdan ni Esmeralda ang mga estudyanteng nanakit sa anak nito—— anak anakan.
Kasama na doon si Zayn na minsan niyang inalagaan.
"Alam niyo ba ang naging resulta ng ginawa niyo sa anak 'ko?" tanong nito sa mga estudyante.
"Gusto niyo ba gawin 'ko sa inyo ang ginawa niyo sa kaniya?" sabi ni Esmeralda at bumuo ng mahika katulad ng ginawa ng mga estudyanteng nasa harap niya.
"MS.ESMERALDA 'WAG PO!"
"PARANG AWA NIYO NA!"
"'WAG PO MS.ESME!!"
Sigawan nilalang lahat.
"Ngayon nagmamakaawa kayong 'wag 'kong gawin? Nung nagmakaawa ba si Luna na itigil niyo, tinigil niyo ba?"
Magsitahimik silang lahat. "Anong klaseng nilalang kayo? Bakit kaya niyo gawin ito?" tanong ni Ms.Esme.
"P-pasensya na po Ms.Esme, karamihan po saamin ayaw po gawin 'yun. P-pero sa utos n-ni Zayn g-ginawa namin" sabi ng isang lalaki.
"Utos ni Zayn?!" malakas na sabi ni Esmeralda at sinakal si Zayn gamit ang mahika at pinalutang ito sa ere.
"ANONG KLASE KANG NILALANG ZAYN?!" Naglaho sila pareho at natagpuan sa Prima hall kung saan abandonadong lugar na may malalaking nga pader at poste.
Pinatalsik ni Esmeralda si Zayn sa Poste at naglaho papunta sa harap ni Zayn.
"Bakit mo ginawa 'yun Zayn?! Anong ginawa sayo ni Luna?!" inis na sabi ni Esmeralda.
"S-sorry Ms.Esme, Ma-may dahilan ako——"
"ALAM MO BA ANG NAGING EPEKTO NITO KAY LUNA?! HAH?!" galit na galit na sabi ni Ms.Esme
"Gusto 'ko lang na palabasin niya ang kapangyarihan niya Miss Esmeralda. Hindi 'ko alam" sabi ni Zayn
"Sorry——"
Tumalikod si Esmeralda "Lahat kayo... mapaparusahan"
"Sa kamay naming mga konseho"