06.
Luna's P.O.V
Nagising ako sa haplos sa aking mukha. Nakaramdam din ako ng sakit kaya minulat 'ko kaagad ang mata 'ko.
Nakita 'ko si Ali na pinupunasan ako gamit ang malamig na tela. "A-ali?"
"Luna, gising kana." sabi nito at binaba ang planggana na mayroong tubig na may yelo.
"Kamusta kana?" tanong nito.
Sinubukan 'kong umupo pero hapdi lamang ang naramdaman 'ko. "'Wag mong pilitin umupo, Luna. Hindi mo kaya" sabi ni Ali.
Tinignan 'ko ang katawan 'ko. Iba na ang damit 'ko.
Ang dami 'kong sugat at hinang hina ako. Nakita 'ko rin na may medyas ako.
"Linalagnat ka daw sabi ni Miss Esmeralda at namamaga ang buong mukha mo" sabi ni Ali.
Naramdaman 'ko nga na nahihirapan ako makakita dahil hindi 'ko mamulat ng maigi ang mata 'ko.
Binigyan ako ni Ali ng salamin at nakita 'ko ang sarili 'kong nakakawa. Ngayon lang ako naawa sa sarili 'ko.
Namaga ang halos kulay violet at black 'kong mata. Halos lumobo na nga ito at hindi na makadilat.
May parang kalmot ako sa pisngi at sugat sa kabila 'ko pang pisngi. Mayroon din akong sugat at pasa sa labi. Black na black ang labi 'ko ngayon.
Daig pa ang naninigarilyo.
Ramdam na ramdam 'ko ang sakit ng katawan 'ko, hindi na ako halos makagalaw.
"Luna, Sorry. Hindi kita na protektahan kanina. Gustong gusto 'ko pero hawak ako nila Cattleya at pinipigilan. Sorry" sabi ni Ali.
Umiling lang ako. "W-w-wala kang..... k-k-kasa-l-lanan" nahihirapan akong magsalita, pakiramdam 'ko pagi bibig 'ko may damage.
"Hindi na dapat kita pinapasok, akala 'ko hindi itutuloy ni Zayn eh. Sorry" sabi nito. Umiling lang ako ulit.
"Hindi kana masiyadong linalagnat ngayon dahil pinababa 'ko ang temperatura mo" sabi nito. Ngumiti lang ako sa kaniya kahit nahihirapan ako.
"S-salamat.."
Yinakap niya ako ng dahan dahan. "Mamaya, papupuntahin 'ko si Hailey dito para pagalingin ka. Ayokong nakikita kang bugbog sarado" sabi nito.
Humiwalay siya saakin at tumayo. "Hintayin mo lang ako hah? kukuhaan kita ng pagkain" sabi nito. Tumango lang ako sa kaniya at umalis na siya.
Nandito parin ako sa bahay ni Ms.Esme.
Wala akong halos magawa, kahit pag galaw ng mga paa 'ko.
Napaiyak nalang ulit ako sa pagkakaalala ng mga nangyari kaninang madaling araw.
Hindi 'ko halos maisip na ganun pala kalupit talaga si Zayn. Sana una palang hindi 'ko na siya kinalaban pa. Kung alam 'ko lang.
At tama sila, ikapapahamak 'ko ang pag amin 'kong wala akong kapangyarihan pero nagawa 'ko na. Nasabi 'ko na. At nangyari na, nasaktan na nila ako.
Kung mababago ko lang ang mga nangyari, hindi ko sana ginawa at sinabi 'yun. Pero wala na akong magagawa, tsaka malalaman at malalaman din naman nila yun.
Obvious naman na powerless ako.
Pumasok ulit sa kuwarto si Ali na may dalang pagkain.
"Kain kana, dali" nakangiti nitong sabi saakin.
Sinubukan 'kong umupo pero hindi talaga kaya ng katawan 'ko. "Sabi 'ko sayo 'wag ka masiyadong gumalaw. Hindi mo kaya' sabi nito.
"G-g-gusto 'ko u-umu-p-po" sabi 'ko.
Inalalayan niya akong umupo at linagyan niya ako mg unan sa likoran 'ko. "Salamat"
Dahan dahan niya akong sinubuan.
RAMDAM na ramdam 'ko ang sakit habang ginagamot ako ni Ali pagkatapos niya akong pakainin.
Sigaw ako ng sigaw at halos mangiyak na.
Dati pamandin takot na ako sa alcohol.
Pero dito iba ang panggagamot nila! Matatanggal ata ang kaluluwa 'ko. Sobrang sakit at kahit nawawalan ako ng boses sumisigaw ako.
Sinuntok 'ko na si Ali sa sobrang hapdi.
Punyeta!
"Mamaya papapuntahin 'ko si Hailey para pagalingin ka. Baka kasi busy siya ngayon" sabi nito.
Tumango nalang ako tsaka humiga at sinubukang matulog. Hindi 'ko alam kung ilang sigaw ang ginawa ko kanina kaya pagod ako.
"Luna, papayag ka bang parusahan ang mga estudyanteng nambugbog sayo?" Biglang tanong ni Ali.
Parusa? Sa kalagayan 'ko ngayon gusto 'ko. Pero ayoko rin, mas okay na wag na para isipin nilang di ako affected at galit sa kanila. Ayoko rin baka sa pag parusa sa kanila lalo silang magalit saakin.
"Hindi"
Kita 'ko ang gulat sa mukha ni Ali. "H-hindi? Bakit hindi?"
"Bakit hindi hindi? Hindi ba mas maayos kung mapayapa nalang?"
Napalunok siya. "Okay na saakin kung hindi na nila ako saktan ulit, ayos lang pero kung saktan nila ulit ako, ako na mismo ang mag paparusa sa kanila"
"Pero Luna kailangan nila maparusahan"
"Ipaubaya nalang natin sa tadhana, Ali. Hindi ka ba naniniwala sa karma?"
Napatahimik siya. "Sabi ni Mama kanina, paparusahan sila.. Tinuloy ba?"
"H-hindi." Sabi nito.
Maayos naman. Ayoko na parusahan sila dahil saakin, hindi naman ako importante.
"Matutulog ka ba?"
"Oo. Bakit?"
"Aalis muna ako para papuntahin si Hailey dito, safe ka naman dito" sabi nito at tumayo.
Tumango lang ako at hinayaan ipikit ang mga mata.
PATULOY akong naka pikit kahit gising na ako, pinapakinggan ang mga boses sa paligid.
"Kapag gumising siya Ali, 'Wag mo siya palalabasin" sabi ng isang babae na panigurado akong si Ms.Esme. "Papapuntahin 'ko nalang si Hailey dito" sabi ni Ms.Esme
"Miss Esme, Sigurado po ba kayo?"
Sigurado sa alin?
"Wala kang magagawa sa desisyon naming mga konseho" sabi ni Ms.Esme.
A-ano?
"Ang pag parusa sa mga estudyanteng iyon, Opo. Desisyon ng konseho, pero ang ipapagawa niyo kay Zayn? Desisyon parin po ba nila 'yun?" sabi ni Ali.
Anong ipapagawa kay Zayn? Tsaka ano?! Sabi ni Ali hindi tinuloy ang pagpaparusa?
"Isa ako sa pinaka mataas sa konseho Ali, Ang gagawin 'ko ay may pahintulot narin nila. Sabihin mo nga Ali... Ayaw mo bang parusahan 'ko si Zayn?"
Naramdaman 'ko ang pag upo sa tabi 'ko si Ali. "Ayaw po kasi ni Luna, Ms.Esme. Ayaw niyang parusahan ang mga estudyanteng iyon."
Narinig 'ko ang mahinang pagtawa ni Ms.Esme "Sinong mag aakalang may natatagong kabaitan 'yang estudyante 'ko?"
Naramdaman 'ko ang pag hawak sa paa 'ko ni Ms.Esme at nakaramdam ako ng ng lakas.
"Para mas mabilis siyang gumaling, marami pa siyang gagawin, hindi pwedeng matagal siyang gumaling." sabi nito.
"Ms.Esme, Ano sa tingin niyo ang reaction ni Luna kapag nalaman niya ang parusa niyo kay Zayn?" ano ang parusa kay Zayn?
"Wala"
"Wala?"
"Oo, Wala. Dahil hindi naman natin ipapa alam" So may balak silang mag lihim saakin? Ano 'yun?
"Ms.Esme.. P-paano po kung malaman ni Luna?"
"Bakit ba takot ka kay Luna? Can Luna kill you if she knew it?"
Biglang tumahimik ang lahat. Hindi 'ko alam bakit. "Hindi 'ko po alam Miss... Pero hindi 'ko alam kung ano ang magiging reaction ni Luna kapag nalaman niyang pinaglilihiman natin siya"
"Surely shock but... Bakit ka natatakot?"
"'Cuz I don't know her reaction! May time na po na nagalit siya saakin and I can say she's worst." Sabi nito.
'Yun yung araw na sinasabi ng kaibigan niya na bibinyagan ako. At sobra akong nagalit noon plus kabado kay Zayn.
Nagalit ako sa kaniya nun pero hindi 'ko alam na sobra pala ang reation 'ko.
Hindi naman siya nag react ng sobra nang nagalit ako.
"Paano pa kaya kung lumabas ang kapangyarihan niya at hindi niya ito ma-control? Paano kung mapatay niya ako?"
"Paano niya gagawin yun-"
"SHE'S THE MOST POWERFUL WOMAN OF THIS MAGIC WORLD FOR A REASON!!! MISS ESME PAANO KUNG BIGLA NIYA NALANG AKO LIYABAN DIYAN? KAGAYA KUNG PAANO UNA AKONG NASAKTAN NI ZAYN?!" Biglang sigaw ni Ali.
"You're afraid of your own bestfriend?"
"I'm even afraid of my own brother!!"
Dahil doon ay napa mulat ang aking mata.
SHES THE MOST POWERFUL WOMAN OF THIS MAGIC WORLD FOR A REASON!!!
Po-powerful?
Anong sinasabi ni Ali-ng powerful? Makapangyarihan ako?! Nagpapatawa ba siya?
"Luna.."
Alam ba nila ang kapangyarihan 'ko? Alam ba nila kung kailan ito lalabas? Makakapatay ba ako? Ano ang kapangyarihan 'ko?
Sapilitan akong tumayo kahit sobrang sakit ng katawan 'ko. "Alam niyo po ang kapangyarihan 'ko?"
"H-hindi" sagot ni Ali. "Pero sabi mo makapangyarihan ako!"
Naiinis ako! Gustong guso 'ko na malaman ang kapangyarihan 'ko! Gustong gusto!
"Luna mali ang pagkakaintindi mo" sabi ni Ms.Esme "Pero sabi ni Ali makapangyarihan ako! Ano ibig sabihin nun?"
"Wala Luna, wala. Ang sinasabi lang ni Ali ay baka makapangyarihan ka at bigla itong lumabas" sabi ni Ms.Esme.
Hindi 'ko hinihiling na maging sobrang makapangyarihan. Pero gusto ko na malaman ang powers 'ko.
Ayoko na palibutan ako ng mga katulad ni Zayn ma patuloy akong sasaktan dahil sa pagiging mahina 'ko dahil wala akong kapangyarihan.
Kahit isang kapangyarihan lang okay na, basta maipakita 'ko lang sa kanila na may kapangyarihan din ako katulad nila.
"Luna.. 'Wag mong isipin na wala kang kapangyarihan" sabi ni Ms.Esme.
Napaiyak nalang ako. "Mama kailan 'ko makikita ang kapangyarihan 'ko? Kailan ito gigising? Kapag napatay na ako nila Zayn?"
"Hindi 'yan mangyayari" sabi ni Ali.
"Ali kung alam niyo ang kapangyarihan 'ko sabihin mo na, gustong gusto 'ko na magkaroon at malaman 'yun.." sabi 'ko "Please"
Hinawakan ni Ms.Esme ang mukha 'ko at dahan dahan itong pinaharap sa kaniya. "Luna makinig ka"
"Gusto 'ko ipamuka sa kanila lalo na kay Zayn na hindi ako mahina dahil may kapangyarihan ako"
"Hindi totoo ang sinasabi nilang mahina ka kung wala kang kapangyarihan, dahil hindi kakayanin ng kapangyarihan ang puso at isipan. Hindi mo kailangan magkaroon ng kapangyarihan para maging malakas. 'Wag mo nanaisin na maging makapangyarihan para ipamukha sa kanilang mali sila sa inaakala nila, dahil tatahakin ka nito sa maling landas. Hihilain ka nito sa maling daan, nandito ang totoong lakas, Luna.." hinawakan ni Mama ang dibdib 'ko kung saan naroon ang puso 'ko.
"Hanggang may puso ka, malakas ka. Kung gusto mo talaga maging malakas, 'wag mong hahangarin maging makapangyarihan, kaya nga tuturuan kita ng lahat ng nalalaman 'ko. Para tumibay ka" Tumulo ang luha 'ko sa sinabi ni Mama.
Siya nga ang Mama 'ko. Ayaw niya na gustuhin 'ko maging makapangyarihan dahil ikasasama 'ko 'to.
"Luna tama ka sa desisyon na maging payapa nalang at hindi na parusahan ang mga students, pero ang pagkakamali ay pagkakamali. Batas ay batas, maiintindihan mo rin ito" sabi nito.
"Mama ano pong ginawa niyo sa kanila? Wag niyo po silang pahirapan ng sobra. Gusto 'ko po sila makita" sabi 'ko.
"Bawal Luna, hindi ka magaling--"
"Edi pagalingin niyo po ako!" Sabi 'ko. "Limitado ang kapangyarihan ni Ms.Esme, Luna. Wala siyang kapangyarihan na ganun"
"Ma.. please po"
"Hindi nga, i***********l din ng konseho. Dito ka nalang" sabi ni Mama tsaka tumayo.
Tumayo narin si Ali para kuhain amg isang tray "Papunta na si Hailey, kumain kana Luna para mas lumakas ka" sabi nito. "Diba sabi mo gusto mo Lumakas?"
***
"Past is past Pinuno! She's not involved of it" sabi ni Natasha.
"Paano kung tama nga si Pinuno? 'Yun din naman ang naramdaman 'ko noong una 'ko siyang nakita" sabi ni Lisa.
"And if not? Ni hindi nga makita ni Sihairo ang nakaraan niya!" Sabi ni Natasha sabay tingin kay Sihairo- isa rin sa mga konseho.
"Yun din ang isa pang palaisipan, hindi makita ang nakaraan ni Luna. Sinong makapangyarihan ang pipigil sa kapangyarihan ni Sihairo, tingin mo Natasha?" Singit ni Lemuel, and prisidente ng konseho.
"Sino pa bang makapangyarihan ang konektado kay Luna?" Tanong ng Pinuno. "Si Esmeralda" sabay sabay na sabi ng miyembro ng mga konseho.
Napaupo ang pinunong Luthanus. "Kaya niya ba? Kung si Esmeralda nga bakit? Give me reason" sabi ng Pinuno.
"Paumanhin Pinuno, pero hindi kakayanin ni Esmeralda ang kapangyarihan ng kapatid 'ko" sabi ni Sibeal.
"Sila lang ang nasa isip 'ko.." Bulong ni Therine, isa rin sa mga pinaka matagal nang miyembro ng Konseho.
"Sotelo Greensmith and Sirius Sythrine Greensmith" salita ni Therine.
"Bakit niyo idadawit ang matagal ng patay? Just because of same surname?" Sabi ni Natasha.
"Kailangan natin kilalanin si Luna" sabi ni Lisa. "Esmeralda can only do that" sabi naman ni Andrew na isa rin sa mga konseho.
"And what makes you think Esmeralda can do that?" Tanong ng Pinuno.
"Narinig 'ko ang mga usapan sa mga estudyante, anak daw ni Esmeralda si Luna" sabi ni Andrew na ikinagulat ng lahat. "Tinawag daw na Mama ni Luna si Esme at tinawag na anak ni Esme si Luna"
"What?" -Natasha.
"Baka naman pagpapanggap? Para protektahan si Luna?" Singit ni Lisa.
"Wala na akong pake diyan, I want to know Luna's Identity. Paano kung siya na pala ang sinabing itinakda?" Sabi ng Pinuno.
"Pinuno, rinerespeto 'ko ang isip niyo at pagiging anak ng dating pinuno ng Magic Island ni Luna, pero... Tingin 'ko hindi siya magiging itinakda" sabi ni Natasha.
"Hindi niya nga kaya si Zayn eh" Nagulat si Natasha nang naging dilaw ang mata ni Lisa. "Don't underestimate Luna! She can do better! Kung siya nga ang nasa salita nang huling sorcerer hindi ba dapat maging masaya tayo?"
"Mahalagang pangalan ang ibibigay natin sa Luna na iyon dahil lang sa anak siya ni Sotelo at Sirius!" Napatayo si Natasha. "Kung sakaling anak nga siya nila Sotelo!"
"Wala man siyang kapangyarihan, pero alam kong makapangyarihan siya gaya ni Zayn." Sabi ni Lemuel at tumayo rin. "Natasha, you can't just raise your voice while mentioning the Powerful leaders we had daughter's name, wala itong respeto"
"Sige sabihin nating makapangyarihan din siya, and what now?Paano tayo makakasiguro?" Muling umupo si Natasha.
"I'll give her a mission" sabi ng Pinuno. "Mission? Pinuno mahina pa si Luna" sabi ni Lisa.
"Wala rin siyang kapangyarihan" sabi ni Sihairo. "Kung may natatago nga siyang kapangyarihan mula sa mga magulang niya, ililigtas siya nito."
"Bakit ba pinaniniwalaan niyong anak nga siya nila Sirius at Sotelo?" tanong ni Natasha habang ang kamay ay nasa ulo.
"Huwag kana mag salita! Napaka bida-bida mo!" sigaw ni Lisa.
***
Hirap man akong naglalakad ngayon palabas ay pinilit 'ko parin.
Tumakas ako mula kela Mama at Ali para makapunta sa mga pinaparusahan ngayon.
Medyo malakas naman na ako at nakakatayo-- kuba nga lang.
Hindi 'ko alam kung saan ako papunta dahil hindi 'ko naman alam kung saan sila pinaparusahan ngayon.
"Luna??" May humawak ng braso 'ko.
Kilala 'ko siya. "Bugbog sarado ka, yet you still walking around? Asan si Ali? Si Ms.Esme?"
Siya si Yuri, isa sa mga kaibigan ni Ali. "N-nawawala ako."
"Oh, halika sasamahan kita papunta kay Ali--"
"Dalhin mo ako kung nasaan ang mga pinaparusahan" sabi 'ko na medyo ikinagulat niya. "Ano? You can't be-"
"Please Yuri, kailangan 'ko lang! Pleaseeee!"
Napaisip pa siya. "Luna kasi... Mapapagalitan ako at ikaw, then mahina ka pa"
"I don't care. Sagot kita kapag pinagalitan ka, para saan pang anak ako ni Ms.Esme?". Sabi 'ko.
Lumaki ang mga mata niya "A-ano? Anak ka ni Miss Esmeralda??!! Paano nangyari 'yun?!" Gulat niyang sabi.
"Basta Yuri, sasabihin 'ko basta dalhin mo ako kung nasaan ang mga pinaparusahan na students" sabi 'ko.
Hinawakan niya ang kamay 'ko. "Tsk Luna! Mali ito pero sorry 'ko na 'to para sa ginawa namin sa'yong binyag" sabi nito at mag teleport na kami.
Maiingay at puno ng sigaw na parang basketball court.
Magkakahiwalay na nakaluhod ang mga estudyante. Malakas na humahagulgol at nakatingala sa langit parang namimilipit sila sa sakit at hindi ko alam kung bakit.Wala naman akong nakikitang nananakit sa kanila liban na lang ang mga umiikot na usok sa paligid nila.
Usok.. Kapangyarihan ba ito?
May ilang parang guwardiya ang nakabantay sa kanila.
Nakita 'ko rin ang Pinunong Luthanus at sa kanan at kaliwa ay may iba siyang kasama pa.
Konseho..?
Agad akong lumapit at at nagpakita sa kanila. Nakita ko ang mga gulat sa kanilang mukha kahit na ang mga estudyanteng napaparusahan ngayon.
Nakukunsensya ako. Kung hindi dahil sa akin hindi sila umiiyak ngayon. Hindi sila napaparusahan ngayon.
Gusto kong umiyak sa nakikita ko ngayon.Para akong sinasakal,hindi dapat nangyayari sa kanila ito. Hindi dapat sila napaparusahan ng dahil sa akin,Hindi ko kaya panoorin ang mga nagaganap ngayon. Kahit hindi ko alam kung anong klaseng parusa ito naninikip ang dibdib ko.
Isang lalaki ang biglang sumulpot sa harap namin ni Yuri.
Hindi 'ko alam pero bata ang itsura niya siguro kung basehan ang itsura nasa 25 palang ito pero alam 'kong matanda na ito.
"Yuri, mahigpit na i***********l na may pumunta dito!" Sabi ng lalaki.
"S-sorry po Sir Lemuel, nagpupumilit po kasi si Luna" sabi mi Yuri.
"S-sir... W-wag niyo po pagalitan si Yuri, ako po dapat" sabi 'ko.
Sinalo kaagad ako ni Yuri nang muntikan akong matumba sa sobrang kahinaan. "Luna kita mo bugbog sarado ka pero pumunta ka? Asaan si Esmeralda?" Sabi ng lalaki na nagngangalang Lemuel.
"S-sir hindi po dapat sila parusahan.."
May isa pang babae ang sumulpot sa harap namin... Nakilala 'ko na siya, naalala 'ko siya pero hindi ang pangalan niya. Siya at si Miss Esmeralda ang una 'kong nakilala dito sa Magic Island.
"Luna anong ginagawa mo dito? Asaan ang bantay mo?"
May bantay ako?
Napatigil ang babaeng iyon at hinawakan nung Sir Lemuel. "Lisa.."
Ayun! Siya si Lisa!
"A-ang ibig 'kong sabihin, si Esmeralda.. hindi ka ba niya binabantayan?" Sabi ni Ms.Lisa.
Tinignan 'ko ang mga nakaluhod ngayon at may napansin ako.
Wala si Zayn, hindi kasama si Zayn. Asaan siya? Asaan ang Zayn siga na 'yun?
"If you're searching for the leader of the group who beaten you up. He's not here" sabi ni Ms.Lisa.
"Po?"
"Ibalik mo na siya Yuri" sabi ng Lemuel "Wait lang po! Asaan na po si Zayn?"
"We can't tell you" sabi ni Lisa. "P-pero po.."
"Tanungin mo nalang kay Esmeralda-LUNA!"
Dali dali akong naglakad ng mabilis papunta sa Pinuno. Hirap man ako, Pinilit 'ko parin siyang lapitan.
"P-pinuno.." nag bow muna ako bilang respeto "Alam kong sasabihin mo na hindi ko dapat malaman ito, pero pinuno gusto kong malaman nasaan si Zayn? Ano pong klaseng parusa ng ibinigay niyo sa kanya?"
Napatingin saakin ang lahat ng kasama niya sa gilid na pakiramdam 'ko ay ang mga Konseho.
"Siya pala yung Luna.." bulong ng isang babae sa isa pang babae. "Oo Natasha, kaya manahimik ka" sagot ng katabi nito
Natasha ang pangalan ng babae.
"Pinuno.."
"Bakit hindi mo itanong sa iyong nanay?Hindi ba nya sinabi sayo sa kanya dadaan si Zayn?" Sabi nito.
Si Miss Esmeralda.
"Hindi ko rin alam wala kaming alam sa inutos na parusa ni Esmeralda" dagdag nito.
Umiling iling ako habang pinupunasan ang luha 'ko. "Posible bang gagawa ng aksyon ang kapatid niyo ng hindi niyo alam? na hindi alam ng konseho? S-sabihin niyo napo saakin"
"Luna.." hinawakan ni Miss Lisa ang braso 'ko. "Ipaubaya mo na ito saamin"
Magsasalita pa sana ako nang may lumapit na parang guwardiya saamin. "Pinuno, mga konseho.." nag bow ito. "Labing anim na lobo na ang napapatumba ni Zayn, nanghihina na ang Whoulker at nagsisimula na siyang atakihin mg iba pang lobo" sabi nito.
Nagulat ang mga konseho at ang pinuno at agad ako tinignan.
Anong ginagawa nila kay Zayn? Anong parusa ito? Pinapakain siya sa mga lobo?
"Ano pong.."
"Labas kana dito Luna, Yuri iuwi mo na siya--"
"LUNA!!"
Nakarinig ako ng sigaw mula sa likuran 'ko.
Boses ni Mama.
Agad siyang naglaho papunta saakin at hinawakan ang braso 'ko. "Mama-"
"Sinabi 'kong 'wag kang aalis ng bahay umalis ka! Alam mong bugbog sarado ka nag layas layas ka!" Sermon nito saakin. "Mama.."
"Napaka kulit mo naman Luna!" Sigaw nito.
Nakita 'kong lumapit si Ali saamin. "Mama... M-masakit po.."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!"
"Esmeralda tama na, nasasaktan ang bata" sabi ng Pinuno pero hindi ito pinakinggan ni Mama.
"Ilang beses ka namin pinagsabihan! Tumakas ka parin! Paano kung may nanakit sayo diyan hah?! Paano kung bigla ka nalang nahimatay diyan--"
"Mama masakit-"
"ALAM MONG MAHINA KA UMALIS ALIS KA! ANG KULIT MO!"sigaw ni Mama.
Ang ilang mga taga konseho ay inawat si Ms.Esme at inilayo ako.
"Esmeralda tama na.." sabi ng isang babae.
Pinunasan ni Ali ang Luha 'ko. "Ikaw Yuri! Alam mong mapanganib dinala dala mo dito!!" Sigaw ni Ms.Esme kay Yuri tsaka ito lumingon saakin.
"Papaano kung may nangyari sayo? Bakit ba kasi ang kulit mo?!" Sigaw niya ulit.
"Esmeralda, kumalma ka. Ligtas si Luna" sabi ni Sir Lemuel. "At kung hindi?!"
"Tama na Esmeralda, nandito lang naman si Luna para alamin ang nangyayari sa mga estudyanteng pinaparusahan--"
"HINDI KANA BA MAKA HINTAY NG BUKAS PARA SA PUTANGINANG TANONG NA YAN AT TUMAKAS TAKAS KA?!" sigaw nito.
"Kasi hindi mo naman po ako sasagutin!" Sabi 'ko.
"Pinaglaban 'ko ang mababangis na lobo at si Zayn, ano masaya kana?!" Napaiyak ako sa sigaw ni Mama.
"Mapanganib ka Luna! Ikaw pa nga nag sabi!" Sabi ni Mama. "Bakit pa kasi ikaw ang naging estudyante 'ko!"
Bumitiw ako sa pagkakahawak ni Ali at Miss Lisa saakin tsaka tumakbo palayo. Wala akong nararamdamang sakit sa katakawan 'ko.
Lumabas ako at tumakbo pa ng tumakbo hanggang sa mapahinto ako sa isang puno at sumandal doon.
Bakit ba kasi hindi nalang nila ako sagutin? Bakit kailangan hindi nila sabihin?
Alam 'ko nagkamali ako.
Gusto 'ko lang naman malaman kung anong ginawa nila kay Zayn, bakit hindi nila sabihin saakin? Alam 'kong may bagay na hindi 'ko na dapat malaman pa.
Pero pinaparusahan nila ang isang tao dahil saakin, at hindi 'ko masisikmura huwag itong pake-alaman.
tangina..
Umiyak ako ng umiyak sa puno hanggang sa narinig 'ko na may paparating.
"Umiiyak ka? Kulang pa yan" sabi ng isang babae.
Sino sila?
May isang lalaki na sinikmuraan ako kaya napa luhod ako a halos mahiga.
"Kunin niyo na 'yan" utos ng isang babae.
Wag...
"Mama.."