07.
Luna's Point Of View.
Nagising ako na masakit ang buong katawan 'ko. Naramdaman 'ko rin na hindi 'ko magalaw ang katawan 'ko kaya minulat 'ko ang mata 'ko.
Madilim na lugar ang tumambad saakin, wala akong makita. Tanging ilaw lang ang nasisilayan 'ko at nakatutok lang ito saakin mula sa itaas.
Mayroon din akong nakikita na parang harang na bakal... Nasa kulungan ba ako? Nasaan ako?
Naalala 'ko.. may kumuha saakin at sinikmuraan ako ng napaka lakas tsaka ako nawalan ng malay.
Nakidnap ba ako? Nasaan ako? Sino ang mga kumuha saakin? Nagsisimula na akong kabahan. Natatakot ako sa puwedeng mangyari saakin. Asan ang mama 'ko?
Nakagapos ako sa isang silya at dahil masakit pa ang katawan 'ko wala akong magawa. Hindi rin ako makasigaw dahil pakiramdam 'ko mapupunit ang lalamunan 'ko.
"Polaris Lunari Greensmith" salita ng isang babae.
Hindi 'ko alam pero nagtaasan lahat ng balahibo 'ko sa katawan dahil sa boses niya. Para siyang si Satanas na kukunin na ako para dalhin sa impyerno.
"Hindi na ako magtataka kung bakit ka binugbog ng mga immortal na estudyante" sabi nito at pumasok sa kulungan. "Kasama na si Zayn.."
"S-sino ka? N-nasaan ako?" Tanong 'ko.
Umikot ikot siya. "May kasalanan ka saakin." Sabi nito.
Kasalanan? Si Zayn lang ang nakakaaway 'ko! "Nang dahil sayo, pinarusahan ang anak 'ko."
S-sabi 'ko na.
Ito ang kinakatakutan 'ko.
"Nang dahil lang sa walang kuwentang katulad mo!" Bigla akong nanigas sa sampal niya.
Namanhid ang buong katawan 'ko at tumulo ang luha 'ko. Dinagdagan niya ang sakit na nararamdaman 'ko.
"Alam mo ba ang ginawa nila sa anak 'ko at iba pa?! Hindi mo ba nakita?!" Sigaw niya ulit tsaka hinatak ang buhok 'ko.
"Para silang pinapatay sa loob looban nila! At dahil yun sayo!!" Sigaw nito a binitawan ako.
Ugh! Ang sakit! Ayoko na dito! Ibalik niyo ako sa Mama 'ko!
"ANO BANG HALAGA MO?!" sigaw nito tsaka sinipa ang silya na inuupuan 'ko dahilan para matumba ako.
Napasigaw ako sa sakit na naramdaman 'ko. Ughhh!
Ayoko na dito sa Magic Island. Ayoko na dito, aalis na ako. Baka dito pa ako mamatay.
"W-wag po"
Itinutok niya ang kamay niya saakin at natanggal ang kadena na nakapulupot saakin tsaka ako lumutang.
Hinampas niya ako sa pader gamit ang kapangyarihan niya habang naka lutang parin at pakiramdam 'ko may sumasakal saakin.
"W-wag.... P-po"
Para akong hihimatayin sa pagsakal niya saakin, sobrang sakit ng katawan 'ko at pakiramdam 'ko ni-paglakad ay hindi 'ko na magagawa.
"NAPAKA WALANG HIYA MO!" sigaw niya at binalibag ako sa bakal ng kulungan.
Dumugo ang gilid ng mukha 'ko tsaka ako tuluyang bumagsak.
Gusto 'kong himatayin nalang at hindi na maramdaman ang sakit, sobrang sakit ng katawan 'ko. Dinadagdagan pa ng babaeng ito.
"Kung hindi ka aalis sa Magic Island..." Lumapit siya saakin at hinatak ang damit 'ko. "Papatayin na kita.."
***
"Ano ba kasing naisip mo at ginawa mo 'yun sa kaibigan ni Ali?" Tanong ni Hailey habang may hinahandang langis.
"Puwede bang pagalingin mo nalang ako? Ang dami mong satsat" sabi ni Zayn. "Lakas ng loob mo salitaan ako niyan! Iwan kit dito eh."
"Subukan mo kukuryentihin kita"
"Subukan mo lang din para kamatayan na sunod na parusa sayo ng konseho"
Pagkasabi noon ni Hailey ay ang pag litaw ng mga konseho sa harap nila.
Tumayo kaagad si Hailey at yumuko, hindi tumayo si Zayn sa kahinaan ngunit nagbigay galang ito.
"Andito pala ang walang hiyang nakaligtas sa parusa ni Esmeralda" sabi ni Mathiya, isa sa mga konseho rin.
Yumuko lamang si Zayn.
Ang mga konseho na naroon ay sila Sihairo, Mathiya, Lemuel at Lisa.
"Pagagalingin 'ko lamang si Zayn, mga punong konseho" sabi ni Hailey. "Kailangan pa ba?" Sarcastic na sabi ni Mathiya.
"As far as I know, Zaynario's claiming the strongest name here. So what happened?" Sabi ni Mathiya "Joke lang! Kayo naman binibiro 'ko lang ang Luhano natin eh" dagdag nito.
Hinawakan ni Hailey and ulo ni Zayn tsaka ito pinahiga at ginagawa na ang proseso ng pagpapagaling.
"Alam mo na ngayon Zayn, huwag na huwag mo na gagalawin si Luna" sabi ni Lisa.
"Ginawa 'ko lang ang Tama, Punong konseho"
"Ikaw ang may tama" sabi ni Lisa. "Ano ba kasing pumasok sa isip mo at binugbog mo ang anak ng kapatid ng ating pinuno?" Tanong ni Lemuel.
"Saglit nga po, bakit nga ba anak ang tawag ni Miss Esmeralda kay Luna?" Tanong ni Zayn habang naka higa. "Shh." Sabi ni Hailey.
"Mukha bang alam namin iho? Malay ba naming want nilang dalawa maging family" sabi ni Mathiya.
"Gusto mo ba maki sali sa kanila?" Tumawa si Mathiya sa sinabi nito.
"Joke lang ulit"
Umiling lahat ng konseho sa kabaliwan ng kasama nila.
"Kamusta na po ang buwan na yun?" Tanong ni Zayn. "Buwan?"
"Si Luna, hindi ba buwan yun?" Sarcastic na sabi ni Zayn.
"Tinanong mo pa talaga? Bugbog sarado. Kung makikita mo lang ang mukha niya, maawa ka nalang din" sabi ni Lemuel. "Pero wala namang awa si Zayn" singit ni Mathiya.
"Siyempre joke lang ulit"
"Kanina nga hinahanap ka niya, kahit hinang hina siya, pumunta siya kung saan pinaparusahan ang mga immortal at inaalam kung ano ang parusa sayo. Napagalitan pa siya ng Mama niya" sabi ni Sihairo.
Napapikit si Zayn. "Bakit niya naman inaalam kung nasaan ako?"
"She might be worried or... She want to know if you're already die" sabi ni Mathiya at umupo. "Joke lang ulit"
"Hindi nga aprubado sa kaniya na parusahan kayo, Hindi namin alam kung bakit" sabi ni Lemuel.
"I wonder where she is now" sabi ni Zayn.
"Oooh! Don't tell me Zaynario Luhano... You're worried?" Napatayo si Mathiya sa sinabi niyang ito. "But impossible" dagdag nito.
Sa kalagitnaan ng mga paguusap ay bigla nalang bumagsak sa sahig si Sihairo na ikinagulat ng lahat. "SIHAIRO!"
Bigla itong nangisay at hinawakan ang kamay ni Lisa. "Sihairo anong nangyayari sayo?"
"Ang seer.." bulong ni Zayn kahit hindi niya ito nakikita.
"Nasa madilim na kapahamakan ang tatapos ng kasamaan" salita ni Sihairo habang nagingisay.
"Nasa madilim na kapahamakan ang tatapos ng kasamaan" ulit nito tsaka tumigil sa pangingisay at tumayo.
Umiling iling siya habang naka hawak sa ulo niya at kumuha ng suporta.
"N-nasa madilim na kapahamakan... A-ang tatapos ng kasamaan"
"Anong sinasabi mong..". napatigil si Lemuel nang hawakan siya ni Sihairo. "Nasaan si Esmeralda?"
"Bakit? Anong nangyayari?"
"Si Luna.."
Automatic na napaupo si Zayn sa pagkaka higa dahil sa panggagamot ni Hailey sa kaniya.
"Ano?"
"Nasa kapahamakan si Luna ngayon."
Nagulat ang lahat nang bigla nalang maglaho si Zayn. "Hailey, ipatawag mo ang kakambal mo ngayon din!" Utos ni Lisa. "Lemuel alamin mo kung nasaan si Luna ngayon, Mathiya hanapin mo si Esmeralda" utos muli ni Lisa.
"Sihairo, ano ang mga nakita mo?"
"S-si Luna, sa isang bangin. Madilim ang lahat, at.. puno siya ng sugat at nahihirapan na siya huminga."
Napatingin sila sa isa't isa. "Nasaan si Esmeralda?"
***
"Kahit insekto hindi 'ko pinapadapo sa anak 'ko, tapos.. hahagulgol siya nang dahil lang sayo?"
May apat na lalaki ang lumapit saakin at muli akong hinagis sa isang pader.
Kunti nalang, mawawalan na ako ng hininga.
Sobrang hapdi ng katawan 'ko at nagsusuka na ako ng dugo.
"Wala ng magagawa ang mga konseho kapag nakita ka nilang unti unti nagiging abo" sabi nito tsaka naglaho kami at napunta sa isang lugar kung saan may mga puno.
Napahandusay ako sa lapag at sumuka ng napaka raming dugo.
"M..mama.."
Napakapit ako sa mga damuhan at muling sumuka ng dugo. "Alam mo ba kung nasaan ka Luna?"
Naka mask na ngayon ang babae kasama ang apat lalaki.
Tumingala ako at doon 'ko lang napansin na may sugat ako sa leeg at dumudugo ito.
Hindi 'ko na kaya.
Kasabay ng pagtulo ng luha 'ko ay ang simula nang pagulan.
Lumapit ang babae saakin at linampaso ako.
Pakiramdam 'ko naliligo ako sa sarili 'kong dugo. Hindi 'ko na halos madilat ang mga mata 'ko.
"Nasa bangin ka.. Iha" bulong nito at kinaladkad ako papunta sa isang puno.
Nakapikit lang ako habang binubogbog nila ako ulit.
Paulit ulit at pati siguro atay 'ko nasuka 'ko na.
"Ang kamatayan mo ang aming aming kaligayahan" bulong ng babae tsaka ako pinalutang.
Lantang lanta ako at alam 'kong mamamatay na ako. Hindi 'ko na kaya.
Pumikit ako at dinama ang malakas na hangin na sumasalubong saakin.
***
"Ealy, wala ba talaga?" Naiinis na na tanong ni Esmeralda.
"Nagpatulong na ako sa mga serena at mga anghel." Ang sabi ni Ali.
Patuloy sa pag concentrate si Ealy.
Ang mga naamoy, nakikita at naririnig mula sa kaniyang isip ay tanging mga hampas ng alon, ingay sa kagubatan at ang mga boses ng mga immortal.
"H-hindi 'ko marinig kahit boses ni Luna" ang sabi nito.
"Nako, baka nakain na mg buwaya si Luna.." sabi ni Mathiya "Joke lang"
"Sa paglilibot ng mga kawal, wala silang nakita" sabi ng Pinuno.
"Nasa kapahamakan si Luna, hindi puwedeng nasa labas siya ng Magic Island" sabi ni Zayn.
Isang lalaki ang bumaba mula sa pagkakalipad. Isang nilalang na mayroong pakpak.
"Tevi.." sinalubong siya ng kaibigan niyang si Zayn.
Isinarado ni Tevi ang kaniyang maputing pakpak at naglaho nalang ito.
"Linibot 'ko ang buong Neverland, pero wala akong nakita. Kasabay pang madilim na" sabi ni Tevi.
"Sino bang immortal dito ang makakahanap kay Luna? Hah?" Tanong ni Zayn tsaka iritableng sumandal sa pader.
"Nandito na si Ealy, siya lang ang makakayanan na mahanap si Luna——"
"But she's useless!!" Sigaw ni Zayn. "Don't fvcking call me useless!!" Sigaw ni Ealy tsaka hinagis si Zayn sa isa pang pader gamit ang kapangyarihan.
Sa galit ay kinoryente ni Zayn si Ealy ngunit napigilan kaagad ito ni Lisa sa pamamagitan ng pagyanig ng lupa. "Sige mag away kayo" sabi nito.
"You see I'm helping Zayn? Hindi mo ba kayang maghintay? May limitasyon ang kapangyarihan 'ko!" Sabi ni Ealy.
"Ikaw nga walang naitutulong!" pagdepensa ni Hailey sa kaniyang kapatid.
Bumalik nalang si Zayn sa kaniyang puwesto.
Napunta ang atensyon nila sa isang bantay na pumasok. "Pinuno, mga konseho narito ang isang serena" sabi nito.
Pumasok ang isang naka tapis ng tuwalya na babae, paniguradong naganyong tao ito at pinalaho ang pagiging serena.
"Satrina.." lumapit si Ali dito sumunod ang mga iba pang tao.
Yumuko si Satrina sa Pinuno. "Sa aking paglilibot sa karagatan, kasama ang aking mga kasamahan. Hindi po namin nakita si Luna.." ang sabi nito.
Lahat ay nabigo sa sinabi nito.
"Ngunit may nakita po kaming grupo ng kalalakihan at isang babae na misteryosong naka mask. Malayo po sila pero narinig namin ang mga sinasabi nito, Ang narinig lang namin ay ang sabi ng babaeng Ang kamatayan mo ang aming kaligayahan"
Lahat ay nagulat sa sinabi ni Satrina.
"S-saan 'yan?" Tanong ni Esmeralda.
"Malapit po sa Prima hall, sa bangin kung saan namatay ang dating mag asawang pinuno" sabi ni Satrina.
Nagtinginan ang lahat. "Bangin kung saan namatay ang mag-asawang pinuno.." bulong ni Zayn.
"The Greensmith" ang sabi ni Ealy. "Hindi puwede... Baka namisunderstand nila ang apilyedo ni Luna!" Sabi ni Ali.
"Samahan mo kami doon Satrina!"
***
"Nagkakagulo sila.."
"Sino ang hinahanap nila?"
"Isang babaeng nasa kapahamakan daw, ayon sa pinakamatandang gabay"
Tahimik ang lahat. "Ano ang pangalan?"
"Luna Greensmith"
"Greensmith? May nabubuhay pa sa lahi ng mga Greensmith?"
"At siya ang nasa huling salita ng huling sorcerer"
Napatayo siya.
"Kailangan niya mamatay!"
"Siyang tunay."
"KAILANGAN MAMATAY ANG BABAENG NASA HULING SALITA NG HULING SORCER!!"
***
Nakalutang parin ako sa ere at nasa ibaba 'ko na ang bangin. Isang bitaw lang saakin ng babaeng ito, mamamatay na ako.
"May huling salita ka pa ba Luna?" Sabi ng babae.
Humugot ako ng lakas para magsalita, alam 'kong ikamamatay 'ko ito. "G-g-gus-t-to 'ko.... Nang m-ma-k-ka-al-lis" sabi 'ko at parang nahimatay.
Sobrang sakit ng katawan 'ko at kahit pagsalita ay hindi 'ko na kaya.
Umiiyak lamang ako dahil huling hininga 'ko naman na ito.
Tumawa ang babae "Eto na, tutuparin 'ko na ang hiling mo.. makakaalis kana sa mundong nabubuhay"
Ang sabi nito tsaka nakita 'kong isinarado ang palad.
Pumikit ako at hinawakan ang isa 'ko pang kamay.
Eto na ang huli 'kong oras.
Eto na.
Wala na ako sa ere. Bumababa na ako. Nararamdaman 'ko na may sumasabay na malalaking bato na bumababa rin at tinatamaan ako.
"Esmeralda.." Huling salita 'ko bago ako nawalan ng malay.
***
Napatigil si Esmeralda sa paglalakad nang marinig na may nagsambit ng pangalan nito.
Parang nadurog ang puso niya at napaupo. "L-luna.."
Lahat ng atensyon ay napunta sa kaniya.
"Ms.Esme.. anong meron kay Luna? Narinig niyo ba siya?" Tanong ni Ali.
"Esmeralda, anong nangyayari?" Tanong ng Pinuno. "Tinawag niya ang pangalan 'ko.."
"Tinawag niya ako."
______
Chapter 8 ?️
"Sa tingin mo pagkatapos nito mabubuhay ka pa?"
"Bakit sa tingin mo pagkatapos rin nito, buhay pa siya?"