08.
Hiwa-hiwalay na naghahanap sa kagubatan ang mga Konseho, mga kaibigan ni Luna kasama narin si Zayn at ang nga kaibigan nito.
Madaling araw na at hindi parin nila ito nahahanap, Kahit sa mga alam nilang bangin. Wala talaga.
Si Ealy ang kanilang inaasahan na una makakaramdam ng presensiya ni Luna.
Bukod sa pagbabasa ng isip, may kapangyarihan ding talas ng pandinig, talas ng pangamoy at nakaka-kita ng nagaganap sa malayong lugar mula sa imahe ng isip. Nakakaramdam din si Ealy kung buhay o patay ang isang nilalang.
"Kapag ako nainis liliyaban 'ko 'tong buong gubat" bulong ni Zayn. "Huy! Kalma! Mahahanap natin si Luna" sabi ni Tevi.
"Ilang oras nalang sisikat na ang araw. Pero yung buwan na 'yun hindi pa natin nakikita" sabi ni Zayn tsaka sumandal sa puno. "Letche"
"Buwan?"
"Si Luna" iritableng sabi ni Zayn.
Noong una hindi pa gets ni Tevi ang sinabi nito.
"Sino ba naman kasing nilalang ang dadakip kay buwan?" Bulong ni Zayn.
"Baka akala nila anak si Luna ng dating Pinuno" sabi ni Tevi. "Wala akong alam sa past ng Magic Island, hindi 'ko alam ang binabanggit mo" sabi ni Zayn.
"Zayn, ang mag asawang Greensmith ang namuno saamin noon, makapangyarihan sila, pero maraming may ayaw sa kanila dahil ang dating Pinuno na si Sotelo, hawak niya ay itim na mahika. Alam naman nating kapag itim ang mahika mo, masama kana kaagad. Ang kapangyarihan ni Sirius Sythrine Greensmith noon ay kapangyarihan na gaya ng buwan, konektado siya sa buwan kaya napaka makapangyarihan niya. Si Sotelo naman ay makapangyarihan din dahil sa itim na mahika. Mabuting nilalang ang mag-asawa, ngunit maraming may ayaw sa kanila kaya ipinatalsik sila. Isa pang dahilan ay noong sumugod ang mga maskos, ang akala ng lahat pinabayaan sila ng Pinuno dahil abala ang mag-asawa para protektahan ang anak nila. Ganun nalang ang galit nila sa mag asawa" Kuwento ni Tevi
"Pero bakit noong akala nilang si Luna ay anak ng mag-asawa dahil sa apilyedo, gusto nilang patayin?" Tanong ni Zayn.
"Dahil galit sila sa angkan ng mga Greensmith, at ang alam 'ko noon. Hindi nila hahayaan na may mabuhay pa mula sa lahi ng mga Greensmith. Mula sa mga magulang ni Sotelo at Sirius, kapatid, pinsan, tito at tita hanggang sa anak. Pinatay nila, ganun sila kagalit sa mga Greensmith" Natulala si Zayn sa kuwento ni Tevi.
Para bang napaka big deal ng apilyedong Greensmith. Matagal ng namumuhay si Zayn sa Magic Island pero walang kinuwento na ganiyan, tungkol sa mga dating namuno.
"Kaya ba sila galit dahil... Akala nila hindi maganda ang pamumuno ng mag asawa?" Tumango si Tevi. "Napaka inutil naman pala nila"
"Hindi, Zayn. Kung nandito ka noong mga araw na sumugod ang Maskos na wala ang mag asawa, magagalit ka rin. Dahil halos wala ng matira sa Neverland noon." Muling natulala si Zayn.
"Kaya delikado talaga si Luna?"
"Delikado na nga ang tao, pinaguusapan niyo pa. Hindi na lang kayo maghanap" singit ng isang babae.
Si Ealy.
"Wala kana doon" sabi ni Zayn. "Maghanap nalang tayo" sabi ni Tevi at ibinuka ang pakpak.
Nagpatuloy nalang sila sa pag hahanap kay Luna.
Nagsisimula nang kabahan si Ali, sa utos ng Pinuno ay halos lahat ng bantay sa Magic Island hinahanap narin si Luna.
Buong magdamag nilang linibot ang kagubatan kasama na ang mga bangin na malapit dito.
Pero wala silang natagpuang Luna.
Pero hindi sila nawalan ng pag asa, pinagpasiyahan nalang nila bumalik sa Neverland nang sumikat na ang araw.
Ang iba ay natulog, ang iba ay nanatiling gising.
"Hindi 'ko na alam kung saan natin hahanapin si Luna." Sabi ni Esmeralda tsaka pinagalaw ang gamit sa kusina para gawan siya ng kape.
"May iba pa bang bangin na hindi natin napuntahan?" Tanong ni Sihairo. "Sa sinabi ni Satrina, sa lugar kung saan malapit sa Prima hall narinig ang boses na iyon. Doon lang tayo pumunta" sagot ni Esmeralda.
"Then that means we missed her, baka sa ibang bangin si Luna" sabi ni Sihairo.
"How can you say po na sa bangin talaga siya dadalhin? Except sa sinabi ni Satrina?" Tanong ni Ali. "Nasa pangitain 'ko" sagot ni Sihairo.
Lahat ay walang masabi. Wala silng suggestion kung saan hahanapin si Luna.
"Why can't we find the suspect first?... I mean yung kumuha kay buwan" sabi ni Zayn "Kay Luna.."
"Paano?" Tanong ni Ealy.
"Sihairo! Diba kaya mo bumalik sa nakaraan-- I mean malaman ang nakaraan?" Lumapit si Zayn kay Sihairo. "Titignan 'ko kung sino ang dumukot kay Luna?"
"Exactly! Para malaman natin kung sino! Baka kilala natin siya at alam natin kung saan natin siya hahanapin" sabi ni Zayn.
Tahimik lang ang lahat sa suggestion ni Zayn.
"Kung hindi mo pa alam Zayn, Hindi kaya ni Sihairo tignan ang nakaraan ni Luna" sabi ni Sibeal. Kapatid ni Sihairo.
Alam ni Sibeal na alam ni Zayn ang bagay na 'yun, hindi lang puwede malaman ng lahat na sikreto nilang pinaguusapan si Luna. Masiyado itong pinapangalagaan ng Pinuno,mahirap na.
"Kahit manlang noong mga oras na pumunta siya sa training room? Nung umalis siya?" Sabi ni Zayn. "Hindi 'ko talaga kaya" sabi ni Sihairo.
"May kaibigan ako na kilala si Luna, kaya niyang makakita rin ng nakaraan. Ipapasubok 'ko sa kaniya" sabi ni Ali.
Sandali lang ay naglaho na si Ali at nagsimulang tumahimik ang lahat.
"I can't feel her presence" sabi ni Ealy. "It's either nasa labas na siya ng Magic Island or..."
"Hindi mamamatay si Luna, Ealy" sabi ng Pinuno. "Hindi siya puwedeng mamatay" sabi naman ni Zayn.
"Bukod sayo Zayn, sino pa ang mga naka away ni Luna?" Tanong ni Lisa.
"Hindi 'ko alam, si Alira lang may alam niyan" sabi ni Zayn.
"Baka sa pamilya ng mga naparusahan?" Suggestion ni Ealy. "Baka naghiganti sila?" Napatayo si Esmeralda "Tama ka. 'Yan din ang iniisip ni Luna noon kaya ayaw niyang parusahan ang mga Immortal"
"Baka isa sa kanila" ang sabi ni Lisa. "Pero.. sa dami ng mga maparusahan, sino sa kanila?"
Tahimik ang lahat sa sinabi ni Lisa. "Edi yung mga pamilya ng mga maldita.." singit ni Mathiya "Ang kontrabidang si Cattleya"
"Maari" sabi ng Pinuno. "Pero hindi dapat tayo humuhusga kaagad"
Napasandal sa upuan si Esmeralda.
"Kasalanan 'ko ba 'to? Kasalanan 'ko bang pagalitan siya at umalis siya ulit?" Sabi ni Esmeralda.
"Wala kang kasalanan Miss Esmeralda" sabi ni Ali na kakadating lang kasama si Mitch.
Ang kaibigan nitong kaya komontrol ng panahon na kilala rin si Luna.
Galit na tinignan ni Ali si Zayn na parang sinisisi. Napalunok naman ang lalaki.
"Ako ang may kasalanan" singit ni Zayn. "Mabuti alam mo" sabi ni Ali
"Hindi naman kasi mabubugbog si Luna kung hindi dahil sayo" sabi Ali. "Ginawa 'ko lang naman kung ano sa tingin 'ko ang tama" sabi ni Zayn.
"Anong tama doon?"
"Gusto 'ko lang naman alamin ang kapangyarihan niya." Tahimik ang lahat sa sinabi ni Zayn. "Ano bang mapapala mo kung malaman mo ang kapangyarihan niya?"
"I just want to know-"
"Diba sabi mo gusto mo siyang mawala dito sa Magic Island? Ano? Masaya kana na nawawala siya?" Naging pula ang mata ni Ali sa galit nito. "Do I look happy?"
"Tumigil na nga kayong dalawa" awat ng Pinuno. "Walang mangyayari kung mag sisisihan kayo"
Napasandal lang si Ali sa pader. "Malay ba nating si Zayn pala ang nagpadukot kay Luna"
"Hahanapin 'ko ba siya kung ako ang nagpakuha sa kaniya?" Depensa ni Zayn. "Oh bakit mo ba siya hinahanap hah? Hindi naman siya mawawala kung hindi dahil sayo-"
Hindi natapos ni Ali ang sasabihin nito nang liyaban ni Zayn ang braso ni Ali ngunit agad pinagalaw ni Ali ang napaka raming kutsilyo sa kusina at pinalipad ito kay Zayn.
"TUMIGIL NA KAYO!!" Sigaw ng Pinuno at binasag ang mga bintana.
Tumayo si Esmeralda at pinuwing ang nag aaway na si Ali at Zayn.
"Para kayong hindi magkadugo!" Sigaw ni Esmeralda. "Puwede ba? Wag kayong magpatayan" sabi ni Lisa.
Tumahimik si Ali at Zayn. Tumingin naman ang lahat sa kasama ni Ali na si Mitch. "Mitch.."
"Nawawala daw po si Luna.." salita ni Mitch "Susubukan 'ko ang lahat para tignan kung sino ang kumuha sa kaniya sa nakaraan"
Naglaho at pumunta sa harap ni Mitch ang Pinunong Luthanus.
"Gawin mo ang lahat para tulungan kami, Mitch." Sabi nito.
Nagsimulang umupo si Mitch at pumikit. Sinubukan niyang bumalik sa nakaraan kung saan umalis si Luna mula sa training room.
"AAAAAAG!!" sigaw nito.
Puro dilim lang ang nakikita nito, hindi niya makita ang nangyari sa nakaraan.
Muli niyang iminulat ang mga mata. "W-wala po akong nakikita" sabi ni Mitch. "Sigurado ka?"
"Puro dilim lang po ang nakikita 'ko. Hindi 'ko po makita ang nangyari kahapon" sabi nito.
"Hay nako, 'Wag niyo na kasi hanapin ang patay na" Singit ng isang babae na galing sa labas.
Natasha.
"What do you mean?" Tanong ng Pinuno. "Sorry to say but, She's dead" sabi ni Natasha.
Agad naglaho at lumitaw si Esmeralda sa harap ni Natasha.
Umilaw ang mga mata ni Esmeralda at nanlilisik "What makes you think that she's dead?!"
"C'mon Esmeralda, Naghahanap ba talaga kayo? Nauna 'ko pa malaman ang kalagayan ni Luna--"
"THEN WHERE IS SHE?!" Lumitaw rin sa harap ni Natasha si Zayn.
"Magingat ka iho, kasama ako sa konseho." Sabi ni Natasha.
"Gusto niyo malaman kung ano kalagayan ni Luna?"
"NASAAN SI LUNA?!" ang sigaw ni Esmeralda.
Umiling iling si Natasha. "Nasa bangin ng Laprima, wala ng hininga" nakangiting sabi ni Natasha.
Agad naman maglaho si Esmeralda sumunod si Zayn hanggang sa lahat na sila ay sumunod kay Esmeralda.
Ngumiti lang si Natasha mag-isa. "Tingnan mo mga naman ang kahalagahan ni Luna.." sabi nito at nag lakad lakad.
"Kung sino man ang dumukot sa Luna na iyon, kailangan 'ko siyang batiin"
***
Nag aagaw buhay si Luna sa isang bangin. Puno ng dugo at mapagkakamalang patay na.
May malaking sugat sa tiyan at ulo. May mga punit ang damit.
Kung iisipin, imposibleng buhay pa siya sa ganitong sitwasyon. Pero hindi, humihinga pa si Luna.
Hindi nga lang siya gising at nag aagaw buhay. Hinahabol ang hininga, nakikipag laro kay kamatayan.
Ikamamatay niya na sana ito dahil ubos na ang dugo niya, namumutla na siya at puno na siya ng sugat.
Kung mangyayari ito sa ibang Immortal, hindi nila ito kakayanin. Mamamatay na kaagad sila.
***
"LUNA!!" sigaw ni Ali. "NASAAN KA?!"
"Luna tawagin mo ang pangalan namin" bulong ni Esmeralda. "S-sandali.." sabi ni Ealy na agad kumuha ng atensyon nilang lahat.
"A-ano? Nandito ba si Luna?" Tanong ni Ali. "Ealy tell us" ang sabi naman ni Zayn.
Napa luhod si Ealy at tila ba'y nabibingi.
Mga paa.
"AAAAAAAGGG!!"
"Ealy! Ayos ka lang?" Tanong ng Pinuno.
Ingay ng dahon.
"AAAAAAAAAGH!!"
"Anong nangyayari?" Tanong ni Ali.
"May naririnig si Ealy" sabi ni Sihairo.
Nilalang.
"AGGGGHHHH!!" tumayo si Ealy, lumutang at umikot ikot hanggang sa yumanig ang lupa.
Lahat ay natumba dahil sa lakas ni Ealy.
Bigla nalang may hinagis na babae si Ealy mula sa ere na ikinagulat ng lahat.
"Kalaban" sabi ni Ali at nag si handa sila.
Kanya kanya silang nagpapailaw ng kanilang mga matang iba't iba ang kulay, pare-parehong naga-apoy sa isang grupo na pinapamunuan ng isang babae.
"Sino ka?" Tanong ni Mathiya.
Lumapag si Ealy sa lupa at naging asul ang mga mata.
Kakaibang ingay ang naririnig niya, ingay na nanggagaling sa katawan ng babaeng nasa harap nila.
Pero, hindi niya kayang mabasa ang isip ng babaeng iyon.
"Galing kang Hunterland? Bakit ka nandito?" Tanong ni Lisa. "SAGOT!"
"Nag hahanap ba kayo ng patay?" Tanong ng babae.
"Anong sinasabi mong patay?" Tanong ni Zayn na may lumalabas na parehong apoy at kuryente sa mga palad.
"I saw a dead body here, she's a girl without powers who can't beat me up... Pathetic" sabi nito.
"Sino ka ba talaga hah?!" Susugod na sana si Zayn nang may pumalibot sa kanilang matutulis at malalaking tinik. "Don't you ever attack her" sabi ni Mathiya.
"Sino ang tinutukoy mo?" Tanong ni Esmeralda. "Uhmmmmm..." Hinawakan nito ang baba niyo at umarteng mag iisip. "Sabi nila ang name niya.. Luna daw--"
Sigaw ang sunod na lumabas sa bibig ng babaeng iyon nang nakita nitong nagliliyab ang braso nito at nasusunog.
"Hayop ka!" Sigaw nito tsaka inatake sila ng mga kasamahan ng mga babae.
Walang ibang nagawa ang mga konseho at iba pa para lumaban.
Laban ito na wala ang mga kapangyarihang ginagamit.
Linapitan kaagad ni Esmeralda ang babaeng iyon. "Don't you ever--"
"NASAAN SIYA?!" galit na sabi ni Esmeralda at bawat hakbang niya ay ikinasisira ng lupa. "Speak or I'll send you in hell!"
Esmeralda spread her hands and pull out a Ice that freeze the whole forest.
Isang ugat ng puno ang pumulupot sa katawan ng babae. "Magsasalita ka o hindi?" matigas na sabi ni Esmeralda.
Nagulat silang lahat nang napaka raming nilalang ang pumalibot sa kanila, mga naka itim.
Lalaban sana sila nang lumutang si Lisa at may lumabas na puting mahika sa kaniyang palad.
Pinagmasdan nila kung pano umikot ikot sa ere si Lisa at puksain ng kaniyang kapangyarihan ang mga nakapalibot sa kanila. Nagulat din doon ang babaeng nasa harap ni Esmeralda. "You don't deserve your forces." ang sabi ng babae tsaka buong lakas tinanggal ang nakapulupot sa kaniya at naglaho papunta sa likod ni esmeralda at pinatalsik ito sa isang bato.
"WALANG HIYA KA!!" ang sigaw ni Sibeal.
Sama sama sana nilang susugurin ang babae nang isang itim na salamangka ang lumabas sa palad nito at pinatumba ang lahat.
"WITCH!" sigaw ng Pinuno tsaka napalibutan sila ng asul na mahika at naglaho papunta sa babaeng iyon. "SINO KA?!" ang sigaw nito.
Naglaho rin si Sihairo papunta sa babaeng iyon at hinawakan ang balikat.
"Nasa madilim na kapahamakan ang tatapos ng kasamaan"
"AGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGHH!!"
"LUNA!!"
"TAMA NA!"
"Nasa bangin ka.. Iha"
"PAPATAYIN KITA!!"
"LUNA!!" ang sigaw ni Sihairo tsaka bumalik sa mga kasama. "Siya ang kumuha kay Luna" ang sbai nito.
Kaagad namang lumapit si Zayn sa babae at kinuryente ito. "TUMIGIL KAYO!!" sigaw ng babae at prinoktahan ang sarili.
Bumalik ang mga kasama sa kaniya, ganun din ang mga konseho.
"Nasaan si Luna?!" tanong ng Pinuno. "PATAY NA SIYA! WALA NA!"
"Hayup ka!" ang sigaw ni Ali.
Nagsanib-puwersa silang lahat para puksain ang babaeng nasa harap nila kasama ang mga kasama nitong mga may tim na mahika.
Ngunit agad itong nalabanan ng mga itim na mahikero. "Sabihin mo kung nasaan si Luna! Kung gusto mo pang mabuhay!" sigaw ni Mathiya. "Anong dahilan mo para kuhain siya at saktan?" tanong ni Sibeal.
"Wala ng kuwenta kung hahanapin niyo pa siya, nag lalakbay na siya sa kabilang buhay" Ang sabi ng babae tsaka naglaho.
Pero nagtataka nang muli siyang bumalik sa puwesto niya kanina kaharap ang mga Immortal sa Neverland.
Ngumiti si Esmeralda "Sa tingin mo pagkatapos nito mabubuhay ka pa?" sabi ni Esmeralda.
"Bakit sa tingin mo pagkatapos rin nito, buhay pa siya?" ang depensa rin ng babae.
"Bakit Ealy? nararamdaman mo pa ba si Luna? hindi na diba? dahil kinuha 'ko na ang buhay niya-" hindi niya natapos ang sinabi niya nang nakagapos na siya sa isang nagliliyab na kadena.
"Ang sarap mo patayin, Nilalang" sabi ni Zayn.
***
Isang Dragonnet- isang uri ng dragon, ang lumapag sa lupa malapit lang kung saan naroon si Luna.
Sa una ay tinitignan lang ito ng dragon at ayaw lumapit dahil sa dami ng dugo nito, akala ng dragon... Patay na ang nilalang na ito.
Lumipad siya papunta sa kabilang side ni Luna at tinititigan ito. Sinusuri ng dragon ang babaeng ito, mula ulo hanggang paa.
Sinubukan nitong hipan si Luna ngunit hindi ito gumagalaw, pero nalaman ng Dragonnet na buhay ito dahil humihinga pa si Luna.
Lumipad ang Dragonnet papunta sa gubat para kumuha ng prutas at halamang gamot, marami itong kinuhang prutas para daw kung sakaling magising ito at nagugutom.
Nang makarating ay sinubukan ng dragon na gisingin si Luna, pero kahit anong gawin niya ay hindi ito nagigising kaya napaupo nalang ang Dragonnet para kainin ang ilang prutas.
Linagay niya rin ang halamang gamot sa mga sugat ni Luna, Oo basta lang niya itong linagay dahil hindi naman alam ng dragon kung paano ito gamitin.
Titig na titig ang Dragonnet kay Luna habang lumalamon ng bayabas. Napunta ang tingin niya sa mata ni Luna at lumapit siya rito.
Pero agad na lumipad sa gulat nang minulat ni Luna ang mga mata. Nag umpisa gumawa ng ingay ang Dragonnet na iyon.
***
"Hindi ka parin mag sasalita?" tanong ng Pinuno.
Nanatiling tahimik ang babaeng iyon kasama ang mga kasamahan niya sa loob ng nangunguryenteng selda. "Bakit mo sinaktan si Luna?" ang tanong ni Sihairo,.
"Kung hindi ka pa magsasalita, gagawin na talaga kitang abo" ang sabi ni Zayn na ikinagulat nilang lahat. "Zayn.." pagpapakalma ni Tevi.
"Bakit ka nag aala Zaynario? Diba ikaw rin naman ang unang nangbugbog sa kaniya?" ang sabi ng babae. "Diba?"
"I don't want anybody hurt her unless it's me" ang depensa ni Zayn.
"Anong pangalan mo?" tanong ng Pinuno. "TINATANONG KITA!!"
Nanatiling kalmado ang babaeng iyon. "Ayaw mo magsalita?" pananakot ni Luthanus. "Halika dito Mathiya" sabi ng Pinuno at nataranta naman kaagad ang babaeng iyon. "'Wa-wag!"
"At bakit hindi? ayaw mo rin naman magsalita" sabi pa ng Pinuno nang katabi niya na si Mathiya. "Hi dear, ready kana mamatay?" pang aasar ni Mathiya.
Si Mathiya na kayang magbigay at kumuha ng kapangyarihan ng isang nilalang na nanaisin niya. Kaya niyang lumikha ng kapangyarihan para sa isang nilalang, o puwede niyang kuhain o patayin ang kapangyarihang ito na magiging dahilan ng panghihina na puwedeng ikamatay. Kaya niya ito gawin kahit kanino, ngunit may limitasyon ito.
"Sabihin mo na kung sino ka, kung ayaw mong patayin ka ni Mathiya" ang sabi ng Pinuno. "A-ako si Amethyst, grupo kami ng itim na mahika. G-galing kaming Hunterland" sabi ng babaeng nangangalang Amethyst.
"Nasaan si Luna?" tanong ni Esmeralda. "Saan mo siya dinala?" tanong nito muli.
"N-nasa bangin si Luna... patay na siya" ang sabi ni Amethyst.
Naging pula ang mata ni Zayn at lumapit sa selda. "MAGSABI KA NG TOTOO!"
"Nagsasabi ako ng totoo!" sigaw ni Amethyst. "Patay na siya.. sa huling kita 'ko sa kaniya."
"Hayop ka!" sigaw ni Ali at nag laho papunta sa harap ni Amethyst para sakalin ito.
"PATAY NA SIYA! OO INAAMIN 'KO PINATAY 'KO SIYA!!" sigaw ni Amethyst.
Lahat ay linalamon ng gulat at galit. "HAYOP KA 'WAG KA MAG SINUNGALING!!" sigaw naman ni Esmeralda.
"Nag.. nagsasabi siya ng totoo" ang sabi ni Ealy. "P-pinatay niya nga si L-Luna"
Lahat ay nagtinginan kay Ealy, ngunit napunta ang atensyon nila kay Sihairo na nangingisay sa lapag. "SIHAIRO!"
"May pangitain ang seer" sabi ni Ali tsaka binitawan si Amethyst.
Umilaw ng puti ang mga mata ni Sihairo at sumigaw.
Isang babae, may napaka lakas na kapangyarihan, gaya ng kaniyang ina na ipinanganak sa buwan, siya ay naglalakad sa karagatan habang nababasa ang huling tela ng kaniyang suot. Laban sa malalaking alon sa dagat ay ang pagka wagi ng kaniyang misyon. Isa siya sa pinaka malakas ng nilalang sa mundo ng mahika na walang makakapantay kahit sino, kahit ang makapangyarihang magulang. Siya ang papatay sa isang itim na panginoong dyosa na matagal nang naghahari-harian sa mundo ng mahika. Siya ang magliligtas sa napaka raming nilalang, siya ang nasa huling salita ng huling sorcerer.
"Ang isang babaeng hindi namamatay at hindi mamamatay na may napaka lakas na kapangyarihan ang isinilang sa isang bundok kung saan nagniningning ang higanteng buwan kung saan rin namatay ang kaniyang mga magulang na ipinasa ang mga kapangyarihan nilang walang makakapantay ay ang magliligtas sa mundo ng mahika. At tatlong nilalang ang tutulong sa makapangyarihang babaeng iyon ay mamamatay na bubuhayin ng makapangyarihan" salita ni Sihairo na ipinagtaka ng lahat kahit sila Amethyst.
Nawala ang liwanag sa mata ni Sihairo at dahan dahang umupo.
Lahat ay gulong g**o sa sinabi ni Sihairo. Kahit na si Amethyst ay gulong g**o.
"Naka kita ka ng propesiya, gabay?" tanong ni Amethyst. "'Wag niyong sabihing hindi niyo naiisip ang iniisip 'ko" napatingin silang lahat kay Amethyst.
"Nandito na ang nasa huling salita ng huling sorcerer?" tanong ni Ealy. Tumango si Amethyst.
"Ang sabi sa propesiya, makapangyarihan na babae na ipinanganak sa bundok kung saan nangliliwanag ang higanteng buwan?" takang tanong ni Sibeal.
"At doon rin daw namatay ang mga magulang niya" sabi ni Mathiya.
"Sa aking pagkaka alala, namatay si Sythrine sa bundok malapit sa Prima Hall, doon nag liliwanag ang higanteng buwan. At sinundan ito ni Sotelo. Doon natapos ang pagmamahalan ng mag-asawa" sabi ni Lemuel.
"May punto ka Lemuel, pero ang anak nila? Saan ito pinanganak?" tanong ni Pinunong Luthanus.
"Sa nakaraan, wala akong naalalang pinanganak ang anak nila Sirius sa bundok" sabi ni Sihairo. "Pero sandali" sabi ni Esmeralda..
"Dalawa ang anak ng dating pinuno, lalaki ang isa hindi ba? pinanganak ito sa tahanan nila. Pero sa pagkaka alala 'ko rin, walang nabanggit sa nakaraang storya na ipinanganak ang pangalawang anak nila Sirius" sabi ni Esmeralda.
"Tama ka Esmeralda" sabi ni Lisa. "Buntis si Sythrine nang namatay silang dalawa ni Sotelo, hindi na natin na pagusapan ang pangalawang anak nila noon" pahayag ni Lisa.
"Paano kung bago namatay ang mag asawa, naipanganak na ni Sythrine ang anak nila?" sabi ni Lemuel.
"Greensmith rin si Luna pero imposible naman diba?" sabi ni Ali.
"Sa mundo ng mga tao namuhay si Luna, at nakasama pa ni Luna ang mga magulang niya. kaya imposible" sabi ni Tevi.
"Ito ang pala isipan naming mga konseho palang, akala namin anak ni Sythrine at Sotelo si Luna" sabi ng Pinuno. "Baka tama si Natasha, mali ata kami"
"Pero isa lang ang sigurado tayo, nandito na siya. Nandito na ang babaeng magliligtas saatin" sabi ni Lisa. "Kailangan nga lang natin siya sanayin." sabi ni Sibeal.
"Pero paano na si Luna ngayon? " sabi ni Zayn. "Bakit kung kailan nawawala si Luna tsaka lumabas 'yang propesiya niyo?"
Lahat ay napatingin kay Zayn. "Kasama ba si Luna sa propesiya?"
_________
Chapter 9 ?️
"Anong magandang balita mo?"
"May kapangyarihan na ako"