Chapter 9: Finally found

4555 Words
09. "WHAT THE HELL ZAYN!!" Sigaw ng isang babaeng kulay puti ang buhok. Cattleya Astor. "KUNG DAHIL 'TO SA BABAENG LUNA 'YUN WALA AKONG ALAM!!" Sigaw ni Cattleya ulit, Tinulak siya ni Zayn sa pader habang ang siko nito ay nasa leeg ni Cattleya. "Are you fvking sure?" "Oo! Bakit 'ko naman papatayin 'yung eh hindi pa naman kami naguusap? so let me fvking go!" nanglalaban si Cattleya kay Zayn. "Naparusahan ka for the first time and I know how wild you and your family are." tinignan siya ng masama ni Zayn. "Hinding hindi ako papatay nang dahil lang doon! 'Wag kang mambibintang!" sigaw ng dalaga. "Then kung hindi nga ikaw o kayo, tulungan mo kami maghanap" "FVCK OFCOURES NOT!! I WON'T!!" Tinulak ng malakas ni Cattleya si Zayn. "Are you guilty?" "Wala naman akong pakealam sa babaeng 'yun! I don't even know her! Let her die Zayn--" hindi natapos ang sasabihin ni Cattleya nang may kuryente siyang nakita sa palad ni Zayn. Nagulat naman siya roon nang papunta ito sa kaniiya kaya nag laho kaagad siya papunta sa ibang puwesto at ginawang nagyeyelo ang buong kuwarto. Iyan ang kaniyang kapangyarihan. "Mamatay na sana ang Luna na 'yun!" Sigaw nito tsaka tuluyang nag laho. *** Patuloy na nakatingin ang Dragonnet sa gising ngunit nanghihina na si Luna. Sinusubukan ng Dragon na bigyan ng mangga si Luna pero nakatingin lang si Luna dito. Namamaga ang buong mukha, sugatan at parang patay na. Kung nakakapagsalita lang ang Dragonnet na ito malamang, nasabi niya nang Bakit ayaw mo mag eat? Bakit ka may sugat? Sino umaway sayo? Lumapit ang Dragon kay Luna at dahan dahang tinapik ang ulo nito. Kumuha pa ang Dragon na ito ng maraming prutas, baka daw kasi nakukulangan si Luna. Kumuha rin ang Dragonnet na iyon ng kahoy at pinaapoy ito. Pumikit si Luna at ngumiti. Gusto niyang alamin kung buhay pa ba talaga siya, dahil sa sakit na nararamdaman niya.. parang mamamatay na siya. Lumipad lipad naman ng Dragon sa harap ni Luna para aliwin ito. Tila ba'y sumasayaw pa nga ito. Napangiti lang doon si Luna kahit pa nanlalabo ang mga mata nito at muling naka tulog. Nag iling iling naman ang Dragon dahil tulog nanaman ang babaeng nasa harap niya kaya umupo nalang ito at naghintay magising ulit si Luna. "Haawww" *** "May mga nakita ba kayo?" tanong ni Esmeralda sa mga bantay "Miss Esmeralda, wala po kaming nakita kahit isang bangkay na nasa bangin" ang sabi ng bantay. "Nasiguro mo na ba? baka may bangin pa kayo na hindi ba napuntahan" ang sabi ni Ali. "Isang bangin po ang hindi namin napuntahan, ang bangin ng Ciara. Ipag paumanhin niyo pero hindi namin kayang puntahan iyon" sagot ng bantay. "Sige, salamat" sabi ni Ealy tsaka umalis ang mga bantay. "Bangin ng Ciara.." bulong ni Ali. "Walang magtatangkang pumunta roon" sabi ni Esmeralda habang nakatulala. "Paanong wala si Luna sa mga bangin na nandito? linoloko ba tayo ng Amethyst na 'yun?" ang sabi naman ni Ealy. "Ikaw ang may kapangyarihan ng pagbabasa ng isip, hindi mo nalaman kung nagsisinungaling siya?" tanong ni Ali. "Wala naman akong nakitang pagsisinungaling sa kaniya eh. I don't know" "Ms.Esmeralda... puwede po ba akong mag tanong?" hinarap ni Esmeralda si Ali. "Nagtatanong kana" Napalunok si Ali. "Uhm.. 'yung sinasabi po nilang si Sythrine at Sotelo, naabutan niyo po ba sila?" tanong nito. Huminga ng malalim si Esmeralda bago sumagot. "Isa ako sa nag-alaga kay Sirius noong pinag bubuntis niya ang una niyang anak, naging kaibigan 'ko siya" Nagulat silang dalawa ni Ealy sa sagot ni Esmeralda. "So.. may alam po kayo sa pinagdaanan nila ng asawa niya?" tumango si Esme sa tanong ni Ali. "Nasaksihan 'ko kung paano nila linabanan ang lahat kahit ikamamatay nila 'yun." "Talaga po? Kawawa naman sila, ano po nangyari?" tanong ulit ni Ali. "Alam mo Alira, puwede mo naman itanong 'yan kay Tevi nalang. Saksi rin naman siya kahit bata pa siya noon" sabi ni Esmeralda. Napatahimik si Ali at ngumiti ng pilit "P-papakuwento nga ako sa kaniya" bulong ni Ali. Tumahimik nalang ang dalawang dalaga dahil wala sa mood ang kanilang kasama. "Asan na ba kasi si Luna??" Bulong ni Ali. Tahimik lang sila na naglalakad nang huminto silang tatlo. "May naamoy ako" -Alira "May nilalang na nakapaligid saatin" -Ealy. "Sumusunod sila, kalaban" -Esmeralda. "Pero.. pero may mali" sabi ni Ali. "May mali" "Ganun din ang pakiramdam 'ko Alira, may mali. Hindi basta basta ang nararamdaman 'ko" sabi ni Ealy. Tuloy ang pagpapakiramdam ni Ali, ang talas ng kaniyang pangamoy ay lalong nakakabaliw. "Agh" "M-masangsang na amoy, amoy ng nabubulok, parang kanal" sabi ni Ali. Nagulat silang lahat nang tatlong nakaitim na lalaki ang sumalubong sa kanila, nakatakip ang mukha, itim ang buong mata, at may mga putik sa katawan. Naalarma ang tatlong babae. "Sino kayo?!" Sabay sabay nilang tanong. "Naaamoy 'ko ang nabubulok niyong laman" sabi ni Ali. "May mali sa kanila!" Sigaw ni Ealy at pinalutang ang bato at binato sa isang nilalang na naka itim. Pero tumagos lang ito na ikinagulat ng lahat. "Hindi siya natamaan, tumagos lang ito" sabi ni Ealy. "H-hindi sila nabubuhay" sabi ni Esmeralda. "Patay na sila!" "P-posible ba 'yun?" Kinikilabutan na tanong ni Ali. "Oo, pero sa mga nagdaan na istorya ng Magic Island. Wala na ngayon" sabi ni Ealy. "Isang bathala lang ang kaya pababain ang mga patay" sabi ni Esmeralda. "Kung ganun Ms.Esme paano natin sila lalabanan?" Tanong ni Ali. "Ang mga katulad nila ay parang multo, ngunit ang huling kuwento saakin ni senior Abraham, nakakalaban pa sila ng mga nabubuhay, pero hindi sila namamatay dahil patay na sila" sabi ni Esmeralda. "Ang kuwento tungkol sa kanila, kasagsagan pa ng away ng Reyna Acshie at kapatid nito ang paglitaw ng mga patay" sabi ni Ealy. Sinubukan ni Esmeralda na atakihin ang tatlong lalaking iyon ng kapangyarihan niya ngunit tumagos lang ito at sumabog sa puno. "Sht!" Bulong ni Esmeralda. "Hindi sila tinatablan" "Utos ng itim na dyosa, bumaba sa lupa, patayin ang nasa propesiya, basagin ang nakatakda" salita ng isa sa mga lalaking iyon. "Utos ng itim na dyosa? A-akala 'ko ba natutulog siya?" Tanong ni Ali. "Sapalagay 'ko... N-nagising siya dahil... Dahil nandito na ang tagapagligtas natin?" Sabi ni Esmeralda. "P-pero sino ang itim na diyosang tinutukoy niya? Y-yung matagal... Matagal nang nakahimbing?" Tanong nk Ali. "Pero totoo bang gising siya? Kinikilabutan ako" sabi ni Ealy. "Patayin ang may marka ng kalahating buwan" sabi ng tatlong lalaki at naglakad papunta keyla Ali, Ealy at Esmeralda. Agad naman silang naglaho papunta sa likod nito. "Tumigil kayo!" Sigaw ni Ealy. "Ms.Esme anong gagawin natin?" "Tumahimik kayo" utos ni Esmeralda sa dalawa. "Mapapatay nila tayo, pero hindi natin sila mapapatay." Naghanda ang tatlong babae tsaka nila rin inihanda ang kanilang kapangyarihang nasa kanilang palad. "HHAAAAAAAAAHHGHHH!!!" sabay nilang sigaw at inatake ang tatlong patay. Tumalsik lang sila at napahiga na may nararamdamang sakit. "Patayin si Luna" sabi ng isang itim na lalake tsaka sila naglaho. "PUNYETA!" sigaw ni Ali. "Bakit nila papatayin si Luna?" Tanong ni Ealy, "Kung ganun buhay pa nga si Luna" ang sabi ni Esmeralda. "A-ang g**o! Bakit nila papatayin si Luna? Anong meron si Luna?" "Ms.Esme papatayin nila si Luna! Kailangan na natin siya mahanap" nag papanic na sabi ni Ali. "Ang sabi nila papatayin nila ang tinakda, bakit si Luna ang papatayin nila?" tanong ni Ealy. "Hindi mo nabasa ang utak nila?" tanong ni Ali "Wala na silang utak at pagiisip Ali dahil patay na sila, may komokontrol na sa kanila ngayon" "Isa lang ang naiisip 'ko kung bakit papatayin nila si Luna" sabi ni Ealy. "S-siya ang... itinakda?" tanong ni Ali at tumango naman si Ealy. Humarap silang dalawa kay Esmeralda. "Hindi si Luna ang tinakda, hindi siya 'yun. 'Wag na kayo mag isip ng kung ano ano" "Pero ang sabi ng mga 'yun papatayin nila si Luna! Anong kinalaman ni Luna doon--" hindi natapos ni Ali ang sasabihan niya nang maging pula ang mga mata ni Esmeralda. "Sabi 'kong tama na!" "Hindi si Luna ang nasa propesiya! Ano ganun ganun nalang 'yun? Hindi basta basta ang pangalang ibibintang niyo kay Luna! bumalik na tayo!" Utos ni Esmeralda tsaka ito naglaho. "Tama naman si Ms.Esme, Alira. Hindi basta basta 'yun" inakbayan ni Ealy si Luna. "Tara na" at sabay silang naglaho. *** "Bakit hindi ka pumayag? Puwede mo na siyang ma-landi nun Cattleya" sabi ng kaibigan ni Cattleya, si Zirifae. "But I don't want to help them, bakit kasi hindi nalang nila hayaan mamatay 'yang Luna na 'yan?" "Si Zayn naman mukhang tanga, binugubog tapos ngayon alalang alala" sabi ni Zairifae. "'Yun din ang pinagtataka 'ko sa Zayn na 'yun eh, baka nga siya pumatay kay Luna" sabi ni Cattleya. "Magagawa ba 'yun ni Zayn? Maybe he just don't want to be punished again" tinignan ni Cattleya ang kaibigan. "Maybe, matigas naman puso nun" "Baka naman pinagyelo mo ang puso nun" sabi ni Zirifae "Ofcoure I don't" Tuloy tuloy sila sa paglalakad sa tabing gubat malapit sa isang bangin... bangin kung nasaan si Luna at ang Dragon na natutulog. *** "What do you mean?" tarantang tanong ni Lisa. "Naghihinala si Ealy at Ali sa katauhan ni Luna, puwedeng sabihin nila ito sa iba" ang sabi ni Esmeralda. "Manganganib si Luna!" sabi ni Lisa. "I told you before Esmeralda to train her to be powerful! Nang sa ganun kung darating man ang araw na aatakihin siya makakalaban na siya" "Ginawa 'ko naman for a short time! 'Yung kapangyarihan niya lang ang ayaw magpakita!" depensa ni Esmeralda. "Ayaw magpakita ng kapangyarihan niya, pakiramdam 'ko plinano 'to nila Sotelo at Sirius" sabi ni Esmeralda. "Anong plinano?" "Baka sa sobrang pagprotekta nila kay Luna, pinatulog nito ang kapangyarihan nito, baka nga kinuha na nila ang kapangyarihan ng anak nila para ma protektahan" ang sabi ni Esmeralda. "No Esme" "Nasa propesiya na ipinasa ng magasawa ang buong lakas nila para sa Anak, maaring hindi pa ito ang oras para ilabas ni Luna ang kapangyarihan niya" sabi ni Lisa. Ang Isang babaeng hindi namamatay at hindi mamamatay na may napaka lakas na kapangyarihan ang isinilang sa isang bundok kung saan nagniningning ang higanteng buwan kung saan rin namatay ang kaniyang mga magulang na ipinasa ang mga kapangyarihan nilang walang makakapantay ay ang magliligtas sa mundo ng mahika. At tatlong nilalang ang tutulong sa makapangyarihang babaeng iyon ay mamamatay na bubuhayin ng makapangyarihan. Ang pag-alala nila sa propesiya ni Sihairo. "Kailangan nating makausap sila Ealy at Ali na 'wag sabihin ang nalaman nila, baka maghinala rin ang iba sa katauhan ni Luna." Napaupo si Lisa at bumuntong hininga. "Pero Lisa may mga pagkakataon na nagagamit ni Luna ang kapangyarihan niya." "Tulad ng alin?" "Noong nag t-training kami, nagamit ni Luna ang kapangyarihan niya para pigilan ang kapangyarihan 'ko, Hindi iyun basta basta gaya ng inaakala niya. Noong una niya akong nakita, hinabol niya ako para sa kuwintas niya kahit umuulan noon, pinatigil niya ang mundo." sabi ni Esmeralda. "It can be... nagagamit ni Luna ang kapangyarihan niya ng hindi nito alam?" napaisip mabuti si Lisa. "Oo, kaya kung may mangyayari kay Luna sa bangin kung nasaan siya ngayon, puwedeng lumabas ang kapangyarihan niya" "Kailangan na natin siya mahanap Esmeralda, kailangan tayo ang unang makakakita ng kapangyarihan niya" Tumayo si Lisa at lumapit sa kaibigan. "Kailangan hindi nila malaman na si Luna ang nasa propesiya, na siya ang huling salita ng huling sorcerer, kung hindi... maraming aatake sa kaniya" *** "Aggh..." Bulong ni Luna tsaka pinikit ang mga matang lumuluha. Umaga na nang dalhan ulit siya ng Dragon ng mga prutas. Patuloy namang bigo ang Dragonnet na iyon dahil hindi maka-kain si Luna. "D-dragon..." Salita nito at agad lumapit ang Dragon sa kaniya. Mangiyak ngiyak si Luna sa sakit na naramdaman niya. "P-pumunta... k-ka k-kay m-mama" sabi ni Luna. Nagtataka naman ang Dragon sa mama na sinabi ni Luna, hindi nito lubos kilala ang babaeng nasa harap niya, kaya wala siyang alam sa Mama na tinutukoy nito. Napapikit nalang ulit ang dalaga atsaka dinama ang ulan na pumapatak ngayon sa mukha at katawan niya. Kasabay ng luha niya ay ang pagtulo ng ulan sa mga mata niya. Takot at kaba ang nararamdaman nito para sa buhay niya. Hindi pa gusto mamatay ni Luna ngunit 'yun ang nararamdaman niya. *** "TATLONG ARAW NA!" sigaw ng Pinuno. "Tatlong araw ng nawawala si Luna" "Hindi 'ko maintindihan kung bakit... bakit hindi parin siya nakikita? Imposibleng nasa labas siya ng Magic Island" ang sabi ni Lisa na gulong g**o rin. "Bakit niyo ba kasi siya hinahanap? What value does she have?" komento ni Natasha. "Lahat ng nilalang dito sa Magic Island ay sakop ng pangangalaga 'ko, Kailangan maging responsable ako sa pagiging pinuno, buhay ng mga Immortal dito ang kailangan 'ko pangalagaan, at kasama doon si Luna. Ipapahanap 'ko siya kahit sa kabilang buhay pa 'yan" sabi ng Pinunong Luthanus. "Tama naman ang Pinuno, Natasha. Para saan pang konseho tayo at may kapangyarihan kung gagamitin natin ito sa wala? Hindi kasi lagi ay kasarapan ang ginagawa mo- natin Natasha, minsan ay kailangan din nating bigyan pansin ang nasasakupan natin" sabi ni Sibeal. "Wow, are you saying Sibeal Alcantara that I'm irresponsible of my work because of that Luna?" depensa ni Natasha. "Isa si Luna sa mga estudyante dito Natasha, Lahat ng estudyante ay dapat nating pangalagaan" salita ni Therine. "Hindi mo mapagkakailang maypagkukulang ka rin bilang konseho, Natasha" sabi ni Lemuel. "Kakulangan? You're pointing at me? Seriously Lemuel? Bakit parang ako pa ang malaking kakulangan keysa kay Jaruto na hindi 'ko na maramdamang konseho pala. Ni-isang pagpupulong ay hirap niyang puntahan! Karapatdapat pa ba siya sa puwesto niya?" tanong ni Natasha. "Hindi karin naman karapatdapat sa posisyon mo Natasha, nagtanong ba kami?" singit ni Esmeralda. "At may problemang kinahaharap si Jaruto, be understanding" "Eh ako tinanong niyo ba ako kung may problema ako? Meron din kaya be understanding too" depensa ni Natasha. "Sa dilim ng mukha mo mukha ka ngang problemado" sarkastikong sabi ni Lemuel. Sinamaan kaagad siya ng tingin ni Natasha. "'Wag na kayo magtalo! All we have to do is find Luna" sabi ng Pinuno. "At alamin ang mga patay na bumangon sa hukay na nakasalamuha nila Esmeralda" "Sa mga pagbabantay ng mga bantay, wala pala silang nakikita kahit isa" sabi ni Israel, Punong heneral ng mga taga bantay. "Esmeralda, Lisa, kayo ang mamuno sa paghahanap kay Luna, Isama niyo si Helena para kung sakaling sugurin kayo ng mga patay na iyon" utos ng Pinuno. "Masusunod" Natasha rolled her eyes. "Sihairo, may nakita ka bang kakaiba sa propesiya?" tanong ng pinuno. "Wala pinuno, pero kagabi napanaginipan 'ko ang isang babae na may kasamang dragon... sinasabi doon ay nakaligtas siya mula sa kamatayan. Hindi 'ko ito maintindihan" "Babaeng may kasamang dragon na nakaligtas sa kamatayan? Sino 'yun?" ang tanog ni Therine. "Could it be Luna?" "Iniisip 'ko rin 'yan" sabi ni Sihairo. "Kailangan natin mahanap ang dragon na 'yan" sabi ni Lisa. Lumabas ang lahat mula sa Council Room at humarap sa mga kasama nito sa labas ng kampo. Sila Ali, Zayn, Helena, Ealy, Tevi at mga kawal. "Maghahanap sa kabilang isla si Esmeralda at Lisa para kay Luna, ang mga sasama... Maghanda kayo" Sabi ng Pinuno. "Sama ako?" tanong ni Helena. "Oo, protektahan mo kami" sabi ni Ali tsaka tumayo at kumuha ng mga patalim. " W-wow" "Sama rin ako" sabi ni Zayn. "'Wag na dito kana, abala ka lang eh" sabi ni Ali. "Ako pa naging abala? Sino ka ba?" "Kaibigan ng nawawala, eh ikaw? ano ka niya? Kaaway." sabi ni Ali tsaka lumapit kay Esmeralda at Ali. "Siyempre sama rin ako" sabi ni Ealy. "Ako rin! I wan't to help" sabi ni Tevi . "Ayan Tevi, sumama ka" "Si Tevi sasama ako hindi?" reklamo ni Zayn. "Mas matino siya keysa sayo" "NO!!" "No mo mukha mo, tara na" sabi ni Ali. "Sasama ako!" sigaw ni Zayn. "Miss Esme, Miss Lisa.... pu-puwede po bang..." napatigil ang lahat sa salita ni Tevi. "Ano?" "M-maligo... sa isla?" tanong ni Tevi at sabay napatingin sa napaka gandang Isla ng Ethereal .Naghahalong berde at asul ang kulay ng karagatan, walang mga tao, sobrang linis ng tubig at napaka puti ng buhangin, masarap na hangin. "Hindi tayo nandito para mag saya at maligo sa isla" seryosong sabi ni Esmeralda tsaka naglakad ulit. "The sea looks so clean... I want to swim" parinig ni Helena. "No." Tuloy tuloy lang silang naglalakad nang may ibulong si Helena kay Tevi. Napatingin ang mag kapatid sa kanila. "What was that?" Tanong ni Zayn. Ngumiti lang si Tevi at Helena tsaka nag laho. "Okay... Saan sila pumunta?" Bulong ni Ali. "That idiots" bulong ni Esmeralda. "WHOOOOOOOOOOOOO!! BEST SEA EVER!!" sigaw ni Helena. "THERE'S A FISH!!" sigaw ni Tevi. Napa nganga lang si Zayn,Ali at Ealy. Habang si Lisa ay nakatingin lang at nag buntong hininga... At si Esmeralda ay seryoso lang ang mukha. "Hindi na dapat sinama si Helena. Nagkaroon ng kalaro si Tevi" sabi ni Zayn. "Sana may pating diyan." Bulong ni Ali at sumunod kay Esme at Lisa. "Kapag hindi pa sila umalis diyan... Mamamatay sila sa takot" sabi ni Esmeralda. Nagtaka naman si Zayn at Ali. "Bakit?" Sabay nilang tanong. "May serena diyan" sabay ring sabi ni Esmeralda at Lisa. "May serena rin naman sa Neverland ah?" Takang sabi ni Zayn. "Iba ang serena diyan. Kumakain ng laman ng nabubuhay na nilalang, pangit, mai-itim, may mga pangil, mahahaba ang buhok at may kakaibang itsura gaya ng apat na mata, dalawang bibig at mahabang tenga" sabi ni Lisa. Lumaki ang mga mata ni Ali at Zayn. "A-akala 'ko... Alamat lang 'yun?" Tanong ni Ali. "May alamat bang hindi totoo sa Magic Island, Ali? Walang kathang isip dito" sabi ni Esmeralda. "Ooow" Nagsi-litawan ang dalawang pasaway na naligo sa dagat. "You should try too" sabi ni Helena na basang basa. "Happy na kayo?" Tanong ni Ali. Tumingin sila kay Tevi na basang basa rin. "We're here for Luna, you little rats" sabi ni Zayn. Nakangiting umikot si Helena habang natutuyo ang kaniyang katawan at buhok. Nag palit na rin siya ng suot. "Easy peasy" Ganoon rin si Tevi na natuyo ang katawan at buhok ngunit hindi gaya ni Helena ay hindi siya nag bihis. "Saan na nga pala po tayo pupunta?" Tanong ni Tevi. "Sa bundok" sabi ni Esmeralda. "Bundok?" "Kapag may nakita kayong Dragon... Dragonnet na parang bata pa, 'Wag niyo ito sasaktan." Sabi ni Lisa. "Bakit po?" "Ayon sa panaginip ni Sihairo, may isang babae na may kasamang dragon. Nakaligtas daw ito sa kamatayan, at tingin namin ay si Luna ito" sagot ni Lisa. "Bilisan na natin" *** Nanatiling mahina at hindi maka salita o maka galaw manlang si Luna habang bantay sarado parin siya ng dragon. Nakaka ilang araw na siya sa bangin na ito ngunit ganoon parin, hindi nga manlang siya maka upo eh. Sobra itong nanghihina at parang wala ng buhay. Minulat niya ang mga mata niya nang mag ingay ang Dragonnet na kasama niya. Sa pag dilat niya ay nakita niya ang tatlong lalaking itim-- ang mga nakita nila Esmeralda, Ali at Ealy. Sa una ay kinakabahan si Luna ngunit nang makitang papalapit ang mga ito sa kaniya at may isang malaking proteksyon ang pumigil sa kanila ay nakampante ito. Ngunit naroon parin ang pagtataka, kaba at takot niya. Hindi niya alam kung sino, ano at saan ito nanggaling. Kung anong kailangan nito sa kaniya at anong gagawin nila. Pero nanatiling kalmado nalang ito dahil sa hirap ng pinagdaanan nito ay sanay na siyang paulit ulit bugbugin. Nagulat naman ang mga naka itim na iyon nang higanteng kulay Lila ang naka protekta kay Luna. Sinubukan nilang mag laho papunta sa loob ngunit masiyado itong malakas. Parang sa bathala galing ang proteksyon na ito. Lumitaw ang mga sandata nila at sinubukang sirain ang proteksyon. Ngunit maging si Luna ay nagulat nang tumalsik ang tatlong nakaitim na iyon at mawalan ng malay. Napatingin si Luna sa kalasag na pomoprotekta sa kaniya. Sandali siyang napangiti, nangyari na ito noon. Ginawa ni Zayn. Pero ngayon, hindi niya alam kung saan galing ito. Wala namang Zayn ang nasa paligid. *** "Saan galing 'yan?!!" "H-hindi po namin alam, Reyna." "TALAGANG NAKIKIPAG MATIGASAN ANG MGA INUTIL NA 'YUN!! NAGLAGAY PA SILA NG PROTEKSYON SIYA BABAENG HINDI NAMAN AKO KAYA!!!!!" "A-ano pong gusto niyo gawin namin?" "Sugurin niyo ang nag tatangkang iligtas ang Luna na 'yun! Nakikita 'ko sa hinaharap na may mangyayaring maganda kay Luna. Kailangan hindi ito matuloy!!" *** Saglit nag pahinga sila Esmeralda, Lisa, Ali, Ealy, Helena, Tevi at Zayn sa ilalim ng puno habang kumakain ng mga prutas. "Gabi na... Ms.Esmeralda, Ms.Lisa. ayokong sumuko, pero bakit parang wala tayong nakikita?" Matamlay na sabi ni Helena. "May isa pa tayong bangin na hindi napupuntahan. Don't lose hope" sabi naman ni Zayn. "Kaunti nalang, magliliwanag na ang higanteng buwan. Ilang oras nalang" sabi ni Ali. "Pero nasaan na kaya siya? Ang nag mamay-ari sa buwan?" Napatingin sila kay Ali. "Nag mamay-ari sa buwan?" Tanong ni Lisa. "Si Luna. Para saakin pag mamay ari niya ang buwan, kasi siya si Luna, Moon, Buwan" Napatango nalang si Zayn. "She really own the moon" "No, she don't" Napatayo sa gulat ang lahat nang makarinig sila ng ibang boses. Isang grupo ng mga itim. Naka coat ang lahat at naka tago ang mukha sa hood. "Sino kayo?" Tanong ni Esmeralda. "Nagustuhan niyo ba ang handog namin?" Sabi ng babaeng nangunguna sa grupo ng mga itim. "Ang patay na muling tumapak sa lupa?" "Kayo ang nagpadala noon? Paano? Hindi naman kayo diyos.." napatigil si Esmeralda at napatingin kay Ealy at Ali. Ngumiti ng nakakakilabot ang babaeng nasa harapan. "Mas magugustuhan niyo kami" sabi nito tsaka unti unting sumusugod ang kasama nitong itim rin. "Sht!" Bulong ni Zayn at pinaliyab ang lupa sa harap nila. Pero tinapakan lang ito ng mga itim. "HELENA KALASAG!!" Sigaw ni Lisa tsaka itinaas ni Helena ang palad nito at bumuo ng kalasag na promopotekta sa kanila. Malakas ito kaya hindi naka pasok ang mga itim. "Ikaw.." umpisa ng babaeng namumuno sa mga itim. "Imposible. Wala ka naman noon at hindi mo pa nakikita si Luna, imposible" sabi nito. Nagtinginan silang lahat. "A-alam mo kung nasaan si Luna?" Tanong ni Ali. "Nabubuhay siya" sabi ni Ealy. "Hindi siya katulad nang mga nakaharap natin Ms.Esme" Ngumiti lang ang babae. "Makapangyarihan ka, binibini" Turo nito kay Helena. "Pero alam 'kong wala kang laban sa mga patay na" Nagtaka si Helena. "Kung ganoon, hindi ikaw" Humakbang papalapit ang babae at lalong lumaki ang kalasag na binubuo ni Helena. "Sino?" Lumapit ang isang kasamahan ng babae. "Puntahan nalang natin si Luna, Helga. Tayo nalang ang pumatay sa kaniya" "NO!!" sigaw ni Esmeralda at sumabog ang Iba't ibang parte ng gubat. Hindi maakilang nagulat ang grupo ng mga itim doon. "Powerful.." pabulong na sabi ng babae. "But nonsense" tsaka ito naglaho kasunod ng mga kasama niya. Kaya naglaho rin ang kalasag na binuo ni Helena. "Alam nila kung nasaan si Luna" sabi ni Tevi. "Nandito lang siya!" Sabi naman ni Ali. "Kailangan natin silang maunahan" sabi ni Ealy. "Hindi puwedeng maunahan nila tayo" "Nakakapag taka ang grupo na 'yun, para silang makapangyarihan" sabi ni Lisa. "Nagawa nilang muling buhayin ang patay" "Sisimulan 'ko pong hanapin si Luna" sabi ni Tevi at ibinuka ang kaniyang pakpak at kaunting lumutang. "Mag iingat ka Tevi" sabi ni Esmeralda at tuluyan nang naka lipad si Tevi. "Tara na" sabi ni Esmeralda at lahat sila ay tumakbo mg napaka bilis. *** Nang tuluyan ng naka silip ang higanteng buwan, nakaramdam si Luna ng kakaibang sakit. Parang pinupuwersa ang katawan niya na ipinag alala ng dragon. "Aaaah" ungol ni Luna sa nararamdamang sakit. "NARINIG 'KO ANG BOSES NIYA!" sabi ni Ealy kaya napatigil ang lahat. "Ano? Nino?" Tanong ni Lisa. "Si Luna, ngunit parang nasasaktan siya!" "Sht!" Muling tumakbo ng napaka bilis ni Zayn. HABANG si Luna ay nanatiling nakaka ramdam ng sakit. "Hindi ka puwedeng bigyan ng kapangyarihan ng buwan!" Sigaw ng babaeng nakaharap nila Esmeralda kanina lang. Napatingin doon si Luna. "Hindi maari! Sugurin siya!" Sigaw nito tsaka sumugod ang mga kasamahan nito. Ngunit gaya ng mga patay na naka itim kanina, lahat sila ay tumalsik. Muling lumitaw ang dambuhalang proteksyon ni Luna. "Ano 'to?! Saan nang gagaling ito?!" "Helga! Tignan mo ang buwan!" Sabi ng kasamahan nito. Nakita nila ang nagnining-ning na buwan, halos masilaw sila dito kaya tinakpan nila ang mata nila. "Kailangan natin pigilan ito! Bibigyan ng buwan ng kapangyarihan si Luna!" Sigaw ng babaeng nangangalang si Helga. "Paano?! Hindi natin kaya!" Nakita nilang natutok ang liwanag ng buwan ka Luna na nasasaktan. Naramdaman ang mga itim na p*******t sa katawan nila. "ANO ITO?!" Bumalik na kayo, mga inutil!! Isang tinig sa isipan ng mga itim ang lumitaw. "P-pero, hindi pa namin napapatay o napipigilan manlang ang buwan" Sabing bumalik na kayo!! Papatayin kayo ng higanteng buwan na iyan!! Agad silang naglaho at si Luna naman ay mag simulang lumutang sa ere habang nasa kaniya parin ang ilaw ng buwan. "AGGGGHHHH!!" Naputol ng kaunti ang mga buhok ni Luna, ang mga mata niya ay naging pula. ang ibang parte ng buhok nito ay naging puti. Lahat ng sugat ni Luna sa katawan ay unti unting naghihilom, maging mga dugo ay lumutang nalang sa ere at nag laho. Napunit rin ang damit nito dahil sa buwan. "AHHHHHHHH!!" Lumipad ang Dragon para maghanap ng tulong. Nakita ito ni Tevi mula sa malayo kaya sinundan niya ito. "Ang dragon" bulong nito. Habang si Luna naman ay nanatiling sumisigaw sa nararamdaman nito. Sa pag hilom ng mga sugat niya sa katawan at mukha ay ang pagiging maayos ng kalagayan niya, nagiging malakas na ito at hindi na nanghihina. Nagulat nalang siya nang ibagsak siya sa lupa. "Agh!" "A-ansakit.." bulong nito. Ngayon niya lang tinignan ang magandang buwan. "Anong ginawa mo saakin?" Tanong nito sa buwan. Tinignan niya ang sarili, mas naging malinis ang katawan niya. Wala ng sugat o kahit ano. Ang buhok niya ay hanggang kili-kili nalang at medyo kumulot ito. Nakita niya ang isang sanga ng puno na naputol na may tinik. Nagtaka ito nang lumipad ito papunta sa kaniya at tamaan ang braso niya. Napasigaw siya ulit at napahawak sa braso niya na ngayon ay nag dudugo. "A-agh!" Tinignan niya ang sugat at nagulat nang unti unti itong naghihilom hanggang sa wala na ito, dugo nalang ang natira ngunit wala na ang sugat pati ang sakit. "A-anong..." Napangiti siya at kinuha muli ang sanga na amy tinik. Sinugatan niya ang hita niya at napangiti nang makitang gumagaling ito ng napaka bilis... Mag isa! Nagustuhan mo ba ang handog 'ko? Isang boses na lumitaw sa utak ni Luna. Napaka gandang boses na parang galing sa anghel. "Sino ka?" Ang bathala ng buwan. Ang iyong gabay, Luna. "I-ikaw ang nagbigay ng kapangyarihan 'ko na ito?" Oo. "A-ang kapangyarihan na... Gamutin ang sarili 'ko? Ng napaka bilis?" Mukhang tuwang tuwa ka sa kapangyarihan mo, hindi 'ko ito binigay sayo. Ginising 'ko lang ito mula sa napaka tagal na pagka himbing sa katawan mo. "T-talaga?! Sa wakas! Nalaman 'ko rin ang kapangyarihan 'ko!" Tuwang tuwa ka, pero Luna. Hindi lang 'yan ang kapangyarihan na natutulog sa katawan mo. Malalaman mo rin ito sa takdang panahon. "A-ano?" Hindi lang 'yan ang kapangyarihan mo. Mas malakas ka pa keysa sa alam mo. "T-talaga? May iba pa akong kapangyarihan?" Napatigil si Luna nang makarinig siya ng mga 'yapak. Kalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD