11.
Napaka ganda. Ang kulay asul na kalangitan, ang malakas na hangin, magandang tinig ng boses ng alon... Ang ganda ng lahat.
Kung nanaisin 'ko, gusto 'ko tumira dito. Dito nalang ako, sa walang problema..
"Luna.." isang babaeng naka cloak at tago ang mukha ang tumawag sa pangalan 'ko. Tumingin ako sa likod kung nasaan siya. Kulay itim ang lahat ng kasuotan niya.
"S-sino ka?" tanong 'ko.
"Gusto mo ba talaga malaman kung sino ako... Luna?" nakakakilabot ang boses niya. Nang unti unti siyang lumapit saakin ay nagdidilim ang kapaligiran. Parang nagagalit ang langit.
Tinatangay ng malalakas na hangin ang buhok 'ko, parang ako ay tatangayin narin kaya napaupo ako at sumigaw.
Kahit nababasa ako ng tubig mula sa dagat ay lumuhod ako. "Wala kang laban saakin... Hindi mo ako kaya" sabi nito tsaka patuloy na humakbang papunta saakin.
Bawat hakbang niya ay nakakaramdam ako ng paso saaking balat. Parang unti unti niya akong pinapatay. Sino siya?
"Kayang kaya kita paslangin. Pero hindi 'ko magagawa 'yun sa realidad.." sabi nito tsaka ibinuka ang isang kamay na may apoy. "Kaya sa panaginip nalang.... panaginip na madadala mo sa katotohanan"
"AHHH!! SINO KA?!!" hindi 'ko siya kilala! Hindi 'ko alam kung sino siya! "Hindi na ako mag aaksaya ng oras."
Sa oras na ito, ibinuka niya ang parehong kamay at sa likod nito ay itim na mga usok ang lumabas, may mga apoy na sumusunod sa kaniya. May mga kuryenteng bumabalot sa kaniya... At para siyang gumagawa ng buhawi.
Malapit na siya saakin kaya napa atras ako. Gusto 'kong tumakbo pero nanlalamig ang katawan 'ko. W-wala akong alam sa mga nangyayari.
Habang umaatras ako ay may kulay Lila ang umiikot ikot saakin. Ang mga buhangin ay nagsisi liparan at pinapalibutan ako. "Wala kang alam kung anong meron ako... at meron ka" sabi nito at lalong bumilis ang paglapit saakin.
"Umalis ka!!" umiiyak 'kong sabi. "Layuan mo ako!!"
Pati ang mga bato ay pinapalibutan na rin ako. "UMALIS KA!!!"
Itinaas niya ang kamay niya at isang dambuhalang itim na makakapal na usok ang papunta na saakin. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ng aking anak? Umalis ka daw"
Isang lalaki ang narinig 'kong nagsalita dahilan para tumigil ang babaeng ito. "Sino ka?!"
"Si Luna ang dapat mong tanongin niyan, Sino nga ba siya? Hanggang saan ang kakayanan niya para pabagsakin ka?" salita nito at lumapit saamin.
"Sotelo..." Papa?
Pangalan ito ng papa 'ko, Sotelo. "Namatay ako pero ang alala 'ko ay nananatiling buhay saiyong isip" sabi ng lalaki.
Nang tignan 'ko siya ay nakumpirma 'kong si papa nga siya! Ang papa 'ko!
"Papa..." gusto 'kong umiyak at yakapin siya.
"Hindi mo ito laban! Tapos na ang laban niyong dalawa!" sigaw ng babae.
"Tama ka, tapos na nga ang laban namin. Kaya ipagpapatuloy ito... ni Luna" ngumiti si Papa saakin. Tinulungan niya akong tumayo at hinawakan ang kamay 'ko.
"Makapangyarihan ka..." sabi ni papa at itinaas ang kamay.
May lumitaw na parang ilaw, may napanood kami roong isang babaeng nakikipag laban gamit ang isang kapangyarihan. Sobrang lakas niya! Para siyang diyos sa sobrang lakas! Napaka makapangyarihan niya.
"Pero mas makapangyarihan... Ang anak 'ko" sabi nito at muling ngumiti. "Kaya kaya kitang patayin ngayon, Sotelo."
"Paano mo ako mapapatay kung patay na ako? Mahal na reyna" sabi ni Papa. "Nagsanib puwersa na kayo ng asawa mo noon para patayin ako, pero hindi manlang kayo umabot sa gitna ng kapangyarihan 'ko. Ang anak niyo pa kaya?" sabi ng babae. Ako?
"Iba kami, Iba siya" ang sabi ni papa at lumayo saakin. "Sa tingin mo mahal na reyna, gaano kalakas si Luna?"
Naging itim ang mga mata ng babae na iyon at isang malaking puwersa ang nagawa niya para patalsikin ako at atakihin si Papa.
Napalayo ako at tinignan si papa na nahihirapan labanan ang malakas na kapangyarihan ng babae. "BUMALIK KANA LUNA!!" sigaw nito.
"PAPA!!!!!" sigaw 'ko at pinipilit tumayo at lumapit pero may kung ano ang pumipigil saakin, isang kalasag.
"BUMALIK KANA ANAK!!!!"
"PAPA!!!!"
"Luna? Luna? Anong nangyayari?" Bumangon ako nang umiiyak. Una 'kong nakita si Miss Esmeralda at Ali. Nakita 'ko rin si Miss Lisa.
"Ayos ka lang?" tanong ni Ali. "P-panaginip..."
"Nabangungot ka ba, Lunari?" tanong ni Ali. "Uminom ka muna ng tubig" sabi nito tsaka inabot saakin ang baso.
Hinihingal ako na uminom ng tubig, habang sila ay tanong ng tanong. Sinabi 'kong wala akong naalala sa panaginip 'ko, ang alam 'ko bangungot ito.
Nagtaka sila at sinabing baka natural na bungungot lang ito, pinakalma agad ako ni Ali.
Hirap akong balewalain ang nangyari saakin kanina, parang totoo ang panaginip 'ko at papatayin ako.
But what the freaking hell, Wala akong naaalala. Hayop.
Pinakalma 'ko muna ang sarili 'ko at saktong dumating ang magkaibigan. Si Zayn siga at Tevi.
Hindi 'ko alam bakit pero pinapunta sila dito ni Miss Lisa at Mama.
Hinatid ako ni Mama sa Lamesa at pinakain. She's worried, I saw it. Napangiti nalang ako.
"The whole Fancy start to talk about you" salita ni Ms.Esmeralda, tumango kaagad si Ali "True yun, Wala na akong ibang narinig kung hindi Luna Luna Luna. Grabe, sumikat kana"
"That's not new" sabi 'ko. "They're talking about how they idolized you" singit ni Zayn siga.
Okay.. Idolize? "Ano? Bakit naman?"
"Nabalita na sa buong Magic Island ang nangyari sayo, we don't know who start this gossip but now... They're talking about you and your powers, manghang mangha daw silang lahat sa'yo." Sabi ni Tevi.
"Hah? Anong nakakamangha doon? First time ba nila makakita ng babaeng napapagaling ang sarili?" Tanong 'ko habang ngumunguya.
"Tsk. Si Hailey, mga konseho at mga bampira lamang ang may kaya gawin 'yun, idagdag mo ang mga serena" sabi nito.
Bampira?! "Totoo sila?! Bampira? Wow! Totoo?!"
"Don't be shock, you rat! Lahat naman totoo dito. And you dumb toothhead, hindi kapangyarihan nila ang hinahangaan mo" sabi ni Zayn.
Malamang siya yan, di naman ako pag sasalitaan ng ganyan ni Mama, Miss Lisa, Tevi at Ali.
Iyang Zayn siga lang.
Siya lang. Hutek barabas!
"Bunganga mo, di ako daga at lalong di ako mukhang ngipin. Tadyakan kaya kita?" Inirapan 'ko siya. Salamat dahil hinanap niya ako.
Pero di ako nag papasalamat na buhay pa 'yan, dapat iniwan nalang 'yan eh. Sungit sense bort
"Hinahangaan nila 'yung paghahanap sayo ng mga itim na patay at ang grupo ng makapangyarihan, iba ka daw" sabi ni Ali.
Waaaaw.
Hinangaan nila 'yun? Ako nga halos ipagdasal na sana 'wag nila ako malapitan. Tapos... Sila hahangaan 'yun?
Aba deer.
Nagkuwento pa ng nagkuwento silang lahat ng nangyari habang wala ako, kahapon kasi pinagpahinga na nila ako.
Sa isang pitik lang ni Miss Lisa may isang liwanag na parang TV. Kasi nakita 'ko 'yung mga nangyari habang wala ako eh. Lahat ipinakita saakin.
Ang galing. Hindi na ako makapaghintay na malaman ang iba 'ko pang kapangyarihan.
HABANG nag aayos ng pagkainan si Ali at balak maghugas ng plato, tinulungan ito ni Miss Lisa at Tevi si Zayn naman ay nasa labas.
Tatayo sana ako nang hawakan ni Mama ang kamay 'ko na ipinagtaka 'ko. "Po?"
"Luna, Can I have your time for a minute? May itatanong lang ako" sabi nito.
Nakangiti akong umupo muli. "Ano po 'yun?" I'm respecting her now like I used to respect my own mom.
"Naalala mo pa ba ang mga magulang mo?" Tanong nito. Nagtaka ako noong una "I'm just curious, you know? You're treating me like a mom, pero hindi ka nag oopen sakin. I just want to know"
Tumango ako "Opo, alalang alala 'ko sila" sabi 'ko.
"Pero diba po, matagal niyo na ako inoobserbahan? Ang sabi niyo? Alam niyo na po ang background 'ko" sabi 'ko. Hinaplos niya ang buhok 'ko.
"Luna.. Is your mom, Sirius Sythrine Greensmith and your dad, Sotelo Greensmith?" Tanong nito. Tumango ako kaagad.
"Opo, pero ang naalala 'ko po noong bata ako, iba ang tawag sa kanila ng kaibigan nila. Thrine po at Telo"
"Can you open up about your past?" Biglang nagbago ang mood 'ko, I know that Ms.Esme know about my dark past. "Kung hindi ka kumportable, ayos lang"
"Malayo po ang lugar namin noon sa mga tao, sabi po ni lola noon, delikado daw po kasi sila" sabi 'ko. "Palipat lipat daw kami noon, naalala 'ko rin iyon. Pero marami pa naman kaming mga kaibigan noon. Nag travel pa nga po ng iba't ibang bansa sila mama at papa eh"
Nakikinig lang siya sa kuwento 'ko. "Can I ask? Who's your grandma?"
"Lola Sor po ang tawag 'ko sa kaniya noon, pero Soraya Greensmith talaga ang pangalan niya. Matanda na po siya" kuwento 'ko.
Puno ng tanong ang mga mata ni Mama, bakit? Anong meron?
"Bakit siya namatay?"
Napatigil ako.
"Isa pong aksidente.." nanginginig ang mga kamay 'ko. "Ang naalala 'ko lang.. Lumabas ako para ibili ng lugaw ang lola p-pero pagbalik 'ko, wala na siyang buhay sa rocking chair" sabi 'ko.
Napaiwas siya saakin. "Bakit? May sakit ba siya nun?"
"Sa pag kakaalala 'ko po... Meron, linalagnat po siya at dasal ng dasal"
"Anong araw?"
Tinandaan 'ko ang death anniversary ni lola...
"November eighteen p-po"
"Taon?" Nanginginig niyang tanong. Gusto 'ko siyang tanungin bakit.
"2-2008"
"Anong huling ginawa n-niyo bago siya namatay?"
"N-nung kagabi nun, p-pinanood namin ang Lunar eclipse--"
Biglang tumayo si Mama na hinihingal. "Ma?"
"Ali, Zayn, Tevi! Alagaan niyo si Luna dito kailangan 'ko na umalis" sabi nito tsaka biglang naglaho. "I think, I need too" sabi ni Miss Lisa at naglaho nalang din bigla.
Lumapit si Zayn saakin. "What happened?"
"Hindi 'ko alam. Nag ku-kuwento lang ako." Sabi nito. "Baka naman kasi 'yung kuwento mo tungkol sa cringe love story? Hate yun ni Miss Esmeralda" biro ni Tevi.
Oh really? Bitter.
"Hindi naman, iba kuwento 'ko" sabi 'ko. "About saan?" Tanong ni Ali.
Interesado kayo? Manigas kayo. Hindi 'ko ikukwento.
"Secret no clue no hint" sabi 'ko. "Nakita 'kong namumula ang mata ni Ms.Esme- hindi yung typical nating nakikitang pagmula, yung pamumulang akala mo nagpuyat kakaiyak. What's wrong?" Sabi ni Zayn.
Huh? Anong meron kay Mama? "We should just ignore it. Isip matanda 'yun" sabi ni Ali.
"Ikaw pala dapat ang mag isip nun, matanda ka e" sabi ni Tevi.
Inirapan lang siya ni Ali. "Tevi-tter" sabi nito.
Ilang segundo kami tumahimik pero natigil ito nang yayain 'ko sila umalis pero hindi sila pumayag, dito lang daw kami lalo na ako.
Si Ali naman nasobrahan sa pag aalaga. Ibinilin man daw ako sa kaniya o hindi, gagawin niya parin 'yan.
Best entertainment daw para hindi ako mabagot dito.
Umabot kami ng hapon na walang ginagawa, si Zayn at Tevi nasa labas nag papalabasan ng kapangyarihan habang si Ali...
Eto, bantay sarado ako.
Tsk!
Hindi 'ko alam kung dapat ba ako matuwa sa pinag gagawa ni Ali saakin.
Simula nang dumating ako, sobra sobra sila sa pag aalaga saakin. Ayaw na ako halos palabasin ni Ali.
Traumatized na daw siya.
"Gusto mo pa? Baka gutom ka pa. Tatlong araw ka hindi kumain" sabi nito tsaka nag luto pa ng maraming pancake.
Masaya naman akong nakakasama 'ko sila ulit.
Pero kailangan ba na ganito ka caring? HAHAHA! eto naman talaga ang gusto 'ko mula nang maging ulila ako.
Pero hindi naman yung hanggang pag ligo 'ko, sinasabay ako ni Ali. Sa pag tulog 'ko naka bantay siya.
Mahal 'ko siya pero grabe!
"'Wag mo nga ako tignan ng ganyan!" Sabi nito at linapag ang mga pancake na linuto niya.
"Ang OA mo kasi! Grabe ka mag alaga saakin! Times five" biro 'ko.
Sumimangot naman siya. "Ayoko lang mangyari ulit ang pagkakamali 'ko noon" sabi nito.
Pinitik 'ko ang ilong niya. "ANO BA LUNARI! AWTCH!"
"Hindi ka naman nagkamali eh. Ako 'yun, wag kana mag isip isip ng kung ano ano. Kaya 'ko na ang sarili 'ko" sabi 'ko at kumain.
"Sobra parin ako nag aalala sayo. Ayoko na maulit 'yun. Kahit pa sabihin mong may kapangyarihan kana" ngumuso ito.
"Tsk! Kahit hindi ako sobrang lakas gaya mo, kaya 'ko na ang sarili 'ko. Kaya 'ko na protektahan ang sarili 'ko" ginulo 'ko ang buhok niya.
"'Wag ka nga Polaris Lunari Greensmith!! 'Yan din sinabi mo saakin eh. Ano nangyari? Vuwala! Muntik kana mamatay" umirap irap pa ito.
"Hay nako, kahit na. Ngayon, totoo na noh. 'Wag kanang ano diyan"
"Ah basta!Kinabahan kaya ako noong maka harap namin 'yung mga patay na 'yun. Tapos 'yung grupo ng mga itim na makapangyarihan. Akala 'ko mawawala kana" sabi nito.
Ngumiti lang ako. Kahit ako, kinabahan.
Pero ang mahalaga, ligtas na ako. "A-alam mo.. sobrang saya 'ko" sabi 'ko.
"Kasi hindi 'ko aakalaing hahanapin niyo ako. Ang mindset 'ko kasi, wala namang may pakealam saakin. Wala namang na mamahal saakin, walang nag aalala sa akin." Pinunasan 'ko ang luhang malapit ng pumatak. "Ang sarap pala maramdamang kamahal mahal ka"
"Napaka mo talaga! Sino ba kasi nagsabing walang nag mamahal sayo? Ano ako? Hah? Sapakin kita eh" sabi nito. "Dramabells mo! Wala tayo sa pilikula"
Totoo ang mga sinabi 'ko. Akala 'ko kasi, mananatili akong ulila at walang minamahal... Walang nagmamahal.
Pero sa mundo na ito, sa mundo ng mahika.. iba ang naramdaman 'ko.
"Life is full of surprise nga naman.." napa tawa ako. "Si Zayn.. akala 'ko mananatiling kaaway mo 'yan. Pero hinanap ka rin niya" sabi nito at napatingin kay Zayn na nakikipag usap kay Tevi sa labas.
"Hindi 'ko inaasahan" sabi 'ko at uminom ng kape. "Ayoko pa siyang isama sa pag hahanap dahil akala 'ko pinepeke niya lang ang paghahanap sayo. Pero nang makita 'ko siyang pinag lalaban na buhay ka... Okay, mali 'yung pag iisip 'ko" sabi nito at tumawa.
Akala 'ko rin magiging kaaway 'ko pang habang buhay ang Zayn siga na 'yan. Pero nakakatuwang may puso rin pala siya kahit papaano.
"Ali.. may itatanong lang ako" ngumiti ako sa kaniya. "Kaano ano mo si Zayn?"
Natigilan siya saglit. "Wala. Kakilala lang" sabi nito.
Bakit tinawag niyang brother si Zayn noong nagpapanggap akong tulog? Tsaka noong nag aaway si Zayn at Ali sa harap ng mga konseho sinaway sila at sinabihang magka-dugo.
"Sure ka?" Tanong 'ko. Tumango lang siya. "Oo naman, bakit?"
"Wala" tumayo siya. "Pupunta lang ako sa kabila, kukuha ako ng iba pang makakain" sabi nito tsaka umalis na.
Hindi 'ko alam kung anong meron kay Zayn at Ali. Pero sure akong may koneksyon sila, baka hindi lang nila tanggap o magkaaway sila.
Kung magkapatid man sila o ewan, naiintindihan 'ko si Ali. Sino ba naman kasing matutuwang kadugo mo ang isang Siga na nagngangalang Zayn?
"Lalim ng iniisip ah" isang lalaki ang lumitaw sa harap 'ko.
Ang kamay niya ay nasa bulsa niya.
Si Zayn siga.
"Hindi naman" sabi 'ko tsaka kumain ng pancake.
"Maayos kana?" Tanong nito. "Kailan ba ako hindi naging maayos?"
Tinignan niya ako na parang wow-hah?
"Ang lakas din ng confidence mo. Parang wala kang pinagdaanan" sabi nito tsaka uminom ng kape.
"May kaunting konsensya ka pala" sabi 'ko. "What?"
"Konsensya, hinanap mo daw ako eh." Ngumiti ako ng pang aasar "Nakonsensya ka sigaboy?"
Tumaas ang kilay niya. "It's just.. I don't want to go hell" sabi nito.
Napa iling nalang ako.
Ayaw mapunta sa Hell pero pinahirapan ako sa mga nagdaang araw.
Zayn niyo adik.
"Kahapon, nang sunugin 'ko ang balat mo--"
"Akala mo nasaktan mo nanaman ako? Hindi mo pinagkakatiwalaan ang kapangyarihan 'ko?" Tanong 'ko.
Umupo ito sa harap 'ko. "Malay 'ko bang ganun ka lakas ang kapangyarihan mong magpagaling sa sarili"
Ngumiti lang ako. "Congrats"
Sa oras na 'yun, Napatigil ako. Naniniwala akong may mabuting puso 'to si Zayn. Nag kukunwari lang siyang masungit, maldito...yelo.
Yelo na takot na takot na matunaw. Baka ganun siya. "Thanks"
"Hindi mo na ako papa alisin sa Magic Island?" Tanong 'ko. Kumunot ang noo niya. "What?"
"Kasi sabi mo ang mga katulad 'kong walang kapangyarihan, dapat umalis na sa Magic Island. Di ako karapatdapat dito" sabi 'ko.
Natigilan siya at siguro narealize ang mga sinabi niya. "Kinokonsensya mo ba ako?"
"Nakokonsensya ka?"
"I didn't meant to say those words" sabi nito.
"Sure ka?"
"Yeah! I just did that because I want to unleash your powers. Pero ma pride ang kapangyarihan mo at umabot pa sa bugbog sarado kana" sabi nito.
Natawa ako sa word niyang mapride
"Kalma ka ngayon ah, parang noong una tayong mag kita para kang dragon na may kuryente sa palad" sabi 'ko at tumawa. "Di ka siga ngayon"
Totoo naman.
"Talaga ba? May kuryente ba talaga ako sa palad noong una tayo magkita?" Tanong nito.
Amnesia siya?
"Oo! Nakalimutan mo girl? Muntik mo pa kaya ako kuryentihin dahil lang sa tumalon ako sayo" sabi 'ko at tumawa ulit.
Pero siya naman ay nakangiti lang ng nakakaloko. "Sure kang tumalon ka saakin noong una tayo nagkita?"
Siraulo ba siya? Tandang tanda 'ko pa kaya 'yun!
"Sabagay. 'Yun ang una mong kita saakin" sabi nito. "But we're not same day to know each other"
Sobrang litong lito ako sa kaniya. Naka drugs ba siya? Hindi 'ko siya maintindihan.
Inaantok pa ba ito? Puyat? Kulang sa pagkain? Makakalimutin?
"Ano--"
"May heart to heart talk kayo?" Singit ng isang lalaki.
Si Tevi. Kaibigan ni Zayn siga.
Umupo siya sa isa pang upuan at kumuha ng pancake. "Nag sorry kana ba, Zayn?" Biro nito.
Nakita 'kong nainis doon si Zayn. "You demon!"
"Relax! I'm angel kaya! 'Cuz I have wings" sabi nito at tumabi saamin. "Oo nga ang ganda ng pakpak mo Tevi! Gusto 'ko rin 'yan!"
"Talaga? Kaso hassle naman itong pakpak 'ko kaya di ko ginagamit masiyado" sabi nito at ngumiti. "Ano?! Bakit?"
"Paano, sayang sa damit lagi ako hinuhubaran. m******s" biro nito "Joke lang! Kapag binubuka 'ko kasi, napupunit amg damit 'ko"
Hala shet.
'Yung puso 'ko nagwawala! Omeged omeged.
Naalala 'ko ang abs ni Tevi habang bumababa sa lupa mula sa pagkakalipad.
Pota.
"Huy, bat ka ngumingiti?" Tanong nito. Napailing ako. "W-wala, so.. anghel ka?"
Hindi 'ko maiwasan. Siyet ARGH HAROT MALANDOT KA LUNA!
"No, akala 'ko rin. Pero hindi eh. Man in wings" sabi niya lang.
Parang may bulate sa tiyan 'ko pag iniisip 'ko ang abs ni Tevi.
Char lang. Nakakaguilty, pinagnanasahan 'ko ang hindi 'ko ka-close.
"Titigil ka o pupugutan kita ng leeg?" Narinig 'kong malamig na sabi ni Zayn habang naka crossed arm.
Nagtinginan kami ni Tevi "Ha?"
"W-wala" sabi nito tsaka tumayo.
"Maypagka weird talaga 'yang bestfriend mo noh? Sarap upakan mga lima" sabi 'ko. "Limang milyon"
Tumawa ito. "May reason bakit attitude 'yang si Zayn" sabi nito.
"Bakit? Ano ba meron? Nakalaklak ba siya ng isang dosenang toyo noon?" Napakunot siya sa sinabi 'ko. "Anong connect ng toyo?"
Ay hindi pa pala nila alam 'yun. "Wala, wala"
"Ewan 'ko kung dapat 'ko ito sabihin sayo, pero para aware ka. Malungkot na bata iyang si Zayn. He grew up with nothing, Noon kasi may girlfriend siya na minamahal, dahil walang pamilya.. ayun, sobra niyang pinahalagahan 'yung Gf niya na 'yun pero nakita niya itong may kahalikang iba kahit na pinilit lang si Frei noon at loyal siya kay Zayn. Sorry ng sorry si Frei noon pero hindi pinatawad ni Zayn agad, mapride siya kasi nasaktan" kuwento ni Tevi. "Pero dahil sa kapride-an ni Zayn, humanap ng paraan si Frei na patawarin siya ni Zayn pero namatay ito dahil sa isang aksidente. Nag sisisi si Zayn sa nagawa niya, sobra. Kaya sobra ang inis niya sayo noong una mo siyang makilala. Dahil sa sinabi mo"
"Sinabi 'ko?"
"Hindi mo natatandaan ang sinabi ko kay Zayn? Sure ka?"
Napaisip ako.... Wala akong sinabi kay Zayn noon. Puro lang sorry--
"Eh nag sorry na nga ako diba? Hindi ka ba marunong mag accept ng sorry ng ibang tao hah?"
"Ayun!"
"Inis na inis si Zayn nun, naalala niya kasi ang pagkakamali niya. Hindi niya inaccept ang apology ni Frei kaya nawala ito sa kaniya, para mo siyang sinisi" waw. Kasalanan 'ko pa?
Well, kawawa nga namam si Sigaboy pero ayos lang 'yan. Mukha namang naka move-on na. Ay wait-
"Naka move on na?"
"Oo naman, matagal na simula nang makita ka-- WOW GRABE WOOOOO!!" bigla itong mag tata-talon.
Ano daw? Bakit? "Huy! Ginagawa mo?"
"GRABE! GRABE!!" sigaw niya na parang napipilitan ngumti.
Dumating si Ali na takang taka. "Ano meron dyan?"
"Ewan 'ko, bigla bigla nalang nag ganyan" sabi 'ko.
Nakita 'ko itong nakatingin kay Zayn at naka ngiti ng pilit, akala mo papatayin siya nito.
Nakita 'ko naman si Zayn na nag middle finger.
Grabe talaga itong Sigaboy na ito. Kung papa 'ko ang papa niya baka napalo--
Bigla akong nahilo sa naisip 'ko.
Agad silang lumapit saakin kasama si Zayn. "Ayos ka lang?"
"P-papa.." para akong may naalala na hindi naman nangyari.
"PAPA!"
"PAPA!"
"PAPA!"
P-panaginip.
May napanaginipan ako! 'Yung panaginip 'ko kanina.
"S-si papa"
Tinanong nila ako ng tinanong about sa sinasabi 'ko kaya pinaupo 'ko sa sila at ipinaliwanag. Ang sabi 'ko parang sa panaginip ko kanina na hindi 'ko maalala, nandoon si papa.
Wala akong alam tungkol dito pero parang may pahiwatig ito, gusto 'kong malaman. Sinabi 'ko sa kanila na gusto 'ko malaman iyon pero sinabi nilang 'wag 'ko nalang pansinin.
Kaya gaya ng sinabi nila, hindi 'ko ito pinansin. Napatuloy lang kami sa ginagawa namin, marami kaming ginawa tulad ng pagluluto, tinuruan 'ko sila ng iba't ibang pagluluto.
Si Tevi naman ay pinayagan akong isama ako sa taas, gusto 'ko maramdaman na lumilipad kaya isinama niya ako sa itaas.
Nakita 'ko ang napaka gandang Magic Island, actually hindi 'ko pa nakita ang lahat dahil malaki ito. Kapag pupunta pa kami sa pinaka taas, mawawalan na daw ako ng hininga-- sabi ni Tevi.
-
Nang ibaba niya ako ay napatingin ulit ako sa katawan niya. Holy cow. "Pinag nanasahan mo ba ako?"
Napalunok ako, itchusera itong Tevi-rkolosis na to.
"Hoy sabog hindi ah" sabi 'ko tsaka umiwas ng tingin. "Ah kamatis"
"A-ano?"
"Kamatis" sabi nito habang tumatawa. "'Yung pisngi mo, parang kamatis"
Ano?
Wait
'Wag mong sabihing nagbu-blush ako? "Siraulo, blush on 'yan" sabi 'ko tsaka tumalikod.
Sakto namang dumating sila Zayn at Ali. "Oh? Anong nangyari sayo? Bakit mukha kang kanin na nalagyan ng hotdog?" Sabi ni Ali.
"Bakit hindi? Naka h***d ang kasama nya" sabi ni Zayn habang seryoso.
Napangiti si Ali. Alam 'kong aasarin ako ng Alira na ito. Piste
"Magsalita kayo at isusumbong 'ko kayo kay Pinuno" sabi 'ko.
"Porket love kana ni pinuno! Tara na nga!" Tumatawang sabi ni Ali at hinila ako.
Nakita 'kong nagtitigan si Zayn at Tevi na parang may sinasabi sa isa't isa.
Seryosong seryoso si Zayn habang si Tevi.... Seryoso lang din.
Telepathy?
Nagsimula na kami gumawa ng kung ano ano. Para hindi daw ako mabored at magisip umalis, sabi nila magkantahan nalang daw kami.
Proud 'kong sinabing ako mag gigitara. Pero nawalan ako ng lakas nang malamang maganda ang boses ni Tevi.
Shocks ano ba 'to.
"Hoy! Luna! Nananaginip ng gising?" Inakbayan ako ni Ali. "Ali, shh ka kang okay? May iniisip ako" iniisip 'ko kung itutuloy 'ko pa mag gitara.
"Ano ba 'yun?"
"Wala." Sabi 'ko tsaka pumunta na sa dalawang lalaki.
May mga times na tinitignan ako ni Zayn na what-the-hell? Kahit hindi 'ko alam bakit.
Sabog.
Iniirapan 'ko siya kapag tumitingin siya sakin, pero kapag kaibigan niya ang tumitingin saakin naninigas ako.
Susmaryosep. Aghhhhhhhh.
Sinabi 'ko nalang na 'wag na kami magkantahan. Iba nalang.
"Mag ano nalang tayo... Versus!!"
"Versus?" Sabay sabay nilang tanong. "Versus! Bad versus Good!"
"Hah?"
Hindi 'ko rin alam 'yun. Basta 'yun ang gagawin namin, 'wag labg kantahan.
"Ganito, kunyari masama silang dalawa tapos mabuti tayo! Alam mo 'yung sa naruto? Hame hame wave?" Salita 'ko.
Takang taka sila saakin. "Ano?"
"'Yung ginawa niyo! Ali! Zayn! 'Yung naglaban kayo gamit powers niyo! Maganda 'yun!" Sabi 'ko
"Wag na kantahan nalang!" Hirit ni Tevi. "Sige aalis ako" pananakot 'ko.
Nagtinginan ang dalawa. Si Ali at Zayn.
May unti unting ilaw na lumalabas sa palad ni Ali at tumama ito kay Zayn.
Agad namang dumipensa si Zayn tila ba nag eenjoy sila dito.
Better.
Better than singing. "Ay walang energy, aalis talaga ako"
"Papatayin kita Zaaaaayn!"
"Mauuna ako!!" Natatawang sabi ni Zayn. Okay, bati na sila? Nag tatawanan eh.
"Wooo! Mas makapangyarihan ako!" Sigaw ni Ali. "Hindi! Mas makapangyarihan ako!"
Tawa kami ng tawa ni Ali sa kanila.
Pero habang tumatagal bigla akong nahilo, napahawak pa nga ako kay Tevi. "Are you okay?"
May biglang nag flashback saakin.
Dalawang nilalang na nag aaway. Papa.
Agh! Humigpit ang hawak 'ko kay Tevi. Napatigil ang dalawa sa pag lalaban.
"Okay ka lang?"
"Yung... Yung panaginip 'ko"
Napaluhod ako. "H-hindi na 'to okay, k-kailangan 'ko na malaman ang panaginip na 'yun"
Parang may pahiwatig ang panaginip......