Chapter 12: Four

2118 Words
12. Napaluhod ako. "H-hindi na 'to okay, k-kailangan 'ko na malaman ang panaginip na 'yun" Parang may pahiwatig ang panaginip. Pinaupo nila ako sa Sofa. "Anong panaginip?" "Ayoko na balewalain ito, panaginip 'ko 'to nahindi maalala pero pakiramdam 'ko ang bigat bigat ng nangyayari" "Sabi 'ko sayo bangungot lang 'yan" "Hindi nga Zayn! Hindi. Iba" Kahit anong explanation 'ko ayaw nilang maniwala, gustong gusto 'ko malaman ang panaginip na 'yun. Alam 'kong may panaginip akong hindi 'ko matandaan pero walang nangyayaring ganito. Sinabi 'ko 'yung nararamdaman 'ko, na pakiramdam 'ko na may mangyayaring masama. Na parang pahiwatig ito, parang babala? Sinabi 'kong gagawan 'ko ng paraan para malaman ito, hihingi ako ng tulong sa kanila. Pero ayaw nila, 'wag 'ko nalang pansinin. Mas mahihirapan lang daw ako, baka bamgungot lang ito na bumabagabag. Wala lang daw ito, balewalain 'ko nalang. Hindi ako pumayag, kung ayaw nila kay Ealy ako papatulong. Sa iba. "Luna, 'wag mo nalang pansinin--" "Ayoko Ali! May masama akong kutob tungkol ito! Alam 'kong pahiwatig ito!" Napatigil ako. "Wala ba sainyong may-kapangyarihan na makita ang napanaginipan?" Sabay sabay silang umiling. "But I have way.." sabi ni Zayn, hindi 'ko alam pero bigla akong napalapit kay Zayn. "Ano 'yun? May alam ka? Tulungan mo ako" Nagulat ako nang maglaho siya sa puwesto niya at lumipat sa likod 'ko, naka talikod rin siya. "Sorry I can't tell you" "Zayn please! Tulungan mo ako!" Sabi 'ko at hinarangan siya. "No!" "Please! Please Zayn tulungan mo ako!" "Natulungan na kita." "Pero kulang pa 'yun sa p**********p mo saakin" kailangan niya makonsensya para tulungan ako. Please, makonsensya ka. Napatingin siya kay Ali at Tevi tsaka ako tinitigan at lumapit. "It's fvcking dangerous" "Ano bang gagawin? Kaya 'ko 'yan" sabi 'ko. Mukhang ayaw niyang sabihin dahil linagpasan niya ako pero hinawakan 'ko ang kamay niya kaya napatigil siya. Nakatalikod kami sa isa't isa. "No Luna" "Please" "Kailangan mo masaktan dito, I can't hurt you anymore" Humarap ako sa kaniya. "Zaynario Luhano Whoulker.." napatingin siya saakin sa pag bigkas 'ko ng pangalan niya. "Help me unless.." umatras ako. "You won't--" "I will" "Luna, hayaan mo nalang ang panaginip na yan" sabi ni Ali. "Puwede kang mapahamak" sabi ni Tevi. Lumapit saakin si Zayn. "There's procession here, kailangan kitang saktan gamit ang isang gamot ng pagpaalala. Ang mga nakalimutan mo na gusto mo maalala ay maalala mo, kailangan mong masaktan para maalala ito" sabi nito. "Saktan na.. literal na saktan? Sugat?" "Yes, you see? You can't be in that situation again" sabi nito. "Nakalimutan mo na bang may kapangyarihan na akong pagalingin ang sarili 'ko? Kahit anong p*******t mo wala ng kuwenta" Napatigil silang lahat sa sinabi 'ko. "Kayang kaya mo ako saktan, wala ng ipekto ang mga 'yun" sabi 'ko. "Kahit na Luna, bago ka palang" sabi ni Tevi. "That's why! It can help me too to know how strong my power is" sabi 'ko. "Please Zayn, tulungan mo ako." Gusto 'ko lumuhod sa kaniya. "No" "Kung ayaw niyo edi wag! Ako nalang mag isa!" Sigaw 'ko at tumalikod. "LUNA!?!" Sigaw nila. Naramdaman 'ko ang hangin na pumapaligid saakin... Galing ito kay Tevi. "You won't leave" "Wala naman kayong balak tulungan ako!" "Luna!! 'Wag mo ulitin ang mga nangyari!!" Sabi ni Ali. "Hindi Ali, kailangan 'ko lang malaman ang panaginip na 'yun" "Luna.." Salita ni Zayn *** Habang naglalakad ay patingin tingin saakin si Zayn. "Dapat nagpaalam muna tayo sa konseho" sabi nito. "Oo nga, mapapagalitan tayo eh" sabi ni Ali. Napahinga nalang ako. "Walang mangyayaring masama saakin, may kapangyarihan na ako. Wag na kayo magisip ng kung ano ano" sabi 'ko. "'Wag mo abusaduhin ang meron ka." "Hindi naman. Gusto 'ko lang malaman kung hanggang saan ang kapangyarihan 'ko na 'to" sagot 'ko. Napatingin ako kay Tevi na tahimik lang. "Bakit?" Tanong niya. "Tumahimik ka kasi" "Iniisip 'ko lang ang mangyayari sayo, at ang panaginip mo" sabi niya. Ako rin. Sinabi ni Zayn na may pupuntahan kaming isang lugar kung saan gaganapin. Ayaw niya talaga akong tulungan. Pero mas ayaw niyang sa iba ako humingi ng tulong. Habang nag lalakad ay may naka bangga ako. Isang babae. Seryoso ang mukha niya at naging ginto ang mga mata. "S-sorry" sabi 'ko. Napatingin ako sa kaniya, may dala siyang libro. Kakaibang libro. "Elfeia?" Takang tanong ni Tevi. Umalis lang ang Elfeia na iyon at parang galit. "Sino 'yun?" "Si Elfeia, bilang lang ang kinakausap niyan. Masungit kasi siya at parang laging may hinahanap. Mysterious nga 'yan" sabi ni Tevi. "She's intimidating" sabi ni Ali. Napa tango tango nalang ako at naglakad kasama ang tatlo. *** Nagtatakang bumalik si Esmeralda sa Council Room. "What?" Tanong ni Lemuel. "Wala ang apat sa bahay" sabi nito. "Baka ipinasyal nila si Luna?" Sabi ni Therine. "Sabi 'ko 'wag silang lalabas eh" sabi ni Esmeralda. Pinapakalma niya ang sarili kahit kinakabahan ito. "Well, baka may pinuntahan lang or Something" sabi ni Jaruto. "Pinuno! Headmasters! Council" nagmamadaling pumasok ang isang babae sa Council Room. "Alfeia?" "I saw that Luna with Ali, Zayn at Tevi. They're walking to Zarafi! I think Luna request something to them, is that the nightmare thing?" Salita nito. Napatayo si Lisa at Esmeralda. "Oh no, kailangan natin silang maabutan!" Sabi ni Esmeralda. "What? Anong nightmare?" Tanong ng pinuno. "May napanaginipan si Luna kanina, binabagabag ito kaya alam 'kong may gagawin siya!" Sabay sabay silang lumabas kasama na si natasha. Wala na ngayong tao a loob ng council room maliban sa isang babae. Si Alfeia. Ngumiti ito at pumunta sa mga libro. "I won't stop unless I found it" bulong nito tsaka hinawakan ang mga libro. Habang hinahawakan ang mga libro, isang usok ang lumalabas sa kamay niya. "Where are you...." Nagsisimula na itong mainis. "Walang kuwentong pambata diyan" muntik nang sumabog ng puso mo Alfeia sa gulat nang isang lalaki ang nagsalita. "Freak" "Hindi ka parin tumitigil" unti unti lumapit ang lalaki kay Alfeia. "Fvck, stay there Czhy!" Sigaw ni Alfeia. "You never, change. Alfeia" *** " Luna.. Handa Kana ba?" Tanong nito saakin. Nakatingin lamang ako kay Zayn. Matagal na akong handa. Nasa gilid lamang sila Tevi at Ali, nasa gitna kami ni Zayn. Hindi 'ko alam kung saan ito pero para siyang stage. May linabas na parang maliit na bottle si Zayn. "Someone gave this to me, I hope it can help you" sabi niya tsaka itinapon. Kasabay ng pagbaba ng bote na iyon ang paglabas ng apoy sa palad nya at dumapo saakin ang matinding sakit na parang sunog. Lahat sila nag alala pero ang sunog sa katawan 'ko ay unti unting nawala. Muli akong inatake ni Zayn ng sunod-sunod at napaluhod na ako doon. Hindi sa sakit mula sa sugat na natatamo 'ko, sa isip 'ko. Parang unti unting binibiyak ang utak 'ko. "LUNA!!" Nakita 'ko ang pag alala ni Zayn pero hindi siya tumigil. "AGGHHH!!!" "LUNA! ZAYN ITIGIL MO!" Sigaw ni Ali. Alam 'kong sa sunod sunod na pag atake ni Zayn ay sunod sunod na pag hilom ng mga sugat na binibigay niya. "AGHHHH!!!" Napaka ganda. Ang kulay asul na kalangitan, ang malakas na hangin, magandang tinig ng boses ng alon... Ang ganda ng lahat. Kung nanaisin 'ko, gusto 'ko tumira dito. Dito nalang ako, sa walang problema.. "Luna.." isang babaeng naka cloak at tago ang mukha ang tumawag sa pangalan 'ko. Tumingin ako sa likod kung nasaan siya. Kulay itim ang lahat ng kasuotan niya. "S-sino ka?" tanong 'ko. "Gusto mo ba talaga malaman kung sino ako... Luna?" nakakakilabot ang boses niya. Nang unti unti siyang lumapit saakin ay nagdidilim ang kapaligiran. Parang nagagalit ang langit. Tinatangay ng malalkas na hangin ang buhok 'ko, parang ako ay tatangayin narin kaya napaupo ako at sumigaw. Kahit nababasa ako ng tubig mula sa dagat ay lumuhod ako. "Wala kang laban saakin... Hindi mo ako kaya" sabi nito tsaka patuloy na humakbang papunta saakin. Bawat hakbang niya ay nakakaramdam ako ng paso saaking balat. Parang unti unti niya akong pinapatay. Sino siya? "Kayang kaya kita paslangin. Pero hindi 'ko magagawa 'yun sa realidad.." sabi nito tsaka ibinuka ang isang kamay na may apoy. "Kaya sa panaginip nalang.... panaginip na madadala mo sa katotohanan" "AHHH!! SINO KA?!!" hindi 'ko siya kilala! Hindi 'ko alam kung sino siya! "Hindi na ako mag aaksaya ng oras." Sa oras na ito, ibinuka niya ang parehong kamay at sa likod nito ay itim na mga usok ang lumabas, may mga apoy na sumusunod sa kaniya. May mga kuryenteng bumabalot sa kaniya... At para siyang gumagawa ng buhawi. Malapit na siya saakin kaya napa atras ako. Gusto 'kong tumakbo pero nanlalamig ang katawan 'ko. W-wala akong alam sa mga nangyayari. Habang umaatras ako ay may kulay Lila ang umiikot ikot saakin. Ang mga buhangin ay nasisi liparan at pinapalibutan ako. "Wala kang alam kung anong meron ako... at meron ka" sabi nito at lalong bumilis ang paglapit saakin. "Umalis ka!!" umiiyak 'kong sabi. "Layuan mo ako!!" Pati ang mga bato ay pinapalibutan na rin ako. "UMALIS KA!!!" Itinaas niya ang kamay niya at isang dambuhalang itim na makakapal na usok ang papunta na saakin. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ng aking anak? Umalis ka daw" Isang lalaki ang narinig 'kong nagsalita dahilan para tumigil ang babaeng ito. "Sino ka?!" "Si Luna ang dapat mong tanongin niyan, Sino nga ba siya? Hanggang saan ang kakayanan niya para pabagsakin ka?" salita nito at lumapit saamin. "Sotelo..." Papa? Pangalan ito ng papa 'ko, Sotelo. "Namatay ako pero ang alala 'ko ay nananatiling buhay saiyong isip" sabi ng lalaki. Nang tignan 'ko siya ay nakumpirma 'kong si papa nga siya! Ang papa 'ko! "AGHHHHHH!!!!!" Unti unti ako nag kaka ala-ala. Lalong bumibilis ang pag atake ni Zayn saakin, alam 'kong masakit pero mas masakit ang ulo 'ko. Para akong pinipiga. "ZAYN TUMIGIL KA!!" sigaw ni Ali. Napaluha ako sa sobrang sakit. "AGHHHHHH!!" Nasuka na ako ng dugo. Agh. "Papa..." gusto 'kong umiyak at yakapin siya. "Hindi mo ito laban! Tapos na ang laban niyong dalawa!" sigaw ng babae. "Tama ka, tapos na nga ang laban namin. Kaya ipagpapatuloy ito... ni Luna" ngumiti si Papa saakin. Tinulungan niya akong tumayo at hinawakan ang kamay 'ko. "Makapangyarihan ka..." sabi ni papa at itinaas ang kamay. May lumitaw na parang ilaw, may napanood kami roong isang babaeng nakikipag laban gamit ang isang kapangyarihan. Sobrang lakas niya! Para siyang diyos sa sobrang lakas! Napaka makapangyarihan niya. "Pero mas makapangyarihan... Ang anak 'ko" sabi nito at muling ngumiti. "Kaya kaya kitang patayin ngayon, Sotelo." "Paano mo ako mapapatay kung patay na ako? Mahal na reyna" sabi ni Papa. "Nagsanib puwersa na kayo ng asawa mo noon para patayin ako, pero hindi manlang kayo umabot sa gitna ng kapangyarihan 'ko. Ang anak niyo pa kaya?" sabi ng babae. Ako? "Iba kami, Iba siya" ang sabi ni papa at lumayo saakin. "Sa tingin mo mahal na reyna, gaano kalakas si Luna?" "PAPA!" Malakas 'kong sigaw. Aatakihin pa sana ako ni Zayn nang mag si-putukan ang paligid at pakiramdam 'ko ay lumindol. "Tumigil kayo!!" Narinig 'kong sigaw ni Ms.Esme. Agad lumapit si Ali saakin. "Okay ka lang?" "Naalala 'ko na.." Nakita 'ko ang mga sugat 'ko na naghilom kaagad. Ang mga dugo ay kusang nanglaho. Napangiti ako sa sarili 'ko at tumayo. Muli 'kong inalala ang napanaginipan 'ko. Pakiramdam 'ko naputol ito, pero ngayon may ideya na ako. "Ayos ka lang Luna?" Tanong ni Miss Lisa. "Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Miss Therine. "Zayn ano nanaman ba ito?!" Inis na tanong ni Mama. "'Wag po kayo magalit kay Zayn, ako po ang nag patulong. At kailangan 'ko rin po ang tulong niyo" sabi 'ko. "Ano?" "What are you talking about?" Tanong ng Pinuno. "May napanaginipan po ako tungkol sa papa 'ko, isa pong salamangkero rin siya! N-naalala 'ko na" sabi 'ko. "Anong sinasabi mo, binibini? Sinong ama?" Tanong ni Natasha. Nagtinginan si Miss Lisa at Mama."WAG MONG SABIHIN!" Sigaw nila. "Ano? Anong 'wag sasabihin?" Tanong ni Miss Natasha. "Ano 'yun?" "Sino ang tinutukoy mong ama?" Tanong ni Sir Jaruto. "Si Papa Telo, Sotelo" Nagtinginan silang lahat, kahit si Ali at Tevi. "ANO?!" "Hibang ka ba? Tatay mo si Sotelo? Sotelo Greensmith?" Tanong ni Miss Natasha. "Papa 'ko po siya, napanaginipan 'ko po siya" sabi 'ko. "Anak ka ni Sotelo? Kung ganun ikaw ang anak ni Sirius at Sotelo?" Tanong ni Miss Sibeal. "Ikaw ang nasa propesiya?" __________ Chapter 11️ "Sigurado ka ba?" "Sigurado po ako, kaya 'ko ang mission na ito" Author's Note: yes! Naipasok 'ko n si Alfeia (Alfeai Zarani) and I also mentioned Czhy!! Malapit 'ko na sila tuluyang ipasok! Maybe Czhy(bawal sabihin real name hihi) will official appear in Chapter 15 or 16!! Baka ipasok 'ko narin ang pinaka mamahal 'ko GUESS WHO? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD