13.
"Alam niyo?" Tanong ng pinuno.
"You know this? Lisa? Esmeralda?" Nagtatakang tanong ni Sibeal. "We're crazy thinking who's that girl who will save us, alam niyo na pala!" Her voice had risen shrill.
"Even we tell it, will you believe it?" Tanong ni Esmeralda. "Are we crazy? Paanong si Luna.." napatigil si Natasha. Napailing iling nalang ito.
"Nasabi 'ko na sa'yo iyo Pinuno, you didn't believe it" sabi ni Esmeralda.
"Paano niyo nalamang siya nga?" Tanong ni Lemuel.
Napabuntong hininga si Esmeralda. "Sinabi 'ko na, matagal 'ko nang inoobserbahan si Luna. Inalam 'ko ang past niya by knowing her backrounds and asking her neighbors. Minsan nang nagpakita si Sotelo saakin, sinabing bantayan 'ko ang anak niya. Nakita 'ko rin noon si Allegra, sinabi niyang muling nagpakita ang Bathala sa kaniya at pinasubaybayan si Luna" ang sabi ni Esmeralda. "Halos gabi gabi 'kong napapanaginipan ang pag silang ni Luna, kaya napaisip na ako noon"
"Sinabi 'ko ito kay Lisa, naniwala siya at naghanap pa ng ibang ebedensiya. May iba pa akong katanungan at gusto 'ko itong alamin" Natahimik ang lahat.
"Hindi pa naman tayo sure right?" Sabi ni Natasha. "Magiging sure lang tayo, kung mahahanap natin ang pinaka matandang nilalang sa buong Magic Island" Luthanus said bewilderingly.
"Si Allegra" sabi ni Sibeal. "Matagal nang wala si Allegra, linisan niya na ang mundo ng mahika." Sabi ni Lemuel.
"Kailangan natin siya mahanap, sa mundo ng mga tao" sabi ni Sihairo. "Nakita 'ko sa isang panaginip 'kong naroon siya"
"Alam na ba ito ni Luna?" Tanong ni Therine "Hindi niya dapat muna itong malaman" sabi naman ni Sibeal.
"She need to know it, para makapag-handa siya" sabi ni Jaruto.
"We need to keep this or else may mapapahamak" ang sabi ni Lisa. "Ngayon, kailangan nating masagot ang lahat. Si Allegra lang kayang sumagot ng mga ito"
"She's out of no where right? She had to leave at kasabay ata noon ang pagkawala ng kapangyarihan niya" sabi ni Therine,
"No, hindi kasama ang pagkawala ng kapangyraihan niya" sabi ni Esmeralda. "Kaya kailangan parin natin siya hanapin."
"Mailap ngayon si Allegra. Hindi niya na gusto magkaroon ng koneksyon sa kahit sinong taga Magic Island." sabi ni Jaruto. "Tama si Jaruto, Sa huling pagkakalam 'ko kay Allegra, nakikihalubilo na ito sa mga tao" sabi ng Pinuno.
"Kung ganun, may nakakakilala sa kaniya sa labas, it could be easier" sabi ni Lemuel
"Where site we could find that old woman?" tanong ni Natasha. "Ako na maghahanap kay Allegra, alam 'ko ang pasikot sikot sa kabilang mundo" sabi ni Esmeralda. "I'm with you" sabi naman ni Therine.
"Walang lalabas ng Magic Island" sabi ng Pinuno at tumayo. "We have alot of responsibilities here that we have to do" sabi ng Pinuno. "Kung ganun sino ang maghahanap kay Allegra? Hindi naman pwedeng i-atas natin ito sa mga taga-bantay" sabi ni Sibeal
"Nag desisyon ang mga bata nang walang pahintulot natin, you know what it means"
"Parusa?" tanong ni Sibeal. "Sila ang hahanap kay Allegra" Nagtayuan ang mga konseho.
"NO!!"
"DON'T DO THIS!!!!"
Sabay sabay silang nagsigawan. "Hindi puwede! Baka mapahamak lang sila" sabi ni Lemuel
"They can't do this alone without our guide! Bata pa sila at wala silang alam kung anong meron ang nasa labas" Esmeralda said in repudiation
"Isa pa, anong alam nila kay Allegra? They know Allegra as the oldest, pero hindi nila ito kilala" sabi ni Lisa.
"Lisa is right, marami ring mapanlinlang mahikero sa labas ng Magic Island" sabi ni Esmeralda. "They need to do this" Umupo ang Pinuno.
"It's not just a Mission. A punishment or anything, ito rin ang magiging silbing pagsubok nila kung gaano sila kagaling. Hanggang saan ang kapangyarihan nila" sabi ng Pinuno. "Kailangan nila itong gawin"
"Pero.. paano kung may mangyaring masama?" tanong ni Esmeralda. "They can't do it" sabi ni Natasha
"Nasa sakanila iyon, sa tingin niyo, Hahayaan nilang maymangyari sa kanila? Luna is with Ali, Zayn and Tevi. They have power and I know they will use it"
Natahimik ang lahat. "Ako mismo ang gagalaw kapag may nangyaring masama sa kanila" Tumayo ang pinuno at nag lakad. "Hindi madali hanapin si Allegra"
"Enough for their punishment" sabi nito. "Paano naman kung-"
"Stop asking, they'll do what what I order to do" seryosong sabi ng Pinuno at inilapag ang isang kahon. "Kaya nila ito, alam 'ko 'yun" sabi nito.
"What's this?" tanong ni Sibeal. "Buksan mo"
Binuksan ni Sibeal ang kahon, apat na kuwintas lamang na mayroong bilog na pendant.
***
"A-ano?" nagtataka 'kong tanong. "Wala tayong magagawa, pasya ito ng pinuno" sabi ni Mama.
"Sorry but, hindi kami sanay at wala kaming alam sa mundo ng mga tao" sabi ni Tevi. "Last time I check, muntik akong mapahamak sa kabilang mundo" sabi naman ni Zayn.
"Paano kung maligaw ligaw kami? Wala kaming kaalam alam sa kabilang mundo" sabi ni Ali.
Nagulat naman ako nang buong council ang tumingin saakin, kaya napatingin rin saakin ang tatlo. "Ohh."
"'Wag niyo sana kalimutan na taga-roon si Luna, she know every edge of other-side" sabi ni Ms.Esme. "Bakit hindi nalang kayo ang gumawa?" tanong ni Zayn. "Bakit hindi nalang rin kayo ang gumawa? kami ba ang sumuway sa utos? "
Napatigil doon si Zayn at nanahimik nalang, ayan kasi! Nabara ka tuloy.
"We just help Luna.." depensa pa ni Zayn. "You still violated our rules"
"Ahm..."
"Alam 'kong nag dadalawang isip kayo, kaya kunin niyo ito" binigyan niya kami ng kuwintas na may pendant na bilog. "It will serve as a connection between different worlds, so you can contact us with that in mind" sabi ni Miss Therine. "Pero hindi lahat ng oras, sasagot kami. It's your mission, we are out there" dagdag nito.
"Kaya niyo ring magusap sa pamamagitan ng kuwintas na iyan, sa inyong isip kung sakaling magkahiwalay kayo" sabi ni Ms.Lisa.
"Kung may nangyari mang masama, o isa sainyo napahamak... mararamdaman niyo ito" sabi ni sir Lemuel.
Nagsi-tayuan naman kaming apat. "Hindi niyo rin dapat ipakita ang mga kapangyarihan niyo sa mga tao" sabi ni Mama. "Alam niyo na ito, hindi kayo dapat magpakilala sa kanila bilang kakaiba"
Napatango kami. "Hindi basta basta ang misyon na ito, Kailangan niyong mahanap ang pinaka matandang nilalang sa mundo ng mahika.. si Allegra" gusto 'ko alamin kung ilang taon na ang Allegra na ipinapahanap nila saamin.
"Kung paano mo ako nakita noon, Luna. Ganun din ang mukha ngayon ni Allegra. Tanda ito sa paglabas mo sa Magic Island, magiging matanda ka--"
"MAGIGING MATANDA KAMI?!" sabay sabay naming tanong.
"Hindi, matanda na ba kayo?" seryosong tanong ni Ms.Esme "Doon ipinapakita ang magiging itsura mo kung taga kabilang mundo ka, kung hindi niyo naiintindihan... kung anong edad mo ngayon 'yun ang itsura mo. Kung dito saatin, mananatiling bata ang itsura natin, sa kabilang mundo ay hindi" paliwanad nito.
Napa 'ahh' nalang kami. "Bakit po ba namin siya kailangan hanapin? Hindi po ba pinutol niya na ang koneksyon niya saatin?" tanong ni Tevi.
Oo nga, bakit nga ba?
"May mga mahahalagang gawain ang konseho na labas kayo, hindi niyo na kailangan malaman" Miss Lisa said in austere
"May kailangan pa ba tayong pag-usapan? Napakita na namin sainyo si Allegra, lahat na nasabi namin" sabi ni Mama. "Hanggang kailan po kami sa labas?"
"Ayon sa pinuno, Tatlo o apat na araw. Sa mga araw na iyon at hindi pa kayo bumabalik. Sa pilitan kayong hihilain ng portal pabalik" sabi ni Ms.Therine.
Alam 'kong hindi aprubado kay Mama ito, kapatid niya naman ang pinuno.. bakit hindi niya ito kumbinsihin na 'wag ito ituloy?
"Maghanda na kayo" sabi ni Ms.Esme. "Pumunta na kayo sa tirahan niyo at ihanda ang mga gamit na dadalhin. Mag madali!! Mamayang hapon rin ay aalis na kayo" sabi nito tsaka agad kaming tumakbo ni Ali sa aming kuwarto.
Medyo marami akong dinala pero hindi nagpatalo si Ali. Sobrang dami nitong dala. Ayoko magpakampante dahil alam 'ko na kung anong meron sa labas.
Pano kung may makakita saakin doon? tapos sabihin nila 'Huy ilang buwan kang hindi pumasok yari ka kay sir!' 'Huy ano? wala kana bang pera? hindi kana pumapasok?' 'Sayang two years mo sa college!'
bruh.
Pero hindi 'ko inisip iyon, nagbihis rin ako ng skirt, turtle-neck longsleeve at longcoat. Para hindi ako mamukhaan.
Sana nga.
Dahil marami pa namang galit saakin noon, makita lang nila ako nanampal na.
From elementary to College. Wala na, wala na akong future noon.
Ang mean ko sa walang future, wala akong plano sa future ko, hinahayaan 'kong tangayin ako ng tadhana at siya ang magdisisyon saakin.
Walang direksyon ang buhay 'ko. Wala nga akong pake kung bukas mamatay ako eh.
Para saan pa?
Pero alam 'ko, ngayon , dito sa mundo ng mahika.. nag-iba ako.
May plano na ako sa hinaharap, may gusto na akong mangyari, may gusto pa akong maranasan.
Kaya hindi katulad ng dati, pinapahalagahan 'ko na ang buhay 'ko.
"Yeah that's right, if that bully hurt you again, then I will use my power to kill them" napatingin ako sa likod 'ko at nakita si Ealy.
Nakakunot naman ang noo ni Ali. Shocks.
Nakakabasa nga pala ng isip si Ealy. "This mission isn't easy, and you're right. Pahalagahan mo ang buhay mo" sabi nito at lumapit.
"Bakit ka nandito?" Tanong ni Ali. "Masama? Gusto 'ko lang magba-bye"
Umirap si Ali. Tsk!
"Ito ang una mong mission Luna, be ready" sabi nito at umupo.
Umupo rin kami ni Ali sa tabi nito. "You should come back, Alive"
"Talaga! Kaya namin ang sarili namin" sabi ni Ali. "Lagi kayong sumunod sa dalawang 'yun hah?Para walang mangyari sainyo"
"Worried ka?" Tanong 'ko. "Oo naman! We're friends!"
Friends.
Ang sarap pakinggan, bukod kay Ali... May iba pa akong kaibigan "Drama nito! Halika nga!" Bigla akong yinakap ni Ealy.
Bakit kasi ang galing nito mabasa ang isip 'ko? Tsk!
"Oh ano hindi kayo lalabas?" Bigla kaming napatayo sa gulat.
Zayn siga. -__-
"Tara na"
Sabay sabay kaming lumabas dala ang gamit natin. "Ipapa alala 'ko lang, this is a important mission. Not vacation" napatingin si Sir Lemuel sa dala dala ni Ali.
Palihim akong napatawa. "Baka po kasi.. alam niyo na? In case lang na.."
Nag piece sign ito "Kung may dapat man kayong protektahan, iyon ay si Luna" patuloy ni Sir.
Nagtaka kaming tatlo kung bakit ako? "B-baka kung mapaano siya. Wala siyang lakas ng kapangyarihan kagaya niyo"
Napatango tango kami. "So, tara na?" Tanong ni Ms.Lisa.
"Ready na kayo?"
"Yes" sabay sabay naming sabi.
Bigla nalang natunaw ang paligid at napalitan ng masukal na gubat.
Ano 'to? Ang galing. "Woah.."
"Luna, Tevi, Ali, Zayn.. seryosohin niyo ito. Siguraduhin niyong mahahanap niyo si Allegra" sabi ni Mama.
"Sana makabalik kayong ligtas.." sabi ni Ms.Lisa at inangat ang kaniyang kamay na mayroong ilaw.
Bumungad saamin ang napaka liwanag na ilaw. Napatakip ako ng mata 'ko.
"Pumasok na kayo" sabi ni Miss Therine. "Mag iingat kayo, Luna.." hinawakan ni Mama ang kamay 'ko.
Ngumiti lang ako sa kaniya at yinakap siya na ikinagulat niya. "A-anong.."
"'Wag po kayong mag-alala saakin. Ayos lang ako" sabi 'ko at humiwalay sakaniya.
Alam 'kong napatingin ang iba pang konseho saamin. "Ingat din po kayo dito ah? Love you" sabi 'ko at hinawakan ang kamay ni Ali para sumama na pumasok sa portal.
Muli akong tumingin kay Ms.Esme na nakangiti lang habang nakatingin saamin.
Kumaway ako tsaka pumasok na.
Nang maka pasok na kami ay parang wala namang nagbago, nasa gubat parin kami ngunit pamilyar na ito.
Naglaho narin ang ilaw-ang Portal.
"Do you remember this place?" Tanong ni Zayn. "Oo, naalala 'ko. Doon tayo" sabi 'ko tsaka sabay sabay kaming naglakad.
"Mama talaga ang turing mo kay Ms.Esme no?" Salita ni Tevi. Tumango naman ako.
"Bakit naman?"
"Wala lang, gusto 'ko lang magkaroon ng mama ulit" sabi 'ko.
Hindi na nagsalita ulit si Tevi at naglakad nalang.
Nakarating kaagad kami sa palengke, alam 'ko ito.
Tuwing bumibili ako ng mga makakain dito sa palengke, dumeretso ako sa gubat para makahanap ng peace.
"Saan tayo?" Tanong ni Ali.
"Hindi 'ko rin alam, maghanap nalang tayo ng matitirhan" sabi 'ko. "Bakit? 'Yung dati mong tinitirhan? Wala na ba?" Tanong ni Tevi.
"Inuupahan 'ko lang 'yun, Sa pag alis 'ko doon, puwedeng may iba ng naka tira doon" sabi 'ko. "Bawal na bang bumalik ulit?"
Ayoko ng bumalik doon, babalik din kasi ang masasamang alala. "Don't force her. Marami pa naman tayong matutuluyan" sabi ni Zayn.
Sabay sabay kaming naglakad at itinuro 'ko sa kanila ang palabas ng palengke.
"Ang daming tao" sabi ni Ali. "Mag iingat kayo, may mga snatcher sa paligid. Palengke pa naman ito" sabi 'ko.
"Snatcher? 'Yung bigla biglang nanghahablot ng gamit? Magnanakaw 'yun diba?" Tumango ako kay Ali. "Oo, delikado talaga dito lalo na kung maraming tao, minsan kasi nakakawan ka ng hindi mo alam"
"Subukan nila at mararamdaman nila ang kuryente" sabi ni Zayn.
Kaagad 'ko siyang sinamaan ng tingin "Umayos ka, pag may nakakita sayo katatakutan ka"
"Dapat lang" pagmamayabang nila. "Kapag nalaman nila 'yang kakayahan natin, pwedeng saktan nila tayo. O ewan basta!" Sabi 'ko.
Palabas na kami ng palengke at nasa gilid na kami ng kalsada. "Alam niyo naman na kung ano 'yan diba?"
"Mga sasakyan" sabay sabay nilang sabi. "Hindi tayo sasakay diyan dahil wala tayong pera, tricycle sana kaso kahit sampung piso wala tayo" sabi 'ko.
"Bakit kasi hindi tayo binigyan ng konseho?" Iritableng sabi ni Zayn.
Tsk.
Dito sa mundo ng mga tao, pinaghihirapan ang pera. Kaya dapat paghirapan rin namin 'yun. Patuloy lang kami naglalakad and as-usual, naninibago ang dalawa, Si Tevi at Ali. Habang si Zayn naman ay seryoso lang na naglalakad, "Ayos ka lang?" tanong 'ko.
Kumunot ang noo nito. "Why I wouldn't be?" seryoso nitong tanong. "Ang tahimik mo kasi."
"Para namang ang ingay 'ko" oo nga naman. Palagi lang palang tahimik at seryoso ang Zayn siga niyo. Hindi pala ito madaldal. "Para kasing hinayang na hinayang ka sa laway mo kapag magsasalita ka"
"Shh! Just don't talk buwan" sabi nito. "Fvck, Buwan is you, you're moon so shut up! Don't ask again" pag iinarte ni Zayn. Wala naman akong sinasabi talak ng talak. "K"
Tatawid na sana kami nang makita namin ang isang babae na malapit nang mabunggo ng isang SUV. Napatigil kami roon at nagulat.
Nakita 'kong gumalaw ang kamay ni Tevi at tumigil nang biglaan ang SUV.
Lahat ng tao ay nagsi-puntahan sa babaeng iyon.
Napatingin ako kay Tevi. "Sorry, nabigla lang ako"
"Sinabihan na tayo ng konseho kanina" sabi ni Ali. "Kontrolin mo Tevi"
"Sorry, keysa naman hayaan 'kong mamatay ang bata?Diba?" Depensa pa nito. "Kahit na. Paano kung may nakakita nito?"
"Sorry"
"Can we just stop? Maghanap nalang tayo ng matutuluyan bago dumilim" sabi ni Zayn.
Tumango kaming lahat at tumawid na. "Mukhang mga palasyo" sabi ni Ali habang naka tingin sa mga building.
"That's building right? Puro pera lang naman inaatupag diyan" sabi ni Tevi. "Don't act like it's your first time here" sabi ni Zayn.
Natahimik ang dalawa, si Tevi at Ali. "M-matagal rin kasi akong hindi nakakita ng mga ganito. Hindi 'ko mapigilan" sabi ni Ali.
"And I'm not from here, we all know that I raised in Magic Island" sabi ni Tevi.
Oo nga, si Tevi ang unang estudyanteng ipinanganak sa Magic Island.
Minadali na kaagad namin ang paghahanap ng matutuluyan.
May mga nakakasalubong ako na parang kilala ako, siguro nga kilala nila ako pero hindi 'ko sila kilala. Sa huling pagkaka-alala 'ko kasi.. lagi 'kong hindi pinapansin ang mga tao sa paligid 'ko.
Hindi 'ko mapagkakailang namiss 'ko ito, yung seven eleven na hilig 'kong tambayan, 'yung parke na hilig 'kong pasiyalan, yung karinderya na hilig 'kong kainan at 'yung lugar kung saan naroon ang bangungot 'ko.
Ang paaralan 'ko.
Pero linagpasan nalang namin 'yun, baka may makakilala pa saakin.
Baka kasi ang alam nila, patay na ako. Joke lang.
Habang naglalakad kami may nakabangga ako na isang babae.
Hindi 'ko alam pero agad naalarma ang tatlo 'kong kasama. OA.
Nang tignan 'ko ang babae, nakilala 'ko siya. Hindi 'ko alam kung anong gagawin 'ko. Napa-atras ako sa sikip ng dibdib 'ko.
Isa siya sa nagparanas saakin ng impyerno. "Vanessa.."
Napatingin siya saakin, para bang sinusuri ang buong pagkatao 'ko. "Do I know you?" Mataray nitong sabi.
Ngumiti lang ako. I'm far compared to her. Mag kaiba na kami ngayon, tao siya.. iba ako.
Kung tutuusin, hindi niya na ako kaya saktan kung sakali. "Isa ba siya?" Tanong ni Ali.
"Hindi, hindi" sabi 'ko kay Vanesaa tsaka linagpasan ito.
Pero nagulat ako nang hatakin niya ang braso 'ko. "Step back." Biglang banta ni Zayn.
"Lu...Luna?" Salita ni Vanessa na tila ba'y nakikilala na ako.
Napatawa siya. "You're alive?"
Tinignan 'ko si Ali na nakataas ang kilay. "You? Why are you still alive?" Salita ni Ali.
Tumahimik lang si Vanessa at lumapit saakin. "Akala namin, patay kana? There's rumors" sabi nito. Ano? sino naman nagsabing patay na ako? So totoo yung mga biro 'kong patay na ang tingin nila saakin?
"You've became different, is that what afterlife did to you?" napatingin ito kay Tevi at Zayn.
"Noong nawala ka, nagdusa ako habang ikaw nagsasaya." Sabi nito tsaka hinawakan ang braso 'ko. "You should really die" sabi nito nang napaka taray.
Ewan 'ko pero parang may kakaiba sa kaniya, parang may something.
Parang nakuryente ako sa haplos niya, ano 'to?
Linagpasan na niya kami at iniwan. "'Yun na 'yun? Gusto mo ipaharap 'ko kay Cattleya 'yan para tapos agad?" Sabi ni Ali.
"Hindi naman kagandahan pero ba't ang taray niya sayo?" Tanong ni Tevi. "I should burn her alive" sabi ni Zayn.
Tumawa lang ako. "Okay lang 'yan, tara na" sabi 'ko.
Nalipasan na kami ng gabi kakalakad at hanap ng matutuluyan.
Napatigil ako sa isang bahay. "Wala naman sigurong naka tira dito noh?"
Para kasing ang luma ng bahay, walang nakatira. "Baka, ayan nalang dali ang sakit na ng paa 'ko!" Sabi ni Ali.
"Sinong tanga ba naman kasi ang mag he-heels para sa misyon?" Seryosong sabi ni Zayn.
"Hoy, wala kang karapatan husgahan ako" sabi ni Ali tsaka nauna nang pumasok sa loob.
"Baka mamaya punerarya pala ito" sabi ni Zayn.
Alam niya ang tungkol doon? Napatingin siya saakin. "Pumasok nalang tayo" sabi niya at sumunod kay Ali.
Hindi pa nga sure kung walang naka tira dito, pumasok na kaagad sila. Tsk
Naiwan tuloy kami ni Tevi. Napatingin ako sa kaniya at siya naman nahuli 'kong nakatingin saakin.
Nagulat siya doon, bakit?
"P-pasok na tayo?" Tanong niya. Napatawa ako. "Pasok lang walang tayo" natatawa 'kong sabi.
"Wow. Tara na nga!" Sabi niya at sabay kaming pumasok.
Confirmed, walang nakatira.
May sala, kusina at dalawang kuwarto pero walang tao.
"So dito muna tayo for a while?" Tanong ni Ali. "Oo, mas okay na dito. 'Wag maarte" sabi 'ko.
"Parang sinaunang bahay pa ito" sabi ni Tevi. "Si Jose Rizal siguro nakatira dito noong sinaunang panahon" sabi ni Zayn.
"Siraulo. Hindi ba puwedeng hindi lang nalinisan? Jose Rizal kaagad"
"Malay ba nating taguan pala ito noon kasama ni Andres Bonifacio diba" sabi nito. Napatawa nalang ako.
"Sino 'yun?" Tanong ni Tevi at Ali. "That's national heroes in the Philippines" sabi ni Zayn.
"Ahh." Sabay na sabi ni Tevi at Ali. "Teka bakit mo alam 'yun?" Tanong ni Tevi.
Oo nga, bakit nga ba? "I just heard" sabi ni Zayn at umupo.
"Tag isa tayo ng kuwarto, boys, girls" sabi 'ko. "Mag kahiwalay tayo?" Tanong ni Zayn.
"Malamang!" Maglalakad na sana kami papunta sa kuwarto nang may sumigaw.
"HOY HOY HOY!! SINO KAYO HAH?! MGA MAGNANAKAW!!" sigaw ng isang matabang babae.
"N-nako, hindi po!" Sabi 'ko. "ANONG HINDI AH? TRESPASSING?!"
"UMALIS KAYO!! LUMAYAS KAYO SA PAMAMAHAY KO MGA MAGNANAKAW!!"
"Pigilan niyo ako, liliyaban 'ko 'yan" sabi ni Zayn. "Kumalma ka" sabi ni Ali.
"ANONG LILIYABAN HAH?! MGA KAPITBAHAY!!!!!!!!!!" malakas na sigaw nito.
Myghad anong gagawin 'ko? Nakaramdam ako ng kalampag mula sa baba.
"Lumayas kayo! Ipapa baranggay 'ko kayo!!" Kumuha ito ng isang babasagin na vase at akmang ihahagis ito saamin.
Ngunit bago pa 'yun ay tinaas ni Ali ang palad nito at binasag ang vase. Nakita 'kong nagulat doon ang babae. "ALI!!"
"ANO KAYO HAH? DEMONYO?! ENGKANTO?! LUMAYAS KAYO DITO MGA KAPITBAHAY!!!!!"
Lumapit ako sa babae at tinitigan ang mga mata nito.
"Wala kang nakita. Hindi mo kami papaalisin sa bahay na ito. Kilala mo kami, iyon ang iyong alam, Ang kabutihan saamin ang iyong ipapakita" natulala ito at naging asul ang mga mata.
Napatingin ako sa mga taong nagsi akyatan. "SINO KAYO——"
Itinapat 'ko ang palad 'ko sa kanila na alam 'kong umilaw.
"Wala kayong naalala sa mga nangyari, bumalik kayo sa iyong mga gawain" tumango tango sila at naglakad pabalik na parang robot.
"Hi!! Hello! Makiki tuloy ba kayo?" Nakangiting sabi ng babae kanina. "Opo sana eh" sabi 'ko.
"Ay nako! Walang problema! May mga kulang pa ba kayo? Sabihin niyo lang! Feel at home!" Masayang sabi nito.
Myghad, buti nalang.
Tumayo ang tatlo ay lumapit saakin na may gulat sa mukha. " Ako si Ester! Puwedeng puwede kayo makitira dito kahit kailan niyo gustuhin! For free! Sige maiwan 'ko na kayo ha?" Umalis na ito.
Mabuti nalang talaga.
"What.. what did you just do?" Gulat na tanong ni Zayn.
"Ano?"
"N-naging asul ang mga mata mo.. at ang palad mo." Sabi ni Ali.
What.. ?
What??!!
O-oo nga! Anong nagawa 'ko?
Umilaw ang palad 'ko kanina, nakita 'ko!
"Wala kang nakita. Hindi mo kami papaalisin sa bahay na ito. Kilala mo kami, iyon ang iyong alam, Ang kabutihan saamin ang iyong ipapakita"
Sinabi 'ko 'yun sa babae at naging mabait siya saamin.. anong ibig sabihin no'n?
"Wala kayong naalala sa mga nangyari, bumalik kayo sa iyong mga gawain"
Sinunod rin nila ako doon!
"M-may bago kanang kapangyarihan" sabi ni Tevi. "Ano? Anong kapangyarihan?"
"Sa.. sa pagkakalaam 'ko, ang kapangyarihan na 'yan ay kapangyarihan komontrol ng isipan ng isang nilalang.. ang ginawa mo kanina ay pagkontrol ng isip nila, napasunod mo sila" sabi ni Ali.
"Nakuha mo agad ang pangalawa mong kapangyarihan, you're unbelievable" sabi ni Zayn.
Napangiti ako at pakiramdam maiiyak sa tuwa. M-may bago akong kapangyarihan! A..ang galing.
Ang saya saya 'ko!
Yinakap kaagad ako ni Ali. Habang si Tevi naman ay nakangiti lang. "It means, your powers know when they will show up." Sabi ni Zayn.
"Kung ganun bakit ngayon?" Tanong 'ko.
"Kasi may misyon tayo, at iyon ang paraan nila para makatulong. Ang gumising sa katawan mo. Hindi sila sabay sabay lumilitaw hindi katulad namin, ang ibig sabihin lang. You have more powers to come" sagot ni Zayn at sobra akong napangiti dito.
"H-hindi 'ko inaasahan!!" sabi 'ko at muling yinakap si Ali. "Congrats!Lunari! May bago kanang kapangyarihan na makakatulong sa atin at sayo"
"It's not that powerful but yeah.. congrats" Sabi ni Zayn.
"Congrats Luna!!" sabi naman ni Tevi.
Ngumiti lang ako. "S-salamat"
Biglang hinawakan ni Ali ang ulo niya. "Nakita na ni Luna ang pangalawang kapangyarihan niya" sabi nito.
May bigla akong narinig sa isip 'ko.
Really?
"O-opo"
That's great! Mas maganda 'yun! makakatulong ito sa misyon niyo ngayon.
Napangiti ako. "Thank you po Miss Sibeal"
Take care and congrats Luna.
Iyan ang huling sinabi ni Ms.Sibeal bago nawala ang boses niya sa isip 'ko.
"I can't wait to know your other powers" sabi ni Ali tsaka yinakap ako ulit.
"Pero sa susunod na araw nalang natin i-celebrate 'yang kapangyarihan mo, Hanapin muna natin ngayon si Allegra"
"Why not now?" tanong ni Ali. "May gagawin pa tayo" sabi naman ni Zayn
"Bukas na natin simulan.. magpahinga muna tayo" sabi 'ko.
"Bukas, kailangan mahanap natin si Allegra" sabi ni Tevi. "Para mabilis tayong makauwi"
"Allegra.."