Chapter 14: Finding the oldest magician

3828 Words
14. "Unti unti nang gumigising ang kapangyarihan ni Luna" salita ng Pinunong Luthanus. Narito siya sa kaniyang kuwarto. "Hindi ba dapat tayong magsaya?" Kasama si Esmeralda. "First, She can heal herself. Second, she can control a person. Iniisip 'ko kung ano ang susunod na lalabas niyang kapangyarihan" sabi ng Pinuno. "I noticed, 'yung kapangyarihan niya tungkol lagi sa pagprotekta sa sarili niya" "Habang patagal ng patagal, nararamdaman 'kong palakas ng palakas ang kapangyarihan niya. She's the daughter of Sotelo and Sythrine" sabi ni Esmeralda. "Kung magkikita sila Luna at Allegra, malalaman ba ni Allegra na si Luna ang anak ng dati niyang mga alaga?" Nagtatakang tanong ni Pinunong Luthanus. "I don't think so, masiyadong pinangangalagaan si Luna.. baka  ng kapangyarihan niya, o ng mga magulang niya.. o kung sino man" sabi ni Esmeralda. "You can't detect her" *** "Ano? Magtiti-tigan lang tayo?" Iritableng tanong ni Ali. Nandito kasi kaming apat sa lamesang pabilog. Nakatulala lang at walang sinasabi. Umagang umaga sabog kami dahil wala kaming pagkain. "Gutom na ako" salita ni Tevi. Wala eh. Gumising kami sa kawalan.. kawalan ng pagkain. Paano, wala kaming pera para pambili. "Kung sino man sainyo may kapangyarihan lumikha ng mga pagkain gawin niyo na" sabi 'ko tsaka sumandal. Tsk. "Bwisit, wala ba kayong pera dyan?" Tanong ni Zayn. "Mukha ba kaming meron?" Hirit ni Ali. "Hindi ba tayo puwede manghingi? Gamitin mo kapangyarihan mo ngayon Luna!" Sabi ni Tevi. "Seryoso ka? Parang ninakawan nalang din natin sila nun eh!" Sabi 'ko. "Let's try! Halikana Luna, keysa wala tayong kainin!" Sabi ni Ali tsaka tumayo. "Sige na nga, baka may mababait dito" sabi 'ko at tumayo rin. "Samahan 'ko na kayo, baka mapano pa kayo diyan" sabi ni Tevi tsaka lumapit samain. "Hindi na, kaya na namin" sabi ni Ali. Tumingin sakin si Tevi-rkolosis, char. "Oo, kaya na namin" "Sure?" "Oo na! Daming satsat gutom na ako baka makain kita! Tara na Lunari!" Sabi nito tsaka hinila ako. Gutom na gutom. "Sige! Ingat kayo hah?" Sabi ni Tevi. Buti pa 'yun, may pa ingat kayo hah? Sweet. Keysa sa isa diyan ubod ng seryoso akala mo mamamatay pag nag salita. Bumaba na kami. Sinalubong kami ng mga kapitbahay, nagtataka sila saamin pero wala silang sinabi. "Saan tayo?" Tanong ni Ali. "Ahm, sa palengke" sabi 'ko. "May pera ka?" Umiling ako. "Baka puwede naman tayong manghingi nalang" sabi 'ko. "As if" sabi nito tsaka naglakad nalang. "O sige payag ka manglimos tayo?" Tanong 'ko. "Ano?!" "Well kung manglilimos tayo, kahit piso meron pa tayong makukuha" sabi 'ko. Kumunot naman ang noo ng gaga. "Seryoso ka? Magmumukha naman tayong kawawa niyan! Alagang alaga tayo sa Magic Island tas dito pulubi lang?" Arte. "Oh ano nga? Wala naman tayong kahit anong meron" sabi 'ko. "What we're gonna do? Ripped our shirts play in mud and say palimoooos?!" Mabilis na pananalita niya. Rapper ampotek. "O payag ka apply tayo trabaho?" Tanong 'ko. "Apat na araw lang tayo dito. Tapos mag tatrabaho tayo? Jusko" sabi nito tsaka tuluyang naglakad. Sabagay. Hanggang sa makarating kami sa palengke ay nagiisip parin kami ng paraan paano magka-pera. "Bakit hindi mo nalang gamitim ang power—— powers mo?" Paghina ng boses niya. "Kapag kailangan ng sitwasyon. Alam mo Ali may tamang oras para gamitin ang kakayahan natin, ayoko naman gamitin 'yun sa mali" sabi 'ko. "Oh well, mabait kang bata eh" Napatigil kami nang mapadaan sa tindahan ng prutas. May saging, manga, ubas, bayabas, langka, pakwan at marami pang iba. "Pwede naman natin 'tong bayaran pagka-balik natin diba?" Sabi ni Ali. "No, 'wag. Pagnanakaw 'yan" Pero parang nadedemonyo ako, gusto 'ko ring kumuha sa sobrang gutom. "P-pero, maiintindihan niya naman 'yun diba?" Turo niya sa itaas. "Ali.." Ngumiti siya ng pilit tsaka kumuha ng plastic. "Ali tumigil ka." Sabi 'ko pero ngumiti lang siya at kumuha ng saging at mangga. Seryoso? Nagnanakaw na siya eh! "Tumigil ka Alira baka may makakita sayo masama 'yan" Pero tumuloy parin siya. Pinapasa-Diyos 'ko nalang ang kaibigan 'kong nangangalang Alira Katherina Doll. Nawa'y makapasok pa siya inyong tahanan pagkatapos ng gagawin niya. Ngumiti siya at pabalik na saakin nang may humawak ng braso niya. "Oh! Y-yes?" "Bago ka lang ba dito miss" Yari ka Alira... Yari ka. Napatingin saakin si Ali. "Oh yeah! Diyan lang kami oh! Bago lang kami" "Alam mo lahat ng tao dito sa barangay kilala 'ko, well dapat kilala rin kita." Nakangiting sabi ng lalaki. Parang alam 'ko na 'to. "Bakit? Care-taker ka ba dito?" Malditang tanong ni Ali. "Well hindi pero kaya kitang i-take care" banat ng lalaki. Napatakip ako sa bibig para pigilin ang tawa 'ko. HAHAHA. "Well sorry, I don't need your care! Tara na nga" sabi ni Ali tsaka hinila ako. Umiling iling ang lalaki pero bigla siyang may narealize kaya hinawakan niya ulit si Ali. "Whaat?" "Ah miss, nabayaran mo na ba 'yan?" Tanong ng lalaki. Patay. "Oh yes" "Ah, kanina pa kasi ako dito, hindi 'ko nakita" sabi ng lalaki. Dashi run run run! "Oh yes, later" sabi ni Ali tsaka tumalikod pero muli siyang hinawakan ng lalaki. Oplan pigilan ang tawa. "Miss alam niyo bang pagnanakaw 'yan? Kung ako sayo kausapin mo si Aleng Nena tapos tanongin mo kung puwede ka mangutang, hindi 'yung hindi ka nagpapa-alam" may point din naman itong lalaking 'to. "Well I can do it later" sabi ni Ali tsaka tumalikod. "Hindi pwede miss! Halika ihaharap kita kay Aleng Nena" sabi nito tsaka hinila si Ali. Patay tayo diyan. "Bitawan mo ako!" "Hindi puwede isusumbong kita!" "Bitawan mo ako! Isusumbong din kita sa mga lalaki 'kong kaibigan!" Yeah, si Zayn at Tevi ang tinutukoy niya. "Hindi pwede Aleng Nena!" Agad nataranta doon si Ali. "Shh!" "Luna!" Call a friend -__- "Ahm ano, kasi ganito... Ahmmmm.. ka-kailangan namin" sabi 'ko nalang. Kaunting tulong sa nanganga-ilangan. Eto ang kaparusahan ni Ali sa pagnanakaw niya eh. Myghad. "Kailangan magnakaw?!" Hindi. Agh shet bahala ka Ali! Ikaw namroblema diyan! Ayan kasi ba't kasi naisip niyang mag pasimpleng magnakaw? Sinabi 'ko noon na kapag may problema si Ali, nandito lang ako para sakanya. Pero ngayon bahala siya diyan. "Bitawan mo ako! I will call my Kuya!" Sigaw nito. I was about to laugh but suddenly stop.. Kuya.. Kuya? Isa lang doon ang tinutukoy niyang Kuya. Is it, Zayn? Hindi naman puwedeng si Tevi. Matanda na si Tevi eh. Mga kasing edad 'ko. Yeah. Mas matanda ako kay Ali at Zayn. "Magnanakaw! May magnanakaw!" Sigaw ng lalaki. Patay ka talaga Ali! Nagtinginan ang ibang tao kaya nataranta rin ako. "Pucha! Tumigil ka nga! Shut Up!" "Mag nanakaw!" "Bitiwan mo ako!" "May magnanakaw!" "Fvck! Shut up!" Nagulat nalang ako nang palutangin ni Ali ang mga kamatis at binato ito sa lalaki. "Alira!" Tinitigan 'ko kaagad ang lalaki na iyon. Nang makitang naging asul na ang mga mata ay nag salita na ako. "You won't remember anything" Agad kaming tumakbo ni Ali na parang hinahabol kami ni Satanas. Ikaw ba naman magnakaw at tumakas? Jusko. "Hindi mo dapat ginawa 'yun!" Sabi 'ko nang makalayo kami. "Buwiset na lalaki! Wala kanang magagawa! Ang nangyari ay nangyari na! Tara na!" Sabi nito tsaka sabay kaming tumakbo. Kung mag teleport nalang kami, ano? Takbo takbo pa shuta. Naabutan namin si Tevi at si Zayn na may hawak na sigarilyo. Pota? Seryosong nakatingin doon si Zayn habang si Tevi parang ini-interview ang sigarilyo sa isip. "Ano 'yan?" Tanong ni Ali habang hingal na hingal. "Hoy! Bakit hawak niyo 'yan?! Itapon niyo 'yan" sabi 'ko. "Bakit? Binigay lang ito ng mga lalaking nakahubad at naghahamon ng away" sabi ni Tevi. "Mga tambay?!" Sabi 'ko. "Itapon niyo 'yan! Sigarilyo 'yan!" Sigaw 'ko. "Illegal 'yan!" Napatapon naman kaagad si Tevi sa sigarilyo na hawak niya. Napatingin ako kay Zayn na patuloy lang na nakatingin dito. "It's not illegal. It's just not healthy for your body and can kill you" sabi nito. Napakunot ng noo si Tevi. "Eh illegal nga!" Sabi ni Tevi. Bigla akong may naramdaman kay Zayn. Hindi 'ko na tinanong kung bakit alam niya ito, may duda naman na ako. Ang pakiramdam 'ko lang, parang ang bigat bigat ng pakiramdam niya habang nakatitig dito. Sa sigarilyo. Hindi 'ko alam kung gusto niya i-try o ano. "Useless" bulong nito tsaka tinapon ito. Agad siyang umakyat sa taas at sumunod ang dalawa kaya naiwan ako dito sa baba. "I'm starting to question your identity, Whoulker" "Saan niyo nakuha 'yan?" Tanong ni Tevi at inilabas ang nga ninakaw ni Ali. Hindi sa minamasama 'ko si Ali, Honest lang hihi. "Ahm.." nagtinginan kaming dalawa ni Ali. "Bahala ka mag explain" sabi 'ko tsaka kumuha ng saging. "Bakit? Anong ginawa niyo?" Tanong Zayn. Napaisip tuloy ulit ako sa sinabi ni Ali kanina. Kuya. Si Zayn 'yun. Alam 'ko. "Don't look at me like a demon after this.." sabi ni Ali. Lol. Biglang umayos ng upo si Zayn mula sa pagkaka sandal. "Oh bakit?" "I..I..." Ai-Ai Delas alas. "You stole it?" Takang tanong ni Zayn. "Babayaran 'ko naman dibaaa?" Depensa pa niya. "Magnanakaw!" Biro ni Tevi. "Kahit na anong rason pag nanakaw parin 'yun! Tsk" "You should let me be with you so we can stole more than just fruits" sabi ni Zayn.. ..Hindi 'ko alam kung.. biro pa 'yun o.. hindi? Joker talaga 'tong si Zayn Hahaha. Seryoso ang loko! "Eh?" Tanging reaction ni Ali. "Seryoso ka tol?" Tanong naman ni Tevi. "Magsama kayong magkapatid" bulong 'ko. Bigla nalang tumayo ang tinutukoy 'kong magkapatid. "Don't... Say it" inis na sabi ni Zayn "We're not!" Sabi namn ni Ali. "Mamatay man??" Asar 'ko pa. "Stop Lunari" galit na sabi ni Ali. "We're fvcking not as you think" sabi naman ni Zayn. Eh? Galit na sila nun? "Weeeh?!" "f**k!" Gustong gusto na lumabas ng apoy sa palad ni Zayn pero parang nag pipigil ito dahil naglalaho laho ang apoy sa palad niya. Biglang lumitaw si Tevi sa harap 'ko at sa isang iglap nasa ibang lugar na kami. Dito parin sa bahay pero sa kuwarto nila. "A-ano?" Tanong 'ko. "Don't take this as a joke" seryoso niyang sabi. Ano? Hindi 'ko siya maintindihan. Joke joke lang. "The siblings doesn't accept as what they are" oh my ghad! S-seryoso? So.. so tama ako?! MAGKAPATID SI ALI AT ZAYN?! "H-hah? Totoo nga 'yung hula 'ko? Paano? Bakit? Walang nakuwento si Ali!" Sabi 'ko. "I don't have any right to tell you. Itanong mo nalang mismo kay Ali. Pero Luna, 'wag mo na ulit sila bibiruin na magkapatid sila" Napailing iling ako. What?! "Wild ang dalawang 'yun, ayaw binabanggit ang kung anong meron sila" sabi nito at bahagyang natawa pero wala akong reaction doon. "They're just talking and together because of you, kung wala ka hinding hindi mag uusap ang dalawang 'yan ulit" sabi niya. Tulay na ako ngayon? "Na-naiintindihan 'ko" sabi 'ko. Well, may ganun talang scenario na hindi mo tanggap ang kadugo mo. Pero ba't pag si Ali at Zayn ang OA? Nag pa-liyab na agad si Zayn? "Kung ayaw mong mapatay ni Zayn..".linapit niya ang bibig niya sa tenga 'ko. "Shh ka lang." Pagka alis na pagka alis niya ay napasandal ako sa pader. God.. Napahawak ako sa puso 'ko. Hoi tanga ba't ang bilis mo kanina? Siraulo 'kong tanong dito. Sinong hindi? Ikaw ba naman bulungan sa ganung paraan. Hayop! Bumalik na kaagad ako sa lamesa at kumain. Agad naman kaming nagplano kung paano mahahanap si Allegra. Good to know na may kaibigan si Tevi na hangin. No no no! I'm not joking! Kaibigan talaga ni Tevi ang hangin. He's prince of wind remember? Walang tinatago ang hangin sa kanya. So yeah, puwede siyang kumunekta dito para mapadali ang mission namin. "Saang lugar ka malapit pinanganak Luna?" Tanong ni Zayn nang magsimula na kaming maglakad para hanapin si Allegra. "Hindi dito, sa probinsya daw sabi ni Lola" napatango tango siya. Magkasama kami ngayon dahil naghiwalay hiwalay kami. Kasama ni Ali si Tevi at kasama 'ko si Zayn. Ayoko pero keysa naman sa magsama ang magkapatid? At palagi narin naman kaming magkasama ni Ali so napagpasyahan nilang mag iba naman Sos. "Somewhere you lived before?" Taning nito ulit. "Dati, diyan sa may Intramuros" sabi 'ko. "-Ay hindi mo nga pala alam ang mga lugar dito.." sabi 'ko. "No, I know Intramuros" sabi nito. Gotcha. Ngayon, gusto 'kong paniwalaan ang sarili 'kong may past si Zayn dito sa mundong kinagisnan 'ko. "How did you became a fairy?" Tanong nito. Fairy? 'Yun ba ako? 'Yun ba kami. "I think, I'm not a fairy, magician pwede pa" sabi 'ko. Okay....? 'Yun kasi ang sagot niya. "Pero hindi 'ko alam. Oh! Hindi 'ko naisip 'yan! Kasi ang magulang 'ko naman tao eh" sabi 'ko. Paano kaya nangyari 'yun noh? Hindi 'ko minsan tinanong ang sarili 'ko kung paanong may kapangyarihan ako tapos wala naman sa lahi namin 'yun. Walang may lahi saaming mangkukulam o ewan. Weird. "Really? Hindi ka ata nakikinig sa history natin." Sabi niya. "Ano? Bakit? Nakikinig ako noh!" "Ang pagiging gifted with our magical powers ay naipapasa mula sa pamilya. Pero pwedeng ang lola mo fairy, then nag skip ito sa magulang mo at naipasa sayo" sabi niya. "So meron sa pamilya 'kong gifted rin?" Tumango siya sa tanong 'ko. Sino? Eh magulang at si Lola 'ko lang naman ang pamilya 'ko... Sabi nila. "Wala naman kaming pamilya na gifted eh, not mom, dad or even my Lola" sabi 'ko. "Malay mo may iba pa kayong kamag-anak" Kamag anak? Wala akong natatandaan. Wala nga akong tito, tita, pinsan o kinakapatid manlang eh! "Wala naman" "There's possibility that you're adopted" sabi nito at napatigil ako bigla. "A-anong sabi mo?" Para itong nataranta at hinawakan ang braso 'ko. "I mean, possibility lang. I don't say that you're really adopted" sabi nito. "No, I'm not" matapang 'kong sabi tsaka naglakad ulit. "Baka naman may malayo kaming kamag anak na gifted rin kaya.. kaya ganito ako" sabi 'ko. "Sino bang mga magulang mo? Baka isa sa kanila at tinago lang nila" sabi niya habang patuloy kaming naglalakad. "Telo" sagot 'ko. "Telo? Anong Telo?" Kunit noo niyang tanong. "Sotelo Greensmith" sabi 'ko. Para naman siyang nanigas sa kinakatayuan niya at biglang tumigil. Kaya tumigil ako at lumapit sa kaniya. "Bakit? Anong nangyari sayo?" Nakita 'kong nagpawis siya at namumula. Ano? Bakit? Anong.. anong nangyayari sa kaniya? "Who's your mother?" Tanong niya ulit. Sobrang namumula na siya at akala mo sasabog na. "Thrine?" Sagot 'ko. "Sirius Sythrine Greensmith?" Teka.. bakit niya alam ang pangalan ni mama? "Paano mo nalaman——" "No" salita niya. Natulala lang siya at hinawakan ang kamay 'ko. "H-hoy" "Kung may magtanong sayo 'kung sino ang mga magulang mo, 'wag na 'wag mong sasabihin kahit kanino" sabi nito. "H-hah? Bakit? Bakit hindi?" tanong 'ko. "Sundin mo nalang ako, okay? Para sayo rin 'yun" sabi niya tsaka naglakad na. Iniwan niya ako? Siyempre iniwan niya ako, sinundan 'ko siya. "Bakit nga?" tanong 'ko ulit. "Bakit?Bakit?Bakit?Bakit?Bakit????"  "Shut up, hanapin nalang natin ang Allegra na 'yun" sabi niya tsaka binilisan ang lakad. Bakit hindi 'ko sasabihin? Parang kinahiya 'ko nalang din si Mama at Papa nun. "Tsk!" Napunta kami sa walang taong street kaya medyo tumahimik. "Bakit--" "Shh! I said shut up, diba? 'Wag mo na tanonginbakit bawal mo sabihin" pag putol nito sa sasabihin 'ko. Luh?Siraulo ampotek "Sasabihin 'ko lang na bakit dito tayo? Hindi bakit bawal 'ko sabihin" Sabog ampota. Napakunot ang noo niya. "May nararamdaman ako dito eh" sabi niya at lumuhod sa lupa.  Hinawakan niya ang semento at nagulat ako nang may lumabas na apoy sa lapag at deretsong pumunta sa kabilang street. "Anong meron doon?" "Tinuturo ng init ng apoy ang hinahanap natin" Hindi 'ko alam bakit gumagamit sila ng kapangyarihan. Ang utos saamin ay huwag gagamit, tigas ng ulo eh noh? Sabay kaming tumakbo sa street na 'yun, wala ring mga tao doon. Kami lang. "Ibig sabihin ba nun, nandito lang si Allegra?" tanong 'ko. "Malamang, nasa pilipinas lang si Allegra" Siniko 'ko siya. "Baliw! Ibig sabihin nandito lang siya sa area na 'to" ewan 'ko kung may tililing itong si Zayn. "Not sure, marunong raw manlinglang ng kapangyarihan si Allegra" sabi nito. "So alam niya na na hinahanap natin siya?" Agad siyang napatingin saakin. "You're right, kung nalilinlang ni Allegra ang kapangyarihan natin para hindi siya mahanap, she already know that we're finding her" sabi niya. Naglakad lakad nalang kami para maghanap. Baka maka-salubong namin itong si Allegra the explorer. "Yes! That's right!" napatigil kami ni Zayn sa paglalakad nang makakita kami ng babaeng may kausap sa telepono. "Nakita 'ko with my two eyes! There's a witch in this world!" witch? Agad kaming nagtinginan ni Zayn doon. "I saw it in the market! Dalawang girl! Nagnanakaw sila ng fruit and then, someone stop and I saw how the other vegetables float!" sabi nito. Agad akong napakapit kay Zayn. "K-kami 'yun"  Napatingin siya saakin sa sinabi 'ko. "May nakakita sainyo" sabi niya. "'Yes! It's true--" nakita 'kong may maliit na kuryente ang lumabas sa mga mata ni Zayn at pumunta sa telepono ng babae. "WHAT HAPPENED?!" sigaw ng babae. "OH MY GOSH!I JUST BOUGHT IT ONE WEEK AGO!" Tumingin si Zayn saakin. "Go, erase her memory" sabi nito tsaka dahan dahan akong pinapalapit sa babae.  "Sino ka?" tanong niya nang maka-lapit ako. "K-kumalma ka" "LUMAYO KA SAAKIN!" sigaw niya at tinulak ako. Nagulat ako sa lakas niya. Takbo na sana siya nang kuhain ni Zayn ang braso niya. "BITAWAN NIYO AKO! TULONG!!"  "TUMAHIMIK KA! LUNA DALI NA!" sabi ni Zayn. Pero maging siya nagulat nang tulakin siya ng babae "TULUNGAN NIYO AKO!!!" Tumakbo na siya nang makita namin si Ali at Tevi na hinihingal na tumatakbo papunta sa gawi namin. Hindi 'ko alam pero nang makita ni Tevi ang babae na paalis na ay inangat niya ang kamay niya para palakasin ang hangin at dahilan ng pagka-puwing 'ko. Sumunod naman si Zayn na pinalibutan ng apoy ang babaeng 'yun. Pero lahat kami nagulat nang tumakbo lang ang babae na parang walang nangyari. "Bakit niyo pinatakas?" tanong ni Tevi na parang naiinis. "Bakit?" tanong ni Zayn. "SI ALLEGRA 'YUN!!" sigaw nilang dalawa ni Ali. "ANO?!"  Si Allegra 'yun? Pa-paano?  "Paanong si Allegra 'yun?" tanong ni Zayn. "The hell! Hindi kayo cinontact ng Konseho?" "Hindi" sabay namin sagot kay Ali. "Kinausap kami ng Konseho, ang sabi nila nasa paligid si Allegra" sbai ni Ali. "May sinabi si Ms.Esme, marunong manlinlang si Allegra" sabi ni Tevi. "Tama nga kami ni Zayn, kung ganun alam nga ni Allegra na hinahanap natin siya?" "Sh*t, Nalinlang tayo ni Allegra. Siya ang nakakasalubong natin" sabi ni Tevi. "ANO?!" tanong 'ko. "Ang may-ari ng bahay, ang lalaki kanina sa palengke at ang babae kanina na pinipigilan namin umalis" sabi ni Ali. Wait.. Naguguluhan ako. Paano? Hindi 'ko ma-gets. Si Allegra lahat 'yun? Paano? Ang.. ang galing niya. "Pati 'yung muntik masagasaan ng sasakyan noong unang dating natin" tahimik lang ako na pinag dudugtong ang mga nangyayari. Ang galing manglinlang ng Allegra na 'yun shet! Hindi namin napansin!  "Paano niyo nalaman?" tanging tanong ni Zayn. "The wind tell me" sagot ni Tevi. "At sinabi rin ng Konseho"   Bumalik kami sa bahay at tinanong sa mga tao sa baba kung sino at nasan na ang may-ari ng bahay na 'yun. Ang tanging sinabi nila, walang nag mamay-ari ng bahay na 'to. Naisahan kami. Ang lapit na ng hinahanap namin, hindi pa namin na napansin. Kaya nagpahinga nalang kami saglit sa sala. Sa sofa ako humiga sa pagod kaka-lakad. "Ngayon, masasabi 'ko na kung bakit si Allegra ang pinaka magaling na mentor sa Magic Island' sabi ni Tevi. "She just  test us" sabi naman ni Ali. Ang paliwanag kasi saamin ng mga Konseho, sinubukan ni Allegra ang mga kapangyarihan namin. Hindi rin nila alam kung bakit, para alamin 'kung galing kaming Magic Island, o alamin kung anong pakay namin.. Sakanya? "May sasabihin ako.." Salita 'ko at tumingin sa kanila. Naka tingin lang sila saakin. "Si Vanessa, naaalala niyo? 'Yung naka salubong nating dati 'kong kaklase" sabi 'ko. Napa ayos sila ng upo. "What about her?" tanong ni Zayn. "May naramdaman akong kakaiba sa kaniya, hindi 'ko alam kung ano pero.. parang.. iba" sabi 'ko.  Tahimik lang sila na nag-iisip. "Si Allegra din kaya 'yun?" Nananatili silang nag-iisip "Puwede, dahil kayang kaya gawin ni Allegra 'yun" sabi ni Zayn.    Lumapit saakin si Tevi  at hinawakan ang kamay 'ko. "A-anong ginagawa mo?" tanong 'ko. "Halika" hinila niya ako sa isang gilid ng bahay na ito malayo kay Ali at Zayn. Anong gagawin ng Tevi na 'to saakin ha? Napa sandal ako sa pader dahil nasa harapan 'ko siya. "Bakit? Anong.. anong gagawin natin dito?" tanong 'ko. Seryoso lang siya at nakita 'ko naging kulay asul ang mga mata niya kagaya ng akin. "Hoy" yawa hindi siya nag sasalita! Ano ba siraulo ba 'tong kaibigan ni- Hinawakan niya ulit ang kamay 'ko at linagay sa dibdib niya. Ngayon naman ay naging puti ang mga mata niya at parang nasasaktan siya. "A-ayos, ayos ka lang?"  "Agggh" napahawak siya saakin "Tevi? Tevi!" hinawakan 'ko ang kamay niya at inalalayan siya.  "Tatawagin 'ko si Zayn-" GHAD! Yinakap ako ni Tevi!!! "Huy!" "Y-yung kaklase mo.." salita niya sa tenga 'ko. "Ano?" "M-may koneksyon siya... may koneksyon siya..." 'yun ang huling sinabi niya bago nahulog sa lapag na hinihingal.  "Tevi! Ano? " " T-TEVI! ZAYN! ALI!" sigaw 'ko. Lumuhod ako at hinawakan ang mukha ni Tevi. "Ano ba kasi ang ginawa mo? Bakit ka hinihingal? May hika ka ba?" Natataranta 'kong tanong. "ZAYN! ALI!!!" sigaw 'ko. Agad naman nagsi-datingan si Ali at Zayn. "Anong nangyari??" tanong ni Zayn at binuhat ang kaibigan niya at dinala sa higaan nila. "Hindi 'ko alam, ang sabi niya lang may koneksyon daw si Vanessa, baka kay Allegra?" sabi 'ko. Lumapit si Ali saakin. "May ginawa siya sayo? May ginamit ba si Tevi na kapangyarihan?"   Napa-iling ako. "W-wala. Linagay niya lang ang kamay 'ko sa dib dib niya" sabi 'ko. "WHAT?!" gulat na sabi ni Zayn. "Bakit? Anong meron?"  "May kapangyarihan si Tevi na umalam ng memories ng iba, kasabay noon ang Identity nila. Ang sinabi niyang may koneksyon ang kaklase mo ay nanggaling sa enerhiya mo. Galing sa memories mo, muli niyang tinignan ang kaklase mo na 'yun at inalam ang pagkatao niya kaya nalaman niya na may koneksyon ito kay Allegra. Pero hindi ito puwede gawin ni Tevi dahil nakakahigop ito ng lakas niya dahilan bakit nanghina siya kanina. Kung pinagpa-tuloy niya ito puwede siyang himatayin at tuluyang manghina" pag papaliwanag ni Ali.  "At kung pinag patuloy niya ito, matatagalan siyang kuhain ang dati niyang lakas. Pero dahil mabilis lang ang ginawa niya, baka mamaya o bukas mabalik na ang dati niyang lakas" sabi naman ni Zayn. Hindi 'ko inaasahang may kapangyarihang ganoon si Tebi, pero napaka delikado dahil nahihigop nito ang lakas niya. "Dapat hindi niya ginawa 'yun" sabi 'ko. "Matagal nang hindi ginagawa 'yan ni Tevi. Dahil alam niya sa sarili niyang ikakamatay niya 'yun. Hindi 'ko lang alam bakit ginawa niya ngayon." sabi ni Ali at inakbayan ako.  "He did it for you" sabi ni Zayn tsaka lumabas...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD