"Matagal nang hindi ginagawa 'yan ni Tevi. Dahil alam niya sa sarili niyang ikakamatay niya 'yun. Hindi 'ko lang alam bakit ginawa niya ngayon." sabi ni Ali at inakbayan ako.
"He did it for you" sabi ni Zayn tsaka lumabas...
Ano?
Napatingin ako kay Ali na naka tagilid at naka-ngiti. "Huy! Bakit?"
Humarap siya saakin na wala ng ngiti sa labi. "Ah? Walaaa! Bantayan mo nalang si Tevi kasi maghahanap kami ni Zayn okie?" sabi nito.
Ako talaga? Eh gusto 'ko rin hanapin si Allegra.
Palabas na si Ali nang harangan siya ng seryosong Zayn. "Oh ano?"
"Ikaw mag bantay sa mokong na 'yan, si Luna ang sasama sakin" sabi nito. "Ano? Hindi puwede ako nalang isama mo"
"Ayoko" malamig na sabi ni Zayn. "Ayoko ren" sabi niya at tinulak ang kapatid niya at sabay silang naglaho.
Problema nun ni Ali? Akala 'ko ba hindi sila bati?
Hinawakan 'ko nalang ang kuwintas 'ko. "Kailan po ba namin mahahanap si Allegra? Isang araw palang po pero ang dami ng nangyayari" salita 'ko sa sarili. Iniisip na naririnig ako ng konseho.
Lumapit ako kay Tevi na natutulog na tila ba'y pagod na pagod. Siraulo naman kasi itong Tevi-ctoria na ito eh.
Ginawa gawa tapos eto ngayon, nawawalan ng lakas. Pero ang galing din ng kapangyarihan niya, delikado nga lang.
"Wag mo akong titigan, nalulusaw ako" sabi nito kaya napatalikod ako at muling humarap.
"Ba-bakit ka nanggugulat?" tanong 'ko. Ngumiti lang ito.
Umupo ako sa gilid ng kama. "Ano.. umalis 'yung magkapatid, hahanapin daw si Allegra.. tapos... ako, ano daw.. B-babantayan ka" sabi 'ko.
Tumango lang ito. "Uhm.. M-mahina ka pa ba?" agad itong umiling.
"Delikado pala 'yun bakit mo ginawa? Lagot ka talaga pag tuluyan kang nanghina" sabi 'ko. "Mamamatay ako?"
"Oo! Siraulo ka. Hindi mo dapat ginawa 'yun, talagang mamamatay ka" sabi 'ko. Tumawa lang ito kahit naka pikit. "Iiyakan mo ba ako kapag namatay ako?"
Napatigil ako doon. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Mas siraulo pa ata ito sa kaibigan niyang si Zayn eh. "Bakit hindi ka sumasagot?"
Ayoko eh, pake mo ba?
Hindi lang ako umimik. Hindi 'ko alam isasagot sa tanong niya kung iiyak ba ako o hindi, pero siguro naman iiyak ako siyempre.. nakasama 'ko rin siya eh.
I'm not heartless ano!
"Hindi ka ata iiyak eh, sige gawin 'ko nalang ulit" sabi niya tsaka kinuha ang kamay 'ko para ilagay ulit sa dibdib niya pero pinigilan 'ko 'yun at hinampas siya. "Siraulo 'ka! Mas lalo kang manghihina! Gago ka ba?"
"Bunganga mo" sabi niya.
Sos! Hindi ba siya nasanay sa kaibigan niyang naliligo sa mura ang bunganga?
"Ikamamatay mo kasi ang ginagawa mo, alam mo ba 'yun?" inis 'kong sabi. "I know. Are you going to cry if ever I die?"
"Aba malamang! May puso ako kahit papaano! Hindi 'ko nga kakilala iniiyakan 'ko, ikaw pa kaya? Siraulo" sabi 'ko.
Tumawa lang ito at tinignan ako. "Cry for me"
"I shouldn't do this, ayoko makisali sa storya ng iba" sabi nito tsaka tumalikod. Ano? Ah siguro sinasabi niyang... storya 'ko?
"Puwedeng puwede ka pumasok sa storya 'ko ano ka ba! Part ka ng story 'ko" sabi 'ko. "Love story..."
Nanatili kaming tahimik at iniisip 'kong tulog na siya. "Kuha lang kita pagkain" sabi 'ko.
Tumayo ako at pumunta sa kusina para kuhain ang mga prutas na natira.
Saging, ubas at apple.
Hiniwa 'ko 'yung apple para makain ni Tevi ng maayos.
Habang naghihiwa ako ay pakiramdamn 'ko may naka tingin saakin. Hindi talaga ako takot sa multo pero kinakabahan ako kaya bumalik kaagad ako kay Tevi at pumunta sa side kung saan siya naka harap.
"Tevi.. Tevi.." pag gigising 'ko sa kaniya. Agad naman siyang nagising. "Hmm?"
"Malakas ka na ba?" tanong 'ko. Pati siya naguluhan sa tanong 'ko. "Bakit.." Napatingin siya sa dala 'ko at napangiti.
Mali ang iniisip mo Tevi-sible! May naramdaman ako kanina!
"No, I'm not. I can't even move my hands" bat umaakto 'to ng baby? Hindi bagay.
"Kumain ka lang, may titingnan lang ako" sabi 'ko. "Palakas ka"
Agad akong tumayo at lumabas para tignan ang paligid.
Hinawakan 'ko ang ulo 'ko. "Ali? Zayn?"
Oh? Bakit? Sagot ni Ali sa Isip 'ko.
"Asaan na kayo?"
We don't know, pero malapit siya sa isang... Mall?
"Puwede ba kayong bumalik?"
Bakit? May nangyari ba?
Sagot iyon ni Zayn. "Uhm, mamaya 'ko na i explain sainyo" sabi 'ko at binalikan si Tevi na kumakain.
"Bakit?" Tanong niya "Ano meron?"
"May tinignan lang ako" sabi 'ko. Nakita 'kong umupo siya. "Malakas kana?"
"Kaunti lang naman. Mamaya babalik na ako sa dati" agad akong umupo sa tabi niya. "Kaya mo tumayo?"
"Bakit? Saan ba tayo pupunta?" Hindi 'ko siya sinagot at nanatiling tahimik.
"May nangyayari ba Luna?" Seryosong tanong nito. "W-wala naman"
Tumahimik siya at parang inoobserbahan ako. "Tell me"
Nakarinig kami ng ingay kaya sabay kaming napatingin sa pinto. "Titignan 'ko lang"
"Sasamahan kita." Sabi nito. "'Wag na, okay lang magpahinga ka dito" sabi 'ko at lumabas.
Muli 'kong tinignan ang paligid. Tahimik lang at tanging hangin lang ang nararamdaman 'ko.
Pero nagulat ako nang may sugat na ako sa braso 'ko kaya napasigaw ako sa gulat.
Agad nang-hilom iyon kaya tinignan 'ko ang buong bahay.
Isang babae na nakatalikod at naka mask ang nakita 'ko.
"Sino ka——" hindi 'ko na natapos ang sasabihin 'ko nang pumunta siya saakin at sakalin ako.
Hinawakan 'ko ang kamay niya at inikot 'ko tsaka siya sinipa.
Naglaho siya at naramdaman ang pagsipa saakin sa likod.
Lalapitan niya ako nang magsalita ako "Tumigil ka!" At tumigil nga siya.
May lumalabas na usok sa aking palad. Pero ang pinagtataka 'ko, parang linalabanan niya ang kapangyarihan 'ko.
Parang kaya niyang pigilan ito, pinapatigil 'ko siya pero hindi siya talagang tumitigil.
Hanggang sa may lumabas na puti sa palad niya at tamaan ang mukha 'ko dahilan para mawala ang kapangyarihan 'ko sa kaniya.
Lumapit siya saakin at sinuntok ako sa mukha.
Nagdugo ito pero walang nangyari, gumaling kaagad ito.
Muli niya akong sinugatan sa dibdib gamit ang mahaba niyang kuko.
Pero mabilis lang din itong naghilom kaya sinipa 'ko siya at tumayo.
"A.. Allegra?" Tinitigan 'ko siya.
Bigla nalang siyang mabilis na umikot ikot saakin dahilan para mahilo ako.
"AGHHH! TUMIGIL KA!!!!!" sigaw 'ko.
Tumigil siya at sinipa ako nang napaka lakas para dumuwal ako ng dugo.
Napaluhod ako sa sakit kahit nawawala na ang sugat 'ko sa bibig.
Tumalikod siya at dahang dahang naglakad papunta sa kuwarto kung saan naroon si Tevi.
Hindi puwede. Hindi niya puwedeng saktan si Tevi, mahina pa siya.
"'WAG!!!" sigaw 'ko.
Inangat 'ko ang kamay 'ko at nagulat nang may lumabas doong kulay asul at pumunta sa babae.
Gumawa ito ng pagsabog at yumanig ang lupa kaya napatumba ang babae.
Agad akong tumayo para puntahan ito at sakalin. "'Wag si Tevi" malamig 'kong sabi tsaka tinulak siya at sinipa.
Nakita 'kong umakyat na si Ali at Zayn na takang taka. "Kayo na sa kaniya!"
Agad akong pumasok sa kuwarto at nakitang patayo na si Tevi.
"'Wag! Nandoon na si Zayn at Ali!" Hinawakan 'ko ang kamay niya at pinaupo.
Nakarinig ako ng iba ibang pagsabog.
"Malakas na ako Luna" sabi niya at hinawakan ang kuwintas. "Binalik nila ang lakas 'ko" sabi niya.
Hinawakan niya ang pulsuhan 'ko at sabay kaming naglakad papunta sa labas kung saan naglalaban parin ang babae at si Ali at Zayn.
Agad na pumunta sa gitna si Tevi at itinaas ang mga kamay.
Napamangha ako nang parang may northern lights ang lumitaw sa paligid namin.
Parang galit si Tevi nang ginawa niya ito.
"Allegra.." sambit nito. Tama ako.
Si Allegra nga iyon.
Mas lalong naghanda ang magkapatid at naging iba ang kulay ng mga mata.
Sabay sabay ni Ali, Zayn at Tevi inatake si Allegra gamit ang kapangyarihan nila pero lahat nang 'yun pinasabog lang ni Allegra.
Ang lakas niya talaga.
Muli kaming natamaan ng kapangyarihan ni Allegra kaya muntikan kaming matumba.
Tsaka nalang namin narealize na nawala na ito.
"FVCK!" sigaw ni Zayn tsaka tumalon mula sa bintana.
Sumunod naman si Tevi. At hinawakan ako ni Ali para sabay kaming maglaho.
Nakita namin si Allegra na tumatakbo kaya ang dalawang lalaki ay mas dinalian ang pagtakbo.
Si Tevi ay sumabit sa pader, doon tumakbo at sinipa si Allegra.
Nice.
Napapalibutan na namin siya. "Allegra.. k-kailangan ka namin" sabi 'ko.
Naging pula lang ang mga mata nito tsaka nakita naming lumipad at sinuntok ang lupa kaya gumewang gewang kami.
Mabuti nalang at nakalipad kaagad si Tevi at hinawakan ang dalawang kamay ni Allegra.
"Kailangan ka naming madala sa Magic Island!" Sigaw ni Tevi.
Isang babae naman ang tumulak kay Tevi para ilayo si Allegra.
"Vanessa.."
"Tigilan niyo na ang paghahanap sa akin" sabi ni Allegra.
"Hindi puwede, kailangan ka ng konseho!" Sabi ni Ali.
"'Wag mo naman kaming pahirapan, kailangan ka ng konseho. Kaya sumama kana saamin" sabi ni Zayn.
"Wala akong pake kung kailangan niyo ako!" Sabi nito.
Akmang aalis na sana ito nang palibutan kami nang apoy. "Sumama kana saamin."
"Hindi 'ko na kailangan sumama sainyo, walang ka-importante-importante ang kailangan niyo saakin" sabi nito.
"Alam naming importante ito! Kailangan na kailangan ka ng konseho!" Sabi ni Ali.
"Wala na akong koneksyon sainyo.
Umalis na kayo!" Tumalikod na ito saamin. "Tara na Vanessa"
"I'm the daughter of Sotelo and Sythrine!
Wait.. Hindi 'ko dapat sabihin 'yun. Pero bigla 'kong nasabi.
AGH TANGA TANGA!
Pati si Tevi at Ali ay napatingin saakin na takang taka.
"Ano?" Sabay sabay nilang tanong.
Lumapit saakin si Allegra. "Ikaw si Luna?"
"Dito ho kayo naninirahan sa loob ng 209 na taon?" Tanong ni Ali.
Tumango lang si Allegra.
May binigay na bote saakin si Allegra. "Ikaw si Polaris Lunari Greensmith" sabi nito.
Tumango ako. "Ikaw ang anak ng dating pinuno" sabi nito na ipinagtaka 'ko.
Lumapit si Zayn kay Allegra. "Alam 'ko iho, nag mamarunong ka?" Salita ni Allegra.
Tumahimik nalang si Zayn at umupo.
Napatingin naman ako kay Vanessa na naghanda ng maiinom saamin at tsaka umalis.
"Kaano ano niyo po si Vanessa?" Tanong 'ko. "Inampon 'ko, alam niya ang pagkatao 'ko... At niyo"
Inampon? Mayaman sila Vanessa. "Pinalayas siya sa kanila, dahil sa'yo" turo nito sakin.
"Ako po?" Tanong 'ko. "Bakit ako?"
"Simula nang kunin ka ni Esmeralda sa mundong ito, inakala ng lahat ay patay kana.. at dahil sa mainitan niyong away ni Vanessa noon, pinagbintangan ito. Maraming nagalit kay Vanessa maging ang magulang niya kaya pinalayas siya"
Oh.. ga-ganon?
"Sorry.." bulong 'ko. "Kaya inampon 'ko siya"
Nakatingin lang saakin si Vanessa. "Pero balik po tayo kay Luna, paano po siya naging anak ni Sotelo at Sirius?" Tanong ni Tevi.
Ngumiti lang si Allegra na tila ba'y alam ang lahat. "Talagang alam 'ko ang lahat." Sabi nito saakin. Nababasa niya isip 'ko. Wow.
"Darating ang araw na malalaman niyo.. at may duda na ako kung bakit kailangan ako ng Konseho" sabi ni Allegra at tumayo. "Dahil kay Luna"
Ano bang meron? Lagi nalang ako?
Bakit kilala nila ang mga magulang 'ko? Naguguluhan ako! Lintek!
"Sasama po ba kayo?" Tanong ni Zayn. "Pag iisipan 'ko——" bigla nalang nahilo si Allegra at pumunta sa inuupuan niya.
Agad siyang inalalayan ni Vanessa. "Ayos lang po kayo?" Tanong 'ko.
Napahawak ito sa puso niya. "N-narito ulit sila" sabi nito.
Nagulat rin ako nang sabay sabay na mahulog sa sahig si Tevi, Zayn at Ali.
Napahawak rin sila sa puso nila. "A-anong nangyari? Luna?!" Tanong ni Vanessa.
"Hindi 'ko alam! Tevi! Zayn! Anong nangyayari sainyo?! Ali!" natataranta 'kong sabi.
Bigla nalang may boses na lumitaw sa isip 'ko.
'WAG KAYO AALIS DIYAN!
Hindi na ako naka sagot dahil pinuntahan 'ko silang lahat na parang nanghihina.
Naiiyak si Ali. "Bakit? Allegra anong nangyayari?" Tanong 'ko.
"H-hindi puwede.. dumating na sila noon.. bakit nandito sila?" Salita ni Ali. "Sino?!"
Napatingin naman ako kay Zayn. "Dalawang beses... H-hindi puwede" sabi niya.
"Hindi muna kayo babalik sa Magic Island" sabi ni Allegra tsaka tumayo nang medyo maayos na siya.
Pero ang tatlo ay nananatiling nasa lapag kaya nataranta ako. "BAKIT?! BAKIT HINDI?! ANO BANG NANGYAYAR?!" tanong 'ko.
"Nasa... Nasa Magic Island ang mga Maskos.."
M-maskos..
Sila Mama!!