16.
"Hala lola! Nandoon ang mga maskos!" Sabi ng bata sa kaniyang Lola.
"Oo nga apo, naroon sila."
"Pero Lola, paano na 'yun? Hindi sila puwede lumaban! Hala!!"
Natutuwa ang matandang babae sa kaniyang apo. "Ngunit apo, 'wag kang kabahan.."
"Bakit pooo?"
-
"A-akala 'ko po.. Akala 'ko pumunta na sila noon bago ako dumating? Sinabi niyong isang beses lang sila puwede pumunta sa isang taon!" Sabi 'ko at sabay sabay kaming umupo.
Hawak 'ko ang kamay ni Zayn dahil siya ang pinaka nahirapan. Maayos na si Tevi at Ali pero nababagabag parin sila.
Pinaupo 'ko si Zayn at binigyan siya ng tubig ni Vanessa.
"Hindi 'ko rin alam" sabi ni Allegra.
Napatingin ako kay Ali at Tevi na namumutla na. "W-wala rin kaming alam. Hindi 'ko alam bakit.. bakit nandoon ulit sila" sabi ni Ali.
It must be hard to them. Traumatized sila pero kada taon kailangan maranasan nila ito.
Sa kuwento palang ng mga taong nakakasalamuha 'ko alam 'ko nang napaka hirap at mas gugustuhin mo nalang mamatay.
Napaka tagal naman kasi ng magliligtas sa kanila! Kelan ba ipapanganak ang babaeng 'yun ha?!
"Ayokong maulit ang nangyari noon.. sinubukang lumaban ng mga konseho pero halos ikamatay nila 'yun" sabi ni Allegra kaya napatayo ako. "Kailangan na po nating pumunta roon!" Sabi 'ko.
Pero parang hindi sila sang-ayon. "Wala kang magagawa Luna.. mas maayos kung dito nalang muna tayo." Sabi ni Tevi.
"Dito? Tayo na walang ginagawa dito pero sila doon na halos ika-matay na ang mga nangyayari dahil sa mga lintek na Maskos 'yan?!" Reklamo 'ko.
Paano nila nasisikmuraang manatili dito habang ang mga kasamahan nila ay nilulusob ng Maskos?!
"'Wag kang magsalita na parang kakayanin mo sila. Wala kang laban kumpara sa kanila" sabi ni Zayn.
Napaupo nalang ako. "Allegra.. wala bang ibang paraan para maligtas sila? H-hindi ako mapakali.. nandoon ang mga kaibigan 'ko, si Mama.. ang mga Konseho. Ang iba pang nilalang" sabi 'ko na halos maiyak na.
"Wala tayong magagawa" sabi ni Allegra.
Lumapit si Vanessa saamin. "I shouldn't say this because I know nothing but.. bakit hindi nalang sila pansamantalang tumakas sa sinasabi niyong Magic Island? Dalhin niyo muna sila dito sa mundo namin" salita nito.
Tumingin ako kay Allegra at sa mga kaibigan 'ko. "Puwede ba 'yun?"
"No. Bawal" sabi ni Ali. "Hindi nakakatakas ang isang nilalang kung hawak na ito ng Maskos" sabi nito.
"At kung may makakatakas man at pupunta sa kabilang mundo, asahan mong may Maskos din doon" sabi ni Allegra.
Bushet! "Allegra, ihatid mo ako sa portal! Pupuntahan 'ko sila doon. Kayong tatlo, dito nalang kayo" sabi 'ko.
Napa-tayo silang lahat doon. "Ano bang iniisip mo hah?!" Sigaw ni Zayn. "Kapag pumasok ka doon hindi kana makakabalik!" Sabi nito.
"'Wag mo naman hilingin ang mga bagay na ayaw na namin maranasan muli, Luna" mahinahong sabi ni Tevi.
"Gusto 'ko pumunta doon, hindi ako mapakali habang iniisip na nandito ako.. maayos, habang ang iba ay nasa bingit ng kamatayan" sabi 'ko at tuluyan nang tumulo ang luha 'ko.
"Hindi ba.. hindi ba may propesiya na?" Tanong ni Allegra.
Tumango sila roon pero ako, gulong g**o. Anong propesiya?
"Pero hindi pa malinaw kung sino nga iyon" sabi ni Ali.
"'Wag na natin pag usapan ang propesiya propesiya na 'yan. Allegra, ihatid niyo na ako" sabi 'ko.
"Hindi puwede" sabi nito.
"Please! Mas okay na nandoon ako kahit ikamatay 'ko pa iyon keysa nandito ako! Gusto 'ko mamatay ng may ginagawa!"sabi 'ko at pinunasan ang luha 'ko. "Nagmamakaawa ako sainyo! Sige na!"
"Kung mamamatay man ako, gusto 'ko napakita 'ko na hindi porket hindi ako malakas wala na akong silbi.. ayoko.. ayoko nun" sabi 'ko at umupo.
"Luna hindi nga puwede... Please" sabi ni Ali. "Nag aalala ako Ali. Hindi 'ko maiwasan" sabi 'ko.
Ayoko nito, ayoko ng ganito. Sobrang nakaka-konsensya kung maayos ang lagay 'ko habang ang iba ay hindi.
Baka kung hahayaan 'ko ito at mananatiling ganito... Mamamatay ako.
"Sapat na pruwebang anak ka nga ng magigiting na pinuno naming lahat" sabi ni Allegra at hinawakan ang kamay 'ko. "Inaasahan 'kong ikaw ang bubuo sa propesiya" sabi nito.
"SIYA?!" sabay sabay na tanong ni Ali, Tevi at Zayn.
"S-siya.. siya ang nasa propesiya?" Tanong ni Ali tsaka lumapit.
"Isa lang ang makakapag siguro noon. 'Yun ay kung makakakaban niya ang Maskos" sabi ni Allegra at ngumiti. "Po?"
"Ang iyong mga magulang na si Sythrine at Sotelo ay ang pinaka malalakas na pinuno. Ikaw, ang nasa propesiya" ano? anong sinasabi ni Allegrang propesiya? Mahalaga ba yan keysa sa mga nangyayari ngayon?
"Ngayon.. ngayon alam 'ko na kung bakit maraming gustong pumatay sayo Luna.. sh*t hindi 'ko naisip" sabi ni Ali.
"Kung ganun pumunta na tayo sa Magic Island!" Sabi ni Tevi na tila'y masaya rin.
Ano bang.. pinagsasabi nila? Baliw na ba sila.
"Vanessa maiwan ka dito, tara na!" Sabi ni Allegra at sa isang iglap lang nasa kagubatan na kami.
Muling lumiwanag ang paligid dahil sa isang napaka masilaw na Ilaw. Ang portal.
"Hindi 'ko aakalaing babalik ulit ako kung saan ako nagmula.." sabi ni Allegra. "Impyerno, kung babalik ako dito" sabi naman ni Ali.
"Tara na.. hindi na ako makapaghintay" sabi 'ko.
Ngumiti sila at sabay sabay kaming pumasok sa Portal. Bakas man ang takot at kaba sa kanila.. sinamahan parin nila ako.
"AGHHHHHH!!!"
F-fvck.
Puro sigawan at iyak lang ang naririnig 'ko habang pinagmamasdan ang noo'y napaka gandang Magic Island.
Sira sira ang paligid, maitim ang kalangitan ay kumikidlat na tila'y galit ito.
Napa atras ako nang makita ang milyon milyong mga nilalang na parang kawal at naka mask ng metal.
Ito sila.. ito ang mga maskos.
"Ms.Esme.." naiiyak na bulong ni Ali.
Halos humagulgol ako nang makita si Mama na hinihila at duguan na ng dalawang maskos.
Pinunasan 'ko ang Luha 'ko. "Mama.."
Papunta sana ako pero pinigilan ako ni Tevi at Zayn. "Bitawan niyo ako si Mama 'yun eh!!" Umiiyak 'kong sabi. "'Wag.. baka kung anong gawin nila sayo.." sabi ni Tevi at halos yakapin na ako sa pamimilit 'kong maka alis.
"BITAWAN NIYO AKO!!" sigaw 'ko. "Luna... dito ka lang." sabi naman ni Zayn.
"Hayaan niyo si Luna." Utos ni Allegra.
"Ano?" tanong nilang tatlo "Hayaan niyo siya."
Nagtinginan silang tatlo. "Bitawan niyo si Luna" muling sabi ni Allegra bago ako bitawan ng dalawa.
Humakbang ako papalapit sa gawing iyon. Hindi 'ko na pinansin ang pag iiba ng damit 'ko. Wala na akong pake kung bakit nagiiba iyon habang naglalakad ako.
Tinignan 'ko ang palad 'ko tsaka pinasabog ang gilid ng dinaraanan 'ko.
Napatingin ang iba saakin.
Agad akong pumunta sa isang maskos at sinipa ko. Alam 'kong ikamamatay 'ko 'yun pero ayos lang.
"Luna.. anong ginagawa mo?" Nanghihinang tanong ni Ms.Esme.
"Mama.." hinawakan 'ko ang kamay niya.
May kumuhang Maskos sa sakin pero agad 'ko itong tinulak at tinitigan. Kita saakin ang galit, alam 'ko 'yun.
Alam 'ko rin na asul na ang mga mata 'ko. Naging asul rin ang mga mata ng Maskos na 'yun tsaka ito nawalan ng Malay.
Hindi 'ko alam bakit.
Pero hindi 'ko ito pinansin at itinayo si Mama. "Mama... mama nandito na ako, 'wag kana umiyak" sabi 'ko tsaka hinaplos ang mukha nito. "Luna anong ginagawa mo? Mamamatay ka!" sabi nito.
Umiling ako habang umiiyak. "W-wala akong pake"
Agad na pumunta si Allegra saamin at inalalayan si Mama.
Nakita 'ko ang isang lalaki na kinakaladkad at duguan na. "Czhy..." mahinang bulong ni Mama. "Miss Allegra, iligtas niyo po ang mama 'ko" sabi 'ko tsaka pinuntahan ang lalaki na 'yun tsaka agad na sinuntok ang maskos.
Nagdugo ang kamay 'ko sa tibay ng Mask nito sa mukha. "Halika..." kinuha 'ko ang kamay ng lalaki tsaka ito tinayo. "Anong ginawa mo? sinuntok mo... ang Maskos?" takang tanong nito. Bakas sa kaniya ang gulat.
"Tara na.." sabi 'ko pero napatigil nang may parang tumulak saakin at mapadura ako ng dugo.
F-fvck...
Nakita 'kong tatlong Maskos ang papalapit saakin at bigla akong sinampal ng isa at kinalmot naman ng dalawa.
Pero kahit isang sakit.. wala akong maramdaman. Kahit nga nasira nila ang damit 'ko sa pagkalmot nila saakin.. walang epekto. Bumalik sa pagiging maayos ang damit 'ko, nawala ang mga punit.
Ito ang damit na pumalit kanina habang naglalakad ako...
I just smirk. Meron akong kakayahan na pagalingin ang sarili 'ko, pero hindi 'ko alam na hindi pala ako kaya saktan ng Maskos.
Sinipa 'ko ito at sinuntok ng napaka lakas dahilan para lumipad ang isa. W-what...?
Nakita 'kong tumigil ang mga Maskos sa ginagawa nila dahilan para tumakbo at tumakas ang mga hawak nito at tumingin saakin.
Silang lahat.. bakit.. bakit sila nakatingin saakin?
Nagtipon tipon ang lahat ng sugatan at pumunta ako roon sa kanila. "Maayos lang po ba kayo?" tanong 'ko sa kanila pero tulala lang sila.
"Luna.. nakatingin sila sayo" sabi ni Ealy na nanghihina. "Anong.. anong meron sayo?" Tanong naman ng isang babae na puti ang buhok, marahil ito'y si Cattleya.
"Protektahan.. protektahan niyo si Luna.." nanghihinang sabi ng Pinuno.
Agad 'ko siyang linapitan.. "Ayos lang po kayo?" Naiiyak 'kong sabi.
Nagulat nalang ako nang tumalsik ako at napunta malapit sa mga Maskos.
Anong nangyayari?
Bigla akong pinalibutan ng mga maskos. Bakit? Bakit ako?
"LUNA!!" Umiiyak na sigaw ni Ms.Esme. Naiiyak rin ako, pakiramdam 'ko papatayin ako ng napaka raming maskos na ito.
Sa pagtulo ng luha 'ko ay pag sugod ng napaka raming Maskos saakin.
Nakapikit na ako nang may marinig akong pagsabog kaya muli 'kong minulat ang mga mata 'ko. Nagulat ako nang isang bagay ang pomoprotekta saakin.
A-alam 'ko na ito, ito raw ang barrier. Sa libro na nabasa 'ko, napaka lakas ng mga barrier na puti at walang nakakagawa nitong simpleng nilalang.
Iba't ibang kulay ang barrier, sumisimbolo ito sa gaano ito kalakas.
Ang nakapaligid saaking barrier ay kulay... puti. Habang tumatagal ay lalaong dumadami ang mga Maskos na sumusugod saakin pero tumatalsik lang sila dahil sa barrier na ito at naglalaho na parang abo.
Habang tumatagal rin ay kumakapal ng kumakapal at lumalaki ang barrier na nakaka-ubos ng kalahating Maskos. Lahat ay gulat sa mga nangyayari. Kahit ako.
Nang lumakad ako ay nakasunod parin saakin ang barrier. Tumingin ako sa mga kasamahan 'ko na nananatiling umiiyak. "Gagawin 'ko ito... para sainyo" bulong 'ko tsaka sinipa ang isang maskos at kinuha ang malaking espada nito.
Hinanda 'ko ito. Ayokong mamatay pero.. gusto 'ko itong gawin. Hindi 'ko alam bakit, hindi naman ako pabida, pasikat, feeling bayani pero parang may tumutulak saakin.
"LUNA!! 'WAG KANG MAGPAKAMATAY!!!" narinig 'kong sigaw ni Ms.Lisa.
"LUNA!! PLEASE LANG!!" sigaw naman ni Ms.Sibeal.
Umiling iling ako at muling lumapit sa mga Maskos at inagat ang espada.
"LUNA! 'WAG!!"
Limang maskos ang napatay 'ko nang tumalon ako sa harap nila at sabay sabay na hiniawa ang mga leeg. Hinarap 'ko ang dalawa pang Maskos tsaka kinuha ang leeg nito at binali.
Mahigit sampu ang paparating na Maskos saakin kaya binagsak 'ko ang espada sa buhangin at nakagawa ito ng pagyanig ng lupa.
May mga namatay na Maskos doon.
Napangiti ako.
Hindi 'ko alam bakit.. pero naging masaya ako. Shet! Mamaya nalang ay mamamatay na ako pero itinuloy 'ko paren.
Sunod sunod 'ko silang pinugutan ng ulo at ang iba ay namatay nang subukang pumasok sa barrier 'ko..
Oo.
Tinatawag 'ko na itong barrier 'ko.
Hanggang sa paunti na sila ng paunti dahil ang iba ay nasa kalangitan na ng dagat. Hindi ako nagmamayabang o ano pero... parang umaatras sila.
Kaya pinuntahan 'ko kaagad sila mama. "Luna... bakit mo ginawa 'yun? Ano? May naramdaman ka ba.. nanghihina ka ba? May masama na ba sayo?" nag aalala nitong tanong.
Maayos. 'Yun ang nararamdaman 'ko kahit hinihingal ako. "Okay lang po ako"
"PINUNO!!!!" napunta ang atensyon namin sa isang sugatan na bantay. "May mga maskos sa kagubatan, pinapatay nila ang mga hayop doon kasama ang mga dragon" Ang dragon na tumulong saakin..
'Yun kaagad ang naisip 'ko. Gusto 'ko sila tulungan! Isipin na nilang pabida ako at feelingera pero gusto 'ko iligtas ang mga hayop!
Napatingin ako kay Allegra. Ngumiti lang siya at inangat ang kamay. Isang puting napaka gandang kabayo ang lumitaw doon. Nagtaka ako bakit kabayo pero sige nalang din. Kahit hindi naman iyon ang nais 'ko.
"Anong binabalak mo... anak?" tanong ni Ms.Esme.
"Gusto 'ko pong magtiwala kayo saakin... please" sabi 'ko. "Mapanganib Luna" sabi naman ng Pinuno.
"Kaya 'ko po." sabi 'ko at nakita ang ibang bantay na sumakay sa kabayo. "Sasamahan po namin kayo..." Ngumiti ako.
Tumingin ulit ako sa mga kaibigan 'ko at sa Konseho. "Luna.. Luna 'wag mo 'tong gawin" umiiyak na sabi ni Ali.
"Babalik ako... Sinisiguro 'ko 'yun" sabi 'ko tsaka umakyat na sa kabayo.
Muli akong tumingin sa kanila at ngumiti kahit gusto 'ko umiyak. Hindi na nila ako pinigilan.
"Ang itinakda.."
Iyon ang huling narinig 'ko mula kay Allegra nang patakbuhin 'ko na ang kabayo ng napaka bilis. Wala akong alam sa pagpapatakbo ng kabayo pero ginawa 'ko ito para mapuntahan ang mga Maskos na pumapatay ng mga hayop.
May oras pa na lumipad ang kabayo para makarating sa tuktok ng gubat para maka punta kami roon ng mas mabilis.
Seryoso lang akong naka hawak sa lubid ng kabayo na ito habang sinusubukan 'ko itong kontrolin. Pero naka punta na kaagad kami sa mga Maskos na hawak ang ibang ulo ng mga hayop.
Alam 'kong galing ang mga Maskos na ito sa itim daw na diyosa. Mga hayop sila, sila dapat ang tinatawag na hayop.
Kung makikita 'ko man ang magliligtas sa Magic Island, sasabihin 'ko sa kaniyang unahin niyang ubusin ang mga Maskos.
Bumaba na ako sa kabayo at laking gulat 'ko nang may mga apoy na lumitaw sa lupa nang umapak ang mga paa 'ko sa lupa.
Ano ito?
Mas nagulat ako nang kainin ng mga apoy na iyon ang mga Maskos at sabay sabay naging abo. Hindi na maganda ang kutob 'ko dito, nag kakahinala na ako sa sarili na hindi naman dapat.
Pumunta ako sa mga hayop na parang nanghihingi ng tulong. Sakto pa na dumating ang mga bantay.
"Puwede po bang dalhin sila kay Hailey? Kailangan po nilang magaamot" sabi 'ko at tumango lang ang mga ito saakin. Bakit parang rinerespeto nila ako?
Pero hindi 'ko pinansin iyon. Nang maka alis na sila ay muli 'kong tinignan ang mga palad 'ko.
Sinasabi nilang dating pinuno ang mga magulang 'ko... tapos hindi nabawasan ang kapangyarhan 'ko at hindi ako nanghina noong kinalaban 'ko ang mga Maskos... parang.. parang lumakas pa nga?
Hindi 'ko alam nababaliw ako! Sa barrier palang na 'yun nagkanda letche letche na ang isip 'ko tapos dumagdag pa ito.
Sumakay nalang ako sa kabayo at bumaba na ng kagubatan para makita ang mga kasamahan 'ko.
Kailangan 'ko itanong kaagad kay Allegra ang lahat ng ito... pagkatapos sumugod ng mga Maskos... kaya kailangan 'ko pa talaga bumalik.
Hanggang walang nanagyayaring kakaiba saakin, hindi ako titigil kalabanin ang mga Maskos na iyan.
Ikamatay 'ko man, lalabanan 'ko sila. Sabi nga nila...
I'm the daughter of Sotelo and Sythrine, They're the strongest so I should be...
Next to them.