02.
"Gising na"
Nararamdaman ko ang malambot na kamay ni Ali sa buhok ko, ganito ba siya mang gising?
"MmmMm" Inaantok pa ako eh, parang pagod na pagod ako pero wala naman akong ginawa kahapon.
Teka nandito parin ako sa Magic Island?
Dinilat ko ang mata ko, "Morning" Naka ngiti niyang sabi. I haved a dramatic sigh.
Nandito parin ako. Totoo palang may powers.
"Goodmorning" Bati ko rin.
What if all of this are true and i will back in my old world and tell them i woke up with fairy or sorcerer
"Tanghali na, mukhang pagod ka talaga. Gutom ka na ba?" Nakangiti nitong tanong.
"Hindi pa ako gutom, mamaya nalang ako kakain" Sabi ko rin "Sure ka? Kain ka muna baka magkasakit ka sa gutom" Napatawa nalang ako sa kaniya.
"Naranasan ko nga na tatlong araw hindi kumain hindi naman ako nagkasakit" Sabi ko "Hah? Naranasan mo yun? Kelan? saan? Kuwento ka naman ng life mo!" Sabi nito. Madaldal din pala talaga tong si Ali.
"Pero kain muna tayo" Sabi nito tsaka pumunta sa sa lamesa at ganun din ako.
Sabi ko hindi ako gutom eh!!
Hinawakan niya lamang ang lamesa na pabilog at isa isa ng lumitaw ang mga pagkain.
"Woah~" Kinusot ko ang mata ko hindi dahil sa hindi ako makapaniwala. Dahil kakagising ko lang at baka may muta pa ako.
"Let's eat" Sabi niya at sumubo na ako.
"Kuwento ka sa life mo" Sabi nito "Wala naman ako masiyadong story" Sabi ko
"Simpleng estudyante lang ako, Patay na ang parents ko at dahil yun saakin, May magnanakaw kasi saamin nung mga six years old palang ako kaya hindi ko alam yun at pinagtanggol daw ako ng parents ko at si Lola nalang ang natira saakin. Pero na chugi din siya nung eight years old ako kaya ayun, I live without family" Kuwento ko.
"Grabe naman yan! Eh friends?" Tanong niya pa ulit. "Wala din ako, kasi nga badluck daw ako kaya i have nothing" Sagot ko.
"Wag mo sabihing wala ka ring Boyfriend?" Umiling naman ako "Ano ba yan! Ang ganda ganda mo kaya! Tsaka sino nagsabing badluck ka?" Para siyang makikipag away haha.
"Haha. Nandito na ako kaya wag na natin balikan yun" Sabi ko. "Diba sa outside world may mga artista ganun? Ikaw sinong favorite mo?" Tanong nito.
"Wala akong favorite na filipino artist mahilig ako sa mga libro at palabas kaya wala akong idol idol" Sagot ko "Ikaw na yung nasa outside world wala ka pa? Ako si.. mm.. Sino nga ulit yun? Si.. Si.. Ayun si Win!" Nakangiti niyang sabi.
"Win? Winwyn Marquez?" Tanong ko "Hindi! Si.. Si.. Win! Yung kapartner ni Bright!" Sabi nito.
"Sino yun? Saan mo naman sila napanood?" Tanong ko "Kasi dati may mission kami na alamin ang outside world tapos ayun may naging friend ako na nanonood nung ganun" Sabi nito.
"Ahh.. Binibigyan pala kayo ng mga mission dito?" Ako nan ang magtanong "Oo, minsan lang" Sagot nito.
"Anong favorite mong food?" Tanong nito ulit "Marami. Pero Shrimp na may toyo yung parang adobong hipon basta ayon tapos.. Adobong porkchop" Sagot ko at napatango naman siya "Ang sarap siguro niyan.. alam mo yung ibang ulam niyo nag eexist din dito sa Magic World" Sabi nito.
"Talaga? Tulad ng ano?" Tanong ko "Mga paksiw, friedchiken tapos marami pang iba" Sabi nito tsaka sumubo.
Nag kuwento kuwento pa siya ng iba tapos nag tanong, nag kuwentuhan kami ng nagkuwentuhan pero natahimik ako sa itinanong niya.
"Paano magalit ang isang Luna?" Tanong nito.
Napatigil ako sa pagkain at napa tingin sa itaas. Paano nga ba?
"Pag ako galit.. Ewan umiiyak ako pag galit ako" Sagot ko "Same pero ako kasi nambabalibag ako ng gamit.. Hehe" Natawa naman kami sa sinabi niya.
"Kung malalaman mo ang powers mo ano ang gusto mo at bakit?" Tanong nito.
"Gusto ko sana yung nagpagalaw ako ng mga bagay kasi tamad akong tao" Sagot ko at ang lakas naman ng tawa nito. "Ganun din ako tamad din ako pero hindi tao." Sabi nito.
"Pero gusto ko yung nakakapag pagaling ako ng tao kasi noon hanggang ngayon gusto ko maging doctor kaya nga medtech ang kinuha kong course gusto ko magpagaling o hindi kaya... Kaya ko bumuhay ng mga patay na,ganun" Dagdag ko pa.
"Yung kaklase ko, si Hailey.. Ang powers niya ay healing" Sabi nito "Talaga?"
"Oo kaya nga pag dumadating dito ang mga maskos tapos may napapahirapan silang nilalang ay si Hailey ang nagpapagaling" Sabi niyo "Aww.."
"Gusto mo bang pumasok sa school namin?" Tanong nito "MmmmMm paano ba ang turo doon?" Tanong ko "Kung ano ang turo sa outside world. Pero mostly about powers" Sabi nito.
"Paano ako makakapasok? Enroll?" Tanong ko "Nakapasok kana! Kailangan mo nga lang pumasok sa school haha" Napatawa din ako. Malamang.
Nagkuwentuhan pa kami ng kung ano-ano ni Ali at marami akong nalaman tungkol sa kaniya, at mukhang magkakasundo rin talaga kami kasi mahilig din siya sa libro at pareho kaming favorite ang Historical Book.
May malaki rin siyang library dito sa dorm niya.
"Hala! Pupunta muna akong pangpang hah?" sabi nito "Bakit?" tanong ko.
"We have a fighting lesson, Sama ka ba?" Umling ako "Hintayin nalang kita dito" sabi ko
"Sure ka ba? Boring dito pwede ka naman sumama" Sabi nito. "No, Okay lang ako dito sige na" Nginitian ko siya para ipaalam na okay lang yun at naglaho naman siya na parang bula.
Napasilip naman ako sa bintana ng maliit na bahay or dorm nalang kung tawagin. Lumulutang nga ito, nakaka-amaze talaga, sana ako rin. Gusto ko sana yung nakakapagpagalaw ako ng mga bagay bagay, sana ayun ang kapangyarihan 'ko.
Mahahanap ko rin ang kapang yarihan ko!
Not now but not sure..
Nagpagulong gulong na ako dito at nag iimagine ng fake scenario halos naimagine ko na lahat at onti nalang nababaliw na ako.
Naka tumbling na ako lahat lahat at puwede na ako magsplit dito.
Sabi nga ni duterte baka may parte pa ako ng bahay na to na hindi ko pa napupuntahan.
Hays..Sana sumama pala ako kay Ali sa fighting lesson nila, Nakakaboring pala dito sa bahay nila lalo't wala akong powers.
Magluto kaya ako? wag na baka matawag nila akong firestarter lalo't hindi ako pro sa kusina.
Eh kung hanapin ko kaya yung Powers ko? Saan ko kaya mahahanap yun? Sa drawer? Ano kaya powers ko?
"Baka yung powers ko kaya ko mang exray ng katawan ng tao tapos pag naka kita ako ng lalaki.. Iw Iw Iw!! Such a p*****t Luna!!" Napa sampal nalang ako sa sarili ko at napa higa sa kama.
Sundan ko kaya si Ali? Tama sundan ko siya!
Teka gusto ko siya sundan paano naman?
Napatayo ako at pumunta sa pinto ng dorm at binuksan ito.
"Paano ako makakalabas dito?" Bulong ko sa sarili ko, tatalon ba ako?
Angtaas kaya nito baka mabalian ako ng katawan! Baka makita nalang ako ni Ali na walang braso.
Bakit kasi wala akong kapangyarihang teleportation? Tsaka bakit kasi dito ang dorm nila? puwede naman sa tent diba? hays. Daming echoss.
Tinaas ko ang paa ko at kinapa kapa kung may hidden mirror ba na nandito, at naramdaman kong wala.
Geez! How can i get out here?
Napagdesisyunan ko nalang na tumalon kahit medyo mataas ito, immortal naman ata kami at sure akong hindi ako mamamatay.
Hindi nga ba? Ano ba yan!
Mini mini maynimo ano ang pipilin ko? tatalon o tatalon? one two three.
Tatalon daw talaga ako. Eto na sige na immortal naman ata ako kaya eto na.
Tumalon na ako pero gusto kong pigilan ang sarili ko nang biglang may lalaki pala sa baba. "No No!"
"THE FVCK!!!" Sigaw ng lalaki, Huhu.. Sorry.
Nakahiga ako ngayon sa buhanginan at ang sakit ng katawan ko!
"Sorry" Sabi ko.
"Ano bang katangahan mo hah? bakit tatalon ka diyan sa dormitoryo mo?!" Galit na tugon nito, "Sorry" Ulit ko.
"Para saan pa ang teleportation mo kung hindi mo 'to gagamitin hah?!" Inis niya ulit na sabi.
EH WALA NGA AKO NUN!!!!!
"Nag sorry na ako diba? Hindi pa ba sapat yun?" Inis ko ring tanong "Ikaw na nga ang tumalon saakin ikaw pa galit?" Naiinis na ako sa kaniya. Kung alam niya lang na wala akong powers eh!
"Eh nag sorry na nga ako diba? Hindi ka ba marunong mag accept ng sorry ng ibang tao hah?" Naiinis kong sabi at nagulat ako ng dumilim ang kalangitan at magsimula itong kumulog at kumidlat.
Oh no! Luna naman may kapangyarihan sila remember? Ayan tuloy!!
Tinaas niya ang kamay niya at may pulang kidlat ang namumuo doon.
"Gusto mo bang makuryente sa mga pinagsasasabi mo?" Tanong nito at lumalapit saakin, Hala anong gagawin ko!
Nagsimula ng magtinginan ang mga tao dito at pati sila ay takot na rin "I said i'm sorry" Sabi ko at lalong kumidlat ang kalangitan na akala mo ay galit na galit si papa god.
Siya ang nagco-control ng kalangitan? Kidlat ba ang kapangyarihan niya?
Ilalapit niya na sana ang pulang kidlat na nasa dalawang palad niya na ngayon ay nakakagawa na ng apoy dahil nag ki-kiskisan na ang bawat kislap nito.
"Sorry.."
"Can your sorry remove my anger?" Inis na tanong nito. "So-sorry na nga" Ilalapit niya na sana ang palad niya sa balat ko at napa pikit nalang ako sa takot.
Nagulat ako nang biglang humina ang kidlat sa kalangitan at maging ang kidlat sa palad niya.
Galit siyang tumingin sa likod at nakita namin doon si Ali na naka angat ang kamay at may lumalabas sa palad nita na berdeng ilaw.
Oo nga pala! Nako-control ni Ali ang isang temperatura, galit saakin si kuya na to at nagawa niyang pababain ang temperatura niya pati narin ang panahon.
May kasama sa likod si Ali na dalawang lalaki.
Nagsimula ng bumalik ang panahon sa dati, naging maliwanag na ito at may araw na ulit.
Hindi pa nag i-isang segundo ay nasa tabi ko na si Ali.
"What's going on here?" Tanong ni Ali at tumakbo naman kaagad ang dalawang lalaki saamin.
"Zayn! Muntik ka ng makagawa ng apoy sa dulo ng lawa dahil diyan sa kapangyarihan mo!" Sabi ni... may name tag siya at nakalagay na Sir.Traile
Mas matanda ang mukha niya kumpara samin, "What kind of s**t it is again? Zayn Whoulker?" Tanong ng isang lalaki. So his name was Zayn?
"That girl, it's her fault so don't blame me" Galit na sabi ng Zayn "Its her fault? Ano ba ang nangyari hah?" Tanong ni Sir Traile.
"That girl jump on me!! Did she really using her power ot even her brain!?" Inis na sabi nito. "She didn't mean it, so stop!" Banat naman ni Ali.
"I said sorry but he didn't accept it" Singit ko naman "My whold body hurts and it's because of you!" Sabi ni Zayn at napayuko nalang ako. "Para lang doon? Ang babaw mo naman dre!" Sabi nung isa pang lalaki.
"Anong para lang doon? Ikaw kaya? at kung ano ano pa ang sinabi ng babae na to!" sabi pa nito. "Sorry lang ang sinabi ko!! Wala na akong sinabi pang iba!" Depensa ko.
"Tevi umalis nalang muna kayo" Sabi ni Sir at Tinapik silang dalawa. So he's Tevi,
Paalis na sana si Zayn nang sundan siya ni Tevi at kainin ng liwanag galing langit.
"Luna are you alright?" Tanong ni Ali.
"Don't mind Zayn, Luna. He's damn Warfreak and jerk" Sabi ni Sir. "It was my fault" naka yuko kong sabi.
"Bakit ka ba kasi tumalon?" Tanong ni Ali, "I want to follow you to your fighting lesson but I don't know how to get out in that floating dorm so i jumped but i didn't know that Zayn was there" Kuwento ko. "You should call me" Sabi ni Ali.
" I don't know how" Sagot ko "Just say my name"
"H-hah?" Ano daw? "Pag sinabi mo ang pangalan ko automatic na maririnig ko yun. It's my name" Paliwanag nito. Astig naman!!
"S-sorry, I didn't know na may ganiyan ka palang powers" Sabi ko.
"Mabuti nalang at nakontrol kaagad ni Ali ang lakas ng thunder ni Zayn at napigilan ka niyang kuryentehin" Sabi ni Sir Traile, "I need to go, Sometimes be careful Luna" Naka ngiti nitong sabi tsaka naglaho na parang bula.
"Mapanganib si Zayn, Luna. You should stay in the house" Sabi ni Ali.
"Pero ayoko mabagot sa dorm Ali" Sabi ko naman. "Hindi mo pa alam ang kapangyarihan mo at pag nalaman yun ng ibang tao dito ay maari ka nilang saktan" Sagot niya naman. "Puwede ba sa fighting lesson sumama ako?" Tanong ko.
"You can" Naka ngiti nitong sabi at nginitian ko rin siya.. "Nagugutom ka na ba?" Tanong nito
"A little bit" Sagot ko. "Napagod ka ata sa rituwal mo kanina" dagdag nito at napa laki ako ng mata ko. "HAH?! NAKITA MO AKO?!"
"Oo, ang lakas kaya ng tawa ko kanina" Sabi nito. "My god! Nakaka hiya"
"Okay lang yan, May ganiyan ka palang ka ugalian HAHAH!C'mon. Kain tayo" Sabi nito tsaka hinawakan ang kamay ko at Naglaho na kami.
"Anong gusto mo?" tanong nito "Kahit ano" Sabi ko tsaka pinagmasdan ang mga tao dito.
Grabe parang beach restaurant lang tong cafeteria nila. Marami ring tao dito.
Napapatingin ako sa labas kung saan may mga taong nag suswiming. Parang gusto ko ring magtampisaw.
At napaka rami ding mga.. mga kaharian? ang dami kasing palasyo ey pero maliliit lang ang pinaka malaki ang nasa harapan ng isla na 'to. Sobrang laki nito kahit alam kong napaka layo nito. Kaso puno na ito ng puno at mga gubat gubat.
Ayun siguro ang Ciara. Napansin ko rin na may mga gubat din pala dito pero mas marami ang nandito sa isla.
"Eto na! Kain na tayo" Sabi nito tsaka lunamon na kaming dalawa. "Bukas.. Pasok kana?" Tanong nito.
"Oo" Sagot ko. "Sabi ko sayo hah? Secret mo lang muna yang-"
"Opo, alam ko naman yun Ali" Sabi ko. "Tignan mo Luna yung babae" Turo nito sa isang babaeng cute "Kaaway mo?" Tanong ko. "Hindi ah! Cute niya diba?" Sabi nito "Oh Crush mo?"
"Hindi ano yan tomboy ako? Kaibigan ko yan! EALY!!" Tawag niya sa babae kanina at lumingon naman ito.
Ngumiti yung Ealy tsaka pumunta sa table namin.
"Hi! Hello!" Bati nito. Cute niya para siyang baby tapos naka dalawang pony. "Thank you!" Sabi nito sakin.
Hah? Bakit siya nag t-thankyou? Weird niya! "Hindi ako weird! Masiyado mo kasi akong pinuri kaya nag t-thankyou ako" Sabi nito. Hah?! Pinupuri ko siya?!
Ibig sabihin nababasa niya ang iniisip ko?!"Oo nababasa 'ko. What's your name by the way?"
"Siya si Luna! Oh asan ang kakambal mo?" Tanong nito. "Gusto pa naman siya makita ni Luna" Dagdag ni Ali.
May sinabi ba ako na ganun?
Siniko ko si Ali at tinignan "S-sinabi ko...yun?" Tanong 'ko. "Nakalimutan mo na ba? Kakambal niya si Hailey" Sabi nito.. Hailey.
Wala akong sinabing gusto ko siya makita ah!! Nakaka amaze lang ang powers niya! pero wala akong sinabi! Echoss to si Ali! "Ay ayaw mo makita si Hailey?" Tanong bigla ni Ealy.
"Hah?! h-hindi ah! W-wala lang akong sinabi na ganun pero wala rin akong sinabi na ayoko.. hehe" Sabi ko. "Ganun ba? Next time papakita ko siya. Dontchaworry" Sabi nito tsaka nag laho.
Nakaka amaze talaga shemz! May pa laho-laho sila!!
***
Naloloka.
Ako 'yan ngayon!
Si Ali kasi! Pinabayaan ako na magisang pumunta sa class 'ko daw. Gabi na at sabi niya...
NIGHT UNTIL MORNING ANG PASOK DITO!!
Ang laki laki ng school nila! Amaze na amaze ako nung una. Hanggang ngayon naman eh!
Parang highschool uniform lang sa korea at japan ang uniform dito.
I found it so normal yet amazing.
Inenroll na daw ako ni Ali at ngayon ang first day. Kinulit 'ko kasi siya na gustong gusto 'ko na mag aral.
Eto ako ngayon. Sabog. Malay 'ko bang gabi hanggang madaling araw ang pasok nila? Naimbyerna na ako dito.
Nagulat ako nang may mabangga ako "S-sorry" Sabi 'ko. "Tingin tingin naman oh!" sabi nito.
Edi ikaw tumingin!
Ay sorry sorry! Baka mamaya nakakabasa pala 'to ng braaaaain.
Patuloy lang ako sa paglalakad ko. Asan na ba yung room 333?!
Yung ibang students sito may cloak na suot. Gusto 'ko rin nun!
Asan kana ba powers 'ko?! Hays.
Pero mas uunahin 'kong hanapin si Ali ngayon. Bwisit! Alam niyang baguhan ako eh!
Nagulat nalang ako nang may white ball thunder ang lumipad saakin buti naka yuko agad ako.
Taragis sino namang gunggong ang gagawa nun hah?!
Napatingin ako sa gumawa nun.
This..Is..Not..Fvcking.. Happening!!
Nasa malaki akong lugar na parang anim na basketball court na pinagsama sama. Sobrang lawak!
Puwede akong mag tumbling tumbling!!!!!!!!
Mukhang training room nila to. Tinignan 'ko ang nag palipad saakin ng thunder na yun.
Puta.
SI ZAYN!! YUNG NABAGSAKAN KO KANINA! KAHIYA!!
Nung makita niya ako-- Kasi nag t-training ata sila.
Sinamaan niya ako ng tingin pero nawala 'yun nang nag smirk siya.
May balak ba siya? kuryentehin niya ba ako? No way! No!
Nagulat ako nang bumuo siya ng horizontal red thunder and making it burn.
Naka tingin ang Zayn ngayon saakin!!
Akmang babatuhin na niya saakin yun nang may lumitaw na hindi ganun katandaan na babae.
"Everyone!" Napatigil silang lahat sa ginagawa nila. Oo. Pati si Zayn.. Zayn na NABAGSAKAN ko.
Hindi si Zayn Malik.
"Oh! Nandito pala ang new member natin!" Ngumiti siya sakin.
EMEGEDDDD. Ayoko mapahiya ngayon 'wag niyo akong iharap sa kanila!
"Everyone Fancy (Their School) Has a new student!" Masayang sabi ng babae.
Sana ako din, Masaya.
"C'mon, lady. Care to introduce yourself" Sabi nito tsaka hinila ako sa gitna.
"Hehe.." Tinignan 'ko sila isa isa. Nandito si Ali!
Tsk!
"Im.. Luna Greensmith, I'm new here"
Alam nilang bago ka Luna!
"Can you give us five facts about you?" Salita ng isa sa mga estudyante.
Ano daw? Fvck?
"Five facts daw, Luna" Sabi ng teacher...Ata.
Ahh facts.. Ano bang fact saakin?
"First.. I'm a silent person that really love sleeping, I'm lazy. Second.. I love reading books specially historical and horror books that has a romance.." Sabi 'ko. Huminga muna ako.
"..Third facts.. I like skies, galaxy, stars and moon. Fourth.. I love instruments like violin, piano and guitar and more" Ano pa bang facts ko?
Tsaka kailangan talaga sabihin?
Mag sasalita pa sana ako nang unahan ako ni Zayn. Ohhh No! Nahihiya ako sa kaniya ngayon.
"For your fifth facts.. What is your powers?"
Anong isasagot 'ko? Wala akong maisagot! Ano bang powers ko?
"Baka isa si Luna sa golden circle" Singit ng teacher. Golden circle?
Ang mga nasa golden circle ay ang mga magicals na may powers na cannot define their real powers. Like Zayn. Akala ng iba kidlat talaga ang kapangyarihan niya pero it's not. Hindi lang thunder ang kapangyarihan niya. Hindi niya pa nailalabas ang iba. Isa sila sa mga makapangyarihan. They're the special students that has a triple or more powers.
Bigla nalang may nagsalita sa isip ko! Napatingin ako sa teacher. Ngumiti siya na parang sinasabing siya yun.
So makapangyarihan si ZAYN?!At hindi lang thunder ang powers niya?!
Kamatayan susunod na kaharap ko nito eh!
"Then.. Can she show us?" Wala bang tiwala sakin ang Zayn na to?
Parang pinapalabas niya kasi na wala talaga akong powers eh.
"Yeah! Ipakita mo ang powers mo Luna!" Sunod sunod na silang nagsisigawan. Ngumiti ng mapang asar si Zayn.
Sinasadya niya ba to? Kasi kung oo..
MAMATAY NA SIYA!
Tinignan ko naman si Ali na parang nag aalala. Share your blessings madam!
Bigyan mo ako ng kahit anong powers mo! Kahit ngayon lang.
"Tagal naman nakaka inip. Ano? Asan na?" Bwisit ka Zayn! Ipapahamak mo ako dito sa mga buwaya!!
"Dali na ang tagal!"
"Show your powers na!"
"Baka wala siyang powers"
"Puwede ba yun?"
"Hindi siya makakapasok kung wala siyang powers"
"C'mon show us!"
"Wag kang mahiya!"
Sunod sunod ang mga sinasabi nila.
Ugh! Ano ipapakita ko?
HEEEELP ME PLEAAAAASE!!