Chapter 1: New World

2361 Words
"Mahigpit na i***********l ngayon ang paglabas ng bahay dahil sa matinding bagyo na dumating dito sa Pilipinas suspendido narin ang lahat ng eskuwelahan sa buong pilipinas kahit pa ito'y pampubliko o pribado. Ako si--" Agad kong pinatay ang TV dahil obvious naman na bawal talaga lumabas ngayon. Tinignan ko nalang ang bintana ko at nakita muli ang napaka lakas na ulan at hangin at halos lahat ng puno sa labas ay bumabagsak narin. Sino namang lalabas sa ganitong panahon? Baka nga kapag lumabas ka matangay ka agad ng hangin. Ikamamatay mo pa. Malamang ipagbabawal nila ang pag labas. Mukhang makakaranas nanaman ang Pilipinas ng trahedya. Hays. Kumain muna ako bago naghugas ng katawan at manood ng paborito kong movie. Ito lang ang ginagawa 'ko sa tuwing mag isa o walang pasok. Kung minsan ay namamasyal ngunit dahil nga may bagyo ay hindi 'ko magawa 'yun. Pagnood, pagkain at pagtulog nalang ang kaya 'kong gawin. Habang nanonood ako ay nakarinig ako ng ingay sa labas ng kuwarto ko at inisip ko agad na magnanakaw iyon. Ako lang mag isa sa bahay 'ko, wala akong kasama kaya baka magnanakaw agad iyon sa isip 'ko. Kaya pinatay ko ang laptop ko at dahan-dahang lumabas at sinilip ang labas. Bumabagyo na nga may magnanakaw parin, Tsk! Nang bumaba ako at pumunta sa dining table ay nagulat ako nang may isang matandang babae ang nasa mesa ko. Matandang babae ang magnanakaw sa bahay namin? "Hey!" Pag tawag ko para malaman kung totoo bang nag nanakaw siya o naligaw lang. Pero hindi siya lumingon patuloy lamang siyang tumitingin sa mesa ko na parang may hinahanap. Kaya pumunta na ako sa kaniya at hinarap siya. "Ma-manang.." Napa atras ako nang bigla siyang tumingin saakin. "Ikaw.." Bulong niya. "A-ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. "Ikaw ang itinakda?" Sabi pa ulit nito "Po?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ma-manang pu-puwede naman kayo mag stay dito mukha po kasi kayong naambunan na" Sabi ko. "Marahil nagkamali lang ako ng bahay na pinuntahan" Ang Weird niya! "Ba-baka nga po.. Hehe" Akward kong sabi. 'Yung tingin niya ay parang hindi makapaniwala Bago umalis ay may tinignan siya saakin. Parang pinagmamasdan niya ang kuwintas ko "Lo-lola.." "Saan mo nakuha ang kuwintas na iyan?" Takang tanong nito "P-po?" Lalo akong nagulat nang hablutin niya ito "LOLA AKIN PO YAN!" "Hindi ikaw ang itinakda kaya hindi ito sayo!" Sabi niya rin tsaka tumalikod at akmang aalis na pero pinigilan ko siya. "Huling regalo yan saakin ng lola ko kaya akin na po yan! Pagmamay ari ko po yan" Sabi ko pero hindi niya ako pinansin. "LOLA NAG MAMAKA-AWA PO AKO!" "Sino po ba kayo at ano po bang kailangan niyo? bakit niyo kinukuha ang pagmamay-ari ko?" Tinignan niya lang ako mabuti. "Hindi mo ito pag aari. Ang kuwintas na ito ay para sa babaeng matagal ng hinihintay ng mundo ng mahika" Seryosong sabi nito. Paano niya nagagawang mag biro? "A-akin na po yan ayan nalang ang ala-ala ng lola 'ko ibalik niyo na po yan" Sabi ko ulit. "Sobrang halaga po niyan sa akin! Huwag niyo pong kunin, Please lang po.." Tuluyan niya ng nilisan ang bahay ko kahit umuulan ng napaka lakas. Pero sinundan ko parin siya. Yun nalang ang natitirang remembrance ng lola ko saakin! Agad ko siyang hinabol kahit halos tangayin na ako ng hangin. "AKIN NA PO YAN!!" Sigaw ko "HINDI MO ITO MAARI ANGKININ!" Sigaw niya din "AKIN PO YAN! SA LOLA KO PO ITO GALING!!" Sigaw ko ulit. "Sinungaling!!" sigaw niya rin. "Lola akin na yan!" Paghahabol ko sa kaniya halos maiyak na ako dahil unti unti ko na siyang hindi nakikita dahil ang lakas ng ulan at mahangin pa. "Hindi mo ito pag aari!!" Naririnig kong sigaw niya. "AKIN PO YAN!!" "LOLA AKIN YAN!! BINIGAY 'YAN SAAKIN NG MAHAL 'KO!!" Sigaw ko ulit ng makita ko ulit siya. "LOLA AKIN NA YAN!!" Sa lakas ng sigaw ko ay parang tumigil ang ulan. Tumigil ang buong paligid! Nakita ko ang mga raindrops na pabagsak palamang at Ang mga dahon na nagsisiliparan pero natigil. Anong nangyari? Nananaginip ba ako? "Anong nangyari?" Tanong ni lola, hindi niya rin alam? "Tumigil ang buong mundo" Sabi nito. BUONG MUNDO?! "At dahil iyon saiyo" Tinuro niya ako. Ako? "A-ako? ba-baka nananaginip lang ako" "Ikaw.. Ikaw si Luna Greensmith?" Paano niya nalaman ang pangalan ko? "Lola.. Yung Kuwintas" Yun lang naman ang dahilan bakit hinabol ko siya. Yung Kuwintas. Nagulat ako nang umilaw ito ng sobrang nakakasilaw. "A-anong nangyayari-" "Tumigil ka" *** "Sabihin mo kay Ms.Esmeralda gising na siya" Pagbukas ko ng mata ko ay nakakita ako ng iilang tao at puro sila babae. Asan ako? Anong lugar ito? Sino sila? Agad akong napaupo at tinignan sila isa isa."Si-sino kayo?" Tanong ko. "Huminahon ka. Ali! Ipinatawag mo na ba si Miss Esmeralda?" Salita ng isang babae. "Ako nalang ang tatawag" Sabi nung babae na tinawag niyang Ali. Napalaki ako ng mata ko ng maglaho siya na parang bula. Wait lang... Ano?! Parang hindi mag si-sink in saakin ang nangyari. Totoo ba to? Kinusot kusot ko pa ang mata ko para malaman kung totoo ba 'to. "Sino kayo? Ano kayo? Maligno ba kayo?!" Tanong ko habang kabang kaba ako. Shet! May isang babaeng naglaho! "Maligno? Hindi kami ganun Lady. Tao rin kami" Sabi ng isang babae. TAO DIN SILA?! EH?! Baka namalikmata lang ako. "Oo nga pala, patay na pala ako mula sa pag kakasagasa saakin" natatawa kong sabi. "H-hah? Hindi ka pa patay!" Sabi ng isang babae. Ha? Ibig-sabihin.. Wala pa ako sa kabilang buhay?! Ano ba nangyari? Bakit ganito? isip..isip..isip.. Punyeta?! "TOTOO YUN?!" Malakas kong sigaw at nagulat naman sila. Tinanggal 'ko ang kumot na nakatakblob sa ibaba 'ko at sinubakang umalis. Gulat na gulat sila sa mga pinag-gagawa 'ko. Pero ako ang mas nagulat nang umilaw ang kamay ng isang babae at iangat niya ito at nalaman ko nalang na napapalibutan kami ng mabilog na ilaw. ANO BA TONG NANGYAYARI SAAKIN?! "MGA DEMONYO!" sigaw 'ko Panaginip ba 'to? "Hindi ka nananaginip Lady" Sabi ng isang babae. Don't tell me.. "ILABAS NIYO AKO DITO MGA ENGKANTO KAYO!!!" Tumayo ako para lumabas pero pinigilan nila ako at lumutang ako pabalik sa kama. This is not happening! AAAAAAGGGHHHHHH!!! Biglang dumating ang babae kanina na si Ali kasama yung lola na nakita ko sa bahay ko pero mas bumata ang mukha niya at mukha na siyang dalaga. "Anong kaganapan ito?" Tanong ni Lola. "Pilit niyang lumabas Miss Esmeralda" Sabi nung babae. "Ilabas niyo ako dito! Tatawag ako ng police!" Sigaw 'ko. "k********g ito! Tapos pinapaikot niyo pa ako!" "A-ayan oh" sabi ng mga babae "Iwan niyo kami" Sa pagkasabi niya nun ay biglang tumaas ang balahibo ko nang maglaho silang lahat. Ano 'to? Bakit may pa ganito?! "Luna.. Huminahon ka" Sabi nito. "Sino ka?" Tanong ko. "I'm Esmeralda" Sagot nito. "Ikaw yung lola na nagnakaw ng kuwintas ko. Anong ginawa niyo saakin?" Tanong ko. "Hindi ko ito ninakaw sayo Luna, narito" Itinaas niya ang kamay niyang walang laman pero biglang lumitaw doon ang kuwintas kong Half moon. This is not happening!! "Luna.. wag kang ma-bigla sa mga nakikita mo" Sabi nito. "Pa-paanong hindi? bigla nalang naglalaho ang mga tao dito" Sabi ko. "Ganun ka rin naman Luna, kaya mong gawin ang mga kaya nilang gawin" Sabi nito saakin at hinawakan niya ang kamay ko. "Ako? kaya ko yun gawin?" Tumawa ako sa narinig 'ko. "You're joking right?" "Hindi ako nag bibiro" "Then what the hell? Anong kaya ko rin gawin yun? Comedian ka ba?" "Hindi ako nagbibiro at..oo, May kapangyarihan karin" Napa taas ang kilay ko sa sinabi nito. "Pardon?" "No one knows what's your powers but you have and it's magical because you are the key" Sabi nito. "Hindi po kita maintindihan" "Hindi ka pa handa malaman ang lahat. Ako at si Lisa lamang ang may alam nito" Hah? wala akong nagets ni isa sa mga sinabi niya. "Kailangan mo makita at mahanap ang kapangyarihan mo, Luna at pag aralan ito mabuti hanggang sa ma-master mo na ito" Sabi nito. May kapangyarihan ako? She's joking right? "Kapangyarihan? Powers?" "Oo, Like telekinesis, fire, Shapeshifting" sabi nito "It's all real?" Tanong ko. "Yes and you're one of us, you need to discover your powers" Sabi nito. "Unbelievable" Bulong ko. "Magic are real Luna, At meron karin nito. Some of us are not like others that has a different kind of powers and handle it sabay sabay and some of us was given only one powers" Sabi nito. So totoo nga na may powers powers? "Nandito ka para malaman ang kapangyarihang taglay mo" Dagdag pa nito. "I'll show you" Wala pang isang segundo ay napunta na kami sa isang napaka gandang Isla. "Woah~" "Welcome to Magic Island Luna Greensmith" Sambit nito. Lahat ng akala ko ay haka haka lang ay nandito! Oh My gosh! May serena na naglalangoy! Mga taong may pakpak! Mga animals na hindi ko alam na nag eexist pala. Marami ring tao! Sobrang linis ng karagatan! Wow! "Luna.. Ito na ang mundo mo" Napatingin ako kay Ms Esmeralda. "Dito kana habang buhay" Sabi nito "Dito mo na mararanasan ang pag aaral" sabi nito. "Sobrang nakaka amaze! Totoong may magic! hindi ko alam kung maniniwala ba ako" Sabi ko. "Pero hindi ako magtatagal dito" Si Miss Esmeralda naman ang napatingin saakin. "Wala akong powers katulad niyo at pagtatawanan lamang nila ako" Sabi ko. "Kaya kailangan mo itong hanapin" "Paano?" Tanong ko "Basta" Nakangiti nitong tugon. Nagulat nanaman ako ng lumitaw ang babae kanina na si Ali daw. "Hi Ms.Esme" Bati nito "Hi din sayo.." "She's Luna" Sabi ni Ms Esmeralda "Hi Luna" "Ali.. May roon akong mahalagang gagawin, ikaw nalang ang maglibot kay Luna maayos ba?" Sabi ni Ms.Esmeralda. "P-po? Iiwan niyo ako--" "Wala pong problema" Sabi ni Ali tska naman naglaho si Esmeralda. "Wait!" "Hi Luna I'm Alira Doll! Anong powers mo?" Tanong nito. "Wala akong powers eh" Sagot ko. "That's not true! Hindi ka dadalhin ni Miss Esme dito kung wala kang kapangyarihan. Okay... Baka hindi mo pa nahahanap. Tama?" "Baka, Ikaw? anong powers mo?" Tanong ko. "Me.. I can control a Body, Things or a Season Temperature. I can Teleport and malakas ang pang amoy ko" Sabi nito "Ang dami! Sana all!" Sabi ko. "Sa-sana all?" Hindi ba nila alam yun? "Hindi mo ba alam yun?" tanong ko at umiling nalang siya. "Ah ganun ba? Dibale nalang" Sabi ko. Nag umpisa kami maglakad "Paano ka napunta dito?" Tanong niya "Tanong mo kay Ms.Esmeralda siya ang nagdala saakin dito" Sabi ko. "Maging maingat ka dito sa Magic Island" Sabi nito "Bakit naman?" "Hindi naman araw araw pero once a year tumitingin dito ang milyong milyong Maskos para tignan kaming lahat na nandito sa Magic Island tapos one week silang nandito at sa One week na yun ay naka kulong kami na parang preso" Kuwento nito. "Ano ang Maskos?" Tanong ko. "Mga misteryosong kawal na naka Mask ng metal at pinahihirapan ang mga nandito kapag nandito na sila" Kuwento niya ulit. "May kapangyarihan kayo! Labanan niyo sila" Sabi ko. "Bawal, Ganito kasi yun ikukwento ko sayo" Naghanda talaga ako sa ikukwento niya. "Once upon a time, there was a kingdom build by golds and diamonds work by a magical powers, it named Ciara. The queen Acshie that live and led her kingdom for a long time ago as her sister back in the Ciara everything became a mess and once a tenth sorcerer prophecy that there was a girl living in the tumultuary world will saved the Magic Island under the black goddess regime but it will spend a thousand years." Kuwento nito. Mmmm. It creeps me out. "At bago ang prediction na yun ni Tenth sorcerer eh sinumpa na ng black goddess na habang wala siya dahil alam niya na ang mangyayari ay magpapadala siya ng maraming kawal na pahihirapan kami at mababawasan ang kapangyarihan namin kapag linabanan namin sila at pag unti unti naubos ang kapangyarihan namin puwede namin iyong ikamatay" Kuwento niya ulit. Sino kaya ang babaeng magliligtas sa magic island? "Nine hundred thousand plus years na ang nakalipas at wala parin ang magliligtas saamin" Sambit ni Ali. "Nine hundred thousand years?!?!! Ang tagal na nun ah!" Sabi ko. "At matagal narin talaga kami nahihirapan dito" Sabi nito. "Okay lang yan" Sabi ko. "Darating din siya" "Hi Ali- oh.." Muntik na ako mapasigaw sa gulat nang isang babae ang lumitaw sa tapat namin. "HELENA!!!!" Sigaw ni Ali "Sorry, Hi! si-sino ka?" Tanong nito. "Luna Greensmith" Sabi ko. "Oh! Helena Vernigo nga pala! Friend ni Ali, pero friend mo na ngayon" Sabi nito at napa ngiti nalang ako. Buti pa dito may friend ako. "What's your powers by the way?" Tanong nito. "Wa-wala" Sagot ko "Ikaw? Anong powers mo?" Tanong ko. "No! Hindi ka makakapasok dito kung wala kang powers!" Sabi nito. "Hmm I can protect whoever and whatever i want by using my shield powers build by a water" Naka ngiti nitong sabi. "Ahh.." Tanging sagot ko. "Baka hindi mo pa nahahanap ang kapangyarihan mo, pero I'm sure naman na mahahanap mo 'to eh" sabi nito. "What are you doing here ba Helena?" tanong ni Ali "Surprise lang eh" "Magpapahinga muna kami ni Luna okay? Pagod siya kaya sasamahan ko siya" Sabi ni Ali at magsasalita pa sana siya nang maglaho na kami at nakarating sa isang.. Isla parin at sobra white ng buhangin. "Just show your hands like this in this part Luna and our dorm will appear" Sabi ni Ali tsaka lumabas ang lumulutang na bahay. W-O-W. WOW! "Tara na" Tsaka kami naglaho ulit at napunta sa loob ng bahay. Mas lalo akong nagulat ng gumalaw mag isa ang mga gamit and the bed duplicate! Hanggang sa matapos ito ay nakanganga parin ako. Amazing! Napa dive naman kaagad ako sa kama na nasa kaliwa dahil sobrang na stress ako sa mga nangyari at nakita ko. "Ali puwede ba ako matulog ditoooo?" Tanong ko kasi parang nalang ang katawan ko. "Tulog lang eh, sige na matulog kana hah? Hapon pa naman na sige na Sleep well My new Sissy!" Sabi nito. "Ewan ko lang kung maka tulog ako nito" Sabi ko tsaka ipinikit ang Mata ko. A whole new world~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD