3RD PERSON POV "N-Nothing." mabilis na sagot nito sabay yakap sa kanya. Medyo nagdududa pero, malaki naman tiwala niya kay Cain kaya pinalampas na lamang niya iyon at tumugon sa yakap nito. Napangiti pa siya habang nakasiksik dito. 'Ang bango talaga ng asawa ko hihi.' Bumalik na sila sa kwarto matapos niyang maitanong at malaman ang ibigsabihin ng Z sa pangalan ng kumpanya nito. 'Sa pangalan pala ng nanay ni Cain galing yung Z, Zara kasi ang pangalan nito, akala ko galing sa name ni Zero.' napapakamot sa ulo na saad niya sa kanyang isipan. Sinamahan niya sa Cain sa kusina at kumain sila ng hapunan kasama ang iba. Matapos ay bumalik sila sa kwarto para magpahinga, nagkulitan pa sila at walang sawang kinakausap ni Cain ang baby nila. Lagi namang sumisipa o gumagalaw ang baby nil

